Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 6 - Chapter 4 - Don't You Dare

Chapter 6 - Chapter 4 - Don't You Dare

Chapter theme: Broken Hearted Girl - Beyonce

"Ang tagal naman ni Bryan. Nagugutom na ako!" humahaba ang ngusong reklamo ni Yana habang nasa loob kami ng isang bagong bukas na fine-dining restaurant. It has a high-ceiling and wide panoramic window that frame it's red and brown-toned interiors.

Nagyaya si Yana dito after ng klase namin kaya nakasuot pa rin kami ng school uniform namin. Gusto niya raw subukan ang authentic Australian dishes nila dito. Susunod na lang daw si Earl dahil may meeting sila sa basketball team. Maraming tao at halos wala nang maupuan, pero may reservation na si Yana, 2 days ago pa. Nasa second floor kami at nasa tabi ng glass window ang mesa namin.

"I-text mo na nga muna si Bryan, mamaya na 'yang si Moonlight mo."

"Na-text ko na. Malapit na daw siya," tugon ko habang nagtitipa ng message for Moonlight.

Walang araw na hindi kami nag-uusap nito. Kapag nagtext siya, nagrereply ako agad basta hindi busy, gano'n din naman siya.

"Charmelle ha, masyado ka na atang attached sa lalaking 'yan. Ingat-ingat. Ang puso, baka masaktan."

Nilapag ko ang cellphone ko sa mesa at tumitig sa kanya. "We're just friend, okay?"

"Friend lang ba talaga? Mukhang iba na, eh. Iba 'yang ngiti mo sa tuwing kausap mo siya."

I frowned. "Paanong iba?"

"You look like you're in love. And your eyes, it has a different spark. Ngayon lang kita nakita na ganyan sa lalaki," she pointed out.

Natawa na lang ako. "Sira. Guni-guni mo lang 'yan. In love? Nakakain ba 'yon?"

Pabiro namang umirap si Yana. "Kapag ikaw na-fall diyan at hindi ka niyan nasalo, who you ka sa akin. Uso pa naman ngayon ang mga pa-fall."

"He's nice," I said defensively.

"Bahala ka nga. Basta ako nagpapayo lang," nangalumbaba siya at tumingin sa baba nang biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Bryan's here!" bulalas niya.

Tumingin rin ako sa baba, nakita ko si Bryan na kabababa lang ng taxi at papasok na sa loob ng restaurant. Ilang saglit pa ay nakarating din siya sa puwesto namin.

"Yo!" bati niya saka umupo sa tabi ko. Suot-suot pa nito ang violet na varsity jacket niya.

"Tagal mo!" reklamo ni Yana.

Napakamot na lang si Earl sa batok niya. "Sorry. Tagal ni coach magpa-meeting, eh."

"Whatever, Earl." Yana retorted.

"Huwag mo nga kong matawag-tawag na Earl. Si Charmelle lang ang allowed tumawag sa akin niyan." Bumaling siya sa akin. Nagtataas baba ang kilay niya. "Di ba?"

Dinampot ko ang menu at mahina ko siyang tinuktukan sa ulo. "Ewan ko sa'yo."

"Arte. Earl or Bryan, ikaw pa rin naman 'yon," saad pa ni Yana kaya napabusangot na lang ang huli.

"Order na nga tayo," untag ko.

"Mabuti pa nga. Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan dahil ang tagal-tagal dumating ng isa diyan."

Earl just sighed, defeated. Dinampot na lang niya ang menu at naghanap na rin ng makakain.

***

Panay lang ang kwentuhan namin ng kung anu-ano habang naghihintay. Halos 20 minutes na rin ang lumipas mula ng kunin ng waiter ang mga order namin. Nang dumating ang mga pagkain namin, bigla kaming natahimik at para kaming magkakaaway dahil hindi kami nagkikibuan. Ang sasarap kasi ng pagkain nila.

We were in the middle of savoring our lamb leg roast when we heard a loud crash of breaking glass from the distance. Napalingon kaming lahat sa naghuhuramentadong sigaw ng isang babae. Agaw eksena talaga ito.

