Chapter 6 - Five

"P-Panties?"

What the heck is this?! Sa lahat ng matatanggap kong graduation gift panties pa?

Napansin kong may papel na nakasuksok sa mga panties kaya agad kong binasa...

Hey,Alyson I just wanna say Congrats sa graduation mo kanina. Hope you like my gift to you. I was once saw your undies inside your room when Allan took me there. Hahaha may butas pa 'yong iba mong panty nakasabit sa kwarto mo so I bought a dozen of it and thanks me 'coz those are branded.

Halos umakyat ang dugo sa mukha ko dahil sa sinulat niya! Arrghhh kuya Allan, lagot ka talaga sa'kin kapag maabutan kita bukas!

Pinakatitigan ko 'yong mga panties at 'yong paperbag at napansin kong branded nga 'to. Agad kong tiningnan ang size at mas lalo akong namula kasi sakto sa'kin.

Nakakahiya lang kasi nakita niyang may butas ang iba kong panty! Marami akong panty 'no pero kapag nagkakaroon ako ng buwanang dalaw 'yong mga luma ang sinusuot ko at isa pa wala namang masama kung may butas ng kaunti ang mga 'yon.

**********

"Anong balak mo ngayon,Aly?" Tanong sa'kin ni mama habang kumakain kami ng agahan. Bakasyon na kaya nasa bahay lang si Isang tamang tama gumawa siya ng mga gawaing bahay.

"Mag-iipon po muna ako,ma. Papasok muna ako bilang call center for two years bago ako mag-take ng exam for LPT just incase na sumablay for the first take,at least may back up money ako." Sagot ko kaya nagsalubong ang kilay ni mama.

"Bakit hindi ka ba bilib sa sarili mo na kaya mo 'yon ng isang take lang?"

Napakagat-labi ko. Oo, hindi gano'n kataas ang confidence ko sa sarili ko siguro nakasanayan ko na 'yon. Bibong bata naman ako dati ngunit noong iniwan kami ni papa, parang nawalan na ako ng tiwala sa lahat ng bagay maski sa sarili ko.

"G-Gusto ko rin pong makapag-ipon muna talaga ng pera,ma. Lalo na ngayon pamahal ng pamahal ang mga bilihin." Pagpapagaan ko sa pagdududa nila sa'kin.

"Pero,Aly pwede naman kitang tulungan habang nag-aasikaso ka sa exam." Saad ni kuya ngunit umiling lang ako at nginitian sila.

"Nako,kaya ko na 'to,kuya ang isipin mo ngayon ay kung paano ka may maipapakilalang girlfriend sa'min!" Pag-iiba ko ng usapan kaya ang atensyon naman ngayon nila mama ay sa kanya.

"Naku, ewan ko ba dyan sa kuya niyo pwede naman na siyang mag-asawa kasi nasa edas naman na pero wala pang pinapakilala sa'tin." Saad ni mama kaya mas lalo kamibg natawa ni Isang. Si kuya naman pangiti-ngiti lang.

"May maipapakilala din naman ako sa inyo balang araw 'no." Depensa niya.

"Kailan pa,kuya? Kapag hindi ka na pwedeng makipag--"

"Isang,ang bibig mo! Dios ko po. Hala,tapusin na ang pagkain mamaya na kayo magkwentuhan tungkol dyan." Saway ni mama sa amin kaya tinapos na lang namin ng tahimik ang aming agahan.

Beastmode na naman si mama mahirap na baka mamaya maghapon na siyang ganyan. Huwag naman sana.

**********

Dalawang linggo na akong naghahanap ng trabaho and luckily natanggap ako sa isang company sa Malolos at sobrang saya ko.

Malungkot din kasi dalawang linggo na ring hindi nagpaparamdam si Maveric sa'kin. Suot ko pa man din ngayon ang kulay red na panty na isa sa mga regalo niya.

Hay, feeling ko tuloy na-ghost ang lola niyo kasi wala na ulit paramdam,e.

