I was just staring at Earl from a distance and had been secretly watching him, ever since I followed him from our school to the mall. I was outside the cinema, while he's in the popcorn stall wearing a red polo shirt with matching red cap. Nasa harap siya ng counter at inaasikaso ang mga customer na bumibili. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya pumapasok? Is he working? But why?
Tila may sariling utak ang katawan ko dahil hindi ko na namalayan ang paglapit ko sa kanya, makalipas ang ilang minutong pagmamasid. Hindi na ako pumila at dumiretso na ako sa harap ng counter kaya nagbulungan ang mga tao sa likod ko. Samantalang si Earl, halos mawalan na ng kulay ang buong mukha niya nang tumambad ako sa paningin niya.
"C-Charms?" kabadong sambit niya sa pangalan ko. Taranta siyang nagpaalam sa kasamahan niya para lumabas ng popcorn stall at hinila ako paalis sa pila.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na halos mapasabunot na siya sa sariling buhok.
Humalukipkip ako at mapanuring tinignan siya. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Anong ginagawa mo dito? Ito ba ang pinagkakaabalahan mo? Hindi ka pumapasok para lang dito?"
"Sinundan mo ba ko dito?" he asked in a deep cold voice. He looked so pissed. What did I do?
"I'm just worried about you that's why I followed you here," I reasoned out.
"You don't have to worry about me anymore," matabang na wika niya. "Just go home and don't tell anyone about this, kahit sa parents ko."
"What? Mali 'tong ginagawa mo. You're only 15! Wala ka ring consent galing sa mga magulang mo kaya hindi ka pwedeng magtrabaho," saglit akong natigilan at napasinghap na lang dahil sa naisip ko. "Wait! Paanong natanggap ka dito?"
"I lied about about my age," sagot nito na parang wala lang, na tila walang mali sa ginawa niya.
Napatanga ako sa kanya ng ilang segundo. I couldn't even utter another word for him.
"Umuwi ka na," mariing utos niya sa akin.
"No!" pagmamatigas ko. I'm starting to get annoyed by the tone of his voice. "Uuwi ako, pero isasama kita. Your parents should know about this. Hindi ko papalampasin 'tong kalokohan mo!"
"Pwede bang huwag ka na lang makialam?!" He yelled at me, his eyes filled with rage. Bahagya akong napapitlag dahil sa biglang pagtaas ng boses niya. "Wala ka namang alam kaya hayaan mo na lang ako na gawin ang gusto ko!"
"Paano ko malalaman, kung hindi ka naman nagsasabi sa akin?!" I shouted back.
I was hurt. I could feel my whole body trembling at the sudden burst of my emotions. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid, pero wala akong pakialam sa kanilang lahat.
Umiwas lang ng tingin si Earl saka kinuha ang kamay ko para sapilitang hilahin papalabas ng sinehan.
Kinagat ko ang labi ko dahil naramdaman kong nanginginig ito. My heart felt heavy, and my vision is getting blurry because of the tears that were already forming in my eyes. Tumingala na lamang ako para hindi ako mapaiyak. Ito ang kauna-unahang beses na sinigawan niya ako. Ni minsan ay hindi pa kami nag-away ni Earl ng ganito.
"Please, umuwi ka na." pagtataboy niya sa akin. Itinalikod niya ako sa kanya at marahang itinulak. "Huwag mo na akong alalahanin pa."
Humarap ako sa kanya at tumitig sa mga mata niya. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin 'to. Concern lang naman ako sa kanya.
Tumango ako. Wala ng emosyon na mababasa sa mukha ko ng sandaling 'yon. "Sige. Simula ngayon, hindi na kita papakelaman pa. Hinding-hindi na rin ako mag-aalala para sa'yo, kung iyon ang gusto mo," sambit ko bago tuluyang naglakad paalis.
***
"Charmelle, try this dress. I'm sure it will look great on you."
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang napakalambing na boses ng mommy ko. I forced a smile and took the mint high-neck dress that she showed me and stared at it for a moment.
"It's pretty," I said, trying to sound happy.
My mom frowned, she look intently at me, as if she was studying my whole face. "Talaga? Bakit parang napipilitan ka lang?"