"Ano ba?! Look at what you did? Nadumihan na ako! Why are you so clumsy?!" sigaw ng ginang. Mukhang nasa late 40's na ito. May mantsa ng red wine ang suot niyang white satin midi-dress.

Nakaluhod naman sa harapan niya ang waitress na mukhang nabunggo siya. Paulit-ulit na humingi ito ng tawad habang nagpupulot ng bubog.

"Ma'am, p-pasensya na po talaga. H-Hindi ko po sinasadya," garalgal na ang boses nito dahil sa pag-iyak niya.

"Sorry?!" bulyaw sa kanya ng ginang. "Alam mo ba kung magkano 'tong dress ko?! Kahit habang buhay kang magtrabaho, hindi mo 'to mababayaran!"

"Sus! Magkano lang naman 'yang damit niya. Hindi naman milyones. Bilhan ko pa siya ng marami," pabulong na sambit ni Yana. Bakas ang pagkairita sa mukha niya.

"That's why I hate rich people," bulalas ko.

"You're rich, remember? You belong to one of the richest family in our country," Earl reminded.

Napangiwi na lang ako. "Okay. Let me rephrase that, I hate privilege people. Lalo na 'yung masyadong mataas ang tingin sa sarili, gaya niyan."

Binalik ko ang tingin sa ginang. Gusto kong tumayo sa kinauupuan ko nang bigla na lang niyang sipain sa mukha ang waitress pero nasalag ito ng mga braso niya.

"Sobra naman!" Hindi ko na mapigilang mag-react. Napahampas pa ako sa lamesa namin.

"Chill," suway ni Earl.

Paano ako magiging chill kung may nakikita akong tao na sinasaktan sa harapan ko?

Mabuti na lang at namagitan sa kanila, manager ata ng restaurant. Tinulungan niyang makatayo ang tauhan niya at pinaalalayan paalis sa mga kasamahan nitong waitress. Iyong manager na ang nakipag-usap ng mahinahon sa babae. Mukhang nasa side ng waitress ang manager niya. Aba! Dapat lang! Customers are not always right!

***

Days passed by in a flashed, and before I knew it, first week na ng August. Sunod-sunod na ang exam namin pero madalas, na-mimiss ko ito dahil kung saan-saan na lang ako dinadala ni daddy.

Nakasakay kami ngayon ni daddy sa golf cart kasama ang caddie niya habang binabaybay ang napakalawak na golf course ng Viride Golf Country Club dito sa Batangas. Pinasama ako ni daddy sa kanya kahit hindi naman talaga ako naglalaro ng golf. I'm sure, ipagyayabang lang naman niya ako sa kung sinumang makakalaro niya ngayon.

Kanina pa ako bugnot na bugnot, at wala akong ibang ginawa kundi bumuntong-hininga na lang. May exam ulit kami ngayon, pero excuse ako dahil lang dito. Sasabihin na naman ng mga kaklase ko, masyado akong pa-special. Kung ako lang naman talaga ang masusunod, mas gusto kong pumasok, kaysa sa makisalamuha na naman sa mga matataas na tao sa lipunan.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya dinukot ko ito mula sa front pocket ng suot kong chalk purple rangewear dress. Lahat ng inis ko, nawala sa isang iglap nang mabasa ang text ni Moonlight.

From Moonlight:

'Nasa country club na kayo?'

Nabanggit ko kasi sa kanya na isasama ako ni daddy dito sa country club.

'Yeah. I'm bored,' I replied and he replied back in a jiffy.

From Moonlight:

'Enjoy! Hindi muna kita aabalahin. :)'

Magrereply pa sana ako, kaso pinapababa na ako ni daddy. I looked around, I can't help but feel impressed as my eyes trail at the long and wide fairway. Palagi akong sinasama ni daddy kapag maglalaro siya ng golf, kaya masasabi kong ito na ang pinakamalaking golf course na napuntahan ko. Trees, bunkers and water hazards are strategically laid out all over the 18-hole championship golf course.