Ngayong araw ang unang pasok ko sa trabaho matapos ang tatlong araw na training pero kinakabahan pa rin ako dahil pasmado akong tao at baka mabasa ko pa lahat ng pipindutin doon.

Alas sais palang ng umaga naglalakad na ako palabas ng kalye namin. Tinanaw ko pa 'yong bahay nila tita Ines pero hindi ko nakita si Maveric. Tanging si Botchokoy na aso nila ang nakapansin sa'kin at tinahulan pa ako ng loko. Inirapan ko nga at nag flip hair pa sa harap niya.

"Mapapansin din ako ng amo mo,swear to the moon and to the sun." Pagtataray ko sa aso bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makaupo na ako sa working area ko, inayos ko lahat ng nasa table upang kaaya-ayang tingnan. May sarili akong cubicle kaya medyo may privacy ang mga gamit ko. Nasa tabing cubicle ko naman 'yong mga nakasabayan ko sa training at isa na do'n si Avery na nasa kanan ko. Mababa lang naman ang hati ng cubicle kaya nakikita pa rin namin isa't isa.

Nagkamustahan kami saglit ni Avery bago nagsimula sa trabaho dahil kapag nakita kami ng supervisor tiyak na tanggal kami agad.

Nakakapod ang trabaho,oo ikaw ba naman ang makipag-usap sa mga iba't ibang dayuhan nagpapa-book ng kung ano-ano tapos sila pa ang galit kapag paulit-ulit ka kasi nga hindi mo sila maintindihan. Hay, napaisip ako kung mas mabuting mag-focus na lang ako sa board exam at maging ganap na guro na lamang kaysa sa nakaka stress na trabahong 'to na hindi angkop sa'kin.

Pag-uwi ko sa bahay,alas otso na ng gabi at saktong hapunan namin.

"Ma, ang bango naman ng ulam. Mukhang niluto niyo para sa'kin ang favorite ko—Maveric?" Nagulat ako nang makita ko si Maveric na nakaupo sa aming sala nilibot ko ang tingin ko sa bahay dahil mukhang iniwanan lang siya rito.

"Nandyan ka na pala,anak. Mabuting dumating ka pa hala sige tapusin ko lang 'yong niluluto ko. Mag-usap muna kayong dalawa." Maaliwalas ang mukha ni mama pagtingin kay Maveric tapos pagdating sa'kin pinandilatan niya ako ng mata.

Grabe ka naman sa'kin,ma. Anak mo ba talaga ako?

Umupo ako sa katapat na sofa. "Kanina ka pa ba rito? Si kuya hindi pa ba dumadating? Nako,mamaya pa 'yon—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumingit siya.

"Hindi naman si Allan ang sadya ko. Ikaw talaga ang pinunta ko rito." Seryoso niyang sabi kaya tinitigan ko siya sa mata ngunit bigla siyang umiyas.

W-Wait...namumula ba siya?

Hala! Ang lola niyo kumekerengkeng na naman.

Gusto kong iwaksi sa isipan ko 'yong nasa isip ko dahil hindi maganda ang maging ilusyunada,ambisyosa,asyumera at kung ano pang pwedeng itawag sa hibang na tulad ko.

"B-Bakit? Anong kailangan mo sa'kin?" Nag-aalinlangan kong tanong lalo pa't ako raw ang sadya niya. Noong huling beses niyang sinabi 'yan noong gabing niregaluhan niya ako ng panties.

Namula ako nang maalala ko 'yong mga panty na at suot ko pa ang isa sa mga 'yon ngayon.

"Are you in for a business?" Tanong niya.

Ah...so he's here looking for partnership for his business ganern? Magre-reseller ba kami?

"What business?" Tanong ko sa kanya pabalik ngunit hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa mga mata ko.

Ano bang problema niya? Minsan nakatitig sa baba minsan naman ang lalim ng tingin sa'kin. My God, Maveric!

