Chapter theme: Never Again - Kelly Clarkson
"Go Bryan, go Bryan, go! Go Bryan, go Bryan, go!"
"Go Bryan! Three points shot mo na!"
Napatakip na lang ako sa mukha ko sa sobrang hiya dahil napakaingay nila Chianna at Yana sa tabi ko. Practice game lang naman itong pinapanuod namin, pero kung makapag-cheer ang dalawa, akala mo naman nasa totoong liga kami. Pinagtatawanan tuloy kami nila coach at ng ibang team mates ni Earl. Pinapagitnaan pa ako nung dalawa kaya halos mabasag na ang eardrums ko sa kakatili nila.
"Hoy, foul 'yon number 7!" sigaw pa ni Yana nang bigla na lang bumagsak si Earl sa sahig ng court matapos siyang masupalpal ng kalaban.
"Hindi foul 'yon. Na-out of balance lang si Bryan," bulong naman ni Chianna kaya napatakip sa bibig ang huli.
"Ay, hindi ba? Akala ko foul eh," bungisngis nito saka bumalik sa pagchecheer kay Earl.
"Wait, saan naman galing 'yang mga pom poms niyo?" takang tanong ko nang mapansin ang dilaw na pom poms na hawak nila sa magkabilang kamay.
"Gawa ko!" Chianna answered proudly. "Gusto mo rin ba?" tanong pa nito.
Akmang may kukunin ito sa backpack niya pero pinigilan ko siya agad.
"Huwag na. Kaya niyo ng dalawa 'yan."
"Okay," nagkibit-balikat na lang ito bago bumalik sa pagche-cheer sa team nila Earl.
Nakakatuwa dahil kasundo ni Chianna ang mga kaibigan ko at pinatutunguhan rin siya ng mga ito nang maayos. Wala akong magiging problema sa kanila, for sure.
Binalik kong muli ang tingin ko sa basketball court. Sakto namang katatapos lang ni Earl
gumawa ng three points shot. Nang magawi ang mga mata nito sa direksyon kung saan kami nakaupo, kumindat ito at nagpapogi. Natawa na lang ako sa kanya.
I felt relieved and happy seeing him play in the court again. I heard everything is going well with their company so he finally quit on his part time job. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni daddy, pero ang sabi ni Earl, napabalik daw ng daddy ko ang mga dating investor nila. Nakaahon na ulit sila mula sa paglubog ng sales nila noong mga nakaraang buwan at balita ko ay may bago rin silang product na ila-launch bago matapos itong buwan ng October. Good for them.
Nang matapos si Earl sa paglalaro, agad na tumakbo ito palapit sa amin. Pawis na pawis ito at basang-basa na rin ang blue jersey niya ng dahil sa pawis kaya inabutan ko siya ng towel para makapagpunas siya.
"Thanks!" he chirped, flashing his baby face smile. "Papunas?"
Kinuha ko ulit 'yung towel mula sa kanya at hinampas ko ito sa mukha niya. Masyadong pa-cute, eh.
"Ayan, punas na."
"Ang sweet mo talaga kahit kailan, Charms!" nakabusangot na usal nito.
Umupo ito sa bench at dinampot ang isang bote ng mineral water. Matapos niyang uminom ng tubig, mataman niya akong tinignan. Iyong tingin na parang may nagawa akong kasalanan sa kanya.
"Bakit?" I asked innocently.
"Makikipagkita ka talaga diyan sa textmate mo?" seryosong tanong nito na halos magsalubong na ang dalawang kilay.
Namilog ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang tanong niya. Wala akong ibang pinagsabihan ng tungkol sa planong pagkikita namin ni Moonlight sa Sabado kundi si Chianna at Yana lang. Hindi ko talaga sinabi kay Earl ang tungkol sa bagay na 'yon dahil alam kong pagbabawalan niya ako. That's what you get for having an overprotective best friend.
I shifted my gaze at the two girls that were gulping nervously. I squinted my eyes a little bit, eyeing them suspisciously.
Chianna instantly raise her two hands in the air and shook her head enumerable times. "Hindi ako nagsabi, ha!" tanggi nito kahit wala pa akong tinatanong.
Tinignan ko naman si Yana. Pasimpleng ngumiti lang ito at nag-peace sign saka marahang tinapik ang mga labi. "Sorry. Daldal ng bibig ko, eh."
I just let out a loud breathe and shook my head in frustration. May magagawa pa ba ako?
"Kain muna tayo bago umuwi?" I suggested trying to avoid the topic.
"Mabuti pa nga! Gutom na ko. Nakakagutom mag-cheer!" Yana immediately agreed to cover me up.
Bigla namang tumayo si Earl at umakbay sa akin. "Tara, kain tayo sa labas. My treat!"
Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil hindi na ako inusisa pa ni Earl.
"Yehey!" Chianna clapped her hands like a happy kid. "Bait talaga ni Bryan! Masaya na naman ang tummy ko."
"Naks, libre! Food here we goooo!" tili pa ni Yana. Hindi ito magkandaugaga sa pagkuha ng gamit niya at nauna pa itong maglakad sa amin. Gutom na gutom lang?
"Sana pala, pinagshower niyo muna ako, no?" nagkakamot sa batok na reklamo ni Earl habang palabas na kami ng gym. Bitbit niya sa kabilang balikat ang duffel bag niya.
"Okay lang 'yan. Mabango naman ang pawis mo," biro ko.
Kinabig naman niya ako palapit lalo sa kanya saka may binulong. "Huwag mo kong utuin. Mag-uusap tayo pag-uwi."
I sweatdrop and smiled cutely at him with hopeful eyes. Sana palampasin na niya ang paglilihim ko sa kanya tungkol kay Moonlight.
"Huwag kang ngumiti. Hindi uubra 'yan sa akin," pagsusungit pa nito.
Napanguso na lang ako. Hindi talaga bagay sa akin ang pangalan kong Charmelle. Hindi kasi tinatablan ng charm ko ang best friend ko.
***
Nasa loob kami ng isang fastfood chain just a few blocks from our school. Marami nang tao dito sa loob dahil pasado alas-singko na rin ng hapon at uwian na ng mga estudyante. But fortunately, nakakuha pa rin kami ng magandang pwesto dito sa second floor, malapit sa glass wall.
We decided to try their best seller which is chaco — a chicken fillet folded like a taco. It was stuffed with shredded lettuce, salsa, tomatoes, taco-spiced mayo and grated cheddar cheese.
I was in the middle of enjoying my food when Yana suddenly burst out laughing. Curious, I stop myself from biting on my chaco and turned to her since she was sitting next to me.
"Bakit?" tanong ko dahil para na siyang mamamatay kakatawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at pulang-pula na ang mukha.
"Si Chianna kasi. Ang dungis kumain," she replied as she tried to pressed her lips together, still on the verge of laughing.
Napatingin naman ako kay Chianna. Mahina akong natawa nang makita ko ang itsura niya. Nagkalat sa pisngi at ilong nito ang sauce ng chaco. Para siyang bata kung kumain. Pati tuloy si Earl, natawa na rin.
"Huh? Bakit kayo tumatawa?" naguguluhang tanong nito.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang buong mukha niya. Hinayaan naman ako ni Chianna na gawin 'yon. May pagpikit pa siya ng mga mata niya habang nililinis ko ang mukha niya.
"Ang sweet. Sana sa akin din," pasaring ni Earl kaya binato ko siya ng nilakumos kong tissue.
"So, Chianna. Anong pakiramdam na lumaki sa bahay ampunan? Mahirap ba?" biglang bulalas ni Yana kaya natahimik kaming lahat.
Dahil katabi ko si Yana, mahina ko siyang siniko sa tagiliran niya. Napansin ko kasi na mukhang hindi comfortable si Chianna sa itinanong nito.
"Ilang taon ka noong napadpad ka do'n?" Yana added and it made Chianna stilled for a moment.
"Hey, stop it." mahinang suway ko but Yana just gave me a 'what-did-i-do' look.
"You don't need to answer, kung hindi ka kumportable," Earl interjected trying to break the awkward atmosphere. "Alam mo naman 'yang si Yana, walang preno ang bibig."
"Hey! Wala namang masama sa itinanong ko."
"Yeah, right. You're being insensitive," Earl replied dryly.
"Ayos lang. Wala naman sa akin 'yon," Chianna responded with a bright smile on her face.
"Sure?" paniniguro ko. Tumango naman ito.
"See? I just want to get to know her. Wala akong masamang intention sa tinanong ko," depensa pa ni Yana.
Sabay na napabuntong-hininga na lang kami ni Earl. Sumandal ako sa upuan habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Chianna. I could see some discomfort in her face, but she still told us her story with a proud smile stretching on her lips.
I guess that's the reason why I like being around her. She's the girl who always see the goodness in everything and her positivity is contagious. She's really warm inside. I'm glad that she's my friend.
***
Pasyado alas-syete na ako nakauwi ng bahay matapos naming kumain sa labas. Hinatid ko pa si Chianna sa Sweet Angels Orphanage at medyo traffic na pauwi. May usapan pa naman kami ni Moonlight na tatawag siya ng saktong alas-syete. Kanina pa panay ring ang phone ko pero hindi ko muna sinasagot dahil gusto ko munang maglinis ng katawan bago mahiga sa kama ko.