"Let's go," aya ni daddy at inabot ang kamay ko.

Humawak ako sa kamay niya at nagpatianod na lamang sa kanya habang nakasunod lang sa likuran namin ang caddie niya. Nasa teeing ground kami kung saan naghihintay ang mga kaibigan ni daddy. For sure, about business lang din naman ang pag-uusapan nila. Magiging palamuti na naman ako ngayon.

"Serg! Buti nakarating ka, long time no see!" salubong ng isang lalaking nakasuot ng grey na polo at black pants. He looks like in his 50's already and his white hair is showing up sa suot niyang puti na visor.

"Of course! I won't miss this for the world," my dad said with enthusiasm.

"Is that your daughter?" tanong naman nung isang may ka-edarang babae. Nasa likod nito ang caddie niya.

She's wearing a white sleeveless polo shirt and a black skort, matching her white golf shoes. I think magka-edad lang sila ni daddy, pero wala man lang akong makita na kahit isang kulubot sa mukha niya. Nasa tabi naman niya ang isang binatilyo. He's wearing a cyan polo and black pants. Anak niya siguro dahil magkamukha sila.

Namilog ang mga mata ko nang makilala ko 'yung babae! Halos ilang linggo na rin ang lumipas, pero hinding-hindi ko malilimutan ang eksena sa restaurant kung saan nakita ko siyang hinamak 'yung waitress.

What a small world.

Umakbay sa akin si daddy, may pagmamalaki sa boses niya nang ipakilala niya ako. "She's my unica hija, Charmelle. Hija, this is Tanya, my college friend. And that guy," tinuro niya 'yung lalaking unang sumalubong sa kanya. "He's a pro golfer."

"Call me tito Kevin," he smiled.

"Good morning po," magalang na bati ko sa kanila. Hindi ko ipinahalata ang pagkaasiwa ko doon sa babaeng kaibigan ni daddy.

Lumapit 'yung babae sa akin. Nailang ako nang halikan niya ang magkabilang pisngi ko.

"You are so beautiful, hija." puri niya.

"Thanks po," I smiled inwardly.

"Just call me tita Tanya. Mapapadalas na ang pagkikita natin dahil magiging business partner na kami ng daddy mo," magiliw na saad nito.

Tumingala ako kay daddy, ngumiti lang ito bilang sagot. Oh, how I missed his smile, but right now, I don't know if it's a real one.

"By they way, this my son," pakilala ni tita Tanya sa anak na nasa tabi niya. "He's 1 year older than you and he's going in the same school as you."

"Nice to meet you," bati ko dito.

Tumango lang ito. "Likewise."

Kagaya ko, mukhang nabubugnot din ito dahil hindi man lamang ito ngumingiti.

"I hope you'll get along, hmm?" tita Tanya added.

I just give her a meek nod. "I'll try."

"Great!" she clapped. "I'm really happy to finally meet you, hija. I'm sure, magkakasundo tayo agad. Let's go shopping some other time?"

Tipid na tumango na lang ako sa invitation niya, pero sa kaloob-looban ko, sumisigaw na ako ng 'ayoko'.

"Okay! Tama na muna 'yan," sabat ni tito Kevin. "Maglaro na tayo habang hindi pa mainit."

Sumunod kaming lahat sa kanya hanggang sa makarating kami sa 1st hole sa west coast. Nakamasid lang ako sa kanila nang magsimula na silang maglaro. Nakatayo lang din sa tabi ko si Darcy habang nakahalukipkip. Binalot kami ng katahimikan at ang tanging paghampas lang ng golf club sa bola ang naririnig ko.

"Ayaw mong maglaro?" Darcy asked to break the ice.

"Hindi ako marunong," I answered, my eyes still focusing on my dad.

"You want me to teach you?" he politely offered. "Boring naman kung manunuod at bubuntot lang tayo sa kanila."

