"Mommy! Daddy! Can I ride the carousel, please? Promise, last one na 'to," 7 year old Charmelle pleaded while finishing her cotton candy.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" Aira, her mom asked while chuckling. Inayos nito ang nagulong buhok niya at ang tumabinging pink na cat ears headband. "Kakasakay mo lang ng mini pirate ship, hindi ka ba nahilo o natakot do'n?"
"Hindi po. Hindi naman scary 'yon. I wanna try the rollercoaster if I'm allowed to, kaso 'di pa pwede," she pouted.
Her dad, Sergio just blew a deep sighed. "Okay. Just ride this one, and after this, kakain na tayo. It's past 12 already."
"Yes dad!" she answered gleefully. Bumaling siya sa ina. "Sakay na ko, mommy, ha?"
"Go on, my princess. Take care. Huwag kang malikot do'n, ha. Baka mahulog ka."
"Don't worry mommy, I'm a big girl na. I can take care of myself," she said reassuringly.
Tumawa lang ang mag-asawa dahil sa sinabi niya. Magkahawak ang kamay nilang sinundan ang hyper na anak nang magtatakbo ito patungo sa pila ng carousel.
Charmelle just watched her parents lovingly while she was waiting in the line. Mahaba ang pila, pero hindi siya makaramdam ng pagkainip dahil naaaliw siya sa mga magulang.
His dad's arm was wrapped around protectively on her mom's waist while her mom's head was leaning on her dad's shoulder. Maya't-maya pa ang paghalik ng daddy niya sa pisngi ng ina. She can't help but smile.
'What a perfect couple,' she thought. 'I'm lucky that they are my parents.'
After twenty minutes of waiting, finally it was her turn to ride the carousel. Tumulis ang nguso niya habang pilit na sumasampa sa kabayo. Masyado kasi itong mataas para sa kanya.
Tumingin siya sa paligid para humingi ng tulong, pero bago pa man niya matawag ang isang staff, ay naramdaman niyang may bumuhat na sa kanya at isinakay siya sa kabayo.
It was a kid who's taller than her and maybe, he's also a bit older than her. She frowned a little, but then smiled after. "Thank you!"
"You're welcome dwarf!" ani nito saka sumakay sa kabayo sa likod niya.
Naiinis na nilingon niya ito. "I'm not dwarf! Tatangkad pa ako!"
Hindi umimik ang bata, sa halip ay binelatan lang siya nito kaya lalo siyang nainis. Pero agad ding natunaw ang inis niya nang magsimula nang umandar ang carousel.
Tumingin siya sa mga magulang na nakamasid sa kanya. "Mommy! Daddy!" tili niya.
Habang nakasakay siya sa kabayo at mabagal na umiikot ito, panay lang ang pagkaway ni Charmelle sa mga magulang sa tuwing tumatapat siya sa kanila. Malapad din siyang ngumingiti kapag kinukuhanan siya ng litrato ng kanyang ina, gamit ang polaroid camera nito.
"Come on, big guy! Smile!"
"No! Don't take pictures! Ayoko sabi!"
Napalingon si Charmelle sa kabayo sa kanyang likuran kung saan nakasakay ang batang tumulong sa kanya. Kanina niya pa ito naririnig na sumisigaw na ayaw niyang magpakuha ng litrato. Hindi niya mapigilang matawa dahil sa itsura nito. Nakabusangot ito na parang galit sa mundo.
"Anong tinitingin-tingin mo?!" biglang singhal sa kanya ng batang lalaki.
"Arte mo!" singhal niya pabalik habang naniningkit ang mga mata. Pasalamat siya at magkalayo sila, kundi nasabunutan na niya ito.
Binalik na lang niya ulit ang atensyon sa harapan. Rinig na rinig niya pa rin ang pagmamaktol ng bata sa likuran niya kaya napatakip na lamang siya ng tainga.
After the ride, she immediately ran to her parents' side. Pawis na pawis siya kaya kumuha ang mommy niya ng towel mula sa bag nito at pinunasan ang buong mukha at likod niya.
"Did you have some fun?" her mom asked sweetly.
