Zill's PoV
Hindi na ako nakapag salita mula nang umalis ito. Natulala na lamang ako sa nangyayari sa buhay ko. Unti unti akong nawawalan nang pag asa. Bigla na lamang umagos ang mga luha ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko.
Hindi ko matanggap na dito na talaga ako. Na hindi ako tulad nang mga normal na tao. Napaka hirap, napaka sakit isipin. Na kailangan kong gawan ito nang paraan. Mag isa.. Mag isang kikilos at walang tutulong sa akin upang malagpasan ito. Kung kaya naman ay kailangan ko nang ipagpatuloy ito.
Ipinahid ko ang luha ko at tumayo. Nilingon ko ang bintana at kita ko ang buwan nito. Nalalapit na ang oras. Ngunit hindi ko pa rin mapag tagumpayang labanan ang aking minamahal. Na kahit hindi ko pwedeng saktan ay nagagawa ko dahil iyon lamang ang paraan. Paraan para mabuhay pa ako.
Magpanggap. mag panggap na malakas sa taong mahal ko. Kahit sa loob loob ko ay durog na durog na ako. Sa dami nang pwede kong maging misyon ay yung bampirang mas mahal ko pa.
***
Habang naglalakad ay may narinig akong tugtog kaya naman kahit nasa malayo pa lang ay naririnig ko na.
Chord_ Overstreet - Hold on (Play the music)
Hindi isa, hindi dalawa. Kundi tatlo ang nandoon. Naging mas malakas ang pakiramdam ko at naging alerto. Habang naglalakad ay rinig ko lamang ang sarili kong mga yabag kasabay nang kanta.
Lance
Pierce and
Prince
Walang iba kung hindi ang ka school mate ko at ang isang kaklase ko. Wala sa sariling napangisi ako nang mabuksan ko ang pintuan na ikina tigil nila at sabay sabay na nilingon ako.
Nakita kong gulat sa kanilang tatlo na makita ako dito. Kung inaakala nilang normal na tao lang ako ay nagkakamali na ka agad sila doon. Tiningnan ko sila isa isa bago mag salita. "Welcome Back." Sambit ko at wala sa sariling napatawa at ramdam kong nanigas sila sa pwesto nila mismo.
"Ikaw?"
"Zill?"
"Vianne?"
"Ako nga." Natatawang sambit ko at isa isa silang inikutan dahil hindi ko sila pwedeng mayakap dahil hindi pa kami nagkaka ayos nang taong mahal ko.
"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila at si Prince naman ang sumagot.
"Pinababantayan ka sa amin nang Reyna at kami ang mag p protekta sa'yo." Seryosong sambit nito na agad kong ikinahalakhak nang malakas.
"Are you kidding right?" Ngising sambit o sa kanya na agad naman itong ikina atras nang kaunti.
"I'm serious." Sambit nito na ka agad ko na lang na ikina tango.
'Hindi ko kailangan nang mag p protekta sa akin. Para saan pa kayong tatlo na nasa harap ko kung p protektahan nyo lamang ako sa iisang misyon ko? Baka mag selos pa ang mahal ko nyan.' Sambit ko sa isip ko na gusto kong sabihin sa kanila.
"Okay fine. The three of you.." Turo ko sa kanilang tatlo. "You may now go." Pag sambit ko ay dali dali naman silang umalis at ako na lamang ang natira.
Nakaramdam akong may naka tingin sa gawi ko kaya naman agad ko itong nilingon ngunit parang hangin itong nawala bigla. Napangiti na lang ako sa nasa isip ko.
'Sana ay hindi kana lang nagpapanggap, para hindi na ako mahirapan nang ganito sa iyo.'