Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 10 - Chapter 8 - I Don't Need A Friend

Chapter 10 - Chapter 8 - I Don't Need A Friend

Chapter theme: I'll Stand By You - Glee Cast

Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko at isa-isang binabasa ang huling convo namin ni Moonlight. Bihira na lang kaming nakakapag-usap nitong mga nakaraang araw dahil busy siya sa pagpapractice with his band. Ayos lang din naman sa akin kung hindi siya masyadong magparamdam. Atleast, hindi ako masyadong maa-attach pa sa kanya.

But who am I fooling? I can easily get attach to anyone and he's not an exception. Masyado na akong nasanay sa presence niya. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang boses niya. That's my biggest problem, at the moment. And the truth is, I'm getting irritated with the fact that I'm missing his presence big time!

I shouldn't feel this way about him. For heaven's sake, Charmelle! Get a good grip of yourself! Seriously, why would you miss someone you barely even know? Sure, textmate kayo, pero hindi ibig sabihin no'n may lugar na siya sa buhay mo, right?

"Charmelle, anong maganda dito sa dalawa?"

I was dragged out from my reverie when I felt Yana playfully nudge at me using her elbow. Nilingon ko siya para malaman kung anong tinutukoy niya. Nakapangalumbaba ito at mukhang problemado habang tutok ang mga mata sa catalogue ng mga bag sa harap niya.

"I'm really torn," she sighed heavily. "I like them both, pero sabi ni mommy isa lang daw ang pwede kong bilhin dahil tambak na ng mga bag sa bahay tapos hindi ko pa sila nagagamit."

"Parang kabibili mo nga lang ng bag last week," puna ko sa kanya.

"Iba naman 'yon at iba rin 'to," ismid niya.

"Paanong iba? Parehas lang namang bag 'yon. Nangongolekta ka na ba ng bag ngayon?"

Tumulis naman ang nguso niya at parang batang nagmaktol. "Sige na. Huwag mo na akong pangaralan. Tulungan mo na lang akong mag-decide, please?"

Lumapit ako ng kaunti kay Yana at sinilip ang mga bag na tinuturo niya sa catalogue. Isang black leather bucket bag at mirror leather chain bag ang pinagpipilian niya.

"Mas gusto ko to," I answered pointing at the black leather bucket bag. "Simple lang pero ang posh tignan."

"You think so?" she asked a bit hesitant. "Parang mas gusto ko 'yung isa. Ang girly kasi tignan."

"Sana hindi mo na lang hiningi ang opinion ko, no?" I spat sarcastically.

"Hirap kasing pumili, eh."

"Bilhin mo na lang kung alin sa dalawang 'yan ang mas matimbang para sa'yo. Ikaw naman gagamit, hindi ako."

"Okay!" she clapped gleefully. "Order na ko mamaya."

Napailing na lang ako. Kapag ginusto niya talaga ang isang bagay, hindi pwedeng hindi niya makukuha. Mabuti pa siya.

"Heto na ang pagkain mo, mahal na prinsesa."

Yana and I looked up at the same time when Earl came to our table. He was carrying a tray with foods he bought for Yana and him. Hindi kasi mahilig magbaon ng packed lunch ang dalawang 'to hindi gaya ko.

"Hey! Thanks sa libre, Bryan!" Yana said happily when Earl put the food he bought in front of her.

"Anong libre? Bayaran mo 'yang pizza mo at ice americano. Alam mo namang ang mahal mahal ng mga pagkain dito sa cafeteria," he complained with furrowed eyebrow.

"Kuripot mo talaga!" Yana sneered, a bit annoyed. She grabbed a 1000 peso bill from her wallet and handed it to Earl. "O, ayan. Baka hindi ka pa makatulog niyan."

Nakakalokong ngumiti naman 'yung isa. "Keep the change?"

"Neknek mo! Yaman yaman mo, kutongero ka!"

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Earl at napasimangot ito. Isinauli niya ang 1000 peso bill ni Yana. "Wala ka bang barya?"

"Wala, eh. Kaya nga libre mo na lang," pang-iinis pa ni Yana.

Napahilamos na lang si Earl sa mukha ng palad niya saka walang imik na kumain ng sandwich. Hindi pa namin nasasabi kay Yana ang tungkol sa sitwasyon niya kaya wala itong ideya tungkol sa ginagawang pagtitipid ni Earl sa allowance niya.

