Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 4 - Chapter 2 - Sad Song

Chapter 4 - Chapter 2 - Sad Song

Disclaimer: I do not own the song Sad Song. It was sang by WE THE KINGS and the original songwriters are David Carl Immerman / Kevin Bard / Travis Randall Clark. I just borrowed it for this story.

Chapter theme: Sad Song - We The Kings

Nakahilig ang ulo ko sa saradong bintana ng kotse ni daddy, habang binabaybay namin ang mahabang kalsada patungo sa school ko. Wala akong ibang matanaw sa paligid kundi puro mga puno, kaya binuksan ko ng kaunti ang bintana ng kotse para lumanghap ng sariwang hangin.

Ito muna ang madadaan bago makarating sa main gate ng Meilleur International School, a tropical campus located in the south of Mariano. It is also the most expensive school in the Philippines, build in 1960's. It has a very huge ground with lots of green open spaces, very well secured campus and facilities are well-maintained. High quality rin ang pagtuturo.

Meilleur came from the french phrase, 'Un des meilleurs' which means 'One of the best.'

What more can I say? This school really live up to its name.

"Ma'am Charmelle, nandito na po tayo," anunsyo ng driver namin kaya napabalik ako sa wisyo ko.

Nakapark na pala ang kotse sa parking lot ng admission.

"Thanks Manong Louie!" I flashed him my brightest smile. Bago ako bumaba, tinignan ko muna ang sarili ko sa rearview mirror.

Naka-half ponytail ang buhok ko kaya saglit kong sinuklay ang nakaladlad kong buhok gamit ang kamay ko. Inayos ko ang red na checkered necktie ko na katulad din ng pattern ng palda ko. Sinuot ko na rin ang indigo blazer ko na may logo ng school sa kanang dibdib. Pansamantala ko itong hinubad kanina dahil naaasiwa ako. Medyo makapal kasi ang tela nito, pero kasama kasi siya sa set ng uniform namin. Detention agad, kapag hindi mo ito suot. White blouse naman ang nasa ilalim ng blazer.

"Pasok na po ako Manong Louie. Ingat po kayo sa pagdadrive," malambing na bilin ko.

"Yes ma'am!" pabirong sumaludo naman ito. "Have a nice day."

"Kayo rin po."

Isinukbit ko na ang backpack ko sa aking balikat, saka bumaba na ng sasakyan.

"Hi, Charmelle! Good morning! Sabay na tayong pumasok?" nakangiting salubong sa akin ni Alyssa nang makita niya ako. My conyo classmate.

Dire-diretso akong naglakad at nilagpasan siya pero hinabol naman niya ako. She suddenly grabbed my bag that made me stopped in my tracks. I turned to her, a bit annoyed.

"Oh, my God!" she gasped, amusement dancing in her eyes. "Is that Louis Vuitton Crocodilian Leather Backpack?" tanong pa nito habang nanlalaki ang mga mata.

"Yeah. My mom bought it," I answered boredly.

"Wow! That bag is so mahal! I want din ng bag na 'yan, kaso you have it first na. Ikaw na talaga," sambit pa niya.

Pinilit kong ngumiti, pero nakaramdam pa rin ako ng pagkailang lalo na nang ikawit niya ang kanyang kamay sa braso ko.

"Can we go muna ng cafeteria? Hindi pa ako nag-eat ng breakfast, eh." maarteng sabi pa nito kaya ang pilit kong ngiti ay nauwi sa ngiwi.

"Pwedeng lend me some money muna? I'll pay you later na lang," dugtong pa nito.

Sabi na, eh.

Huminga ako ng malalim at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Una na ko sa classroom. Go, eat your breakfast na before you make huli-huli sa klase," panggagaya ko sa pananalita niya. "Bye!"

Narinig ko naman siyang nagpapapadyak nang talikuran ko siya.

"How dare you, Charmelle!" inis na tili niya kaya napatingin sa akin ang mga estudyante sa paligid.

Mabilis na naglakad ako paalis at hindi ko na siya pinansin. Anong akala niya sa akin? Banko niya? May patagong pera? Napakagaling. Ang mga katulad niya talaga ang isa sa mga kinaiinisan ko.

Noong first year kami, ayos lang naman sa akin sa tuwing nagpapalibre siya. Kaso masyado naman siyang namihisa. Kung anu-ano ang pinapabili niya porket hindi ako nagrereklamo.

