Isang linggo na ang lumipas nang magkasagutan kami ni ate Zhaira at simula noon ay hindi na bumisita pa rito si ate. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ugali ko pero sorry na lang siya dahil mas hindi ko siya gusto so the feeling is mutual.
Katulad pa rin ng dati ay palagi akong hinahatid-sundo ni Maveric sa trabaho ngunit hindi ko mahinuha kung bakita niya ba ginagawa 'yon. Hindi ko alam kung nagbibigay ba siya ng motibo na gusto niya rin ako o talagang nagmamalasakit lang siya dahil kaibigan niya si kuya Allan.
Araw ng linggo at ngayon ang unang araw na wala akong pasok sa trabaho dahil noong nakalipas na linggo ay may pasok pa 'ko. Ngayon ay may oras ako para makapagpahinga at i-refresh ang utak ko mula sa stress sa trabaho at sa buhay ko.
"Ate!" Nagmamadaling pumasok sa kwarto ko si Isang at tumabi sa'kin upang ibulong ang sasabihin niya. "Nandito na naman si ate Zhaira,ate. Naku, feeling at home siya pero hindi naman siya welcome dito." Sabi niya at bahagyang lumayo sa'kin dahil parehas naming narinig ang magiliw na pagtanggap ni mama sa bisita namin.
Paniguradong nandito na rin si kuya dahil linggo ngayon at kung wala naman si kuya ay tiyak na hindi pupunta dito si ate Zhaira.
"Sige, mauna ka nang lumabas dahil mag-liligpit lang ako dito sa kwarto." Saad ko kaya agad na lumabas si Isang at narinig ko pa ang plastik niyang pagbati sa plastil naminh bisita.
Masama na kung masama pero wala nang mas sasama pa sa ugali ng girlfriend ni kuya. Alam mo 'yon, porket mayaman at may narating ay nangde-degrade na ng ibang tao. Palibhasa mayaman, malay ba nating kapit siya sa power ng mga magulang niya.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagkatinginan kami ni ate bago ako ngumiti. "Nandito ka pala,ate." Sarkastiko kong sabi at napansin kong sumama ang tingin sa'kin ni kuya.
Sa pagkakataong 'yon ay nahiya ako kay kuya pero hindi na lang ako umimik at nagtungo na sa kusina upang magmumumog at maghilamos.
Kay aga-aga nambubulabog ang aming bwisita.
"Nag-agahan ka na ba,iha?" Magiliw na tanong ni mama sa kanya.
Kahit naman hindi sabihin sa'min ni mama alam kong na-disappoint siya sa girlfriend ni kuya pero kailangan pa rin naming irespeto ang desisyon ni kuya lalo na sa kanyang buhay pag-ibig kasi hindi naman kami ang makakadikta ng para sa kanya ngunit ang sa amin lang ay sana 'yong hindi mataray at parang walang pinag-aralan. Sana naman 'yong marespeto kahit hindi nakapagtapos,tanggap ko 'yon actually mas okay pa nga 'yon e kaysa sa nakapag-aral nga mukha namang hindi edukada katulad ng isa dyan!
"Yes po,tita. Kumain na po kami ni Allan sa restaurant before going here po." Pabebe niyang sagot na mas lalong ikinainis ko.
Restaurant? For sure si kuya na naman ang nag-bayad para sa kanila. Malay ba nating five star restaurant pa pinili ng babaeng 'yon kumain ng agahan tapos fried rice lang pala ang kinain pero ang presyp ginto.
"Osiya, Allan asikasuhin mo muna ang nobya mo maghahanda lang ako ng almusal namin. Kung gusto niyong sumalo ay ayos lang naman." Saad ni mama bago nagtungo dito sa kusina at nakita kong malungkot siya.
Nagulat si mama nang madatnan ako dito sa kusina kung kaya siniglahan niya muli ang kanyang mukha na para bang hindi iniintindi ang pagkadismaya.
"Tawagin mo na ang kapatid mo sa taas,kakain na tayo." Utos ni mama kaya tumango na lang ako at nginitian siya.
