Chapter 7 - Sixth

"Hi,newbie kayo dito 'no?" Magiliw na tanong sa'kin ng babaeng nakisalo sa table namin ni Avery. Lunch break ngayon at dahil may sariling canteen ang company,dito kami kumakain.

"Ah,Oo. Kasisimula lang namin kahapon at medyo naga-adjust pa." Sagot ko habang kumakain. Ngumiti naman siya saka tumango.

"By the way,my name is Heather and I'm working here for almost six months medyo hindi nalalayo sa inyo." Pagpapakilala niya sa'min kaya nagpakilala na rin kami ni Avery sa kanya.

Maganda siya,mapuputi ang mga ngipin,mukhang may lahing banyaga dahil sa feature ng mukha niya. Blonde rin ang kulay ng kanyang buhok at kung ihahawig ko siya sa mga artista ay hindi siya nalalayo kay Liza Soberano.

Magsasalita pa sana siya nang biglang sumingit sa usapan namin ang isang babaeng matangkad,maputi,maganda pero mukhang mataray. Hindi siya nalalayo sa mga bitch sa pelikula at teleserye.

"Heather? You aren't supposed to make friends with these...fetus-like people." Saad ng babae habang nakatingin sa'min.Hawak niya ang tray na naglalaman ng kanyang lunch.

Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi ng babaeng 'to. Kung hindi ko lang iniisip na bagong hired palang ako,malamang kanina ko pa binuhos sa pagmumukha niya 'tong lemon juice.

"E-Erica,please don't be like that. They are nice and I just wan't to know their name. Come on—" hindi natapos ni Heather ang sinasabi niya dahil biglang sumingit itong iskandalosang Erica.

"I don't care who they are. Hinihintay na tayo nila Nessa sa table na'tin so get your lunch and come with me." Parang boss kung mag-utos ang babaeng 'to.

Para hindi na lumakas ang tensyon ay sumunod na lang si Heather kay Erica at lumingon pa siya saglit then she mouthed,sorry. Tumango na lang ako at ngumiti sabay thumbs up to say it's okay.

"Grabe naman 'yong babaeng 'yon akala mo naman siya ang nagpapa-sweldo tapos tinawag pa tayong fetus-like. Siya nga mukhang kuko,e." Inis na saad ni Avery habang gigil na gigil sa manok na inaalisan niya ng buto.

"Sinabi mo pa. Para tayong nasa isang famous university tapos tayo yung bida then 'yong Erica na 'yon ang bitch and in the end mare-realize niya na nagkamali siya ng binangga." Saad ko at parehas kaming natawa sa ideya kong 'yon.

"I bet hobby mo ang pagbabasa." Sabi ni Avery nang matapos na kaming kumain.

"Oo kapag free time,gano'n. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya. Sabay na kami ngayong naglalakad patungo sa building namin kaya sandali ko siyang napagmamasdan.

In all fairness,maganda siya parang si Kyline Alcantara dahil sweet at baby face ang mukha niya. May dimple din siya sa kanang pisngi at lumilitaw ito kahit magsalita lang siya.

"I love reading books more on classic novels. Have you ever read Secret Heart written by David Almond?" She asked and looked at me. Umiling ako dahil hindi familiar sa'kin ang novel na 'yon siguro dahil hindi naman ako gano'n kahilig magbasa talaga lalo na ng english novel.

"That novel is on the list of my favorite." Nakangiti niyang saad at saktong malapit na kami sa aming kanya-kanyang working area.

Ang gaan ng loob ko kay Avery kahit na hindi ko pa siya lubusang kilala pakiramdam ko parang ang lapit talaga ng loob ko sa kanya. She seems familiar pero hindi ko sigurado kung nagkita na ba kami dati.

**********

Hindi ko mahagilap 'yong maliit kong pitaka na naglalaman ng barya. Kasalukuyan akong nandito sa labasan ng building at hinihintay ko si Maveric dahil nagtext sa'kin kanina na susunduin na lang daw niya ako.

Itatanong ko sana kung paano niya nalaman na dito ako nagtatrabaho pero naalala kong sulsol nga pala sina mama at Isang. Naku, bukas pa naman ang uwi ni kuya kaya humanda na sila dahil magsusumbong ako.

"Kanina ka pa 'dyan?"

Nagulat ako nang makita kung sino itong basta-bastang susulpot sa likod ko at muntik pa akong himatayin sa gulat.

"Ganyan ka ba talaga? Bigla-biglang nanggugulat?" Tanong ko pabalik pero nagkibit-balikat lang siya.

Inabot niya sa'kin ang isang helmet na hawak niya. Napatingin ako sa isa pang helmet sa kanang kamay niya.

