Paglabas ko ng bahay, napatigil ako nang makita si Maveric na nakatayo sa gilid ng gate namin at mukhang may hinihintay dahil nakaparada ang motor niya. Bihis na bihis din siya,mukhang papasok sa trabaho.
"Anong ginagawa mo dyan?" Nagtataka kong tanong dahil mukhang tingin siya ng tingin sa relo niya. Napatigil siya sa ginagawa nang marinig ako at bigla siyang ngumiti saka nilapitan ako.
"Mabuti,lumabas ka na. Tara,ihahatid na kita sa work mo." Nakangiti niyang sabi at inabot sa'kin ang helmet.
OMG,Maveric huwag mo akong pakiligin,kay aga-aga. Bakit ba ganito ka sa'kin,hindi mo naman ako girlfriend para ihatid-sundo.
Hindi na lang ako kumontra dahil naisip ko na makakatipid ako sa pamasahe kahit papaano. Sumakay na ako sa motor niya at naamoy ko ang kanyang pabango na nakakapagpakilig sa buo kong sistema.Habang nasa daan kami ay bigla ko siyang tinanong.
"Saan ka pala nagtatrabaho?" Naisip ko rin kasi na baka sinundo niya ako ay para isabay sa pagpasok niya sa work tutal magkaibigan naman ang mga nanay namin.
"Mananger ng smartphone sa mall sa bayan." Tipid niyang sagot but this time hindi na tulad dati na kapag sasagot ay matipid na nga,masungit pa.
Hmmm...kaya pala ako sinundo at ihahatid sa work ko ay dahil doon din siya nagtatrabaho. Kaya ikaw,Alyson huwag mo nang bigyan ng malisya pa ang lahat dahil nagmamagandang-loob lang ang anak ng kaibigan ng nanay mo,intindies?
"Ikaw,bakit ka nag-call center?" Dagdag niya.
Napatigil ako sa pagmamasid sa mga nadadaanan namin at tumingin sa side mirror niya na ngayon ay nakatutok na pala sa'kin at patingin-tingin siya minsan kaya binaling ko ulit ang paningin ko sa dinadaanan namin.
Hindi ko akalaing itatanong niya sa'kin 'yan kasi unang-una wala namang pakialam si Maveric sa buhay ko—wala nga ba?
"G-Gusto ko lang mag-ipon muna..." nag-aalangan kong sagot na hindi tumitingin sa kanya.
Ayaw kong mabasa niya ang nasa isip ko. Ayaw kong pati siya malaman na duda ako sa kakayahan kong maipasa ang board exam ng isang take lang.
"Time is too fast,Alyson and making your way to your dream is now or never." Malumanay niyang sabi kaya napatingin ako sa side mirror at nakikita ko ang kalahati ng kanyang mukha at ngumiti siya bago niya ibalik sa ayos ang salamin.
Ang daming words of wisdom 'tong si Maveric and no wonder kung bakit tipid lang siya magsalita it's because each word na lumabas sa bibig niya may sense. Now I know why some people prefer to be quiet,because they know how to value their words unlike sa ibang tao kung ano-anong sinasabi wala namang sense at wala pang katotohanan madalas—'di ba mga cheesemousa?
Agad na akong nag-time in pagpasok palang sa building. Habang hinihintay ang oras ng pagsisimula sa trabaho,siya namang paglabas ng mga may night shift.
"Alyson?"
Napatingin ako sa tumawag sa'kin ngunit hindi ko siya mamukhaan dahil mahina talaga ako pagdating sa pagmememorya ng mukha ng tao lalo na kung hindi naman siya gano'n ka-importante sa buhay ko.
"Ako,'to si Miranda,high school classmate mo!" Pagpapaalala niya.
"Ah! Oo, ikaw nga! Sorry,hindi kita nakilala matagal na panahon na rin kasi at masyado na akong busy sa buhay ko." Pag-amin ko.
Si Miranda Arevalo,isa sa mga naging kaibigan ko dati noong high school ngunit nabalitaan ko na lang na hindi na siya mag-ccollege dahil maaga siyang nabuntis ng kanyang nobyo at hindi siya nito pinanagutan.