Kumuha na lang ako ng 200 pesos sa wallet ko at inabot 'yon kay Earl. "Ako na lang muna ang magbabayad."

"Hindi na. Hayaan mo na."

"But—"

"Please, Charmelle! I can manage!" Earl hissed that made me almost jump from my seat.

Napatingin din si Yana sa amin na halatang nagulat sa inasal ni Earl.

"I'm sorry," he whispered.

"It's okay," I smiled sincerely. "Naiintindihan ko."

"What's wrong with you?" Yana interjected, her arms folded across her chest. Bakas sa mukha niya ang pagkairita. "Ilang araw ko nang napapansin ha, lagi ka na lang bugnutin. Hindi ka naman namin inaano."

"I'm just having a bad day. Don't mind me," pagdadahilan ni Earl.

"Inaraw-araw mo naman yata 'yang bad day mo," Yana scoffed. "Kung badtrip ka, huwag mo sa aming ibunton!"

"Tama na 'yan," awat ko. "Kain na lang tayo. Baka gutom lang 'yan," I said jokingly trying to lighten up the atmosphere.

Thankfully, Yana listened to me and so was Earl. Kumain na lang kami ng tahimik at bahagyang kinalimutan ang kaunting tensyon na namuo sa pagitan namin kanina.

I glanced at Earl and he caught my gaze. Nahihiyang napakamot na lang siya sa batok niya as he mouthed 'sorry' once again. I just gave him a reassuring nod. Kung hindi ko alam ang sitwasyon niya, maiinis rin ako sa inaasal niya. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi ang suportahan at intindihan siya.

"Look, mukhang may pinagtitripan na naman sila," basag ni Yana sa katahimikan kaya napatingin ako sa kanya. May inginuso siya sa bandang kanan ng cafeteria kaya nabaling doon ang atensyon ko.

Nasa pangatlong table mula sa pwesto namin si Alyssa kasama ang mga kaklase naming mga alipores niya. Unti-unting umiingay ang buong cafeteria dahil sa mga mapanuyang halakhakan nila. Parang sinasadya nilang ilakas ang boses nila para magpapansin.

Nang makita ko kung sino ang pinagdidiskitahan nila, parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko. Likod lang ni Chianna ang nakikita ko mula dito sa kinauupuan ko, pero nasisiguro kong siya ang binubully ng grupo nila Alyssa.

"Kadiri. Ito ba ang baon mo?"

Nakita kong kinuha ni Alyssa ang lunchbox ni Chianna na parang diring-diri. Nakatakip pa ang isang kamay sa ilong nito.

Everyone made a loud gasped when Alyssa spilled Chianna's food on the floor. Inapak-apakan pa nito ang lunchbox ni Chianna.

"Kawawa naman. Dapat nanlilimos ka na lang sa kalsada para may makain ka," gatong pa nung isang kasama ni Alyssa kaya malakas na nagtawanan naman ang ibang estudyanteng nanunuod.

Naikuyom ko ang dalawang kamao ko dahil sa labis na inis. Imbes na tumulong sila, mukhang natutuwa pa sila na may napapahiya sa harapan nila.

Mariin akong pumikit at marahas na bumuga ng hangin. Nang magmulat ako, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Hindi na maatim ng sikmura ko ang ginagawa nilang pagsampal-sampal kay Chianna kaya  napatayo na ako para puntahan sila. Sinubukan pa akong pigilan ni Yana pero hindi ako nagpapigil.

Mabilis akong naglakad patungo sa lamesa nila Alyssa. I could feel my chest rising up and down with so much rage but I did my best to calm my senses and stop myself from making a scene. Because God knows how badly I want to hurt them.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanila, napatigil ako sa paghakbang nang bigla na lang may magsaboy kay Alyssa ng isang pitsel ng tubig.

Napasinghap muli ang lahat ng estudyante na nasa loob ng cafeteria dahil sa matinding gulat. Lahat hindi makapagsalita dahil sa ginawa ni Rena. Samantalang ako, napatakip na lang ako sa bibig ko gamit ng aking dalawang kamay. Hindi ko alam kung anong reaksyon ba ang uunahin ko, magugulat ba o matatawa?

"Wala na naman kayong magawang matino, no?" narinig kong komento ni Rena nang makalapit ako.