"No, mommy. Maganda talaga, but it's not my style," pagdadahilan ko saka ibinalik sa rack ang dress na hawak ko.
"May problema ka ba? Kanina pa tayo dito sa mall, pero parang lumilipad ang isip mo sa kung saan. Nag-away na naman ba kayo ng daddy mo?"
"Hindi mommy. Bihira na kami mag-away ni daddy ngayon. Gutom lang siguro ako kaya parang wala akong energy ngayon," I chuckled.
Mukhang hindi kumbinsido si mommy sa rason ko pero bago pa man siya makapagtanong ulit, kumapit ako sa braso niya at nagyaya na kumain. Nagpatianod na lang sa akin si mommy habang hinihila ko siya patungo sa isang filipino-mexican restaurant na nasa 3rd floor ng mall. Nag-crave ako bigla sa mexican food.
"Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakakain dito," bulalas ni mommy habang pumapasok kami sa loob ng restaurant. May malungkot na ngiti sa labi niya kaya naguilty ako bigla.
"Gusto mo ba sa ibang restaurant na lang tayo kumain? Nakalimutan ko na dito nga pala tayo kumakain nila daddy dati."
"I'm fine, baby. Dito na lang tayo. Miss ko na rin naman ang mexican paella nila," she said reassuringly.
"Okay, but if you feel uncomfortable, just tell me."
Pinisil naman ni mommy ang pisngi ko. "Ikaw talaga, napaka-sweet mo."
"Of course. Namana ko sa'yo, eh." I beamed proudly.
Nagliwanag naman ang mukha ni mommy, tila bahagyang nabura ang kalungkutang naramdaman niya kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Naupo na kami ni mommy sa isang bakanteng mesa at agad na lumapit sa amin ang waiter para iabot sa amin ang menu. Tahimik lang kaming dalawa ni mommy habang naghahanap ng makakakain. We both decided to order paella fajita mix and cheesy quesadillas. And as for our drinks and desserts, we ordered houseblend ice tea and sopaipillas — it's a fried pastry.
"Now, tell me. Anong problema mo?" usisa ni mommy nang makaalis na ang waiter na kumuha ng order namin.
Natahimik na lang ako. Akala ko, hindi na siya magtatanong.
"You promise, hindi ka maglilihim sa akin," she added.
Napasandal ako sa upuan at bumuntong-hininga. "Nag-away lang kami ni Earl, mommy."
"Nag-away kayo?" Mahina siyang natawa. "Uso pala sa inyo 'yon?"
"First time na medyo nagkasagutan kami," pag-amin ko.
"What happened? Sigurado akong hindi petty na bagay lang ang pinag-awayan niyo," concern na sambit pa ni mommy.
Gusto ko na lang sanang ilihim ang mga nangyari, pero hindi ako nakatiis. Kinuwento ko lahat ang mga ginagawa ni Earl, pati na rin ang mga napag-usapan namin ng daddy niya.
"How about his mom? Alam ba niya na nagtatrabaho si Earl?"
I shrugged. "Hindi ko alam kung nabanggit na ni tito kay tita Len ang tungkol sa madalas na pag-absent ni Earl. Pero 'yung tungkol sa pagtatrabaho ni Earl na walang consent from his parents, hindi ko pa 'yon nasasabi sa kanila," tumitig ako kay mommy. "Masyado na ba akong nanghihimasok sa buhay niya, kung babanggitin ko sa mga magulang niya ang tungkol sa pagtatrabaho niya ng palihim?"
Mom shook her head and smiled gently at me. "Of course not. Nag-aalala ka lang naman kay Earl. Pero mas makakabuti siguro kung sa kanya 'yon manggagaling. Baka may rason kung bakit niya ginagawa ang bagay na 'yon at kung bakit ayaw niyang malaman pa ito ng parents niya."
"I know that kid ever since you were a toddler. He love his parents so much, and he will do everything to make them proud. Lahat kaya niyang gawin, para sa magulang niya. So, ask him. Siguro may problema siya at nahihiya lang siyang sabihin sa'yo. Alam mo naman ang mga lalaki, ayaw natatapakan ang ego nila."
