Chereads / How Can I Trust You? / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

"Please don't leave now." Ramdam ko ang lungkot nito sa boses nya kaya naman tumango ako dito.

"I promise." Sambit nito na ikinatuwa naman nang dalawang magka kapatid.


"We have no time for the drama." Sambit ni Lind kaya naman natauhan kaming dalawa at sabay na natawa.


Binuksan ni Lind ang pinto ngunit agad sumalubong sa akin ang madilim na kwarto maski isang ilaw ay wala. Kaya naman gagawa pa ako nang apoy upang makita ko siya.


"Take care." Sambit nilang dalawa kaya naman niyakap ko sila ulit bago ako pumasok sa loob.


Nang maka apak ako sa madilim na kwarto ay sumarado na ka agad ang pinto. Gumawa ako nang kahoy sa aking kamay at apoy.


Nakaramdam ako nang malamig na hangin kaya naman unti unti akong naglakad at kita ko agad ang mga litrato at libro. Maraming mga sapot na nakapaligid sa kwarto nito at mga tarantulang naka sabit dito.


Napangiwi na lang ako sa mga nakikita ko at ramdam ko ang mga yapak nang mga daga dito. Napa irap na lang ako sa aking iniisip dahil masyadong napabaya ang kwarto na ito.


Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang makaramdam ako nang lamig sa aking paa. Nang mailawan ko ito ay isang yelo ito na madulas. Kaya naman nagdahan dahan ako hanggang sa nasa harap ko na ang isa pang pinto.


Pagbukas ko dito ay nagulat ako dahil malinis ito at wala maski isang sapot o kung ano man. Nang maisara ko ang pinto ay naglakad pa muli ako ngunit nabitawan ko ang hawak ko nang may yumakap sa bewang ko patalikod at rinig ko ang paghahabol hininga nito.


Kaya agad kong pinalutang ang apoy sa kamay ko at itinaas upang makita ang itsura nito.


Gwapo


Matangos ilong


Kissable lips


At abo ang mata katulad nang sa akin.


At



Pandesal?


Iling iling akong napa alas nang tingin doon kaya naman napatawa sya na ikina gulat ko. Mas lalo kong naanigan ang mukha nito.


Maputla


Oo alam kong bampira siya ngunit ramdam ko ang uhaw nito at panghihina. Lalo nya akong pinahahanga nang magawa pa itong tumayo upang salubungin ito.


Humarap ako sa kanya at niyakap upang maiteleport sa kama nito at hinaplos ang kanyang mukha bago mag salita.


"Drink now, My King."Pagkasambit ko ay agad akong nakaramdam nang pangil sa leeg ko.


Napangiwi na lang ako dahil mukha ngang uhaw na uhaw ito. Baka naman ako ang manghina nito? tsk tsk tsk.


Nang matanaw ko sa malayo ang ilaw nito ay binuksan ko ito gamit ang aking kapangyarihan. Tanaw ko na ngayon ang malaking kwarto nito.

Nang matapos itong uminom ay nabigla ako nang bigyan ako nang halik nito kaya naman agad akong bumawi nang halik.

Ito na naman yung nararamdaman ko sa kanya at sabik na sabik mahalikan siya. Nandoon sa pakiramdam na miss namin ang isa't isa. Nang hindi mag tagal ay kusa kaming naghiwalay at habol ang hininga namin sa isa't isa.

"I miss you so much, My Queen."


"I miss you too, My King."


"Don't leave me again, please." Sambit nito at hinaplos naman ang puso ko doon.


"I will." Sambit ko pabalik. Dahil hindi ko na rin kakayanin kung mahiwalay pa kami sa isa't isa