Chereads / How Can I Trust You? / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

Gumawa sya nang malaking apoy na mas malaki sa akin kaya naman agad akong naglabas nang yelo na may halong tubig upang mapigilan iyon. Kaya naman nag wagi rin ako nang dahil doon.

Nang makita ko ang galit nya ay wala pa sa alas kwatrong nag teleport papunta sa likod nya at ikinulong ko siya sa aking yelo ngunit agad din itong nasira. Lumutang ako sa ere at ganon din siya gamit ang mga kapangyarihan namin ay wala ni isa sa amin ang gustong sumuko.


Kaya naman gumawa ako nang paraan at agad ako nag teleport papunta sa likod nya at ka agad siyang sinakal at hinagis papunta sa pader at gumawa ako nang kulungan sa kanya na kapag dumikit sya at makukuryente ito.


Ngumisi ako nang nakaka loko at halos magwala na ito. Gumawa na rin ako nang invisible barrier na matibay na hinding hindi nito masisira agad.

"Suko kana ba?" Sambit ko na may halong ngisi

"Nagkakamali ka nang kinalaban!"


"Ikaw ang nagkamali." Mahal ko.


"I WON'T LET YOU LEAVE HERE ALIVE!" Sigaw nito nang nakapag pabingi sa akin at agad akong umangat sa ere at tumilapon na lang sa kung saan.


Tama nga ang hinala ko. Makapangyarihan siya at kaya nya itong kontrolin. Ngunit ang kanyang kapangyarihan nasa katawan nya ay hindi. Kaya hangga't may natitira pa akong lakas ay kailangan ko na itong mapigilan upang hindi siya lamunin nito.


Nalalapit na ang laban at hindi ako makapapayag na maging masama sa aking paningin ang taong mahal ko. Nagkaka isa ang puso namin ngunit nilalason sya nang kapangyarihan sa katawan nya.. Ngunit alam kong kilala ako nang puso nya. Nang matandaan ko na kailangan mangibabaw ang pagmamahal namin kahit ganoon.


I will distract him this time. "My King." Sambit ko na ikinatigil nya sa pagwawala sa kulungan at unti unting bumabalik ang kulay nang kanyang mata.


Nasasaktan ako nang makita ko sa mga mata nya ang hirap at pagod. Dahil sa kumokontrol sa kanya. Alam kong gusto na nyang sumuko pero hindi ako papayag na mangyari iyon.


"My Queen." Mala anghel na boses nito at bigla na lang may tumulong luha sa kanya. "Please release me here." Sambit nito ngunit tinitigan ko lamang sya.


Hindi ako pwedeng magtiwala sa kanya agad agad. Dahil baka masira ang plano ko. Hindi pwede dahil nararamdaman kong nagpapanggap lamang siya.


How can I trust him more than myself if the demon is inside him and pretending to be one of my love.

How can I trust him?


"Please leave me alone. You're not belong here, My Queen. Let me die and let me go."


anon kadaling sabihin para sa kanya iyon? Napatawa ako nang peke dahil sa sinabi nya at hindi inaasahang tutulo pa ang luha ko doon.


"Ganon na lang ba kadali sayo ang sabihin iyon? Na ako ang naghihirap sa harapan mo at sinasaktan nang nasa loob nang katawan mo?! We are MATES. I WILL NOT GONNA LEAVE YOU. AND I WILL NOT LET YOU DIE! MARK MY WORDS!!" sigaw ko na ikinagulat nito.


"And why would I listening to you?!" Tumawa na naman ito nang pagka lakas


"BECAUSE I WILL DAMN LOVE YOU SO MUCH! AND I KNOW YOU LOVE ME TOO! BUT SOMEONE IS STOPING YOU TO LOVE ME BACK! THAT F*CKING POWER!!"


Dahil sa sigaw ko ay mabilis pa sa alas kwatrong naka wala siya.