Dumaan ako sa sala at nakita ko silang nag-uusap tungkol sa ibang bagay nang biglang sabihin ni ate Zhaira, "Babe, ang init masyado wala pa ba kayong aircon?" Maarte niyang sabi kaya agad na tinutok ni kuya kay ate ang isa pang electric fan.
"Sorry,babe binabalak palang namin magkaroon ng aircon once natapos na sa taas." Paghingi ng paumanhin ni kuya.
Kita mo 'tong kakapalan ng mukha ng babaeng 'to. Si kuya pa ang may ganang humingi ng tawad samantalang siya ang maarte.
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila lalo na si ate Zhaira. " Obvious namang wala kaming aircon 'di ba? Kung ayaw mo sa mainit,ate pwede kang bumalik sa bahay niyo." Seryoso kong saad kaya napayuko siya.
Wow! Pa-victim!
Tinitigan ako ng masama ni kuya. "Alyson, umayos ka." Warning niya. "Irespeto mo ang ate Zhaira mo." Dagdag pa niya.
Hindi na lang ako umimik at napairap sa ere nang pinapakalma ni ate Zhaira si kuya para hindi na ako pagalitan.
Tss. Kita mo nga naman ang kaplastikan ng tao ano? Pa-victim pa!
"Isang,kakain na raw." Walang gana kong sabi kay Isang nang makapasok sa kwarto niya.
"Narinig ko,ate 'yong galit ni kuya kanina. Kung ako ang nasa posisyon mo, ganyan din mararamdaman ko." Napacross arms pa siya kaya bumuntong hininga ako dahil sa sinabi ng kapatid ko.
"Kumain ka na do'n saluhan mo si mama. Wala akong gana kumain. Sabihin mo kay mama masakit ang tyan ko. Dito muna ako hanggang nasa baba pa ang bruhang 'yon." Walang gana kong bilin kay Isang. Magsasalita pa sana siya ngunit napansin niya ang pagka-aburido ko sa babaeng 'yon kaya iniwan na niya ako dito sa kwarto niya.
Humiga ako sa kama niya at tumitig sa kisame. Sa buong buhay ko ngayon lang ako tinitigan ng gano'n ni kuya. Mukhang masisira pa ang closeness namin ni kuya dahil sa babaeng 'yon.
Wala naman akong balak maging bastos sa harap ni ate Zhaira lalong lalo na kay kuya pero hindi naman ako magiging gano'n kung maayos lang din naman ang pakikitungo ng girlfriend niya. Nakita ko ang pagkadismaya at sakit sa mukha ni mama ngunit ayaw niyang magsalita o sabihin kay kuya ang totoo dahil ayaw niyang masaktan si kuya.
Pinipilit ko naman talagang makitungo ng maayos sa babaeng 'yon pero nakakapuno dahil puro pagmamaldita at pangmamaliit ang lumalabas sa bibig niya. Ako pa ngayon ang naging masama sa paningin ni kuya.
**********
Nagising ako sa busina ng sasakyan sa baba kaya tiningnan ko ang oras sa wall clock ni Isang at alas syete na ng gabi.
Shocks! Maghapon akong tulog?!
Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako upang kumain sa kusina dahil tatlong meal ang na-miss ko maghapon at hindi iyon maganda sa kalusugan.
Napatigil ako sa baba ng hagdan nang mapansing nasa terrace sina mama,kuya,at Isang na nagpapaalam sa kotse,kay ate Zhaira. Bumusina pa itong muli bago lumabas ng bakuran namin.
Ah, do'n pala galing ang businang nakapagpagising sa'kin. Well, mabuti naman kung uuwi na siya.
Chineck ko ang buong bahay kung may aircon na ba kami dahil mukhang anytime ay bibilhan ni kuya si ate Zhaira ng aircon mapawi lang ang pagmamaldita nito. Nakahinga ako ng maluwag nang wala namang aircon at mali lang ako ng iniisip.
Pagpasok nila, natigilan silang lahat nang mapansin akong nakatayo pa rin dito at hindi pa nagtutungo sa kusina upang kumain.
"Oh, gising ka na pala. Ayos na ba ang pakiramdam mo,Aly?" Usisa sa'kin ni mama habang papalapit sa'kin. "Sabi ni Isang ay masakit daw ang tyan mo." Dagdag pa ni mama nang makalapit siya sa'kin.
