Chereads / How Can I Trust You? / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Zill's PoV

Tulala akong naglakad papunta sa kulungan kung nasaan ang taong mahal ko. Kasama ko ang tatlong bantay ko. Ang dalawa ay nasa magka bilang gilid ko at ang isa naman ay nasa likod ko.

Nang makarating kami ay pinag buksan nila akong dalawa nang pinto at tanaw ko ang dilim nito sa ibaba. Sinyenyasan ko silang tatlo na mag bantay na lamang sa pinto at ako na lamang ang bababa.

Tiningnan ko muna sila isa isa at tinanguan bago sila talikuran. Huminga ako nang malalim bago bumaba at lamunin nang dilim.

Nang maka apak ako pababa nang hagdan ay wala akong marinig kundi ang mga yapak ko lamang at kaunting liwanag sa gilid.

Wala pa man ay parang gusto ko nang sumuko dahil sa panghihina. Ngunit hinihila ako nang mga paa ko papunta sa kanya ay ipinag patuloy ko ang paglalakad. Hanggang sa dulo nang hagdan ay natanaw ko na kung nasaan ito.


Naglakad pa muli ako at tanaw ko na ang matibay na glass nito at hindi basta basta mababasag. Ngunit hindi rin ito rinig ang ingay mula sa labas.


Nang matanaw ko siya ay ayun siya at nakapikit na para bang gusto na nyang sumuko. Nakaramdam ako nang awa dahil sa kanyang posisyon at ramdam ang paglalim nang hininga nito.

Hindi ko naiwasan ang maluha dahil sa paghihirap na makita syang ganoon. At wala akong magawa kung hindi tingnan lamang sya ngayon. Unti unti itong nagmulat at nag tama ang paningin namin. Sa ngayon ay normal ang mata nito at nagka titigan pa kami bago ito unti unting tumayo.

Naglakad ito papalapit sa akin. Ngunit ayun na naman ang pakiramdam ko. Nanghihina, naaawa at gustong umiyak sa harap nya.

Gustong gusto ko na siyang yakapin sa isip ko at halikan man lang. Iiwasan ko na sana ang tingin nito ngunit para akong hinihigop nang mga mata niya. Nagulat na lang din ako nang bigla itong lumuha at hinawakan ang glass nito kung saan ako naka hawak.

"My Queen" Basa ko sa boses nito. At nakaka panghina sa pakiramdam. Ayun na naman ang mga traydor kong luha na gustong lumabas.

"My King." Bulong ko dito at ganun na lang ang muling gulat ko na gusto nitong makawala at para bang pinapahiwatig na gusto ako nitong lapitan at yakapin.

Nag iwas na ako nang tingin sa kanya dahil unti unti akong dinudurog sa nakikita ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa hirap na huminga dahil nakikita ko syang ganoon kahina.

Kaya naman naisipan ko na lamang na gumamit nang action bilang pakikipag usap sa kanya dahil paniguradong hindi kami magkaka rinigan.

Nang makita nyang gusto kong makipag usap ay tumigil ito sa pag wawala. Ngunit nang tingnan nya ako ay kasabay nang pag tulo nang luha ko.

"Please wait me, i will set you free. As soon as possible" Sambit ko bilang action sa aking mga kamay.

"I will. I missed you so much, My Queen. Release me here as soon, as possible." Sambit nito at ganun nalang ang gulat ko na kaya nyang gawin iyon.

Tumango ako bilang sagot bago uli makipag usap sa kanya. "It's time. I will visit you here, always. My King." Hirap ko sa pakikipag usap sa kanya at pinunasan agad ang traydor kong luha.


"I Love You, My Queen."


"I Love You Too, My King."