"Yes! Pero may batang nakakainis kanina. Sinabihan niya akong dwarf tapos sigaw pa siya nang sigaw. He ruined my whole ride," sumbong niya.
"Sino?" curious na tanong naman ng ama.
Lumibot ang tingin ni Charmelle sa direksyon ng carousel para hanapin ang batang lalaki, pero hindi na niya ito makita.
"Wala na siya daddy. Nakaalis na siguro."
"Hayaan mo na," her mom smiled. "You're just 7 years old. Drink ka na lang ng maraming milk para tumangkad ka pa."
"I will mommy! Gusto ko maging kasing-tangkad mo. Tapos maging model din ako, ha." Charmelle beamed.
Biglang nawala ang ngiti ni Aira sa labi. Napatigil siya sa pagpupunas sa mukha ng anak. There's a heavy feeling suddenly errupting inside her chest. Bumabakas ang lungkot sa mga mata niya, ngunit hindi niya ito ipinahalata.
Biglang tumikhim ang ama ni Charmelle para kunin ang atensyon nila. "Let's go. Kumain na tayo. May restaurant lang diyan sa malapit."
"Okay!" Mahigpit na humawak si Charmelle sa kamay ng mommy at daddy niya at nagpatianod na lamang siya sa kanila.
Patalon-talon si Charmelle sa bawat paghakbang niya. Biglang tumuon ang atensyon niya sa braso ng mommy niya nang mapansin ang nagbeberdeng kulay sa makinis na balat nito.
"Ano 'yan mommy?" kunot-noong tanong niya.
Bumaba ang tingin ni Aira kay Charmelle. Namilog ang mga mata niya nang makitang titig na titig ang anak sa braso niya kaya mabilis niya itong tinakpan.
"Wala 'to, baby. Bumangga lang ako sa pinto noong isang araw," paliwanag niya.
"Okay mommy. Next time, ingat ka na po, ha."
Aira nodded and smiled awkwardly. Sa kabilang banda, nanatiling walang imik lamang ang daddy ni Charmelle habang naglalakad sila patungo sa restaurant sa gawing kanan ng amusement park.
Nang makapasok sa loob ng restaurant, nakapangalumbaba lamang si Charmelle habang hinihintay ang pagkain nila.
"Nasaan na ang headband mo? Bakit hindi mo na suot?" puna ng mommy niya.
Napahawak si Charmelle sa ulo niya at kinapa ang headband na kanina lang ay nasa ulo niya. Lumukot ang mukha niya nang mapagtantong wala na ito. Sumilip siya sa ilalim ng upuan, baka-sakaling nahulog lang ito sa lapag, pero wala rin doon ang headband niya.
Nanubig ang mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin sa mommy niya. "Baka nalaglag po somewhere," Umiiyak na sagot niya.
"Oh, my princess! Don't cry. Ibibili ka na lang ulit ni daddy," pang-aalo ng ama. Pinalipat siya nito ng upo sa hita nito at kinandong.
Sakto namang dumating na ang pagkain nila, kaya nalipat na doon ang atensyon ni Charmelle. Tuluyan na niyang nakalimutan ang tungkol sa nawawalang headband dahil asikasong-asikaso siya ng mga magulang.
Isa silang larawan ng masayang pamilya habang kumakain. Sinusubuan siya ng mommy niya, habang ang daddy niya ay sinusubuan ang mommy niya. Napupuno rin ng masayang hagikgikan nila ang lamesa nila kaya pinanunuod tuloy sila ng mga tao sa loob ng restaurant.
Kilala kasi ang pamilya nila sa buong Mariano, hindi lamang dahil sa yaman nila. They were dubbed as 'the perfect family' na madalas ma-feature sa mga magazine and it always make her proud.
"Let's take a picture, okay lang ba?" biglang tanong ng mommy niya.
Malugod naman siyang tumango kaya agad na tinawag ng mommy niya ang isang waiter para makisuyong kunan sila ng litrato. Napapagitnaan si Charmelle ng mga magulang niya, kaya kumapit siya sa mga braso nito. And before the camera clicked, her parents kissed the both sides of her cheeks making her heart swell in so much happiness.
I love my family.