"Anong gagawin ko rito?" Tanong ko-okay,meyo tanga ako sa part na 'yon.

Umayos ka nga,Alyson baka mamaya may kahihiyan ka na namang gawin sa harap niya. Mabuti na lang medyo slow siya.

Pinaniwala ko saglit ang sarili ko na slow si Maveric at hindi binibigyan ng kahulugan 'yong nakakahiya kong ginawa kagabi.

"Mana ka sa kuya mo,mukhang tanga kung magtanong minsan." Natawa siya ng kaunti sa sinabi niya dahil naalala niya siguro ang katangahan ni kuya.

"Nandito ka ba para asarin lang ako? Pwes magco-commute na lang ako-" ibabalik ko na sana 'yong helmet sa kanya pero nagsalita siya.

"Sayang. Ang dami ko pa namang budget ng pagkain ngayong gabi. Sino kaya aayain kong ilibre--" hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil ako na mismo ang humila sa kanya patungo sa kanyang motor.

"Ang tagal mo naman,Maveric nagugutom na kaya ako. Parang nagc-crave ako ng streetfoods ha." Pagpaparinig ko habang pinapaandar niya ang motor. At dahil sanay naman ako sa angkasan--hoy! Mali kayo ng iniisip ha! Sanay ako kasi madalas akong iangkas ni kuya tuwing bibili or aalis.

So ayon,sanay ako umangkas kaya sa hawakan sa likod ko ako humawak at hindi na sa balikat niya. Wala kaming label kaya walang dapat hawakan.

Inuulit ko,walang label walang hawakan.

"Hmmm... ang sarap naman ng corndog na 'to sulit yung sauce." Sabi ko habang nilalantakan 'yong inorder namin. Wala na akong pakialam sa nakapaligid sa'min dahil gutom ako ngayon dala ng pagod.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti sakin pero agad na nag-iwas ng tingin at seryosong kumagat sa pagkain niya.

Nasa bayan kami ngayon at dagsa talaga dito ang mga street vendors lalo na at maraming pagpipilian ng mga ihaw-ihaw lalo na sa ganitong oras,alas siyete. Pagkatapos naming kumain ng corndog ay nagtungo kami sa nagtitinda ng kwekkwek at nag-order kami  ng tig-bente pesos.

Masarap ang libre kaya kapag may nanlibre sa inyo huwag na kayong mahiya!

Marami akong nakain hindi ko lang alam dito sa kasama ko dahil corndog at kwekwek lang ang kinain. The rest,ayon minsan pinapanood akong kumain minsan naman aalukin ako ng gulaman para hindi raw ako mabulunan.

"Hayyyyy. Ang sarap naman ng mga pagkain. Solve na solve ang gutom ko." Sabi ko habang nakatitig sa cresent moon sa itaas.

Nakaupo kami ngayon sa mahabang bench ng mini park ng bayan upang magpahinga muna dahil sa kabusugan ko. Maraming mga ilaw kaya maliwanag ang paligid at isama pa ang ingay ng mga sasakyan at mga tao sa lansangan.

"Nabusog ka ba?" Tanong niya sa'kin nang hindi siya nililingon ngunit napangiti ako habang nakatitig sa munting liwanag ng buwan.

"Ang sabi nila,kung sino raw ang unang taong kasama mong nasa ilalim ng buwan at parehas na nakatitig sa liwanag nito,siya raw ang makakatuluyan mo." Ngumiti akong muli sa buwan bago lumingon sa kanya na ngayo'y nakatitig na ng seryoso sa'kin.Natawa ako sandali bago itinuloy ang sasabihin ko. "Pero mukhang hindi naman 'yon totoo." Bumalik muli ang tingin ko sa cresent moon.

Totoo naman 'di ba? Oo,aminado akong gusto ko na si Maveric dahil habang tumatagal alam kong lumalalim ng lumalalim ang pagtingin ko sa kanya pero alam ko ring hindi niya 'yon mararamdaman sa'kin pabalik.

"Hindi natin alam kung anong plano ng tadhana dahil kung minsan kung sino pang hindi mo inaasahan iyon pa ang taong ibibigay sa'yo at mamahalin mo ng lubusan."Isang buntong hininga ang pinakawalan niya matapos magsalita.

Napalingon ako sa kanya ang bahagyang natawa na ikinasalubong ng kilay niya. "Malalim ka rin palang tao-I mean may tinatago kang pagka-makata side. Ikaw siguro ang isa sa mga kamag-anak ni Francisco Baltazar kaso 'yong masungit na ginoo version." Pagbibiro ko. Natawa na lang din siya ng kaunti sa corny kong joke.

At least na-appreciate niya hindi tulad ng iba dyan babarahin ka pa ng SML. Sarap Mo Lunurin.