Umiling-iling siya bago nagsalita. "Nah... Nevermind." Tumayo na siya at magsasalita pa sana nang dumating si mama dito sa sala kaya napatingin kami sa kanya.

"Handa na ang hapunan,Maveric. Tara na,kumain na tayo sa kusina at masamang pinaghihintay ang pagkain." Saad ni mama bago nagtungo sa taas upang tawagin si Isang dahil kakain na.

Magrereklamo pa sana si Maveric dahil mukhang ayaw naman niyang kumain dito ngunit nagkibit-balikat na lang ako bago siya lampasan at nagtungo na sa kusina. Naghanda na ako ng mga plato at kutsara para sa aming lahat. At dahil wala si kuya,si Maveric ang makakatabi ko ngayon sa upuan.

Namula ako sa ideyang ngayon ang unang pagkakataong kumain kasama si Maveric at katabi ko pa talaga!

Hoy,babaita 'wag kang feeling asawa dyan!

Asawa agad-agad? 'Di ba pwedeng girlfriend muna?

"Ate,ayos ka lang?" Natauhan ako sa pagkalabit ni Isang sa'kin. "Kanina ka pa nakatitig sa'kin parang anytime may balak kang rape-in ako." Dagdag pa niya na sinundan nila ng tawanan.

Napatingin ako kay mama at katabi niya si Maveric nalipat ang tingin ko sa katabi kong si Isang.

"Sorry,pagod lang ako sa work." Palusot ko at nagkunwaring sumakit ang ulo ko at hinilot ko pa kunwari ang sentido ko para naman medyo makatotohanan ang pagtakip ko sa kahihiyang ginagawa ko.

"Mukhang gusto akong katabi ng ate mo,Allysa. Palit tayo ng pwesto." Nakangiting saad ni Maveric kaya natawa si mama at Isang.

So, kailan pa tumawa si mama sa harap ng kainan habang may nag-aasaran?

Pagkaupo ni Maveric sa tabi ko ay naamoy ko ang masculine scent ng pabango niya kaya mas lalong turn on sa'kin ang lolo niyo!

Habang kumakain kami hindi nakakatakas sa'kin ang tinginan sakin ni mama at Isang animo'y mga kinikilig na ewan.

Mama,ha maharot ka rin. Mamaya kayo sakin.

"Ano nga pala ulit 'yong pinagpaalam mo sa'kin kanina, ijo?" Tanong ni mama kay Maveric kaya hinihintay ko ang sagot niya.

Tumigil sa pagkain si Maveric at tumikhim bago magsalita. "Gusto ko pong ayain si Alyson lumabas bukas ng gabi...kung pahihintulutan ninyo?" Magalang niyang tanong bago sumulyap sakin at nginitian ako ng pagkatamis-tamis.

W-Wait,what?! For real? Oh mainggit kayo dyan kasi mukhang ika-crushback ako ng crush ko. Bleh!

"Kung papayag si Alyson,pumapayag ka na 'di ba,anak?" Malambing na tanong sa'kin ni mama at sinundan naman ni Isang ng mahinang hagikhik.

Napakurap ako ng tatlong beses sa narinig ko mula kay mama. "Seryoso ka,ma? I-I mean pumapayag ka?" Pagbawi ko sa sinabi ko kahit na gustung-gusto kong sabihin na, 'Seryoso ka,ma? Mukhang sinusulsulan niyo pa si Maveric niyan,e. Nanay ko ba talaga kayo?'

Humigop na lamang ako ng sabaw nitong maasim-asim na sinigang. Sinigang nga 'di ba kaya maasim talaga!

"Oo naman, nasa wastong edad ka na para mag-asawa."

Halos iubo ko na lahat ng laman-loob ko sa sinabi ni mama. Mabuti na lamang dahil agad akong nadaluhan ni Maveric at inabutan ng tubig na mukhang nainuman na niya.

Keri na, naniniwala na ako sa indirect kiss,this time.

Hoy,gaga! Mamamatay ka na nga nagawa mo pang magkerengkeng dyan!

