Chapter 10 - Ninth

MAVERIC's First Point of View

Who told you na tahimik akong tao at halos pasan ang buong solar system at galaxies? Ah, that innocent girl.

Napangiti ako sandali nang lumitaw sa isip ko ang mukha ni Alyson.

I'm Maveric Jaise Viesco pero madalas na Mavs o Maveric ang itawag sa'kin ng mga kakilala at kaibigan ko. I'm 26.Sa lahat ng naging kabarkada ko, sina Allan, Joseph, Klint,at Joshua lang ang nagtagal sa'kin. Kung sabagay pare-parehas naman kaming itong circle of friends namin ang pinakamatatag sa lahat ng barkadang pinagdaanan naming lahat.

Lovelife?

When I was in high school,may secret relationship ako with someone. Since that girl was not allowed to have boyfriend while studying so we both kept our relationship secret. Shempre mahirap kasi 'yong taong gusto mong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano mo kamahal ay hindi mo magawa dahil parehas kayong mapapahamak.

We lasted for two years,kahit mga barkada ko walang alam na in a relationship ako kasi iyon ang pakiusap ng ex ko na kahit sino raw ay hindi ko pagsasabihan sa takot na baka malintikan kami parehas once malaman ng parents niya.

Damn. Minahal ko siya to the point na minsan mababaliw na ako kakaintindi kahit hindi ko makayanan ang ugali niya. She's damn jealous kahit maliit na bagay pinagseselosan. Sometimes she's immature and maybe that was the reason why we broke up.

Oo,ako ang nakipaghiwalay kahit masakit,kahit mahal ko pa siya iniwan ko siya sa pag-asang magbabago siya pero pikit-mata niya lang akong tinalikuran at hindi na nilingon ulit. She was my first love so it hurts a lot.

'Nong nakilala ko sina Allan at naging barkada,ni minsan hindi ako nagkwento sa kanila na may ex-girlfriend ako at ayaw ko nang halungkatin pa and maybe that is the reason why I've changed. Naging tahimik ako at tipid magsalita because I don't want one day,bigla kong maikwento ang pilit kong kinalimutan.

Pero naka move on na ako dahil almost six years na ang nakalipas. I'm happy for her kung kanino man siyang lalaki ngayon at umaasang nagbago na siya.

Binuksan ko ang aking laptop para ituloy ang ginagawa kong pag-compute ng sales ng smartphone sa trabaho ko.

Napangiti ako nang bumungad sa monitor ang larawan ng isang inosenteng babae. Yeah, she's Alyson. I'm inlove with her simula noong college ako,noong unang beses ko siyang nakita.

Flashback...

"Uy,mga tol sa bahay na tayo dumiretso! Birthday ng kapatid ko,payag na si mama na mag-inuman tayo basta konti lang." Pag-aaya ni Allan sa'min habang palabas kami ng school campus. First year college kami kaya  nag-aadjust pa ng kaunti sa environment.

"Sure ka ba,tol?" Pag-aalangan ni Joshua.

"Nako,game ako dyan mga brad!" Sabat ni Klint. Basta inuman, game na game siya.

"Edi,sige sama kami sayo." Pagpayag nina Joseph at Joshua.

"Ayon naman pala,e! At isa pa, para naman mare-fresh ang utak natin mula sa mga profs na ang hihigpit." Saad ni Allan kaya natawa silang lahat maliban sa'kin na seryoso lang na naglalakad at nakasunod sa kanila.

"Pero,ang tanong ay kung papayag ba na sumama si Mavs sa'tin?" Tanong ni Klint at inakbayan ako. "Ano,tol sama ka sa'min?" Tanong niya sa'kin.

Tumango na lang ako,tutal ito ang unang beses na mag-aya si Allan sa kanila kaya okay lang. Isa pa,malapit lang naman ang bahay namin sa bahay nila.

"Shempre papayag talaga 'yan 'no. Ninang ko mama niya e." Pagmamayabang ni Allan kaya nagtawanan sila. "'Di ba,Mavs?" Pagkukumpirma pa niya kaya tumango ako at natawa ng kaunti bagay na hindi naman nila pinagtataka kung minsan ay sumasakay ako sa trip nila.

"Basta huwag niyo akong balak lasingin kasi mas mataas ang alcohol tolerance ko kaysa sa inyo." Saad ko bago kami sumakay sa jeep patungo kina Allan.

Dumaan ako saglit sa bahay para magpaalam at magbihis. Hindi naman tumutol si mama kasi kina Allan lang naman ako at isa pa,pupunta si mama do'n para tumulong dahil tiyak na inimbitahan siya ni tita Agnes.

