Malapit na ang graduation day namin,two weeks na lang kaya todo paghahanda na kaming mga graduating students lalong lalo na 'yong mga laude namin. Hindi man ako belong sa highest rank pero thankful ako kasi gagraduate na rin ako sa wakas.
"Ay talaga,mare gagraduate na ang anak mo? Ano namang kurso niya?" Tanong ng kumare ni mama na nagtitinda dito sa palengke. Napadaan kami kasi bibili si mama ng tilapia at sinama niya ako para may magbitbit ng bilihin. Araw ng miyerkules at wala akong pasok. Ako lang din naman ang makakasama ni mama kasi si kuya balik operation na samantalang may pasok si Isang.
"Maestra,kumare." Proud na sagot ni mama.
Tumaas ang kilay ng tindera at natawa ng pilit. "Mababa pasahod ng gobyerno sa mga maestra,ano? Ang anak ko civil engineer at ang laki laki ng kita niya."
Napangiti na lang si mama at sinabi ang bibilhin niya samantalang ako nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. So,minamaliit niya ang mga teachers? For her information,ang mga teacher lang naman ang dahilan kung bakit may natutunan ang anak niya at kung bakit ito nakapasa. Ang sarap ipalamon sa kanya lahat ng tilapiang tinda niya! Nanggigigil talaga ako! Saka hindi naman mababa e! Mababa lang tingin niya kaya ganon. Tsss. Sasabihin ko nga kay mama na hindi na kami bibili ng tilapia sa kanya.
Nang makalayo na kami sa tindahan 'nong kumare ni mama,bumulong ako sa kanya. "Grabe naman makalait 'yon,ma. Ang sarap naman ipamukha sa kanya na kung hindi dahil sa mga guro malamang wala sa posisyon ngayon 'yong anak niya."
"Hayaan mo na 'yon." Tipid na sagot ni mama.
"Talagang hahayaan na po natin siya kasi hindi na tayo bibili ng tilapia sa kanya. Wala naman po siyang ambag sa buhay na'tin kaya ekis na siya sa pake natin." Sabi ko at tinapik lang ako ni mama dahil bibili siya ng gulay para sa sigang.
**********
"Bakit napatawag ka,kuya?" Prente akong nakaupo sa harap ng study table dito sa kwarto ko. Sinara ko ang laptop at binuksan ang katabing bintana. Napapikit ako sa malamig na simoy ng hangin.
"(Wala lang,gusto lang kitang tawagan.)" Natatawa niyang tanong kaya naningkit ang mga mata ko.("Gabi na ha,bakit gising ka pa?") Dagdag niya.
"Tumawag ka 'di ba malamang magigising ako." Pilosopo kong tanong. Why? Mas pilosopo naman ang kuya ko kaya maiintindihan niya 'ko.
("'Di ka pa naman tulog ha.")
"Tulog na 'ko kaso tumawag ka pa!"
("Tulog daw...online ka nga.") Tumatawa na siya dahil nanalo siya at nahuli akong hindi pa tulog. Napairap na lang ako sa hangin.
"Bakit ka nga kasi napatawag,kuya? Tulog na si mama at ewan ko kung tulog na rin si Isang. Paano ako matutulog ang dami ko pang inaasikaso buti kamo patapos na 'ko." Ni-loud speaker ko 'yong call at binuksat ulit ang laptop ko para i-save 'yong file na ginagawa ko kanina.
(" May malaking operation kami sa Mindoro at hindi ako makakauwi ng isang linggo sa bahay. Pwede bang ikaw na lang ang magbigay ng regalo ko sa birthday ni Mavs? Nasa loob lang 'yon ng durabox ko at nakapaper bag ng brown.") Paliwanag ni kuya samantalang ako napakunoot ang noo.
"Hindi ba pwedeng late gift na lang? Saka kailan ba birthday n'on,kuya?"
("Sa Sabado.") Natatawang sagot niya. ("Pero 'di nga ako makakapunta kaya ikaw na lang tutal naman invited kayo nila mama.")
Napahinga ako ng malalim at napairap sa ere. "Ano pa bang magagawa ko? Baka wala na akong ice cream sayo kapag hindi ko ginawa 'yong utos mo. Hahahaha." Natatawa kong sagot.
Favorite ko kasi ang ice cream kahit anong ice cream basta ice cream. Pero ang madalas pasalubong sa'kin ni kuya ay 'yong Cookies & Cream flavor.