After taking a quick shower, I dried myself and hurriedly changed into my silk pajama set. I grab my phone, plumped down on my bed and lay comfortably as I dialed Moonlight's number. Isang ring palang, sinagot na niya agad.
"Sorry, hindi ko nasagot mga tawag mo. Kauuwi ko lang kasi," agad na paliwanag ko bago pa man siya magtampo.
"It's okay. You're worth the wait," he chuckled. He sounded so happy.
"Looks like you're in a good mood? May nangyari ba?" I inquired.
"Wala naman. Excited lang ako sa Saturday."
"Kasi Battle of The Band na?"
"Kasi magkikita na tayo, silly."
"Oh," I smiled secrety. "Same. Excited na rin ako."
"Talaga—"
Bigla kong nabitawan ang phone ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Akala ko kung sino na ang bigla-bigla na lang pumapasok, si Manang Lydia lang pala.
"Charmelle, nasa baba si Bryan. May pag-uusapan daw kayo?" she informed me.
Napabuga na lang ako ng malalim na buntong-hininga bago binalik ang atensyon ko kay Moonlight. Nagpaalam muna ako dito na may gagawin lang ako saglit.
Nagdadabog ako nang bumaba ako ng sala. Nadatnan ko nga doon si Earl na prenteng nakaupo sa mahabang sofa at nanunuod ng basketball sa t.v.
"Ginagawa mo dito?" nakasimangot kong tanong kahit alam ko naman ang sadya niya.
He patted the empty space beside him with a grim look on his face. I've had no choice but to just sit next to him. Pagkaupong-pagkaupo ko palang, malakas na pinitik niya ang noo ko kaya napasigaw na lang ako dahil sa sakit.
"Ouch! My forehead!" I grunted as I glared at him. "What was that for?! Bakit ka namimitik?"
"Para maalog 'yang utak mo."
"The last time I checked, maayos pa naman ang utak ko. Baka sa'yo ang hindi?" I argued.
He look at me flatly. "Sinong matinong babae ang makikipagkita sa isang lalaki na hindi naman niya kilala, aber? Iyan ba ang maayos ang utak?"
"For your information, 3 months na kaming magkatext at magkatawagan. Anong masama kung mag-eyeball kami? Gano'n naman talaga kapag textmate 'di ba?"
"Ewan ko sa'yo! Isusumbong kita sa daddy mo."
Sa inis ko, hinampas ko siya ng throw pillow sa mukha kaya binulyawan niya ako. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata.
"Please, Earl. Kaya ko sarili ko. Don't worry to much, kasama ko naman ang driver ni mommy, eh."
"Paano kung masamang tao 'yan? Paano kung mapahamak ka?"
"He's nice," giit ko.
He sighed, depleted. "Anong oras kayo magkikita at saan?"
"3 p.m. sa may malaking fountain sa gitna ng Mariano Plaza," I answered. "Hindi mo naman siguro ako susundan, no?"
Tumayo ito at umiling saka namulsa sa suot niyang shorts. "Sige na. Goodnight na. Just take care."
"Okay. Thank you for worrying," I smiled.
"Kapag 'yan sinaktan ka, huwag kang iiyak-iyak sa akin," sambit pa niya bago umalis. Binelatan ko na lang siya.
***
Saturday comes and I couldn't even hide my excitement, it was really obvious in the glint of my brown eyes. It has a different spark as I studied myself in front of the full length mirror inside my room.
I was wearing a fitted off-shoulder top in black and a ruffle skirt with a matching pink beret. I also opted for my black leather ankle boots and my hair was fixed in a soft curls and waves in a half-pinned back.
"Do I look good?" I mumbled quietly to myself. I dabbed a little amount of bb cream on my face and put a strawberry flavored lip gloss on my lips.
Dinampot ko ang cellphone ko sa bedside table at napangiti na lang ako sa huling mensahe ni Moonlight kanina.
"I can't wait to see you."
Same, Moonlight. Same.
Nang makuntento na ako sa ayos ko, bumaba na ako ng kwarto. Naabutan ko pa sa sala si mommy. Tumayo ito mula sa pagkakaupo niya at pinamewangan ako. Agad na kumunot ang noo niya nang makita ang ayos ko.
"Saan ka pupunta? Bakit bihis na bihis ka? Makikipagdate ka ba?" she asked, well it sounded like she's interrogating me.
"Sasama lang ako sa shoot ni Yana, mom. They need some extra daw, eh." I replied. Pasimple kong nakagat ang labi ko. I'm sorry for lying mommy.
"Okay. Uwi ng maaga. Huwag masyadong magpagabi. Text mo ko kung anong oras ka uuwi."
"Roger mommy!" I cooed sweetly. Lumapit ako sa kanya at humalik sa magkabilang pisngi niya.
"Take care," pahabol pa nito.
"Yes po!" I giggled.