Tumabi si Miranda sa'kin at nakipagkamustahan sandali. Isa siya sa mga nagtatrabaho dito at night shift ang schedule niya.
"Sayang naman ang tinapos mo kung hindi mo rin naman ipu-pursue ang pagiging guro." Komento niya sa sinabi ko na graduated ako ng BSEd course at nag-call center para mag-ipon muna.
"I know...pero personal choice ko naman 'yon." Tumawa na lang ako ng pilit upang hindi niya pa usisahin ang naging desisyon ko.
"Oh siya,kailangan ko nang umuwi para may mag-aasikaso sa bahay at sa anak ko. Next week nga pala day shift na ako. Sige na,Alyson una na ako ha." Pagpapaalam niya sa'kin nang makareceive siya ng text mula sa kasama niya sa bahay siguro.
"Sure. Ingat." Magiliw kong sabi with matching goodbye wave.
**********
Nakakapagod ang araw na ito at isama pa ang pagka-out of place dahil hindi pumasok si Avery gawa ng bumaba raw ang kanyang dugo at sinugod sa ospital. Hindi ko pa pala nakukuha ang number niya at hindi pa kami friends sa facebook kung kaya't hindi ko matawagan o makamusta man lang.
Napangiti ako nang tumigil ang isang motor sa harap ko lalo na nang ngitian ako ni Maveric pagkatanggal niya ng helmet niya.
"Kanina ka pa ba?" Nakangiti niyang tanong paglapit niya sa'kin upang iabot ang helmet na para sa'kin.
"Sakto lang." Sagot ko. "Mukhang stress ka sa work ha,gusto mo kumain muna tayo sa bayan?" Tanong ko at umaasang papayag siya. "Libre ko." Dagdag ko pa para pumayag na siya kasi gusto kong kumain ulit ng mga streetfoods.
"Sure,kahit ako pa ang manlibre sayo." Natatawa niyang sabi nang umangkas na ako sa motor niya. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya nang magsimula nang umandar ang sinasakyan namin.
Ikaw...
"Do'n ulit sa mga ihaw-ihaw,namiss ko 'yong corndog at kwekwek." Sagot ko habang iniimagine sa isip ko kung gaano karami ang kakainin kong streetfoods.
"Sige,ako na--"
"Ay,sandali lang sagutin ko lang 'tong tawag." Pagpuputol ko sa sinasabi niya habang hinahalungkat ko sa bag ang aking phone. "Si Isang pala.Anong kailangan ng babaitang 'to?" Saad ko nang mabasa kung sino ang tumatawag.
"Hi,Isang! Napatawag ka? Ano na naman bang ipapabili mo—" hindi ako pinatapos ni Isang at siya na agad ang nagsalita sa kabilang linya.
Aba,bastos na batang 'to ha!
("Ate, umuwi ka na agad kasi nandito na naman si ate Zhaira. Kapag hindi ako makapagpigil sa babaeng 'to ibabato ko sa kanya lahat ng plato natin!") Halos pabulong niyang sabi kaya nagsalubong ang kilay ko.
Tinigil na ni Maveric ang motor sa tapat ng money transfer at parehas kaming bumaba at kausapin ko muna ang kapatid ko na nasa kabilang linya.
"Ano bang sinasabi mo dyan? Baka marinig ka ni kuya magtatampo 'yon sa'tin!" Babala ko sa kanya kasi ayaw kong magtampo si kuya sa oras na malaman niyang bina-backstab namin ang girlfriend niya.
("Basta,ate umuwi ka na!") Tanging saad niya bago ako babaan ng telepono.
Tiningnan ko ang phone ko at kinausap ito na para akong timang. "Alam mo ikaw,bastos kang bata ka!" Gigil ko pang binalik sa bag ang phone ko at tumingin kay Maveric na ngayon ay pinipigilang matawa sa'kin.
"Bakit? Anong meron sa tawag?" Tanong niya nang medyo umaliwalas na ang mukha ko.