"Pero sinigawan niya ako, mommy. Na-hurt ako," pagsusumbong ko.
"Nabigla lang 'yon. Sundan mo ba naman, eh. I know you're worried about your best friend, but don't you think you have crossed the line that time?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko at napatungo. Mom had a point though. Mali rin naman ang ginawa kong pagsunod sa kanya ng wala siyang kamalay-malay. I think I've invaded his personal space.
"Galit pa rin ako sa kanya," I said firmly.
Inabot ni mommy ang kamay ko at marahang pinisil-pisil. "I know you, baby. You're a softy like me and your tita Alice. I'm sure bukas o sa makalawa, bati na kayo."
Umismid ako. "Bahala siya. Hintayin ko munang mawala ang inis ko, bago ko siya kausapin."
Natigil kami sa pagkukwentuhan ni mommy nang dumating na ang order namin. Sarap na sarap ako sa paella na kinakain ko nang mapansin ko si mommy na tila hindi nagagalaw ang pagkain niya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang paulit-ulit niyang inaamoy ang pagkain niya, pagkatapos ay hindi rin naman niya isusubo.
"You don't like it?" takang tanong ko. Isa ang paella sa mga favorite niya.
"Hindi. Masarap nga, eh." tugon niya at sunod-sunod na sumubo saka iinom ng ice tea niya.
Natawa na lang ako. "Dahan-dahan lang mommy, baka mabulunan ka."
***
Pasado alas-singko na kami nakauwi ni mommy mula sa paglalakwatsa namin sa mall kaya nahiga na ako sa kama ko matapos maglinis. Ang sakit-sakit rin kasi ng mga paa ko dahil sa ilang oras na paglalakad namin.
"Aba! Wala ka atang paramdam buong araw, ha!" biro ko kay Moonlight nang sagutin ko ang tawag niya.
Nakakailang tawag na ito, pero hindi ko masagot dahil nasa banyo ako kanina.
"Busy lang sa practice. Sasali kasi kami sa battle of the band sa university namin," paliwanag nito.
"Goodluck! Galingan mo, ha? Gusto kitang mapanuod, pero sigurado naman ako na hindi mo sasabihin sa akin kung saan ang school mo. Pa-mysterious masyado," pasaring ko.
"Don't worry, after ng battle of the band, magpapakilala na ako sa'yo."
"Talaga?" I asked with so much excitement in my voice. Napabangon tuloy ako mula sa pagkakahiga ko at sumandal sa headboard ng kama.
"Yes. I promise," he replied.
I can't help but smile at the sincerity in his voice. He really mean it.
"Kailan ba 'yang battle of the band na 'yan?" tanong ko.
"Sa October 12."
"Tagal pa pala! Akala ko naman malapit na dahil ang busy mo magpractice," natatawang saad ko pati siya natawa rin.
"Mga kasama ko kasi sa banda, masyadong perfectionist. Habang maaga pa, pinupulido na namin ang tutugtugin namin."
"Sabihin mo sa kanila, chill lang. Wala kamong perpekto sa mundo."
"But practice makes perfect, right?" kontra naman ni Moonlight.
"Whatever!"
"So, hows your day?" pag-iiba nito ng usapan.
"Ayos lang. Mom and I went to the mall and shop 'til we drop. Ang sakit tuloy ng paa ko," pagkukwento ko.
"Buti naman at mukhang okay ka na. Nitong nakaraang araw ang lungkot-lungkot mo," he mused.
"Paano mo naman nalaman na malungkot ako? Wala naman akong sinasabi, ah."
"Alam ko lang. Nababasa ko sa boses mo. Saulado na kita, eh. Alam ko kapag malungkot ka, kapag masaya ka, kapag inis o galit ka, hindi man kita nakikita."
"Wow! Pwede pala 'yon?" I asked, a bit amazed.
"Yes. Especially kapag gustong-gusto mo 'yung tao."
Nasapo ko bigla ang dibdib ko. Ayan na naman siya, ang lakas-lakas ng tibok.
"G-Gusto mo talaga ko?" bulalas ko. Parang gusto kong tahiin ang bibig ko dahil hindi ko ito nakontrol.