Tumingin ako sa kanya. He's taller than me kaya kailangan ko siyang tingalain. "Sa Meilleur ka rin pala nag-aaral?" paglilihis ko ng usapan.

"Yeah. 4th year na ko. Lagi kita nakikita sa school. I never thought that I would see you this upclose," he chuckled. "Anyway, are you trying to change the topic?"

"Parang gano'n na nga," I blurted out with all honesty.

"Okay. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong maglaro."

"Thanks!" I smiled. I thought he's a snob, pero mabait naman pala.

"What can you say about my mom?" he asked out of the blue.

'Your mom? Ayun, nanipa lang naman ng taong walang kalaban-laban dahil nadumihan ang dress niya,' sagot ko sa isipan ko.

Napabalik ang tingin ko sa fairway kung nasaan sina daddy. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil hindi ko gusto ang nasasaksihan ko. Nasa likod ni tita Tanya si daddy, habang ang kamay niya ay nasa braso nito. Tinuturuan siya ni daddy ng tamang pagswing ng golf club. Ang isang kamay naman ni daddy ay nasa likod ni tita Tanya at inaayos ang postura nito. Matapos hampasin ni tita Tanya ang golf ball, nagtatatalon ito sa tuwa at napayakap kay daddy dahil maganda ang tira niya.

I suddenly feel a tight knot inside my chest because of their closeness. Malisyosa ba ako?

"Is there something going on between them?" Hindi ko mapigilang magtanong.

Nagkibit-balikat lang si Darcy at namulsa. "I don't know. Kung meron man, ayos lang sa akin. I just want my mom to be happy. If she wants to get married again, then I'll support her. Kapag nangyari 'yon, magiging magkapatid na tayo. That would be great, right?"

Hindi ako nakaimik dahil biglang bumigat ang pakiramdam. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa isipang 'yon.

"Sa clubhouse muna ko," paalam ko.

Mabilis akong naglakad paalis at hindi ko na nilingon pa si Darcy kahit makailang ulit niya pang tinatawag ang pangalan ko.

Sa bandang kaliwa ko ang clubhouse, pero nagdire-diretso ako. Hinayaan ko ang mga paa ko na dalhin ako nito sa kung saan. Malayo na ako sa kinaroroonan nila daddy dahil hindi ko na sila matanaw. Tumigil lang ako sa paglalakad dahil wala na akong madadaanan. Isang malaking fountain pond na ang nasa harapan ko.

"Huwag kang masyadong lumapit, malambot na ang lupa sa banda riyan. Baka mahulog ka."

Napalingon ako sa lalaking sumita sa akin. His voice sounded a bit hoarse. Para siyang paos. He's wearing a white jumpsuit na katulad sa mga caddie dito at may benda naman sa kanang kamay niya.

"Member ka ba rito?" tanong nito. Bahagya itong lumapit sa akin.

Saglit akong natulala nang mapatitig ako sa mukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito kagwapo, para siyang isang character na lumabas mula sa webtoon. I am not exaggerating. The word handsome is too simple to describe his strong jawline, icy lips and slightly upturned nose. His wide set of eyes looks hypnotizing too. I feel like it will penetrate my soul if I look into it.

But why does his eyes looks familiar? Parang nakita ko na ang mga mata niyang 'yon?

"Miss? May problema ba? Bakit nag-iisa ka dito?"

Napabalik ako sa wisyo ko nang marinig ko ang malambing niyang boses kahit namamaos ito.

"I'm fine. Gusto kong mapag-isa, pwedeng iwan mo muna ako?" pakiusap ko.

Tumitig lang ito sa mukha ko bago tumango at ngumiti. "Okay."

Nang makaalis ito, umupo ako sa damuhan at niyakap ang tuhod ko. Nakatitig lang ako sa malinis na tubig sa pond fountain. Napakalinaw nito. Kitang-kita ko ang mga gold fish na lumalangoy dito.

Sa totoo lang, gusto kong may makausap, baka sakaling gumaan ang mabigat sa dibdib ko pansamantala.