"Aba, ang fresh ng dating mo ha." Kantyaw sa'kin ni Klint nang makaupo ako sa table nila. Inabutan ako ni Allan ng plato kaya kumuha na ako sa mga handa doon. Medyo kaunti lang ang tao dahil konting salu-salo lang naman ang nangyari.

Makalipas ang isang oras ay naglabas na ng tig-isang bote ng alak si Allan at binigyan ang lahat maging ako ay nakipag-inuman na rin, hindi naman ako madaling malasing pero isang bote lang kung umiinom ako ng alak.

Habang abala sa inuman ang aming barkada, biglang lumapit ang isang babae kay Allan at yumakap dito. "Nako,kuya Allan umiinom ka na naman!" Mataray na sermon nito sa kuya.

Ginulo ni Allan ang buhok nito. "Ikaw talaga,mana ka kay mama." Pang-aasar niya sa nakababatang kapatid. "Siya nga pala,mga tol si Alyson kapatid ko. Siya ang birthday girl." Pagpapakilala sa'min ni Allan sa kapatid niya.

Alyson...

"Ilang taon ka na?" Magiliw na tanong ni Klint kay Alyson.

Nagtawanan sila habang ako ay tahimik lang. Inaasar ni Joseph si Klint na huwag magkaroon ng balak sa kapatid ni Allan dahil baka mapatay siya.

Nahihiyang natawa si Alyson bago sumagot. "Twelve years old po."

Nahihiyang napatingin sa'kin si Alyson at napatitig ako sa kanya. Sa unang tingin ko palang,isang babaeng inosente,malambing at mabait siyang bata.

May kung anong naramdaman ako sa aking dibdob upang tumibok ito ng mabilis nang ngitian niya ako at kumaway pa sa'kin. Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin bago pa mahalata ng mga barkada ko ang biglang pagkagusto ko sa kapatid ni Allan.

Damn this heart!

End of flashback.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakangiti sa larawan ni Alyson na siyang wallpaper ng aking laptop. Simula noon,hindi ko na makalimutan ang mukha ng inosenteng babae na muling nagpatibok sa puso ko sa ikalawang pagkakataon.

D*mn,dude ang corny mo na.

Bukas ko na lang gagawin ang sales report ko dahil mukhang lutang ang isip ko ngayon dahil kay Alyson. Isasara ko na sana ang laptop ko nang biglang may phone call. Napangiti ako kung sino ang tumatawag.Tumikhim muna ako bago sumeryoso.

"Napatawag—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

("Maveric,sorry sa abala pero pahiram ng tricycle niyo. Nahimatay si mama! Please bilisan mo.") Natataranta niyang sabi kaya agad akong kinabahan.

"Sige,sige tutungo na ako dyan." Sabi ko at nagmadaling lumabas ng kwarto para katukin si mama sa kanyang kwarto.

Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na at kinuha ang susi ng tricycle na nakasabit sa pako ng dingding. "Ma,pahiram ng tricycle,si tita Agnes nawalan daw ng malay!"

Agad nagbago ang expresyon ng mukha ni mama. "Dios ko! Osiya sige bilisan mo na! Susunod na ako roon." Saad ni mama bago ako makaalis ng kwarto niya. Nagmadali kong pinatakbo ang tricycle hanggang sa bahay nila.

Nakita ko ang ilan naming kapit-bahay na inaalalayan si tita Agnes na ngayon ay may malay na.

"Tol, ayos na ba si tita?" Tanong ko kay Allan na balisa ngayon.

Napatingin ako kay Alyson na tulala sa sala habang si Allysa naman ay umiiyak na sa tabi ng kanilang ina. Ang mga kapitbahay naman ay inaalalayan at pinapaypayan si tita Agnes.

"Ijo, mabuti at nandyan ka na. Dalhin na natin si Agnes sa ospital para masuri ng nars." Saad ng kapitbahay nila na si ate Tes. Tumango ako at inalalayan sila.

Sumakay sa likod ko si Allan at nasa loob naman si tita Agnes kasama sina Alyson at Allysa na parehas balisa. Nakasalubonv ko pa si mama sa daan at sinabi kong tutungo kami sa center.

**********

Hindi mapakali si Alyson sa kinauupuan namin habang hinihintay ang resulta sa pgsuri ng doktor at nurse sa kalagayan ni tita. Si Allan naman nakatayo at susuntukin sana ang pader ngunit pinigilan siya ni Allysa.

"Kuya, tama na." Pakiusap nito kay Allan.