***
"Mommy, can you read me my favorite bed time story?" Charmelle asked her mother before she can even stepped her foot outside the room.
Pagod siya mula sa pagsakay niya ng iba't-ibang rides sa amusement park kanina, pero hindi pa siya dinadalaw ng antok.
Aira turned to her daughter with a bright smile on her face. "Hindi ka pa ba nagsasawa kay Cinderella? Halos saulo mo na ang kwento niya, ah."
"She's my favorite disney princess, mommy. Hindi ako magsasawa."
Lumapit si Aira sa anak. Kinuha nito ang fairytale book sa ibabaw ng bedside table at humiga sa tabi ng munting prinsesa niya.
Sumiksik naman si Charmelle sa kanya at ginawang unan ang braso niya. Tahimik lang itong nakinig habang binabasa ng mommy niya ang paboritong fairytale story niya.
"Once upon a time, there was a beautiful girl named Cinderella. She has a wicked stepmother and two stepsisters that were cruel to her."
Napakalambing ng boses ng mommy ni Charmelle kaya gustong-gusto niyang lagi itong naririnig. It always make her calm, and she could sleep peacefully at night everytime her mom reads a bed time story for her. Para siyang laging idinuduyan ng boses nito. Napapapikit na siya, pero ayaw niya pang makatulog.
Makalipas ng ilang minuto, napangiti na lamang siya dahil malapit na sila sa ending.
"Cinderella and the Prince got married and they live happily ever after. The end." pagtatapos ni Aira sa kwento.
Sinilip niya ang mukha ng anak at napailing na lang siya dahil akala niya nakatulog na ito, pero gising na gising pa pala.
"Mommy, totoo ba ang fairytale? Makakahanap rin po kaya ako ng prince charming ko?" biglang tanong nito.
Hinaplos ni Aira ang pisngi ni Charmelle at pinatakan ng halik ang noo nito. "Maybe, when you grow up, you will meet your prince charming, pero sa ngayon, huwag muna. Baby ka pa."
"Just like you and daddy, right? You're living happily ever after, gaya ng sa fairytale. Gusto ko 'yung prince charming ko, gaya rin ni daddy para maging happy ending din ang story ko."
Saglit na natahimik si Aira. Hindi niya alam ang sasabihin kaya tipid na tumango na lamang siya. "Matulog ka na."
Umayos ng higa si Charmelle saka masuyong ngumiti sa ina. "Goodnight mommy."
"Goodnight, my bebita." she whispered softly.
Pinagmasdan lang ni Charmelle ang mommy niya hanggang sa makalabas na ito ng kwarto niya. She then close her eyes and say a little prayer before she sleep.
"Thank you po papa God. Thank you for giving me a perfect family."
But little did she know, walang perpekto sa mundo. Her family that she once thought was perfect will soon fall at the seams. At wala na siyang kontrol sa tuluyang pagbabago ng buhay niya.
Because one year later, on the day after her 8th birthday, her parents got divorced. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Masyado pa siyang bata para maunawaan ang lahat. Hindi niya alam kung bakit kailangang umalis sa bahay nila ang mommy niya.
Isang araw, kinuha na lang ng mommy niya ang lahat ng gamit nito sa bahay nila. She was crying so hard habang pinapanuod ang mommy niya na nag-iimpake.
Mahigpit siyang nakayakap sa binti ng ina at ayaw niya itong pakawalan. She begged with all her might, she wanted her to stay, but her mom told her she can't do her request.
Just like her, her mom was crying and that make her heart shattered into a million pieces. It hurts. She can't even describe the pain. Hindi alam ng batang puso niya kung paano tatanggapin ang biglaang paghihiwalay ng magulang niya.
"D-Dito ka lang, mommy...huwag ka nang umalis," pagsusumamo niya.
Her mom just kneeled down on the floor, and hugged her tight, only to make her wailed louder than before.
"H-Hindi mo na ba ako love?"
Marahas na umiling si Aira. Nilunok niya ang mga hikbi. Hinarap niya ang umiiyak na anak at marahang pinunasan ang luha sa basang-basang pisngi nito habang nakatitig sa mga mata nito.
