Chereads / See My Side (3FOL Series #2) / Chapter 3 - Chapter 1 - Prince Charming

Chapter 3 - Chapter 1 - Prince Charming

Chapter theme: Moonlight Over Paris - Paolo Santos

"Bakit ba hindi ka na marunong sumunod sa akin?!"

Tila isang malakas na kidlat ang boses ni daddy na pumuno sa kabuuan ng kwarto ko. Napatayo tuloy ako mula sa pagkakaupo ko sa harap ng study table para mangatwiran sa kanya.

"No, dad! Ikaw itong hindi na marunong makinig sa akin! Palagi mo na lang akong pinipilit! Palagi na lang gusto mo ang nasusunod!" I pointed out. "Paano naman ako?! I told you already, ayoko ngang pumunta sa pesteng debut na 'yan!"

"Charmelle! Watch your words! Saan ka ba natututo niyan?!" galit na singhal ni daddy. Namumula na ang mukha nito at halos bumakat na ang litid sa leeg niya.

Napabuga na lang ako ng malalim na buntong-hininga at napaupong muli. Dinampot ko ang ballpen ko at binalik na lang ang atensyon ko sa pagsasagot ng homework ko.

"Fine! Gusto mong magmatigas? Sige! Gawin mo ang gusto mo, pero simula ngayon hindi ka na pwedeng makipagkita sa mommy mo!"

Biglang nilusob ng matinding galit ang buong sistema ko. Naikuyom ko ang kamao na kulang na lang, maputol na ang ballpen na hawak ko. Hinarap ko ulit si daddy na may madilim na ekspresyon sa mukha. Nilabanan ko ang matalim na titig niya.

Gusto kong makipagtalo pa, pero alam ko namang malaki ang magiging kapalit kapag sinuway ko siya. Unti-unting kinalma ko ang sarili ko. Para akong naging maamong tupa bigla.

"Opo. Sasama na," walang buhay na sagot ko.

"Good. Magbihis at mag-ayos ka na nang makaalis na tayo," ma-awtoridad na utos ni daddy.

Nang lumabas siya sa kwarto ko, namuo ang luha sa mga mata ko. Idinaan ko na lang sa mahinang pag-iyak ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.

Napatitig ako sa pintong nilabasan ni daddy. Hindi ko maiwasang manlumo na lang. Parang ibang tao na talaga ang daddy ko. Hindi ko na siya makilala.

After my parents got divorced 7 years ago, my dad had changed so much. Nawala ang daddy ko na sobrang iniidolo ko noon dahil sa kabaitan at pagiging maunawain niya.

Growing up, he became so ruthless, cold and distant. He became so strict and he wouldn't even listen to me. Wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko, hindi gaya noon. Tila may matayog na pader sa pagitan namin at napagod na akong akyatin.

Marahas na pinunasan ko ang luha sa pisngi ko nang mag-ring ang cellphone ko. Makailang ulit pa akong lumunok bago sagutin ang tawag ng kababata ko.

"Charms! Sorry, hindi kita masasamahan. Bigla kasi akong nilagnat," bungad nito sa kabilang linya.

Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. "It's okay, Earl. Pahinga ka na."

"Umiyak ka ba?" biglang tanong nito. Bakas ang pag-aalala sa namamaos na boses nito.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at saglit na natahimik. Kahit kailan talaga, kahit sa boses ko palang, basang-basa na niya ako. Wala akong maitago.

"Nag-away lang kami ni daddy," pag-amin ko. "But don't worry, ayos na ako."

I heard him heave a loud breath. Kahit hindi ko ito nakikita, sigurado akong may malalim na gitla na gumuguhit sa noo nito.

"Lagi mo na lang pinipilit na okay ka, pero alam ko naman na hindi. Kahit isang beses lang, matuto ka namang sumuway sa daddy mo lalo kung nakakasakal na," inis na pangaral nito.

"I can't do that," mahinang sambit ko. "Wala naman akong magagawa, eh. Mas mabuting sumunod na lang ako, para wala ng gulo."

"Basta kapag kailangan mo ng kausap, I'm always hear to listen. Kapag sobrang bigat na, at hindi mo na kayang kimkimin, ilabas mo lang sa akin. Susubukan kong pagaanin."

"I know," I smiled. "Thank you for that. Sige na, I have to go."

"Okay. Take care. Call me kapag may umaway sa'yo."

"Kaya ko sila. Kundi ko lang kailangang magpanggap na mabait sa harapan nila, nilampaso ko na ang pagmumukha nila sa sahig," pagyayabang ko.

"That's my girl!" Earl chuckled. "Pero, ingat ka pa rin do'n. Alam mo naman ang ugali ng mga tao do'n."

