Chapter 5 - Four

Hindi ako nakatulog noong gabing 'yon dahil paulit-ulit sa isipan ko 'yong sinabi niya sa'kin.

'I appreciate you,Alyson.'

'I appreciate you,Alyson.'

"Shocks! Kahit ngayon lang bigyan mo naman ng kapayapaan 'yong isip ko,please!" Sigaw ko sa sarili ko dahil mababaliw na ako kakaisip sa sinabi ni Maveric. Hanggang ngayon kasi parang sirang plaka sa pandinig ko. Kahit na wala namang nagsasalita ay naririnig ko ng paulit-ulit ang boses niya. Ganito ba nakakabaliw ang mainlove?

Sandali akong natigilan sa nasabi ko sa isip ko.

I-Inlove na nga ba ako? Oh God! Inlove ba ako?! Inlove ba ako?! Inlove na ba ako?!

"Namumula 'yang pisngi mo kaya malamang na inlove ka." Napatigil ako sa pagmomonologue ng utak ko dahil sa sinabi ni Isang.

Nandito nga pala ako sa sala at nagffacebook dahil wala na akong gagawin. Wala rin akong pasok ngayon sa school at isa pa, nakapag-comply na'ko. Kahapon ang moving up ng kapatid ko at natutuwa naman akp dahil with honors siya at si mama ang umakyat. Mamayang gabi pa makakauwi si kuya galing Mindoro.

"Anong sinasabi mo dyan?" Patay-malisya kong tanong sa kanya na nasa tabi ko lang.

"Ate,obvious ka. Inistalk mo pa si kuya Maveric tapos ngayon namumula ka na dyan kaya for sure inlove ka na." Kunwaring seryoso sa pananalita niya habang nagbabasa ng wattpad sa phone niya.

"Eh?" Iyon na lang ang nasabi ko lalo na at naipatong ko pala sa mesa ang phone ko na nakabukas at talagang nakatigil pa ang scroll ko sa updated profile picture ni Maveric. Kanina ko pa kasi pinag-iisipan kung iaadd friend ko ba siya o hindi.

Binack ko na 'yong profile niya at nagulat ako dahil friends na kami. "Shocks, di ko pa siya inaadd pero friends na kami!" Gulat kong sabi.

Humagalpak na ng tawa si Isang kaya napatingin ako sa kanya. "Kanina pa kasi kita nakikita na pinag-iisipan kung iaadd mo ba o hindi kaya habang tulala ka dyan kanina, ako na ang nag-add. Akalain mo,ate active pala ngayon si kuya Maveric. Hahahahhaa. I-chat mo na!" Sulsol pa ng kapatid ko.

"Walang hiya ka talaga!" Sigaw ko at hinabol ko siya ng hampas at batok pero mabilis siyang nakakatakbo kaya  ako na ang sumuko. Nagkulong ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung paano ko 'to haharapin lalo na kapag malaman ni kuya na ang tropa niya gusto ko! Ahead pa man rin sa'kin ng five years. Hayyy, ready yourself,Aly!

**********

Maaga palang ay nasa palengke na ako para bumili ng tanghalian. May sakit si mama kaya ako muna at sana naman daw ay mai-apply ko ang pagtuturo niya sa'kin dati kung paano tumingin ng maayos at sariwang bibilhin.

Wala pa sa kalahati ng listahan ng bibilhin ko ay nakaramdam ako ng pagod at gutom dahil pandesal lang ang laman ng aking sikmura. Umupo ako sa isanh bakery at nag-order ng dalawang pan de coco at isang softdrinks.

Kung nandito lang si kuya tiyak na kanina pa ako sinermonan sa maaga kong pag-inom ng softdrink.

"Miss, isang pan de coco." Rinig ko ang pamilyar na boses kaya awtomatiko akong lumingon sa likod ko kung nasaan ang costumer at muntik akong mabilaukan ng makilala kung sino.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi ako napansin ni Maveric dahil abala siya sa harap ng vending machine at nang makuha na niya ang order at kape niya ay umupo siya sa bakanteng upuan sa right side ko. Kinuha ko ang bayonh sa ilalim at ginawang harang sa mukha ko para hindi niya ako makilala.

Nakasuot siya ngayon ng sleeves at hindi naka butones ang dalawa kaya lumalabas ang hotness niya.

Ang gwapo niya kumain...