Doon ko napagtanto na pera ko pala ang kinakaibigan niya at hindi ako. Marami sa mga kaklase ko ang katulad niya, that's why I started to distance myself from them. Akala nila marami akong kaibigan, pero ang totoo, puro manggagamit naman ang nakapaligid sa akin. I cut all the toxic people out of my life, para walang stress.

Nagmamadali akong nagtungo sa Academic Building dahil 10 minutes na lang, magsisimula na ang klase. 8 a.m ang first class namin. Pag-akyat ko ng second floor, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng backpack ko habang naglalakad sa hallway. Kumunot ang noo ko nang makitang may message ako galing sa unknown number. Buburahin ko na lang sana kaso nahigip ng mata ko ang salitang 'Moonlight.'

Binasa ko tuloy 'yung text niya.

'Good morning! Kamusta? It's me Moonlight.'

Bigla na lang pinunit ang labi ko ng isang ngiti sa hindi malamang dahilan. Mag-iisang linggo na rin pala mula nang magkakilala kami sa debut ni Cindy. 'So, he remembers me, huh?'

Nakatutok lang ang mga mata ko sa cellphone ko kaya hindi ko nakita na may lalabas pala sa pinto ng classroom namin. Nagkabungguan tuloy kami. Mabuti na lang at naibalanse ko ang katawan ko kaya hindi ako natumba.

"Sorry! Hindi kasi ako tumitingin sa dadaanan ko," I apologized immediately. Himas-himas ko ang noo kong nasaktan.

"Okay lang," she replied coldly.

Nang mag-angat ako ng tingin, namilog ang mga mata ko nang tumambad sa harapan ko ang kaklase naming kinakatakutan ng lahat. It's Rena Columbrillo! Maraming ilag sa kanya dahil war freak daw ito.

"Tabi," walang emosyong utos pa nito sa akin.

Agad naman akong nagbigay daan sa kanya para makalabas siya ng classroom namin. Nakasalubong niya pa ang teacher namin pero tuloy-tuloy lang itong naglakad sa hallway, paalis.

"Ms. Columbrillo! Where are you going?! Magsisimula na ang klase!" sigaw ng adviser namin na nag-echo sa buong hallway, pero hindi siya pinansin ni Rena.

Marahas na napabuntong-hininga na lang si Ma'am Ortiz.

"Ang batang 'yon, sakit sa ulo! Kung hindi lang siya anak ng governor, napatalsik na siya sa school na 'to dahil sa mga violation niya. Such a rebel." Bumaling sa akin ang adviser namin. "At ikaw? Bakit nasa labas ka pa? Pumasok ka na rin sa loob."

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Sabi ko nga, papasok na.

Naglakad na ako papunta sa upuan ko nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Napalingon tuloy ako sa kanya pero umiwas ito at nagpanggap na nakatingin sa bintana.

Hindi ko masyadong alam ang pangalan ng mga kaklase ko, pero kilala ko naman sila sa mukha. Sa pagkakatanda ko, siya ang nag-iisang scholar sa klase na 'to. She's really smart and she excels sa kahit anong academics. Medyo mahiyain nga lang. Palaging nasa sulok ito at palaging nag-iisa. Nagsasalita lang siya kapag recitation. I heard she's an orphan.

"Charmelle!"

Napapitlag ako nang sumigaw na naman ang adviser ko. Sakit sa tainga.

"Maupo ka na. Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?!" puna nito.

Mabilis pa sa alas-kwatro na sumunod ako sa utos niya. Terror pa naman nito.

I turned my phone into silent mode before putting it inside my bag. Mamaya na ako magrereply kay Moonlight. Mapagalitan pa ako.

***

"Charmelle! Malunok mo 'yang cellphone mo!" sita sa akin ni Yana dahil kanina ko pa hindi ginagalaw ang pagkain ko. Lunch break na, pero busy ako sa pagte-text.

"May textmate ka ba? Sino 'yan, kanina ka pa pangiti-ngiti diyan," usisa naman ni Earl sa tabi ko. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Yana habang nakaupo kami dito sa loob ng pavilion.

I put down my phone on the table and smiled at them. "He's the guy that I met on Cindy's debut. I give him my number last Friday pero hindi ko naman inasahang magte-text talaga siya."

"What's his name?" Yana asked curiously.

"Malay ko. Ayoko na siyang tanungin. Tawagin ko na lang siyang Pontio Pilato," biro ko.

"Wait. You mean, you give your number to a stranger?!" Yana blurted out in disbelief.

"Yes. Hindi na siya stranger no! Nagkausap na kami, eh." katwiran ko.