Kinuha ko na lang ang phone sa bulsa ko at tila may sariling utak ang kamay ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinatawagan ang numero ni Moonlight.

Matagal bago niya sagutin ang tawag. Nakailang ring din ito. At nang marinig ko ang boses niya, agad na kumunot ang noo ko.

"C-Charmelle?" he asked almost in whisper.

"Paos ka?" nagtatakang tanong ko habang nililibot ko ang tingin ko sa paligid. Sa hindi malamang dahilan, hinanap ng mga mata ko ang lalaking kumausap sa akin kanina.

Ano ba 'tong iniisip ko? Imposibleng siya 'yon.

"Yeah. Tatlong araw nang magkakasunod kaming nagpa-practice. Wala na kaming pahinga, napaos tuloy," paliwanag nito pero lumilipad ang isip ko sa kung saan.

"Nandito ka ba?" bigla na lamang lumabas sa bibig ko ang mga katagang 'yon kaya napailing na lamang ako sa sarili ko.

"Huh? What do you mean?"

"Nothing. Iniisip ko lang, baka nandito ka. Baka nasa paligid ka lang. Baka ikaw 'yung lalaking kumausap sa akin kanina. Parehas kasi kayong paos," natatawang saad ko na lang.

"Silly," sambit niya. "Uso talaga 'yan ngayon. Paiba-iba kasi ang weather."

"Sabagay," I replied sadly.

"Gustong-gusto mo na ba talaga akong makita? Patay na patay ka na ba sa akin?" biro nito.

"Yabang mo," ismid ko.

"Pinapatawa lang kita. Mukhang may problema ka, eh. Ito ang unang beses na ikaw ang tumawag sa akin."

"Nah. Marami lang akong iniisip." And I just want to hear your voice.

"Care to share? You know, you can always tell me everything. Makikinig lang ako."

I let out a loud breath. "Maybe later?"

"Okay. So, want me to sing a song for you? Baka sakaling mapagaan ng kanta ko ang kalooban mo."

I could feel my lips stretching into a wide smile. This guy really knows what to do to brighten up my mood. It was just a few minutes talk with him, and I'm back to my senses again. His voice really works like a magic spell.

"Sure! I would love to hear your voice!" I beamed.

"You love to hear my voice? How about me? Do you love me?" natatawang tanong nito.

Napasimangot na lang ako. "Kakanta ka ba? O, puputulin ko na 'tong tawag?"

"Sabi ko nga po. Kakanta na ako, mahal kong prinsesa."

Suddenly, my breathing hitched hearing his last words. I can't move a muscle in my body and I was really flabbergasted. I felt like my heart was struck with million bolts of lightning and it was running down in my spine.

I don't even know why I'm feeling this way. Is this love? Am I falling already? I shook my head wildly, trying to push those thoughts away.

You can't fall in love, Charmelle. Love will only break you. Don't you dare.

***

We had our lunch in a chinese restaurant inside the clubhouse of this country club. Maraming pagkain sa harap ko, pero nakapangalumbaba lang ako habang tinutusok-tusok ang dumplings sa plato ko. Busy sila mag-usap usap, samantalang ako, yamot na yamot na lalo't nasa tapat ko si tita Tanya na sobrang dikit ang upuan sa upuan ni daddy. Nakakapit pa ito sa braso ni daddy mula pa kanina. Si daddy naman, mukhang hinahayaan lang.

Lahat ng inis ko, sa dumplings ko na lang ibinunton. Gutay-gutay na tuloy ito.

"Don't play with your foods," suway sa akin ni Darcy sa tabi ko.

I just look at him flatly. "Mind your own business."

"Charmelle! Where is your manners?!" suway ni daddy na narinig pala ako.

"Oh, my manners? Nai-flushed ko ata sa toilet kanina," I snorted.

Nakita ko namang namula si daddy. Mukhang galit na. Bago pa man siya makapagsalita ulit, tumayo na ako.

"Wait lang dad, balikan ko sa c.r ang manners ko."