"Yung girlfriend kasi ni kuya nasa bahay daw at pinapauwi na ako ni Isang. Ewan ko ba sa kapatid kong 'yon,minsan hindi maintindihan." Paliwanag ko habang tinatanggal ang aking helmet dahil pawis na ang noo ko. Nakakahiya naman kung amoy pawis 'to.
"Si Zhaira..." napatingin ako kay Maveric sa sinabi niya. Hindi patanong ang pagkakasabi niya... sinabi niya na parang alam niya.
Ako lang ba 'to o talagang nagbago ang expression ng mukha niya at parang naging malungkot?
Magsasalita pa sana ako nang unahan na niya. "Sige,bukas na lang siguro kita ilibre. Kailangan na nating umuwi may aasikasuhin pa pala ako." Tipid siyang ngumiti sa'kin at nauna nang umangkas sa motor.
Anong nangyari 'don?
Nagkibit balikat na lang ako at sumakay na ulit sa motor. Hinatid niya ako hanggang sa gate ng bahay namin at nagpaalam na kami agad sa isa't isa.
Pagpasok ko sa terrace ng bahay, narinig kong nagsasalita si ate Zhaira at kausap si mama. "I don't like seafood po,tita 'cause that was our lunch. I prefer beef steak for tonight." Then ate Zhaira looked kuya Allan. "What do you think,babe?"
Parehas na hindi makapaniwala sina mama at kuya sa tinuran ni ate Zhaira ngunit pinilit nila iyong itago at hindi nakaligtas sa mga mata ko.
Magsasalita na sana si kuya nang tumikhim ako kaya lumingon silang lahat sa'kin. Nagmano muna ako kay mama bago nagsalita.
"Ma, ubos na ba 'yong beef steak na ulam niyo kaninang tanghali?" Saad ko habang nakatingin kay ate Zhaira na ngayon ay nag-iwas ng tingin. "Kanina po kasi iniingit ako ni Isang at nag-send pa ng picture kaya mas lalo po akong nainggit."Dagdag ko pa at tumingin na ulit kay mama.
Nakita kong sumilip si Isanf mula sa kusina,malamang ay narinig niya ang sinabi ko.
Hindi naman totoong nag-send si Isang sa'kin ng picture ng beef steak at mas lalong hindi beef steak ang ulam nila kaninang tanghalian. Sinasabi ko na nga ba,e. Unang tingin ko palang sa babaeng 'to alam ko ng ma-attitude pero sorry na lang siya dahil mas ma-attitude ako.
"Alyson." Babala sa'kin ni kuya kaya yumuko na lang ako.
Why,kuya? Pinagtatanggol mo pa talaga 'yang babaeng 'yan. Bakit? Kasi alam mong na-disappoint si mama sa pinakilala mo.
"Ano ka ba,babe naiintindihan ko naman si Alyson." Pekeng ngiti niya kay kuya lalo na sa'kin pero hindi ko na lang pinansin at nginitian siya pero mas peke ang ngiti ko.
"Siya,sige magluluto ako ng masarap na beef steak. Magkwentuhan muna kayo dyan ha." Saad ni mama at tumayo na para magtungo sa kusina. Narinig ko pang inutusan niya si Isang na maghiwa ng sibuyas.
Nagtungo ako sa kwarto ko sandali upang magpalit at bumalik rin agad sa sala upang makipagkwentuhan kuno sa ma-attitude na girlfriend ni kuya.
Ngayon ko lang napansin na nakasuot si ate Zhaira ng uniporme pang-guro sa mataas na pamantasan.
Iyan ang unipormeng gusto kong maisuot...ngunit hindi pa ngayon. Siguro hindi pa ngayon ang panahon para makamit ko ang hangaring iyon.
Nag-ring ang phone ni kuya kaya madalian niya itong hinugot sa kanyang bulsa at binasa kung sino ang tunawag.
"Babe,si Roland. Sandali lang ha,baka may update na siya tungkol sa gagawing operation bukas." Pagpapaalam ni kuya sa aming dalawa.
"Sure,babe." Malambing na tugon ni ate Zhaira.