"Hello? Yeah,sure nasa bakery ako...oo...hindi naman...mamaya pa...bakit?Sige, mamaya na mukha kasing may nakatingin sakin dito."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nagtago nang magparinig siya at lumingon sa gawi ko. Agad kong inubos ang tinapay at ininom ng mabilis ang softdrinks.

Panirang softdrinks to akala ko soft sa lalamunan e halos masugat na!

Agad akong umalis ng bakery shop at nagmamadaling nakihalo sa mga mamimili. Tumigil ako sa tapat ng mga kainan sa loob ng dry market. Naoahinga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa noo ko. "Muntik na tayo do'n,Aly. Mabuti na lang mabilis ka--"

"Bakit mo 'ko pinagtataguan?"

Nasamid ako sa sarili kong laway at dahan-dahang lumingon sa may-ari ng boses. Prente siyang nakatayo ngayon at parang sinasabi ng mga mata niya na hindi ko siya maiisahan.

"A-Ah... hindi 'no! Nagmamadali lang talaga ako. Sige na, aalis na 'ko...tanghali na rin kasi for sure magagalit na naman si mama." Paalam ko at nilampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Samahan na kitang mamalengke." Sabi niya na parang hindi naman bukal sa loob niya dahil salubong ang--ay ganyan pala talaga siya. Hindi pa ako sumagot pero kinuha niya ang bayong sa kamay ko at nauna na siya dala ang listahan at siya na ang namili. Ako, parang anak niya na sumusunod lang.

"Kuya,patabi na lang po ng kapatid niyo para makapamili 'yong iba." Saad 'nong tindera sa binibilhan namin. Nag-gesture pa siya na maglapit kami para free space so siya naman, maingat niya akong hinila at tumabi sa kanya--wait? Ako, kapatid niya?

Natapos ang pamamalengke namin bandang alas   nueve. Hinatid pa niya ang mga binili namin hanggang sa pintuan ng bahay namin.

"Nako, Maveric nag-abala ka pang tulungan si Aly e kayang kaya na niya 'yan. Naabala ka tuloy...saan pala ang sadya mo at nakabihis ka?" Saad ni mama.

Ngumiti siya ng kaunti, 'yong katulad noong nag-iinuman sila. "Sa interview ko po sana pero nakita ko si Alyson kaya tinulungan ko na po siya." Sagot ni Maveric na ikinagulat namin parehas ni mama.

"Nako,sa susunod hayaan mo na 'tong si Alyson kaya naman niya 'yan pero salamat sa tulong mo ha. Gusto mong mag-miryenda muna? Aly, ipaghanda mo--"

"Hindi na po,tita. Marami pa po akong aasikasuhin at kailangan ko na pong umalis." Paalam niya. Nagpasalamat ulit si mama sa kanya at ako binuhat ko na papasok 'yong mga pinamili.

"Ate ha, manliligaw mo ba ba si kuya Maveric? Quick move!" Pang-aasar sa'kin ni Isang kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil narinig ni mama.

"Ganon? Manliligaw mo na pala ang anak ni kumare..." Medyo hindi naman nagulat si mama...we? Di ka rin ba galit,mama?

"Hindi ko naman po 'yon manliligaw mama!" Depensa ko kasi totoo naman.

"'Wag mo na itanggi saka isa pa, doon din naman ang punta niyong dalawa." Saad ni mama bago ako iwang nakatulala.

**********

"Congratulations,anak!" Niyakap ako ni mama at tuwang tuwa dahil hawak ko na ang diploma ko na nagpapatunay na nakapagtapos na ako ng pag-aaral at ito na ang simula ng bagong yugto sa buhay ko.

Katatapos lamang ng ceremony at ngayon ay kanya-kanya ng yakapan at iyakan ang mga nakapagtapos kasama ang mga family nila.

"Thank you,mama. Para sayo 'to, para sa inyo ng mga kapatid ko." Masaya kong sabi at niyakap ko ulit siya pero kasama na si Isang. Nakisama na rin si kuya.

"Akalain mo 'yon graduate ka na, ma'am Alyson." Sabi ni kuya kaya natawa kaming lahat.

"Ano ka ba kuya, hindi pa naman ako LPT pero... oo nga masarap pakinggan. Hahahaha." Sabi ko at natawa na rin.

Nag-aya si kuya na treat niya kami sa isang restaurant kaya tuwang tuwa si Isang shempre ako rin at isa pa sahod day niya kahapon kaya fresh from wallet ang bills niya. Hahahaha.