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka? Hala sige tapusin na natin ang pagkain at sa sala na natin ipagpatuloy ang usapan." Saad ni mama nang mahimasmasan na ako. "Maveric,ijo kumain ka lang ng kumain. Huwag kang mahiya dyan sa dalaga ko parang pamilya mo na rin kami." Dagdag ni mama at nginitian itong katabi ko.

Bakit mas anak pa kung ituring ni mama si Maveric? At bakit kung makangiti kay mama si Maveric parang nagpapalakas sa pamilya ko?

Umiling-iling ako sa naiisip ko at pinilit na tapusin ang kinakain ko para makapag-bihis man lang ako kasi hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Nakakahiya naman dito sa bisita naming fresh na fresh anytime.

Nagpatuloy ang usapan sa sala pero silang tatlo lang ang nagkakaintindihan. Napapasulyap ako kay Maveric na todo ngiti at minsan ay tatawa kapag may sinabi si mama na hindi naman talaga nakakatawa.

Kailan pa naging ganyan kasaya ang mokong na 'yan? Sa tuwing nakikita ko nga 'yan parang pasan lagi ang universe at galaxies sa sobrang pagsalubong ng kilay. Pero in fairness ang gwapo niya lalo kapag nakangiti kasi lumalabas ang biloy niya sa kanang pisngi tapos ang aangas pa ng mga panga niya— paanong angas,Aly?

Bandang alas diyes na ng gabi napagpasyahang umuwi ni Maveric. Mabuti naman at uuwi na siya pero may part sa'kin na dito na lang siya matulog at tabi kami sa kwarto pero masyado namang malandi ang dating no'n 'di ba? At isa pa, hindi ako nagpapa-one night stand 'no!

Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate namin. "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko kanina,Alyson. Pwede ka ba bukas ng gabi? Labas lang gano'n huwag mo na lang bigyan ng malisya kasi...—"

Naka cross arms lang ako habang nakatingin sa kanya pero siya hindi makatingin ng diretso sa'kin. Namumula pa nga ang tainga at mukhang pinipigilan niya lang mangiti.

"Hay nako, nagpapaliwanag ka pa! Shempre naman iisipan ko 'yon ng malisya 'no lalo na hindi naman tayo close tapos heto na nag-aaya sa'kin na lumabas tayo pero oo naman alam ko namang ililibre mo ako ng pagkain kaya hindi ako tatanggi. Sige,bukas  pagkagaling ko sa work." Mahaba kong sagot sa kanya at nagkunwaring walang effect sa'kin ang pagpapaalam niya pero deep inside gusto ko nang magtatalon ngayon sa sobrang kilig pero mamaya na lang kapag nasa kwarto na 'ko.

Napangiti siya sa sinabi ko kaya napatulala na naman ako sa kagwapuhan niya.

"Alyson..."

"Yes?"

Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa'kin. Oh Gosh, hahalikan ba niya ako? Dito ko ba isusuko ang unang halik? Waiitt. Hindi ako readdyyyyy!

Pumikit na lang ako at hinihintay ang pagdampi ng labi niya ngunit wala akong naramdaman kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulantang ako sa katotohanan.

"Anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong sa'kin ni Maveric na nagpadaloy ng kahihiyan sa buo kong katawan.

H-Hindi ba niya ako hahalikan?

"U-Umuwi ka na nga! Istorbo ka ng tulog ko dapat nagpapahinga na ako ngayon! Layas na bukas na lang. Kbye!" Nagmamadali kong sinarado ang gate habang siya ay naguguluhan sa tinuran ko pero wala na akong pakialam dahil isang malaking kahihiyan sa pagkatao ko 'yong ginawa ko.

Naabutan ko pa sila mama na nanonood sa sala pero hindi ko sila pinansin nang magtanong sila kung bakit ako sumisigaw sa labas gabing gabi na.

Hay, minsan kasi Aly umakto ka nga ng naayon sa edad mo! Hayyy!