Napagpasyahan naming umuwi na dahil alas otso na ng gabi at 20 minutes pa ang byahe namin bago makarating sa bahay. Hinatid niya ako hanggang sa gate namin sinabi kong tumulo muna siya ngunit napansin ko ang nakaparadang kotse sa bakuran namin. Napatingin kamo ni Maveric sa isa't isa kung anong meron pero nagkibit-balikat na lang ako.

"Salamat nga pala sa libre ha. Sana may next time pa." Pagbibiro ko pero siya tumango at nginitian pa ako.

"Thank you kasi sumama ka sa'kin akala ko talaga kagabi hindi kita mapapasama pero makarinig lang ng libre nauna ka pa kaysa sa'kin." Natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.

Hindi naman pala siya bugnutin. Marunong din naman palang ngumiti,tumawa at makipag-usap. Sana ganyan na lang siya lagi sa'kin kasi ang gaan sa feeling kaya lalo akong nafa-fall sa kanya. Wala na akong pakialam kung sasaluhin niya ako o hindi basta ang alam ko lang handa na akong mahulog at masaktan.

"Alyson,may iniisip ka ba?" Nagising ako sa kahibangan ko nang marinig ko siyang magsalita.

"A-Ah, wala no! Sige,salamat ulit ha. Ingat ka." Pagpapaalam ko sa kanya bago ako pumasok sa gate at isinara ito.

Napatingin ako sandali sa kotse na nakapara sa harap ng bahay namin at hindi ko mahulaan kung sino ang bisita namin ngayon. Baka workmate ni kuya.

Pagpasok ko sa sala ay narinig ko ang tunog ng mga kutsara at plato mukhang kumakain na sila kaya sumilip ako. "I'm home~" magiliw kong sabi ngunit napatigil nang mapansin ako ang babaeng katabi ni kuya.

"Nandyan ka na pala,Aly! Si Zhaira,girlfriend ko..." sabi ni kuya sa katabi niyang babae at tinuro ako. "Babe,si Alyson,kapatid ko sumunod sa'kin." Pagpapakilala ni kuya sakin sa girlfriend niya.

Ngumiti ako sa girlfriend ni kuya na si Zhaira nang tumingin ito sa'kin ngunit tipid na ngiti ang sinukli niya at matipid na,"Hello,Alyson."

Tinawag ako ni mama na saluhan sila sa hapunan at dahil may bisita si kuya,nakisalo na lang ako kahit busog pa 'ko.

Masaya naman ako para kay kuya kasi sa wakas ay may pinakilala na siya sa'min ngunit parang hindi ako boto sa babaeng 'to. Oo, don't judge the book by it's cover pero kung ikaw ang nasa posisyon ko anonv iisipin mo?

Maganda si ate Zhaira,makinis,maputi na halatang mayaman lalo pa't siya pala ang may-ari ng kotse sa labas. 'Yong may poise pa siya sa pag-nguya at sa pag-upo habanv kumakain. Kapag kinakausap siya ni mama ngingiti siya ng pilit at kung minsan mahahalata kong naiinis siya kapag sunod-sunod ang tanong ni mama.

"I'm a secondary teacher in Leighton University po,tita." Sagot niya kay mama nang tanungin kung anong work niya.

Napansin kong napatingin sakin sina mama at kuya Allan nang sabihin iyon ni ate Zhaira.

"B-Bakit po?" Patay-malisya kong tanong sa kanila ngunit ang totoo alam ko ang mga tinging iyon. Dahil teacher si ate Zhaira at pagiging teacher din ang gusto kong propesyon.

Sa mga sandaling ito,nakaramdam ako ng panliliit dahil hindi ko pinapaniwalaan ang sarili kong kaya ko rin katulad niya... ni hindi ako gumagawa ng paraan para ma-achieve ko 'yong gusto kong propesyon. Pero wala namang masama kung gusto kong mag-ipon 'di ba? Naninigurado lang naman ako...

Nanatili na lamang akong tahimik habang kumakain habang sila ay patuloy sa pag-entertain kay ate Zhaira. Gusto kong isipin nilang pagod ako galing sa trabaho kaya nagpaalam akong magpapahinga na pero ang totoo gusto kong magmukmok at kwestyunin ang sarili ko.

Bakit ba kasi ako ganito? Bakit wala akong tiwala sa sarili ko na kaya ko ring maging guro? Na maipapasa ko 'yong board exam sa unang take palang. Hindi ko alam! Natatakot kasi ako na kapag hindi ako nakapasa ay ma-disappoint ko sila lalo na si mama.

Hinayaan ko na lang na dalawin ako ng antok hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog dala ng pagod ng katawan at pagod ng isipan.