"Naku! Nabudol ka, Charms! Hindi mo ugaling magbigay ng number sa kung sinu-sino, unless nabudol ka nga."

Mahina kong hinampas si Earl sa braso at sinamaan siya ng tingin. "Anong akala mo sa akin, stupid? Hindi ko ibinigay lang sa kung sino ang number ko, no. Escort siya ni Cindy, magkakilala sila." I guess?

"Hindi mo pa rin kilala," pakikipagtalo pa ni Earl. Inihilig nito ang ulo niya sa balikat ko at parang batang nagmamaktol. "Magseselos na ba ko?"

Mahina akong natawa at marahang tinapik ang pisngi niya ng dalawang beses. "Baliw ka! Hindi kita ipagpapalit sa kahit na sinong hudyo diyan. You are my one and only guy best friend and I mean it. You're irreplaceable."

"Ay, may nabasag. Puso ata," sabat ni Yana kaya kunot-noong napalingon ako sa kanya. Umayos din ng upo si Earl.

"Puso ko. Puso ko 'yung nabasag," Yana added as she smiled sheepishly. Nagpeace sign pa ito.

Anong connect?

"Kain na nga lang tayo," ungot ni Earl na parang naiinis. Nakabusangot ito habang kumakagat sa ham sandwhich niya.

"Iyan lang kakainin mo?" tanong ko.

Tipid na tumango lang ito.

"Kumain ka pa ng marami. May practice ka ng basketball mamaya 'di ba? Here, taste this." I offered him my lunch pero hindi pa rin ito umimik.

Dumampot ako ng isang ranch chicken roll-up at iniumang 'yon malapit sa bibig niya. "Kakain ka ba o sasapakin kita? Choose."

Dali-dali ibinuka ni Earl ang bibig niya para masubuan ko siya.

"Masarap?"

He gulped nervously as he slowly nodded his head. "Nakakatakot talaga galitin ang mabait."

"Sus! Nagpapalambing ka lang, eh!" eksena ni Yana. "Subuan mo rin ako, Charmelle. Please?" paglalambing nito.

"Oo na! Nainggit ka naman." Natatawang saad ko. Nagpacute lang ito.

Yana Abigail De Jesus, my classmate and my first friend sa school na 'to. Anak ng sikat na artista, at manang-mana siya sa kagandahan ng mommy niya. Maliit ang mukha, heart shape ang labi, at matangos ang ilong. Sobrang expressive rin ng bilugang mata niya, kaya bagay talaga sa kanya ang mag-artista.

Bakit naging kaibigan ko 'to? Simple lang. Sobrang humble kasi ng babaeng 'to. Kinukuha siya sa mga commercial at isang beses na rin siyang nagcameo sa movie ng mommy niya kaya maraming nakakakilala sa kanya. Magkaganun man, hindi lumalaki ang ulo niya.

Plano niyang pumasok ng showbiz after highschool, pero nagbago ang isip niya. Gusto niya raw magtrabaho sa hotel kaya HRM ang kukunin niya sa college. Buti pa siya, alam na niya ang gusto niyang gawin sa buhay.

Tumingin ako kay Earl na inuubos na ang baon ko pero hinayaan ko na lang siya.

Earl Bryan Davis, ang kababata kong anak ng isang PBA Legend at ang mommy naman niya ay may-ari ng isang shoe company. Isa si daddy sa mga investor ng kompanya ng mommy niya kaya malapit na magkaibigan rin ang mga magulang namin.

He's good at any sports kaya maganda ang built ng katawan. Pero sa lahat ng sports na alam niya, sa basketball talaga siya pinakamagaling. Maybe he got it from his dad or pinanganak lang talaga siyang talented. He's the 5'11 shooting guard in our school's basketball team, and his fangirls going gaga over him because of his baby-faced smile. Halimaw pa sa court kaya palagi rin siyang MVP kada-season.

Gwapo na, mabait pa. He's really a good catch. Kaya inggit na inggit sa amin ang mga fans ni Earl dahil kami lang talaga ni Yana ang pinapansin niya. Since freshmen days, the three of us were really inseparable. At ayoko rin namang magkahiwalay pa kami.

Sana hanggang college, magkakasama pa rin kami. A girl can hope.

***

Pagod akong umuwi nang matapos ang klase kaya agad akong humiga sa kama ko na suot pa rin ang school uniform ko. Alas-dos palang ng hapon, pero inaantok na ako. Nakatitig lang ako sa kisame habang nilalabanan ang antok nang bigla kong naalala ang cellphone ko.