Nagmadali na akong lumabas at sumakay sa kotse ni mommy. Driver niya ang maghahatid sa akin.
Mabuti na lang talaga madaling mapaniwala ang mommy ko. I'm such a bad daughter. I'm lying to her. Pero minsan lang naman, hayaan na.
***
Quarter to 3 na nang makarating ako sa Mariano Plaza. Agad na nagtungo ako sa malaking fountain at doon ako naupo para maghintay. Nilabas ko ang cellphone ko sa sling bag ko para i-text si Moonlight. Nakailang text na ako sa kanya mula pa nung nasa biyahe ako pero hindi na siya nagrereply. Busy na siguro.
12 p.m daw ang start ng Battle of The Band sa university nila at sila ang unang tutugtog. Tapos na siguro sila? Baka nagre-ready na siya papunta rito.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa ako kabado dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya. I will finally see him again in flesh but this time, wala na siyang maskara. Ano kayang itsura niya? God! I am dying to know.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid para libangin ang sarili ko. Dagsa na ang mga tao dito sa Mariano Plaza. May mga nagbibisikleta habang naglilibot at may ilang kabataan na nagpa-practice ng sayaw. May iba naman na nakikipaglaro at pinapakain ang mga nagkalat na kalapati sa kabuuan ng plaza. Seems like everyone was enjoying their weekend.
I glanced back at my phone. 3:30 na ng hapon. Siguro papunta na rito si Moonlight? Ma-traffic na kasi kapag ganitong oras. Naipit siguro? I tried to call him but he was out of coverage. Low bat na ba siya? I bit my lips in nervousness.
Hindi na lang siguro ako aalis sa pwesto ko para hindi kami magkasalisi.
It's okay Charmelle. Late lang 'yon. He's coming.
4:00. . .4:30. . .5:00 p.m, still no sign of him. Unti-unti na akong nakaramdam ng panglulumo. Hindi na ba siya darating? But he promised, pupunta siya! I tried calling him again, pero out of coverage pa rin.
Kahit alam ko sa sarili ko na wala ng kasiguraduhan na darating siya, naghintay pa rin ako. Sumapit na ang alas-syete ng gabi ngunit kahit anino ni Moonlight hindi ko matagpuan.
Did he stood me up? Obviously!
Natawa na lang ako sa sarili ko. Nanginginig na ang katawan ko dahil sa lamig pero heto pa rin ako, para akong tanga na naghihintay pa rin sa kanya.
Tumayo ako at nagpasyang umuwi na lang. Alas-otso na ng gabi 'yon. Inabot ako ng limang oras sa paghihintay sa taong hindi naman pala darating. Nakakaawa ka, Charmelle. You're so naive!
Paalis na ako ng plaza para bumalik ng kotse nang makarinig ako ng mga yabag na parang may tumatakbo. Bahagya akong nabuhayan nang may tumigil sa likuran ko. Mabibigat ang paghinga niya na parang hapong-hapo. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng sama ng loob ko at sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko.
He came. He really came!
Agad akong lumingon para harapin siya. Bumigat ulit ang dibdib ko nang makitang hindi pala si Moonlight ang dumating. It was Earl.
"Charms," hingal na sambit niya sa pangalan ko. Tagaktak ang pawis niya sa noo.
Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan 'yon ng panginginig. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha sa mga mata ko.
"H-Hindi siya dumating," sambit ko. Pinatatag ko ang boses ko kahit halata namang garalgal na ito.
Nahihiya ako sa sinapit ko kaya napayuko na lang ako at pinagmasdan ang paa ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko kahit anong gawin kong pagpipigil.
"S-Sige na. Pagtawanan mo na ako. Sermonan mo na ako. Pagalitan mo ko. Sabihin mo sa akin 'Ayan kasi, hindi ka nakikinig!' Pamukha mo sa akin na ang tanga-tanga ko—"
Bigla na lang akong hinila ni Earl palapit sa kanya at kinulong sa isang mahigpit na yakap. Pakiramdam ko tuloy para akong isang kawawang bata ng mga sandaling 'yon. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ako tahimik na umiyak.
Wala siyang ibang sinabi. Hindi niya ako sinermonan o sinumbatan. Gaya ko, tahimik lang din siyang nakinig sa mga hikbi ko na sa una ay mahina lang hanggang lumakas ito nang lumakas. Naramdaman ko namang marahan niyang hinahagod ang likuran ko kaya mas lalo akong napahagulgol.
Minsan na nga lang akong magpapasok ng ibang tao sa buhay ko, tapos hindi naman pala worth it.
I should've stay away from him from the start. I should've have run away from him when I still have a chance. I shouldn't get my hopes up so high just to get my heart broken in the end.
And most of all, I shouldn't let myself fall for him. Ang tanga mo lang, Charmelle.