Umalis ako sa lamesa namin at nagtungo ako sa restroom. Walang tao kaya naman malaya na akong ilabas ang lahat ng pagkairita ko.

"Nakakainis!" sigaw ko. Wala na akong pakialam kung marinig man ako sa labas. Napapadyak na lang ako at halos masabunutan ko na rin ang sarili ko.

"Charmelle? Are you okay, hija?" It was tita Tanya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at sinuklay ko ang nagulong buhok ko gamit ang aking kamay.

"I'm fine, ma'am." I fake a smile at her.

"What's with the ma'am?" Lumapit ito sa akin. "I told you to call me tita." Umangat ang kamay niya para hamplusin ang buhok ko pero lumayo ako.

"I think I can't call you that, ma'am." I said firmly.

Her face contorted into a deep frown. "Why? You don't like it? Or maybe you want to call me mom or mama? Ayos lang sa akin."

"What?! Why would I call you that?!" I scoffed. I saw her smirk and it irritates the hell out of me!

"Oh, honey. Your dad didn't tell you yet? We're gonna get married soon, kaya dapat masanay ka na sa pagtawag sa akin ng mommy."

"You're not mommy, and you will never be. My dad will marry you? I doubt it. Does he loves you?"

Dumalim ang ekspresyon sa mukha nito kasabay ng pagtalim ng tingin pero hindi ako nagpasindak.

That's it. Show me your true colors.

"I didn't know na ganito ka pala kabastos. Wala kang respeto sa nakakatanda sa'yo. Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo? I knew it, hindi niya talaga kayang magpaka-ina. Kaya siguro siya hiniwalayan ng daddy mo. She's a good for nothing bitch."

"Don't you dare bad mouth my mom in front of me!" tiim bagang na sigaw ko. Nakita ko naman siyang napapitlag dahil sa pagtaas ng boses ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at tinaliman rin siya ng tingin. "Yes, I'm rude, but only to fake people like you. I know you're just using my dad's for your own benefits. You think, I wouldn't sense it? I've encountered and met a lot of people like you, and I know how their mind works. So, you can't fool me, ma'am." taas noong saad ko. "Excuse me."

Nilayasan ko siya at akmang hahakbang na ako palabas ng pinto nang muli siyang magsalita.

"Such a selfish brat. Why don't you just move out from your dad's house? Tutal may isip ka naman na. Your dad will marry me, whether you like it or not. Your opinion won't matter and that's the truth. Just accept the reality. Your parents will never get back together kung 'yon ang iniisip mo. Matagal na kayong sira at hindi na 'yon maaayos. Stop holding on to your so-called perfect family, hindi na kayo babalik sa dati. Move on, honey."

Naikuyom ko ang kamao ko dahil pakiramdam ko sasabog na ako, pero pinanatili ko ang kalmadong ekspresyon sa mukha ko.

Muli akong lumingon sa kanya. "My dad will never settle for less, I can assure you that. You are nothing compare to my mom. At huwag na huwag mong kukwestyunin ang pagpapalaki sa akin ni mommy, dahil napalaki niya ako ng maayos. Hindi ako kagaya mo na naninipa na lang ng waitress dahil lang sa mga petty na bagay."

"A-Anong sinasabi mo?!" gulat na bulalas niya.

"Don't deny it. I was there and I recorded it." I lied. Hindi ko naman talaga narecord.

Natigilan naman siya at biglang namutla. Hindi na rin siya halos makapagsalita pa. Natawa na lang ako sa itsura niya. Cat got your tongue, eh?

***

Hindi ako makatulog ng gabing 'yon, pabaling-baling lang ako sa higaan ko at hindi pa rin humuhupa ang galit sa dibdib ko. I talk to Moonlight already, but right now, even his gentle voice and comfort didn't suffice.

He said I should talk to dad, para malinawan ako, pero wala akong lakas ng loob na komprontahin siya. Naduduwag ako. Hindi ko kayang tanggapin na magpapakasal ulit si daddy sa iba. Ni sa panaginip, hindi sumagi sa akin ang bagay na 'yon.