Tumango-tango na lang ako habang tahimik na nakikinig sa mga bilin niya. Nang matapos ang tawag ni Earl, nagtungo na ako sa walk in closet ko para maghanap ng susuotin at nang makapag-ayos na. Mahirap na, baka maging dragon na naman si daddy kapag nakitang hindi pa rin ako kumikilos.

I'm sure this gonna be one hell of a night. Kaya mo 'yan, Charmelle!

***

Alas-syete na ng gabi nang makarating kami kanina dito sa Baker Mansion, sa private real-estate ng Flaviano. Para akong tuta na sunod lang nang sunod kay daddy kahit saan man siya magpunta. Kulang na lang lagyan niya ako ng collar sa leeg at leash tapos turuan ng mga tricks. Tutal, isinama lang naman niya ako dito para magpakitang gilas.

Halos magdadalawang oras na akong pinapakilala ni daddy sa mga kaibigan niyang mga bigating tao. Most of them are celebrity, business tycoon and politicians. Ngalay na ngalay na ang labi ko kakangiti at masakit na rin ang kamay ko sa pakikipagkamay sa kanila.

Bidang-bida ako sa mga kaibigan ni daddy ngayong gabi. Sana lagi siyang ganyan. Nakikita ko lang naman siyang proud sa akin kapag may ganitong klase ng pagtitipon. Masakit mang sabihin, pero ang totoo, I was just a trophy daughter.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng paglilibot ng mga mata ko sa paligid. We're in the underground ballroom of the infamous Baker Mansion, and it was packed with guest for the 18th birthday of the congressman's daughter here in Flaviano, ang lungsod na katabi ng Mariano.

It was a masquerade party so everyone was wearing a mask. My eyes and nose were covered with a classic mask in light pink and silver. Bumagay dito ang suot kong pink na v-neck at floral applique ball gown at pink sequins stilleto ko.

Bigla akong natawa sa sarili ko. Kung tutuusin, hindi ko naman na kailangang magsuot pa ng maskara. I am already wearing one, the mask of pretentions. I'm good at it.

"Good evening, sir? May I have this dance with your daughter?"

Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang lumapit si Edwin sa amin habang nakikipag-usap si daddy sa ama nito. Ang daddy ko naman, aliw na nakipag-usap dito.

Pasimple akong umirap nang ngitian ako ni Edwin habang nagtataas-baba ang dalawang kilay niya. Shivers!

I don't like this guy and I hate his guts too! Masyadong privilege ang lalaking 'to. His mother owns some chain of malls sa lugar namin kaya kung umasta ito, akala mo pagmamay-ari na niya ang buong mundo. Puro mga elite lang din ang kinakaibigan nito.

"Sure, mi hijo. Isayaw mo muna ang unica hija ko, mukhang naiinip na," tugon ni daddy.

Lumapad ang ngiti ni Edwin. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. May pag-aalinlangan na inabot ko naman 'yon. Kung wala lang sa harap ko si daddy, baka nasipa ko na 'to. Good thing may partner na gloves ang suot kong pink na ball gown. Walang problema kahit hawakan niya ang kamay ko. Ligtas sa germs.

Bakit ba kasi ngayon pa nagkasakit si Earl? Wala tuloy akong tagataboy ng asungot.

I have to pretend that Edwin and I were good friends. Kliyente pa naman ng magaling kong ama ang daddy nito. I don't want to get on my dad's bad side, so I must act like I'm the most obedient daughter in the world.

Unbelievable.

Nang makarating kami ni Edwin sa gitna ng ballroom dance floor, lahat ng mga bisita ay sa amin na nakatingin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mailang. As a kid, I really love the attentions they were giving me, pero ngayon, ayoko na.

Sometimes, people would look at me with adoration in their eyes, but the truth is, they were just fond of me because of my status.

My dad, Sergio Villarico is a half-spanish and half-filipino billionaire with business interest in real-estate and hotels. He owned the famous Lujoso Hotel, dubbed as the most luxurious hotel in the world, with over 500 hotels in more than 70 countries. He also owned the Villarico Empire, a real-estate corporation engaging in developing condominiums.

My mom and dad got divorced when I was only 8 years old. Sa Spain sila kinasal kaya mabilis na napawalang bisa ito. Hindi ko alam kung anong rason kung bakit bigla na lang nakipag-divorce si mommy.

Akala ko nga perpekto ang pamilya namin. Iyon pala, walang gano'n. Niloko lang namin ang mga tao sa paligid namin.

Binalak akong kunin ni mommy noon, pero kay daddy napunta ang custody ko. My dad is a powerful businessman and a former mayor in our city while my mom was just a retired model back then. Wala siyang laban kay daddy kaya nagpaubaya na lang siya.