Hindi ko na mapigilang tumawa ng malakas nang pagmasdan ko ang itsura ni Alyssa. Shocked was written all over her pale face. She looked so horrifed. Nanginginig rin ito, hindi ko alam kung dahil ba sa lamig o dahil sa galit. Maging ang mga alipores niya ay hindi na rin makapag-react. Basang-basa siya.

"H-How dare you?!" tili ni Alyssa na napapadyak na lang.

Itinuro ni Rena ang sarili saka tinaliman ng tingin isa-isa ang mga kasama ni Alyssa. "Yes, how dare me. Gusto niyo juice naman ang itapon ko sa inyo?" panghahamon pa nito.

"May araw din kayo sa akin!" inis na bulalas ni Alyssa saka nagmadaling umalis ng cafeteria kasama ang mga alipores niya. Ang tatapang kanina, duwag naman pala.

Agad na tumabi ako kay Chianna, habang si Rena naman ay nanatili lang na nakatayo sa harap namin. Nakatungo lang si Chianna habang ang mga nanginginig niyang kamay ay nakapatong sa mga hita niya.

"It's okay. Wala na sila," pang-aalo ko nang mapansing nagtataas-baba ang balikat niya. "Huwag ka nang umiyak, ha? Nandito na kami, hindi ka na nila magagalaw."

"I-Iyong pagkain ko," garalgal na sambit nito habang umiiyak.

Napatingin ako sa sahig ng cafeteria. Nagkalat do'n ang kanin at isang piraso ng sardinas. Parang may kumurot sa puso ko nang may mapagtanto. Iyon lang ba ang baon niya sa araw-araw?

"Tara, doon tayo sa table namin. Sa'yo na lang ang baon ko," malumanay kong saad kaya nakuha ko ang atensyon ni Chianna.

Nag-angat ito ng tingin sa akin habang ilang beses na kumukurap. "Huwag na. Nakakahiya. Magtutubig na lang ako."

"Ano ka ba? Ayos lang," umangat ang kamay ko at marahang pinunasan ang basang pisngi niya. "Dalawang slice naman ng oreo cheesecake ang baon ko. Sa'yo na 'yung isa," I added.

"O-Oreo cheesecake?" tanong nito na parang ngayon lang niya narinig ang pagkain na 'yon.

"Yep! Masarap 'yon. My mom bake it!"

"Okay lang talaga?" nag-aalangang tanong pa nito.

Tumayo na ako at hinila si Chianna patayo. Aayain ko rin sana si Rena na sumabay sa aming kumain kaso bigla itong lumayas. Ang babaeng 'yon talaga.

Bumalik na ako sa table namin nila Earl kasama si Chianna. Walang atubiling pumayag naman ang mga kaibigan ko nang pakiusapan ko sila na hayaan munang sumabay ito sa amin. Lumipat si Yana sa bakanteng upuan sa tabi ni Earl habang si Chianna naman ay pinaupo ko sa tabi ko.

Nilapag ko sa harap ni Chianna ang isang slice ng oreo cheesecake at tahimik na sumubo naman siya ng kapiraso. Mukhang nahihiya pa.

"Ang sarap!" masayang bulalas niya  "Ngayon lang ako nakakain nito."

"Kain ka lang. Ubusin mo 'yan," malambing na sambit ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikita ko ang unti-unting pagliliwanag ng mukha niya. Bakas rin sa magagandang mata niya ang labis na tuwa. Kahit paano, napanatag ako dahil napasaya ko siya kahit sa maliit na bagay lang.

Nakafocus lang ako kay Chianna ng mga sandaling 'yon kaya hindi ko na namalayan ang paglapit ni Rena sa mesa namin. Bigla itong may inabot kay Chianna na plastic tupperware na may lamang carbonara. Napatitig lang ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.

"Luto ni mommy 'yan. Sa'yo na lang," ani nito habang diretsong nakatingin lang sa mga mata ni Chianna.

Chianna was silent for a moment. She bit her trembling lips as tears welled up in her eyes again. Ilang sandali pa ay umiyak na naman ito. Nataranta kami ni Rena kaya sabay pa kaming nag-abot ng panyo sa kanya. Mas lalo naman itong humagulgol kaya hinagod ko ang likod niya.

"Shh. Don't cry. Hindi ka naman namin aawayin, eh." pagpapatahan ko.

"M-Masaya lang ako...kasi ang bait niyo sa akin kahit hindi niyo naman ako kaibigan," hikbi nito.