Nakakalimang hakbang palang kami nang mapatigil ako dahil nakatayo si Maveric, tatlonh dipa ang layo mula sa'kin. Hindi ko alam ang mararamdaman ngunit nang makita ko siya tumibok ng malakas ang puso ko at hindi na naman maawat.

Bakit siya nandito?

"Ah, pasensya na kung nahuli ako ng dating. Traffic kasi sa ginagawang kalsada..." sabi  niya kay kuya at napatingin siya sa'kin. "C-Congratulations..." sabi niya at ngumiti ng kaunti. Bago pa ako malusaw dito ay sinagi ako sa tagiliran ni Isang para magbalik ako sa wisyo.

"Ayos lang,no. Sakto kakain tayo sa labas. Nga pala, inimbitahan ko si Maveric kanina kaya siya nandito." Sabi ni kuya dahil mukhang questioned si Isang samantalang ngumiti si mama. Hmmm, napapansin kong palangiti na si mama ha. Malayong malayo sa mainitin na ulo at kung magsalita ay parang nagra-rap.

Kumain kami sa labas at order ng order si Isang dinaig pa ako na nakagraduate na. Simple celebration lang pero memorable at masaya kasi kasama ko 'yong mga taong dedicated sa success ko--including Maveric?

Namula ako sa ideyang 'yon kaya napansin nila kuya. "Hahahahaha. Si ate nagbblush!" Pang aasar naman ni Isang. Sinuway sila ni mama dahil masyado silang maingay at nakakahiya raw sa kasama namin.

Si Maveric? Ayon,as usual tahimik at sasagot lang kapag tinatanong. Ngingiti nga pero bukhang pilit pa.

Nang matapos na kami kumain ay umuwi na kami. Sinabi ko kay kuya at mama na isabay na lang 'yonh celebration sa birthday ni Isang sa susunod na linggo at pumayag naman sila.

**********

Alas nueve y media na ng gabi pero hindi pa ako tulog pero sila mama at kuya tulog na tulog na dahil napagod kanina si mama at si kuya maaga pa para bukas. Mabuti na lang sa kwarto niya sa taas natulog.

Bukas pa naman ang mga tindahan kaya nagpasya akong bumili muna ng makakakain. Bumili ako ng junkfoods at mamisong mga chocolate bago bumalik sa bahay. Natigilan ako nang matanaw ko si Maveric sa gilid ng tarangkahan namin. Nakatayo siya do'n at nakayuko ngunit napalingon siya sa'kin nang maramdaman ang presensya ko kaya lumapit na ako sa kanya habang nagtataka.

"Anong ginagawa mo dito? Tulog na si kuya gusto mo bang gisingin--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang magsalita siya.

"Ikaw ang sadya ko." Matipid niyang tugon na nakapagtaka lalo sa'kin. Para saan?

"A-Anong kailangan mo sa'kin?" Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko ba siya o hindi. "S-Sa loob na lang tayo mag-usap." Suggest ko pero tumanggi siya.

"Hindi rin naman ako magtatagal." Saad niya at saka inabot sa'kin ang isang paper bag.

"Ano 'to?" Kunwaring walang malisya sa boses ko pero ramdam kong namumula ang  pisngi ko kaya yumuko ako at kunwaring tinitingnan 'yong loob ng paper bag. Nasa tapat pa man din naman ang streetlight.

"Di ko rin alam." Pilosopo pero seryoso ang mukha niya. O-okay? So anong peg niya ngayon?  "Gift ko 'yan sa'yo. Congrats,Alyson." Dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya at nakatitig na pala siya sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin.

"T-thanks..." tanging nasabi ko. Hindi ko alam kung anong idudugtong ko kasi ang awkward bigla ng atmosphere.

"By the way, nabasa ko na dati 'yong novel na niregalo mo sa'kin noong birthday ko." Napatingin ako ulit sa kanya at ngayon ay nahihiya dahil no sense pala ang gift ko. "Pero binasa ko ulit." Dagdag niya at nginitian niya ako.

Magsasalita pa sana ako pero nagpaalam na niya na kailangan na niyang umuwi. Medyo nadismaya ako kasi dinadama ko ang moment namin tapos bigla siyang magpapaalam. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa malayo na siya at paliko na sa bahay nila.

Tumingin muna ako sa paligid bago paimpit na tumili sa tapat ng gate namin. Hinalikan ko pa ang paperbag bago niyakap hanggang paapsok ako ng bahay.

Kabado kong binuksan ang paperbag at dahil nakabalot pa ulit sa plastic ang laman ay agad kong sinira at nagulantang sa nakita ko...

"P-Panties?"