"O-Okay na po ang pakiramdam ko,ma." Sabi ko at napatingin kay kuya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at bakas pa rin sa mukha niya ang inis sa'kin.
"Kumain ka na sa kusina,ate. Kumain na kami." Saad ni Isang bago umakyat sa taas.
"Sandali, ihahain ko lang ulit ang hapunan para magkalaman ang tyan mo." Sabi ni mama bago nagtungo sa kusina.
Naiwan kaming dalawa ni kuya na parehas nakatayo at dalawang dipa ang layo sa isa't isa. Hindi ko alam kung paano magsisimula,kung magso-sorry ba ako dahil may kasalanan din naman ako.
Napayuko ako nang lampasan ako ni kuya at pumanhik sa hagdan ngunit nasa ikatlong baitang palang siya nang tawagin ko siya.
"Kuya..." panimula ko kaya tumigil siya ngunit hindi humarap sa'kin. "A-Alam kong may kasalanan ako—"
"Kasalanan mo talaga." Inis na sabat ni kuya sa sasabihin ko.
"P-Pero hindi naman yata magandang pag-uugali na magparinig—" hindi na naman ako pinatapos ni kuya dahil sumabat na naman siya kaya mas lalo akong nainis.
"Alyson, hindi ka pinalaking bastos sa harap ng ibang tao. Hindi tayo ganyan pinalaki ni mama—" hindi ko na rin siya pinatapos dahil sobra na akong napupuno sa pagtanggol ni kuya sa girlfriend niya.
"Pero 'yong girlfriend mo pinalaking bastos ng magulang so okay lang,gano'n ba,kuya?!" Hindi ko sinasadyang tumaas na ang boses ko.
"T*ngina,Alyson! Girlfriend ko 'yon—"
"Oo,girlfriend mo 'yon pero pamilya mo kami! Kuya, pamilya mo 'yong minamaliit ng babaeng 'yon! Bakit ba hindi mo bigyan ng consideration 'yong nararamdaman namin nila mama sa tuwing magpapalabas ng kamalditahan ang girlfriend mo?!" Mataas pa rin ang boses ko pero hindi ko na alintana dahil mas nangingibabaw ang inis sa akin.
"Ano bang sigawan 'yan? Hindi ba kayo nahihiya sa kapit-bahay?!" Galit na saway sa'min ni mama ngunit hindi kami natinag sa palitan ng masasamang tingin.
"Ano ba,Alyson?! Hindi na nga pinupuna ni mama 'yong ugali ni Zhaira at kung pwede intindihin niyo naman siya! Kinakausap ko naman ng masinsinan si Zhaira upang hindi na niya ulitin pa—" hindi ko ulit pinatapos si kuya.
"Hindi na ulitin? Wow, kuya! Kung alam mo lang kung paano niya ako maliitin porket siya ganap ng guro sa prestihiyosong pamantasan tapos ako,heto at hindi pa nakakapag-take ng board exam—"
"P*nyeta! Magsitigil na nga kayong dalawa! Hindi na kayo mga bata para magsigawan!" Galit na galit na si mama pero nagsalita pa si kuya na mas kinadurog ko.
"Hindi ko na kasalanan kung bakit ayaw mong mag-take ng board exam! 'Yan naman ang pinili mo 'di ba?!"
Magsasalita pa sana ako nang patakbong bumaba ng hagdan si Isang at nang mapagtanto namin kung bakit gano'n siya kataranta ay parehas kaming nanigas ni kuya sa kinatatayuan namin.
"Ate,kuya! Si mama nahimatay! Humingi kayo ng tulong,please ate,kuya!" Hagulgol na saad ni Isang habang tangan si mama sa braso niya.
Nataranta ako nang mabalik ako sa wisyo at agad na pumasok sa aking silid upang hagilapin ang phone ko at humingi ng tulong.
Sh*t, bakit ngayon pa!
Nanginginig kong dinial ang phone number sa contacts ko sa pag-asang sasagutin niya agad.
Please,Lord iligtas niyo po si mama. I'm sorry... kasalanan ko 'to.