"Then from now on, magkaibigan na tayo, ha?" I said out loud that took Chianna by surprise. "This time, I won't take no for an answer. Whether you like it or not, friend na tayo," I continued not letting her refused my offer.

"Is it really okay?" she asked shyly.

"Yes!"

"Hindi ba sila magagalit?" tumingin si Chianna kina Earl at Yana na nakaupo sa tapat namin. Sabay na umiling naman ang dalawa.

"Ayos lang sa akin," Earl replied warmly.

"Same!" Yana seconded.

Suddenly, my eyes trailed at Rena who was silently watching us conversing.

"How about you? Friends na rin tayo?" I asked, anticipating.

"No thanks," she replied coldly then walk away.

"Suplada naman!" I mumbled with so much annoyance in my voice.

"Well, that's Rena. From what I heard, hindi daw talaga nakikipagkaibigan 'yan. Na-kick out nga daw 'yan doon sa dati niyang school," sabat ni Yana kaya napatingin ako sa kanya.

Ang pagkakatanda ko, lumipat dito si Rena sa school namin noong second year kami, patapos na ang school year. Naging usap-usapan 'yon sa buong school dahil tinanggap pa rin siya kahit sobrang late na ang pagtransfer niya.

"Bakit siya na-kick out?" I asked curiously.

"May gang daw 'yan, eh. Kaya huwag ka na lang maglalalapit sa kanya. Baka mapahamak ka," Yana warned cautiously.

"Mabait naman si Rena. Gano'n lang talaga siya," pagtatanggol naman ni Chianna.

"Sabagay. Ilang beses ka na rin naman niyang ipinagtanggol," pagsang-ayon ko.

Ngumiti naman si Chianna ng napakalapad. Her eyes had a different glow. "Mukha lang mangangain ng buhay 'yon, pero mabait talaga si Rena. Promise! Cross my heart!"

Natawa na lang ako. "Oo na. Naniniwala na ako."

***

As days passed by quickly, Chianna and I become so close. So close that she already has grown on me in just a short period of time. Para akong nakahanap ng kapatid sa katauhan niya kaya iba ang saya ko sa tuwing kasama ko siya.

Nawala na rin ang pagiging mahiyain niya at mas naging open na rin ito sa akin. Mas madalas nga na siya na ang nakakasama ko kapag gumagala ako after class. Busy kasi si Earl sa part time job niya, samantalang si Yana naman ay dumidiretso na sa shoot niya kapag uwian. Buhay celebrity siya ulit dahil sa dami ng offer na commercial sa kanya.

"Chianna! Nuod tayong sine?" aya ko habang hinihintay siyang matapos sa pag-aayos ng gamit sa loob ng bag niya.

"Sige, pero huwag mo na akong ilibre, ha? May pera pa naman ako," maagap na sagot nito.

Kumapit ako sa braso niya at naglalambing na inihilig ang ulo ko sa balikat niya. "Huwag ka nang gumastos. Ipunin mo na lang ang pera mo, okay? Ako na bahala sa lahat."

"Pero—"

"No buts! Friends tayo 'di ba?"

"Oo naman, kaso ayoko lang kasing isipin mo na kinakaibigan lang kita dahil sa pera mo."

"Baliw! Alam kong hindi ka gano'n," I smiled reassuringly. "Ganito na lang. After nating manuod ng sine, ilibre mo na lang ako ng kwek kwek at fishball doon sa labas ng mall?"

"Kumakain ka no'n?"

"Hindi, pero gusto kong i-try. Mukha namang masarap?"

"Masarap 'yon, sobra! Ililibre kita no'n kahit marami pa kainin mo!" excited na sambit nito.

Magkahawak kamay kami ni Chianna nang lumabas kami ng classroom. Naabutan pa namin si Rena sa hallway na naglalakad sa unahan namin kaya binilisan namin ni Chianna ang bawat hakbang namin para masabayan ito.

"Rena! Sama ka sa amin?" magiliw na aya ko nang pumwesto ako sa gilid niya.

Huminto ito sa paglalakad at salubong ang mga kilay na hinarap ako.

"Ayoko," she said flatly.

"Bakit ayaw mo? Sama ka na sa amin. The more, the merrier!"

"Oo nga! Manunuod kami ng sine," segunda ni Chianna.