Selfish na ba ako?

Bumangon na lang ako sa higaan ko at bumaba patungo sa kusina para uminom ng gatas. Patay na ang ilaw sa kabuuan ng bahay pero hindi na ako nag-abalang buksan 'yon. Bitbit ko ang cellphone ko, at binuksan ko na lang ang flashlight nito. Ala-una na pala ng madaling araw.

Nang makarating ako sa kusina, binuksan ko ang ref at kumuha ng isang box ng freshmilk. Iinom na sana ako sa karton nang bigla na lang may magsalita.

"Can't sleep?"

Sa gulat ko, muntik ko nang mabitawan ang karton ng freshmilk na hawak ko. Dali-dali kong binuksan ang ilaw sa kusina. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si daddy na sumisimsim ng whisky sa maliit na bar counter.

"Dad! You scared me!" sapo ko ang dibdib ko. "Akala ko may magnanakaw na. Bakit kasi nag-iinom ka diyan na nakapatay ang ilaw?"

He just shrugged. He gestured his hand as if he was commanding me to come closer to him.

Ibinalik ko muna ang box ng freshmilk sa ref bago lumapit sa kanya. He reeks of alcohol. Mukhang marami na siyang nainom dahil nangalahati na ang bote ng whisky.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya. Namumungay na ang mga mata niya at namumula ang pisngi dahil sa kalasingan.

"Marami lang akong iniisip kaya hindi pa ako makatulog."

"Gaya ng?" tanong ni daddy na may halong lambing. Inabot niya ang kamay ko at pinisil 'yon.

Maybe it was because of the alcohol in his system, why he's behaving like this. Tomorrow, when he's already sober, I know he will go back to his old self — cold and distant. Regardless, even if it was just a brief of time, I want to feel the warm of his hand, once again.

"Dad."

"Hmm?"

"Are you gonna marry her?" I asked hesitantly and bit my lower lip after.

Kumunot naman ang noo ni daddy. "Marry who?"

"Tanya, I mean, tita Tanya. Pakakasalan mo ba siya?"

Malakas na tumawa naman si daddy kaya sinimangutan ko siya.

"Saan mo naman napulot 'yan? We're just business partners."

"Sabi niya, eh." ungot ko.

Tumitig sa akin si daddy na parang hindi makapaniwala. "She told you that?"

Tumango ako.

"Don't mind her. Baka binibiro ka lang niya. And no, I won't marry her."

"Talaga? So, she's just delusional?"

"Charmelle!" suway ni daddy at pinanlakihan ako ng mata.

"Just kidding!" I smiled. "Balik na ko sa kwarto ko. Thanks for answering my question, dad."

Umalis na ako sa harap ni daddy para lumabas ng kusina pero tinawag niya ulit ako kaya lumingon ako sa kanya.

"You don't want me to get married again?" he asked. There's an emotion in his eyes that I can't even comprehend.

"Pumayag man ako o hindi, ikaw pa rin naman ang masusunod," I answered simply.

Bumuntong-hininga naman si daddy ng napakalalim saka nagsalin ulit ng whisky sa baso niya. "Your mom is irreplaceable. Even if we both parted ways, she will always be my wife."

Tumitig ako sa mga mata ni daddy. Pinakawalan ko ang mga tanong na matagal ko ng kinikimkim. "Kung gano'n, bakit kailangan niyong maghiwalay? Bakit kailangan nating magkasakitan? Hindi ba pwedeng magsama-sama ulit tayo?"

Gusto kong umasa sa mga sandaling ito na baka maayos pa ang pamilya namin. Na baka hindi pa huli ang lahat, pero alam ko namang pinapaasa ko lang ang sarili ko sa wala.

Umiwas ng tingin sa akin si daddy, kaya hindi ko maiwasang manlumo.

"Never mind. Goodnight, dad."

Wala talaga akong makukuhang sagot sa kanila. Kahit si mommy, palagi ring naiwas kapag tinatanong ko ang bagay na 'yon.

How long are they going to keep me in the dark?