Pinapayagan ako ni daddy na makipagkita kay mommy, pero ang kapalit no'n, dapat hindi ko siya suwayin. Para akong naging isang manikang de susi, sumusunod lang sa lahat ng kagustuhan ng daddy ko.

I hope someday, I could break free from his golden chains.

"Charmelle?"

I heard Edwin called my name that drag me out from my reverie. I turned to him, with irritation written all over my face.

"Bakit?" tanong ko.

"You look good on your dress. Mas maganda ka pa sa debutante," puri nito.

Imbes na ngumiti, napangiwi na lang ako. Alam ko naman na hindi sincere ang sinasabi nito. Best friend niya kasi ang debutante. What a fake.

"Saan mo pala balak mag-aral ng college? Sa university ka na lang namin."

"Hindi ko alam, hindi ko pa naiisip," matabang kong tugon.

"Dapat pinag-iisipan mo na. Isang taon na lang, graduate ka na ng highschool."

Nagpanting ang mga tainga kaya sinamaan ko siya ng tingin. I'm so tired of people dictating me what should I do with my life. Gano'n na nga si daddy, pati ba naman ang mga tao sa paligid ko?

"Ayoko nang magsayaw, pagod na ko." Bumitaw ako sa hawak ni Edwin at agad na dumistansya. "Papahangin lang ako sa labas."

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Edwin. Nagmadali akong umalis ng underground ballroom at umakyat patungo sa upper level ng mansion. I have a good sense of direction so I easily find my way out to the foyer that leads me to the front entrance.

Nang makarating ako sa front courtyard ng mansion, naupo muna ako sa may mahabang grand staircase, sa pinakababang baitang ng hagdan. Hinubad ko ang mask ko at saglit na pumikit. I hugged myself as the cold breeze of the night brush my face. July palang pero malamig na tuwing gabi. Siguro dahil tag-ulan na kapag ganitong buwan.

Nang magmulat ako, napangiti ako dahil bumungad sa harapan ko ang napakalaking fountain sa gitna ng courtyard. Tila nagsasayaw ang tubig kasabay ng pag-ilaw nito. Dapat nilagyan din nila ng sounds para dancing fountain na talaga.

Nilibot ko ang paningin ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa kalakihan ng mansion. May mansion din naman kami, pero ito na ata ang napakalawak na mansion na nakita ko. This Baker Mansion is a European-style villa. It was built and designed in a style that resembles an elegant European castle.

Elegante nga, masama naman ang ugali ng mga nakatira. Fact check.

Napatingala ako para pagmasdan ang langit. Kitang-kita ko mula sa pwesto ko ang maliwanag na buwan, it was a crescent moon tonight.

Ilang minuto lang akong tumitig sa napakaliwanag na buwan na hindi alintana kung sumakit man ang leeg ko kakatingala. Ilang sandali pa ang lumipas, nabasag ang katahimikan ng paligid nang may marinig akong malamyos na boses na kumakanta.

Does the moonlight shine on Paris

After the sun goes down

If the London Bridge is falling

Would anybody hear a sound

Lumingon-lingon ako para hanapin kung sino ang kumakanta pero wala naman akong makitang ibang tao dito sa front courtyard bukod sa akin. Hindi kaya multo 'yon? Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. Tumayo ako at binitbit ang mask ko saka pinagpagan ang gown ko. Aakyat na sana ako para bumalik sa loob nang may marinig ulit akong magandang boses na pumupuno sa kabuuan ng courtyard.

If you follow that sunset will it ever end

Oh Does the moonlight shine on Paris

Du ru rum du ru rum du du

Out of curiousity, bumaba ako at naglakad palibot sa fountain kahit medyo takot ako. Maliwanag naman sa courtyard dahil sa buwan at sa ilaw na nagmumula sa loob ng mansion. Bahagyang nawala ang takot ko nang may maaninag akong tao na nakaupo sa fountain.

He's wearing a white tuxedo, white shoes and a pair of formal white gloves. Natatakpan pala ng tubig ang view ko mula sa pwesto ko, kaya hindi ko ito nakita kanina.

Mukhang naramdaman nito ang presensya ko kaya lumingon ito sa akin at ngumiti. For some unknown reason, I smiled back at him.

"Nainip ka rin ba sa loob?" he asked. I just give him a meek nod.

"Ang boring talaga sa mga party ng mayayaman. Dapat hindi na ko nagpunta," pagdaldal pa nito.

"Then why are you here? You could've ignored the invitation, pwede naman eh," wala sa sariling bulalas ko. Napatakip agad ako sa bibig ko dahil baka magalit ito sa sinabi ko.

Narinig kong mahinang natawa naman 'yung lalaki, pagkatapos ay itinukod nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid at tumingala.

"Ayoko sanang pumunta, kaso ginawa akong escort ni Cindy."