"Hindi na. May gagawin pa ako," she declined. I noticed that her expression soften a little bit when she was talking to Chianna.

Bakit gano'n? Para siyang maamong tupa kapag si Chianna ang kausap? Pagdating sa akin, ang sungit-sungit niya? That's so unfair!

"Sama ka na, para naman mas makilala pa natin ang isa't-isa," pangungulit ko. Feeling close na kung feeling close.

Tinaasan naman niya ako ng isang kilay. "Bakit naman kita kikilalanin?"

"Kasi gusto kitang maging kaibigan!"

Tumawa lang ito ng pagkalakas-lakas na parang isang malaking biro ang sinabi ko. Nakakainsulto na siya!

"News flash, I don't need a friend so back off!" iritadong saad nito saka lumayas na lang ng basta.

Napapadyak na lang ako sa inis. Ang sarap niyang batuhin ng sapatos! Who wouldn't need a friend?! Kahit sinong tao sa mundo, kailangan ng kaibigan, no! No man is an island, ika nga nila.

"Hayaan mo na. I'm sure one day, magiging friend din kayo," pampapalubag loob ni Chianna.

Napangiwi na lang ako. "Nah! I doubt it."

Kung ayaw niya, eh 'di wag!

***

"Charmelle, ang mahal mahal nito. Huwag na lang kaya?" maingat na hinubad ni Chianna ang sapatos na ipinasukat ko saka sinuot muli ang luma niyang sapatos.

She's sitting on a gray ottoman in the ladies footwear section of the department store, while I was standing in front of her with my hand on the waist. After naming manuod ng sine, hinila ko siya papunta rito. Napansin ko kasing pudpod na ang sapatos niya at may malaking butas sa bandang hintuturo. Lumalabas na tuloy ang mga daliri niya sa paa.

"No. Let's buy that shoes," I insisted. "Tignan mo nga 'yang sapatos mo, sira-sira na. Baka mamaya bumigay na 'yan, wala kang magagamit."

"May tsinelas naman ako. Iyon na lang gagamitin ko kapag nasira ang sapatos ko," she chuckled.

I can't help but stared at her with pure amazement dancing in my eyes. Habang mas nakikilala ko siya, lalong lumalaki ang paghanga ko sa kanya. Iyong ibang tao diyan, iniiyakan kapag walang bagong gamit. Pero ang babaeng 'to, kahit lumang-luma na ang mga gamit, hindi nagrereklamo. She really knows how to appreciate and value those little things around her.

"Let's go. Bayaran na natin sa cashier," kinuha ko yung box ng sapatos at binitbit na 'yon.

"Wait, Charmelle! Huwag na. Sobrang mahal, eh." pigil pa ni Chianna sa braso ko.

Pinagkatitigan ko siya pero nagbaba lang ito ng tingin. "Ayos lang sa akin kahit 'yung tig-isang daan lang doon sa bangketa. 'Yan kasi libo, nakakahiya na sa'yo. Ang dami mo nang nagastos ng dahil sa akin."

"Kailan ang birthday mo?" I asked out of the blue.

Chianna just looked at me, confused. "Huh? Sa November pa."

"Great! Isipin mo na lang advance birthday gift ko 'tong sapatos na 'to. Okay na ba?"

"Ang tagal pa ng birthday ko. 2 months pa," kontra nito. Matigas din pala ang ulo nito.

"Hmm. Then it's a super duper advance birthday gift. How about that?" I asked as my lips started to form into a triumphant smile when I saw her nodded in defeat.

"Sige na nga. Basta sa susunod na birthday ko at sa mga susunod pa, huwag mo na akong reregaluhan. Sobra-sobra na mga binigay mo sa akin," paglalatag pa nito ng kondisyon.

"Well, I can't promise that!" I giggled and ran towards the counter.

Naririnig ko pa ang mga reklamo ni Chianna habang hinahabol ako pero tinatawanan ko lang siya.

"Kainis ka!" ungot niya nang abutan niya ako sa cashier na nagbabayad na.

"Nakakainis ako?" pagdadrama ko. Sapo ko ang dibdib ko habang umaarte na parang nasasaktan.

"Joke lang!" tarantang bawi niya saka yumakap sa bewang ko. "You're the best talaga! Masyado mo akong ini-spoiled, baka masanay ako."

I looked at her fondly and pinch her nose. "Masanay ka lang. I love spoiling you."