Chereads / How Can I Trust You? / Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 14 - Chapter 13

Zill's PoV


Papatakbo na ako nang mahuli nya ako at bigla kaming nagpa gulong gulong sa patay na damuhan. Kaya naman nang mapatigil kami ay saglit kaming nagka titigan at nasa ibabaw nya ako. Wala sa sariling ilalapit ko na sana ang mukha nya nang sinakal nya ako sa hindi ko inaasahang pagkakataon.


"You think I am gonna lose?" Paulit ulit nya iyong sinabi hanggang sa unti unti nang lumalabo ang paningin ko at hindi ko na rin marinig ang binibigkas nyang salita.


Bigla akong nakaramdam nang init sa katawan ko na siyang nakapag pabitaw sa leeg ko at tumilapon siya sa malayo. Napa ubo ako sandali ngunit wala pa man masyado ang lakas ko nang sumugod na ka agad sya, na agad ko rin namang naiwasan.


Nagpalabas ako nang matatalim na yelo papunta sa kanya at tinamaan ito sa braso nya nang lumabas ang dugo nito ay bigla na lamang akong nanghina at ramdam ko ang pag iiba nang kulay nang mata ko. At kusang lumabas ang mga pangil ko.


Mabilis pa sa alas kwatrong naka lapit ako sa kanya ngunit bago ko paman mainom ang tumutulong dugo sa kanya ay tumalsik na lamang ako sa matigas na bagay nang siyang nakapag pahina sa akin at unti unti nang umiikot ang paningin ko bago mawalan nang malay.


***

"GOOD BYE, MY QUEEN." Pagka sambit nito ay syang pagsaksak sa akin nang punyal at ikina gulat nang lahat nang mga bampirang nasa gilid namin.


Kahit unti unting lumalabo ang aking paningin ay ramdam ko pa rin ang agos nang luha nang kambal ko at mga magulang ko. Kasabay ang kaibigan ko na si Yanna at agad namang sinugod nila Zayn at Zeyn si "X" Ngunit sadyang malakas ito kaya naman tumilapon rin sila dito.


Ramdam ko na ang sakit sa mga nababasa ko sa kanyang mata ay tuwang tuwa ito dahil sa paghihirap nang aking nararamdaman. Ramdam ko ang pag tulo nang luha ko at pilit nilalakasan ang loob upang mahawakan man sandali ang kanyang mga mukha.


"I-l-love y-y-you.... M-my K-king.." Matapos kong isambit iyon ay nilamon na ako nang kadiliman.


Agad akong napabalikwas nang bangon at habol hiningang tiningnan ang paligid. Ngunit nasa dilim ako at iisang mataas na bintana lamang ang nakikita ko. Paniguradong ikinulong nila ako dito. Ngunit hindi na ako gaano kahina tulad nang kanina.


Hanggang sa nag bukas ang pintuan at pumasok rito ang magandang babae at kayumanggi ang kulay nito. Nilapitan naman nya ako at tiningnan ba kung maayos na ang aking pakiramdam.


"Kamusta?Zill" Hindi na ako ma gugulat kung kilala na ako dito.


"Maayos naman." Tungo ko na ikina tango naman nya.


"May sasabihin akong importante sa iyo na sana'y huwag mong ikagulat." Tumango na lamang ako bilang pag sagot.


"Ang panaginip mong nakita ko kanina ay magkakatotoo." Sambit nito ngunit hindi ko pinahalatang nagulat ako. "Kung maari man kayong magka ayos ay hindi pa rin mababago ang naka tadhana para sa inyong dalawa. Mismo ang mahal mo ang papatay sa iyo sa takdang panahon. Maraming kalaban. Maraming traydor. Maraming lalasunin ka sa isip mo. Kung kaya naman." Putol nito at lumapit sa may tenga ko at may binulong. "Maging handa ka, Zill. Kung maaring mapigilan ang naka takda sa inyo ay pigilan mo. Kapag nawala ka, mawawala kami. Kaya huwag mong hahayaang mismo ang mahal mo ang pumatay sa iyo." Agad akong nangilabot matapos nyang ibulong iyon.