"Hindi pa ba halata?" he chuckled. "I like you since I was 13. At first it was just a crush but then, that crush turned into something deeper."
"Gano'n katagal?!" I gasped in disbelief. I felt like there is something swarming inside my stomach, as my cheeks starting to get hot at his sudden confession. "Niloloko mo ata ako, eh." I continued, trying to sound unbothered.
"Who knows?"
"Kainis ka! Lagi mo na lang akong binibiro."
"Kahit kailan, hindi kita biniro, Charmelle," seryosong sambit nito. "Malalaman mo rin kung kailan ako nagsimulang magkagusto sa'yo, kapag nagkita na tayo. Mas magandang pag-usapan 'yon sa personal."
"Okay. I'll look forward to it!" I said gleefully.
"You should be," he said. I could sense in his voice that he's excited too.
Nagkwentuhan lang kami ni Moonlight gaya ng nakakagawian namin tuwing gabi. Marahil dahil sa pagod kaya mabilis akong dinalaw ng antok habang magkausap kami. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nakikinig sa pagkanta niya. And the thought of finally meeting him one day, made me sleep peacefully that night and put a smile on my lips.
***
Napakabilis talaga ng oras kapag weekends. Parang may pumipihit ng kamay ng oras at tila nagmamadali ang bawat araw kaya hindi ko na napansin ang pagsapit ng Lunes.
Sobrang awkward namin ni Earl sa isa't-isa. Mabuti na lang at hindi pa napapansin ni Yana ang hindi namin pagpapansinan. I'm sure, hindi 'yon titigil sa pagtatanong kung anong pinag-awayan namin. Hindi ko rin naman siya masasagot kung sakali. Ayoko nang pangunahan si Earl.
Nasa tennis court na kaming lahat dahil maglalaro kami ng tennis. Seryosong laro na ito, hindi gaya noong nasa gym kami. Itinali ko ang mahaba kong buhok nang matapos ako sa pag-i-stretching para walang sagabal sa paglalaro ko.
"Goodluck, Charmelle! Fighting!" energetic na cheer sa akin ni Yana nang iabot niya sa akin ang tennis racket ko.
"Thanks!" I smiled at her. She just give me a two thumbs up.
"Maka-cheer naman. Hindi naman 'to tournament," pasaring naman ni Alyssa na nakaupo sa bench sa may bandang likuran lang ni Yana.
Hindi ko na lang siya pinansin. She's not worth of my time. Nagpunta na lang ako sa court, pero mabilis na sumama ang timpla ng mukha ko nang malaman ko kung sino ang nasa kabilang side ng court. Kapag minamalas ka nga naman, si Earl pa ang makakalaban ko.
Boys vs. Girls kami ngayon. This time, depende sa magiging outcome ng game ang magiging grades namin. Parang exam na rin namin 'to sa P.E class.
Lumapit siya sa net at ngumiti sa akin pero nag-iwas ako ng tingin. Narinig ko naman siyang malalim na bumuntong-hininga.
"Galit ka pa ba?" malumanay na tanong nito.
Tipid na umiling lang ako.
"Sorry, for yelling at you the other day," dugtong niya.
I turned to him and stared at him blankly. I'm not really mad at him. Nagtatampo lang. Gusto ko lang naman siyang makausap nang maayos pero sinigawan niya ako. I get it, galit siya dahil sinundan ko siya, pero 'yung ipagtulakan niya ako sa harap ng maraming tao, iyon ang kinakasama ng loob. I treasured my friends so much, can't they do the same?
"Which?" I asked to determined who will serve first, ignoring Earl's sentiments.
"Smooth," he answered, low-spirited.
Pinaikot ko ang tennis racket ko at nang matumba ito, naka-upside down ang letra sa grip. Rough it is. Ako ang unang magse-serve.
I went to the service line and threw the ball in the air and hit it with full force on the baseline to the right. Mabilis namang nakatakbo si Earl sa direksyon ng bola at walang kahirap-hirap na naibalik niya ito sa akin. But before it even landed on my side, I was already in front of the net, returning his shot using a volley.
"15-0!" our P.E teacher announced.