"Mommy loves you...s-so much. Mommy fought for you so hard, but mommy failed. I'm sorry, baby. I'm sorry kung mahina si mommy. I'm sorry kung hindi kita maisasama, ha? Huwag ka sanang magagalit sa akin. Pwede ka naman magstay sa bahay namin ni tita Alice mo kapag weekend, eh."
"Ayoko ng weekend lang! Gusto ko everyday kitang kasama. Gusto ko nasa tabi lang kita lagi. Ayokong iwan mo ko. Mommy, please? I'll convinced daddy. Love niya naman ako, eh. Papayagan ka niya mag-stay."
"Hindi na talaga pwede, eh. Hindi na kami pwedeng magsama ni daddy."
Mas lalong humagulgol lang si Charmelle. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa walang humpay na pag-iyak. Ramdam din ni Aira ang pagkadurog ng puso niya habang umiiyak sa kanya ang prinsesa niya. Alam niyang sa kanilang lahat, ang anak niya ang labis na nasasaktan.
"Mangako ka kay mommy, kahit anong mangyari, magiging matatag ka, okay?" malumanay na pakiusap niya.
Tumango lamang si Charmelle na patuloy pa rin sa paghikbi.
"C-Can you smile for mommy? Pwede bang..." tumingala si Aira sa kisame para itago ang pagluha. "P-Pwede bang iyon na lang ang ipabaon mo kay mommy?"
Kahit panay ang agos ng luha sa mata, sinubukan ni Charmelle na ngumiti para pagbigyan ang kagustuhan ng mommy niya. Kahit masakit. Kahit parang dinudurog siya, ngumiti pa rin siya.
Muli siyang niyakap ng mommy niya. Napakahigpit at napakainit. Ayaw niya nang matapos ang yakap na 'to, pero alam niyang may hangganan ang lahat.
Mabibigat ang mga hakbang ni Aira nang makalabas siya ng bahay, habang nakasunod lamang sa kanya ang umiiyak na anak. Naninikip ang dibdib niya, para siyang malalagutan ng hininga sa sobrang pagpipigil sa emosyon niya.
Hanggang makasakay siya sa loob ng kotse, na ang kapatid niya ang nagmamaneho, naririnig niya pa rin ang nanaghoy na pagtawag ni Charmelle sa kanya.
"Mommy! Don't leave! Mommy!"
Nilingon ni Aira si Charmelle. Tila nahati ang puso niya sa dalawa nang makitang nakayapak lamang na hinahabol nito ang papalayong kotse na lulan siya. Malakas siyang napahikbi nang madapa ang anak na agad na dinaluhan ng mga kasambahay nila.
Napatakip siya sa bibig. Patuloy sa pagtakas ang mga hikbi niyang palakas nang palakas hanggang mapasigaw na lamang siya sa labis na sakit. Panay ang pagtangis niya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
Nang mga sandaling iyon, ramdam ni Charmelle ang matinding kabiguan na lumulukob sa buong sistema niya, habang nakasadlak lamang sa semento. Masakit ang sugat sa mga tuhod niya, pero walang-wala ito sa sakit ng sugat sa puso niya.
Bigong-bigo siya. Kahit anong sabihin niya, buo na ang desisyon ng mommy niya na umalis, pero hindi niya magawang magalit. Alam niyang may matinding rason kung bakit nangyayari ito, but everytime she asked her dad, tikom lamang ang bibig nito.
Kinagabihan, binitbit ni Charmelle ang paborito niyang fairytale book at ang picture nila na kuha noon sa amusement park pababa sa kwarto niya. Humarap siya sa fireplace na nasa sala habang walang katapusan na umaagos ang luha sa mga mata niya. Kagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sarili na makagawa ng kahit na anong ingay.
Mariin siyang pumikit. Nanginginig ang mga kamay niya nang itapon niya sa apoy ang litrato at ang librong hawak. Pinagmasdan niya lang itong masunog hanggang sa tuluyan na itong maging abo.
That time, she realized that life is not a fairytale. That happily ever after doesn't really exist. Inuuto lamang siya nito. Hinding-hindi na siya maniniwala pa ulit dito.