Sabay naming hinintay ni ate Zhaira ang paglaho ni kuya sa paningin namin at nang tuluyan nang nakalabas ng terrace si kuya ay tumikhim si ate Zhaira kaya napatingin ako sa kanya.
Pusturang-pustura niya ang pag-inom ng tea ngayon habang ako nakatingin lang sa kanya.
Kailan pa kami nagkaroon ng tea dito sa bahay,aber?
"Graduated ka ng education,'di ba?" Panimula niya at nang marinig ko ang mga salitang graduated sa education ay naging alerto ang mga tainga ko.
Lumunok ako ng ilang beses dahil pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko. "O-Opo...Bachelor in—" hindi ako pinatapos sa sasabihin ko dahil siya na mismo ang nagsabi.
"Bachelor in Secondary Education major in English..." prente niyang sinabi. "Well,ganyang bachelor din ako nag-graduate and I was the Magna Cum Laude that's why I didn't took board exam and fortunately I was accepted in a prestigious university." Pagmamalaki niya.
Tinanong ko ba,ha? Hindi ko sinabing magkwento ka,sis.
Tinanguan ko na lang siya sa mga sinasabi niya pero sa loob-loob ko umiiral ang inggit sa'kin at sa mga sinasabi niyang 'to parang pinapamukha niya sa'kin ang mga narating niya bilang isang ganap ng guro.
"Mabuti na lamang at hindi ko na kinailangang mag take ng exam dati kasi kung need ko pang mag-take for sure naghehesitate din ako katulad ng iba. Hahahaha." Sabay halakhak niya ng kaunti.
Sa sinabi niyang iyon ay sumeryoso ang mukha ko at pinakatitigan siya ng mabuti hanggang sa mapansin niya ito.
"W-Why?" Saad niya at ngumisi ng kaunti. "Natamaan ka ba?—Opps,masyado na pala ang bibig ko. I'm sorry for that,Alyson."
Naikuyom ko ang dalawa kong kamay,handa na sana siyang suntukin ngunit may natitira pa akong respeto sa babaeng 'to.
"Siguro nga malayo na ang narating mo sa pagiging guro ngunit nakikita ko sa'yo na hindi iyan ang kursong nababagay sa'yo. Mukha nga ring napipilitan ka lang—ahhh,mayaman ang pamilya mo siguro 'yan ang pinipilit na maging kurso mo alang-alang sa image ninyo pero hindi mo naman gustong maging guro." Mahaba kong sabi sa kanya at napansin kong unti-unting napapalitan ng pagkaseryoso ang labi niyang nakangisi kanina.
"You don't know me—"
Hindi ko na siya pinatapos at agad akong nagsalita. "Why? Natamaan ka ba?—Opps,masyado na rin pala ang bibig ko. I'm sorry for that,too,ate Zhaira." Paggaya ko sa sinabi niya kanina.
Napangisi ako ng harap-harapan nang makita kung paano mamula ang kanyang tainga dahil sa pagkapikon.
"You don't know me,ate kaya wala kang karapatan na banggitin sa harap ko ang desisyon ko sa buhay dahil girlfriend ka lang ni kuya at hindi ikaw ang makakadikta sa gusto kong gawin sa buhay ko." Dagdag ko pa.
Magsasalita pa sana siya nang biglang pumasok si kuya Allan at sinabi sa girlfriend niya kung tungkol saan ang tawag.
Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na magpapahinga na ako dahil masyadong nakakapagod ang araw na 'to ngunit mas nakadagdag sa pagod ko ang ugali ng babaeng mahal ni kuya.
Kung ganyang klase ng babae lang din naman ang mapapangasawa ni kuya,no thanks. Hindi ako boto sa kanya para sa kuya ko dahil tiyak na kahihiyan lamang ang dadalhin ng babaeng 'yon sa pamilya namin.
Ngayon pa nga lang na girlfriend siya ni kuya at kapapakilala lang sa'min nilalabas na niya ang sungay niya,paano pa kaya kapag mag-asawa na sila edi naging tatlo pa ang sungay niya. No way!