Bumalik ako sa service line at walang sabi-sabi na ibinato ang bola sa ere at hinampas ko ito patungo sa kabilang court. Napakabilis ng ikot ng bola. I could see that Earl was caught off guard. He was about to hit the ball, but it was going to hit his face so he tried to dodge it, losing another point.
"30-0!"
"Hey! Easy! Laro lang, walang personalan," inis na reklamo nito pero hindi ko siya pinansin.
Nagpatuloy kami sa paglalaro at nang matapos kami sa rally namin, parehas kaming hingal na hingal. Napahiga na lang si Earl sa gitna ng court dahil sa matinding pagod. Nagtataas-baba ang dibdib nito. Nakita ko pang inabutan ito ni Yana ng tubig.
"Nice game! As expected from you Villarico and Davis," puri ng P.E teacher namin sa aming dalawa ni Earl bago bumaling sa akin. "Why don't you join our school's tennis club? You'll be a great asset."
"Hindi na, sir." I declined. "Wala po akong hilig sa ganyan."
Umupo na ako sa bench at nagpaypay sa sarili ko gamit ang dalawa kong kamay. Maya-maya pa ay may nag-abot sa akin ng isang bote ng tubig. Napangiti na lang ako nang lumingon ako sa gilid ko. It was Chianna.
"Thanks!" I beamed.
"W-Welcome!" sagot nito na tila nahihiya at nagmadaling umalis para maupo sa pinakadulong bench.
Napailing ako at nakaramdam na naman ng panghihinayang. Maybe someday, magiging magkakaibigan din kami?
Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa tennis court. Si Yana na pala ang naglalaro.
"Charms."
Biglang may humarang sa paningin ko kaya napatingala ako. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makitang si Earl pala at nakangiti ito na parang timang.
"Huwag mo kong ngitian! May kasalanan ka sa akin," inis na singhal ko sa kanya.
"I know. I'm sorry," bigla niyang kinuha ang braso ko at hinila ako patayo. "Tara sa pavilion?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kita mong nasa gitna tayo ng P.E class natin?"
"Eh 'di tumakas tayo. Tapos naman na tayong maglaro."
"Wha—"
Hindi ko na natapos ang pagrereklamo ko dahil bigla na lang sumigaw si Earl, dahilan para panlakihan ko siya ng mga mata.
"Sir, sa clinic lang kami! Masama po ang pakiramdam ni Charmelle," pagsisinungaling niya.
Ang teacher naman namin ay napakadaling mapaniwala. Tumango lang ito sa amin bilang pagpayag.
"Siraulo ka talaga!" singhal ko kay Earl pero kumindat lang ito. Inabot niya ang kamay ko kaya napasunod na lang ako sa kanya.
Nang makalayo na kami sa tennis court at nang masiguro kong wala nang makakakita sa amin, malakas na pinaghahampas ko siya sa braso.
"Nakakainis ka! Tinuruan mo pa akong mag-cutting! Hindi tayo bati! Huwag mo kong kausapin. Hindi na kita best friend!" paulit-ulit na sigaw ko sa kanya.
"Aray! Charms, saglit!" daing niya sa bawat paghampas ko. "Huwag kang mamalo! Magpapaliwanag na nga, eh." mangiyak-ngiyak na reklamo niya.
Tumigil ako sa pambubugbog sa kanya at pinaningkitan siya ng mga mata. "Hindi ba pwedeng mamayang uwian na lang? Kailangan talaga ngayon?"
"May trabaho ako after class," sambit nito at nahihiyang napayuko. "Doon tayo sa pavilion, para walang tao."
"Okay," I let out a frustated sighed. "Siguraduhin mo lang talaga na valid 'yang rason mo, kundi itatakwil na kita bilang kaibigan ko," pananakot ko pa.
Hindi ito umimik at nauna na itong maglakad patungo sa pavilion. Wala akong magawa kundi sundan na lang siya. Nang makarating kami sa loob, umupo si Earl sa upuang gawa sa semento, samantalang nanatili lang akong nakatayo habang nakasandal sa lamesa sa harapan ni Earl.
Nakatungo lang ito habang sapo niya ang ulo sa dalawang kamay niya.