Si Cindy 'yung debutante na anak ng congressman at kinakapatid ko, unfortunately.

"Ano mo siya?" tanong ko. Bigla akong nacurious sa lalaking kausap ko.

"Inaanak ni mommy. Hindi naman kami close pero ako ang kinuha niyang escort," he answered, still gazing at the moon.

"Maybe she just want to brag? Gano'n naman talaga 'yon."

I'm sure this guy came from a well off family too. Hindi naman kukuha si Cindy ng escort na kung sinu-sino lang. She cares about status and image so much.

"Upo ka," aya sa akin nung lalaki.

Tila may sariling utak naman ang mga paa ko. Naglakad ang mga ito palapit sa kanya hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko na nakaupo na sa tabi ng lalaking estranghero.

"Ang ganda ng buwan no?"

"Yeah." I smiled softly. I just stared at the moon for a moment but then I shifted my gaze to the guy who's sitting next to me.

I couldn't see his face because of the golden mask he was wearing. His hair was in a twist-in bun and it looks good on him, for sure. Ang ganda pa niya ngumiti at ang gaan din ng loob ko sa kanya kahit ngayon lang kami nagkausap. Bihira lang kasi ako maging kumportable sa presensya ng lalaki. Si Earl nga lang ang nag-iisang lalaki na kaibigan ko.

"You're a Villarico right?" he inquired as he turned to me.

My eyes widened and my mouth hanged opened as I move away from him. Bakit kilala niya ako?

"Your face. I've always seen it on the billboard, saka taga-Mariano rin ako," he explained.

Bigla akong nahiya. Ako kasi ang ginawang mukha ni daddy sa pagpopromote ng hotel namin. Malay ko namang ilalagay niya pala sa billboard ang mukha ko.

"Mas maganda ka pala sa personal. I like your eyes too," dugtong pa nung lalaki.

"Thanks." I whispered.

Confident naman ako sa itsura kaso ayaw ko lang talaga na nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga tao.

I have a natural dark brown hair dahil Spanish si daddy at namana ko ito sa kanya. I have a round-shaped face with full cheeks, pointed nose and plump lips. My eyes were a pair of almond-shaped amber eyes, na namana ko naman kay mommy, she's half-american.

"Ang daya naman. Kilala mo ko, pero ako hindi naman kita kilala. Can you take your mask off, so I could see your face?" I demanded. "Para naman patas tayo."

Ngumiti lang ito. "Mas okay na 'yung ganito, pa-mysterious."

"Then just tell me your name."

"Moonlight," he muttered.

Kumunot naman ang noo ko. "Moonlight?"

Marahan itong tumango. "Just call me Moonlight and I will shine for you when you're in the dark."

"So lame," sambit ko na lang.

"No, that's romantic." giit nito.

"Whatever." I mumbled.

"Ayaw mo ng Moonlight? How about prince charming?"

I can't help but laughed bitterly. "Mas okay na 'yung Moonlight. Prince charming doesn't even exists."

"You hate fairytale?"

Saglit akong natigilan nang parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko. Binalik ko ang tingin ko sa buwan at malalim na bumuntong-hininga.

"Noong bata ako, mahilig ako sa fairytale. Pero nang maghiwalay ang mga magulang ko, hindi na. I don't believe in happy ending anymore."

"I'm sorry. I should've not ask you that."

"It's okay. No big deal."

"Change topic na tayo," tila nahihiyang saad nito.

Lumingon akong muli sa lalaking estranghero na kausap ko. Gumaan ang pakiramdam ko nang magtagpo ang mga mata namin kahit pa natatakpan 'yon ng maskara niya. Bumaba ang tingin ko sa kanang kamay niya at napansin ko ang treble clef tattoo sa gilid ng kamay nito. Atleast may palatandaan ako sa kanya.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang nagpapalipas ng oras. Hindi na kami bumalik sa loob dahil ayaw na naming makisalamuha sa mga mayayamang masyadong privilege.

Paminsan-minsan ay kinakantahan ako nung lalaki. Napakaganda talaga ng boses nito, eargasm. Sarap niyang gawing human radio. Inabot na kami ng alas-dose sa pagdadaldalan, pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. All I know is, he's a member of a band, pero nagsisimulang banda pa lang daw sila.

"Ms. Charmelle!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nalukot ang mukhang ko nang makitang palapit na sa akin ang personal assistant ni daddy.

"Uuwi na raw po kayo. Kanina ka pa hinahanap ng daddy mo."

Nakasimangot na tumayo na lang ako at nagpaalam na sa lalaking kausap ko. Pero bago pa man ako makaalis, hiningi niya ang number ko. Hindi ko ugaling magbigay ng number sa kung sinu-sino pero pagdating sa kanya, hindi ako nag-alinlangan.

I guess there's a first time for everything.