Nilapitan ko si Alyson at tinapiktapik ang likod niya dahilan para mapatingin siya sa'kin. Her eyes are dull,nangingilid ang luha at nag-aalala para sa ina. "Don't worry,magiging okay din ang lagay ni tita." Pagpapanatag ko sa kalooban niya.

Tumango siya at ngumiti ng pilit. "Sana..." yumuko siya at sandaling pinahid ang luha niyang kumawala. "Kasalanan ko 'to..." dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil hindi naman ako magaling mag-comfort ng tao. I lean her head on my shoulder para kahit papaano ay mabawasan ang alalahanin niya mabuti na lang at hindi na siya tumutol. I can smell her sweet-fragrance of her hair. Napatingin sa'min sina Allysa at Allan.

Mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Allan at umupo sa upuan ngunit dalawang upuan ang pagitan namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ngunit nandito ako para sa kanila at para kay Alyson.

********

Kinabukasan ay nilipat sa ospital si tita Agnes para ma-confine dahil sinabi ng doktor na may diperensya ang baga ni tita kaya dapat na masuri at maagapan sa lalong madaling panahon.

Pumasok sa trabaho si Allan samantalang lumiban sa trabaho si Alyson upang bantayan si tita. Si Isang naman ay nasa bahay nila para magbantay. Nagreport na rin ako sa head namin na absent ako ngayon araw pero hindi ko na sinabi ang dahilan kong sasamahan si Alyson.

"Nag-abala ka pa,Maveric." Walang buhay na sabi ni Alyson pagkaabot ng mga dala kong pagkain at prutas para sa kanila. "Salamat." Dagdag niya.

"Wala 'yon." Ngumiti ako sa kanya para iparamdam ang pagdamay sa sitwasyon nila. Nakita ko si tita Agnes na ngumiti sa'kin. "Kumusta na po ang lagay niyo,tita? May mga dala po akong pagkain."

"Ayos lang ako,ijo." Sabi ni tita kahit na medyo nahihirapan siyang huminga.

"Ma, kumain ka na mamaya para makainom ka na ng gamot ha." Malambing na sabi ni Alyson habang pinagbabalat ng saging ang sarili.

"Anong sabi ng doktor,anak?" Tanong ni tita na ikinatigil ni Alyson sa ginagawa. Napatingin sa'kin saglit si Alyson at ang mga mata niya parang naguguluhan kung anong dapat sabihin.

Sa huli ay siniglahan ni Alyson ang kanyang mukha bago sumagot. "A-Ayos lang po basta kumain po kayo ng masusustansya at inumin ang mga gamot ninyo sa tamang oras. Bawasan niyo rin pong ma-stress."

Tumango naman si tita at nakahinga ng maluwag ngunit parang may tinatago si Alyson. "K-Kumusta kayo ng kuya mo? Nagka-ayos na ba kayo?" Tanong muli ni tita.

Napatingin ulit sa'kin si Alyson ngunit yumuko agad sabay kagat sa labi niya. Umiling siya bilang sagot kaya napabuntong hininga si tita. Napansin niyang nalilito ako sa usapan nila.

Magkagalit ba sina Allan at Alyson? Kaya ba sila parehas na walang imikan kagabi pa?

"Naku,Maveric bakit lumiban ka pa sa trabaho mo kayang-kaya naman na ni Alyson dito." Nahihiyang sabi ni tita sa'kin kaya napakamot ako sa ulo.

"Wala rin naman pong gaanong gagawin doon."saad ko ngunit ang totoo ay bukas ko na ipapasa ang sales report sa boss ko para ma-tally na nila ang sales this month.

Matamlay na ngumiti sa'kin si Alyson. "Kumain ka na ba? Gusto mo ng sandwich? Dinala ni kuya 'to kanina bago siya pumasok sa trabaho." Saad niya habang abala sa pagbubukas ng tupperware na naglalaman ng sandwich.

"Hindi na,kumain na ako." Pagtanggi ko kahit na hindi pa talaga ako kumakain ng agahan.

" 'Wag ka nang mahiya dyan kay Aly,Maveric. Dapat masanay ka na kapag inaasikaso ka niya." Pagbibiro ni tita Agnes kaya agad na nagreact si Alyson.

"Mama naman~" namumula na ang buong mukha niya kaya natawa ako ng kaunti. Ang handa niyang pagmasdan lalo na kapag namumula. Para siyang bata na walang palag.

Hindi ko alam kung hibang na ba ako o ewan.

Bakit kasi wala pa akong lakas ng loob umamin sa kanya at ligawan siya. Natatakot ako na baka ma-reject hindi naman kasi 'to tulad ng ex-girlfriend ko na parehas kaming umamin sa isa't isa.

Hay...buhay torpe.