"Now, speak." I commanded, growing impatient as he remained silent for a couple of minutes.
Ilang minuto pa ang muling lumipas bago ito mag-angat ng tingin sa akin at ngumiti. Isang malungkot na ngiti.
"I need that job, Charmelle. Para kahit papaano, hindi na ako umasa sa mga magulang ko sa mga gastusin dito sa school," seryosong saad nito.
"Niloloko mo ba ako?" pataray na sambit ko. "Why would you need a job? You're freaking rich."
Pinagkatitigan niya lang ang mukha. Basa ko sa mga mata niya ang hindi maipaliwanag na emosyon.
"Na-bankrupt ang kompanya ni mommy," sambit nito sa mahinang boses pero sapat na para makarating sa pandinig ko.
I stilled for a moment trying to process everything. Tama ba ang narinig ko? Imposible. My dad is one of their investor.
As if he was reading my mind, Earl supplied to my aid. "Nagpull out na ang lahat ng investor sa kompanya ni mommy, ang daddy mo na lang ang natitira. Pero kahit pa malaki ang investment niya, hindi sapat 'yon para maiahon ang kompanya ni mommy. Lubog na kasi 'yon sa utang."
Napahawak ako sa lamesa dahil parang bibigay ang tuhod ko sa nalaman. "Paano 'yon nangyari? Your business is doing good! Mataas pa nga ang sales niyo noong mga nakaraang buwan."
"Wala eh, may nagtraydor kay mommy, tapos ninanakawan pala siya ng kapatid niya at binenta sa kalabang shoe company namin ang mga business proposal ng kompanya. Huli na ang lahat bago pa man ito magawan ng paraan."
"Earl," nanghihinang sambit ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin para mapagaan ko ang kalooban niya.
"Kaya ako nagtatrabaho, para kahit paano, hindi na nila alalahanin pa ang pag-aaral ko. Narinig ko kasi na balak nilang ibenta 'yung bahay para may pang-aral ako next school year."
"Kakausapin ko si daddy, baka matulungan niya pa ang kompanya ng mommy mo. Baka may magawa pa siya," I said with desperation.
Marahas na umiling si Earl. "I know you would do that kaya wala na sana akong balak sabihin sa'yo 'to. I appreciate your help, but let's leave it to them. Problema na ng pamilya ko 'to. Kung tutulong man ang daddy mo sa amin on his own will, tatanawin kong isang malaking utang na loob sa kanya ang bagay na 'yon."
Hindi ko na mapigilang mapaiyak dahil ramdam kong nahihirapan ang best friend ko sa sitwasyon niya, pero wala akong magawa. Minsan gusto ko na lang tumanda agad, para kahit paano, may magawa ako para sa mga tao sa paligid ko sa tuwing nahihirapan sila.
Naramdaman kong hinawakan ni Earl ang kamay ko at pilit akong pinapatahan. "Huwag kang umiyak. Everything will be okay. Ayos lang sa akin kahit sa public school na ako mag-aral next year, basta huwag lang kami lumipat ng bahay. Ayokong mapalayo sa'yo — sa inyo. So, please Charmelle? Do me a favor. Hanggang kaya mong maglihim, huwag mo sanang sasabihin kina daddy ang tungkol sa pagtatrabaho ko."
Tumango-tango na lang ako habang nagpapahid ng luha. "B-Basta, huwag mong pabayaan ang pag-aaral mo ng dahil lang diyan, kundi magagalit na talaga ako sa'yo."
Tumayo siya at pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Thanks."
"Welcome. Best friend tayo, eh. Through thick and thin."
"Best friend," he mumbled as he messed with my hair. "Kahit kailan talaga, hindi ko nagustuhan ang salitang 'yon."
"Huh?" naguguluhang tanong ko. "Ayaw mo na akong best friend?"
Pinisil niya naman ang ilong ko na namumula na dahil sa kakaiyak ko. Lalo tuloy pumula 'yon.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin," makahulugang wika niya saka umakbay sa akin. "Tara na nga, best friend."
I'm glad, bati na kami pero nalulungkot pa rin ako para sa kanya. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi humiling na lang na sana, maging maayos lang ang lahat para sa kanila.