Napabalikwas tuloy ako ng bangon at agad na kinuha ang cellphone sa bag ko. Biglang nawala ang antok ko dahil sa mga text ni Moonlight. Hindi na ako nakapagreply sa kanya nang matapos ang lunch break namin. I know he's a stranger, pero naaaliw talaga akong ka-text siya.

I type a message saying I just got home and hit send. Ilang segundo lang ay nagvibrate ang phone ko kaya muntik ko na itong mabitawan.

He's calling! I panic a little bit kaya hindi ko nasagot agad ang tawag niya at tumigil sa pag-vibrate ang phone ko.

1 missed call.

Pinagkatitigan ko lang ang screen ng cellphone ko. Siguro aksidente niya lang napindot? That's my conclusion, but boy, I was wrong! My phone vibrated again because it's still in silent mode and he's calling again!

Sinagot ko na lang ang tawag niya kahit medyo natataranta pa ako. At bakit ka naman nataranta diyan, Charmelle?

"Hi!" bati nito sa malamyos na boses.

Hindi ko na namalayan na kusang kumalma ang sistema ko nang marinig ko ang pamilyar na boses niya.

"H-Hi!" utal na bati ko. "Napatawag ka?"

"Wala naman. Just want to hear your voice," he said.

Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa narinig. Bakit? Ganito rin naman si Earl sa akin kapag naglalambing, pero natural lang naman ang reaction ko. What's wrong with me?

"How's school?" pukaw nitong muli sa atensyon ko.

"Ayos lang. School pa din," pabalang na sagot ko, pilit na tinatago ang pagiging tensyonado ko.

I heard him chuckled. "Kwento ka."

"Ano namang ikukwento ko? Wala namang masyadong nangyari. Ikaw na lang ang magkwento."

"Hmm. Okay," he replied. There's a long pause after that. "I composed a song. Want to hear it?"

"Sure!" I answered with pure excitement.

Narinig ko siyang tumikhim bago kumanta, samantalang tahimik naman akong nakinig sa kanya.

Without you, I feel broke

Like I'm half of a whole

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn

Like a sail in a storm

Without you, I'm just a sad song

Hindi ko mapigilan na muling mamangha sa kanya. Napakaganda talaga ng boses ng lalaking 'to. Nakaka-in love. Wait. Hold up, Charmelle! Pinagsasasabi mo?

"How is it? Maganda ba?" tanong nito nang matapos siya sa pagkanta.

"Maganda, pero ang lungkot-lungkot ng kanta. Who broke you?" biro ko.

Tumawa na naman ito. Bakit ba pati pagtawa niya, ang sarap-sarap pakinggan?

"Wala namang bumasag ng puso ko. Inspired lang."

"Inspired ka pala eh, 'di dapat masaya 'yung song. Para ka namang broken hearted, eh."

"Hindi naman gano'n kalungkot 'yung kanta. Pwede nga 'yang wedding song," depensa nito.

Napaisip ako saglit. "Sabagay. Ang ganda nga ng lyrics. Para sa dalawang taong in love na hindi kayang mabuhay na wala ang isa't-isa."

"See? Hindi ka pa kasi nai-in love kaya hindi mo pa ramdam ang deeper meaning ng kanta."

Umismid ako. "At bakit sa akin napunta ang usapan? Saka bata pa ako para sa ganyang bagay."

"Bakit pikon ka?" patawa-tawang tanong nito.

"Huwag kang tumawa! Kanina ka pa. Naiinis ako sa tawa mo!" Lie. Gustong-gusto ko ang tawa niya.

"Sige, iyak na lang ako."

"Ewan ko sa'yo. I don't want to talk to you! Hindi kita kilala. Bye!"

Sa inis ko, pinutol ko na ang tawag niya at nahiga ulit sa kama ko. Tumatawag pa rin siya pero hindi ko na sinagot.

Pumikit ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Paggising ko ulit, alas-syete na ng gabi. Nabulabog ako dahil sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Iniluwa nito si ate Lydia, ang kasambahay namin.

"May nagdeliver ng pagkain para sa'yo. Baba ka na, nang maihain ko na."

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at sinuot ang pink na slippers ko. "Delivery? Kanino galing?"

"Walang sinabi, eh. Baka kakilala mo dahil favorite food mo ang pinadeliver niya."

"Samosa?" I gaped.

Tumango si ate Lydia kaya bigla akong natakam. Baka kay Earl galing 'yong samosa. Siya lang naman ang nakakaalam ng mga favorite kong pagkain. Nagpadeliver pa talaga siya.

I'll thank him later.