("Hahahaha. Thanks,Aly. Sige na ibababa ko na 'to matulog ka na ha? Bukas tatawag ako kay mama para sabihing 'di ako makakauwi. Don't forget his gift.") Bilin niya pa sa'kin.
"Oo na,hahahaha. May pa-English ka pang nalalaman dyan." Natawa na lang kami parehas.
("I love you,Alyson.")
Napangiti ako sa kasweetan ni kuya. "I love you too,kuya. Take care." Sagot ko bago ibababa ang tawag.
Sanayan na lang kapag may operation si kuya at hindi makakauwi ng isa o dalawang linggo depende sa lugar at tagal ng operasyon pero thankful ako kay God kasi hindi siya pinapabayaan.
**********
Naglalakad ako sa bayan para makapunta ng paradahan ng jeep dahil pauwi na ako. Mabuti na lamang dahil naipasa ko na ang mga dapat kong ipasa sa school ngayong araw. Napatigil ako nang maalala na ngayon nga pala ang birthday ni Maveric at 'yong utos sa'kin ni kuya noong nakaraang gabi.
"Hindi naman siguro required na may birthday gift sa kanya 'di ba?" Tanong ko sa sarili ko. Muntikan pa akong matumba dahil rush hour ngayon tapos bigla akong tumigil sa gitna ng sidewalk. Tumabi na lang ako sa gilid sa may tapat ng money transfer.
Hindi ko naman alam ang gusto no'n at isa pa mukha namang hindi niya maa-appreciate e sa hitsura ba naman niyang laging salubong ang kilay at hindi marunong ngumiti.
Bahala na nga....
Pumasok na ako sa mall para magtingin-tingin ng pwedeng iregalo. Kung hindi niya ma-appreciate edi wow! Saka first time kong magregalo sa lalaki ng kusa aside kay kuya. Sa mga exchanged gifts lang pero hindi naman 'yon kusa. I mean 'yong gusto mo lang talaga magbigay gano'n kaya dapat magpasalamat 'yang Maveric na 'yan. No boyfriend since birth pa man din ako kaya wala akong idea sa mga ganyang gift chuchu.
"Hindi ko man lang alam kung anong iniregalo ni kuya sa kanya. Dapat pala tiningnan ko na 'yon kahapon." Sabi ko sa sarili ko.
"Yes,ma'am? Pasok po tayo sa loob if you're looking for the sizes." Magiliw na saad ng sales lady sa'kin at halos mawalan ako ng balanse dahil nandito pala ako ngayon sa tapat ng men's underwear.
"A-Ah...hindi po. Nakatingin lang po ako sa model ng brand niyo. Ang laki po 'di ba?" Sabay kamot ko sa ulo. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na akong tumakbo palayo.
Kainis 'yan! Nakakahiya ka,Alyson! Bakit kasi naisipan mo pang regaluhan ang lalaking 'yon napapahiya ka lang dito sa mall. Ammmpp!
Pagtingin ko sa harap ko,mukhang alam ko na kung anong ireregalo ko sa kanya. Ah, tama!
Pumasok na ako sa loob at naghanap na ng babagay sa kanya. Wala na akong pakialam kung mahilig ba siya ro'n o hindi.
**********
"Andyan ka na pala,ate. Kanina pa kita hinihintay!" Bungad ni Isang pagkapasok ko ng bahay.
"Si mama?" Tanong ko sa kanya habang inaalis ang sapatos ko at patungo na ako sa kwarto ilang hakbang lang mula sa sala.
"Nando'n na kila tita Ines,ate nagluluto sila ng handa. Umuwi dito kanina si mama sabi niya hintayin na raw kita para sabay na tayong pumunta do'n. Bakit ang tagal mo?" Saad niya sa'kin at talagang sinundan ako dito sa loob ng kwarto ko.
"Wala. Sige na, magbibihis lang ako saglit. Hintayin mo na lang ako sa sala." Sabi ko bago siya sapilitang pinalabas ng kwarto.
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa taas para kunin sa kwarto ni kuya 'yong regalo niya kay Maveric at hindi ko alam kung anong laman pero may box sa loob. Parang relo o kung ano mang accesory ang regalo niya. Hmmm... ano kaya 'to?
Hindi na ako nag-abala pa at kinuha ko na rin sa kwarto ko yung regalo ko. Naka-paperbag din at nakabalot pa ng plastic 'yong laman sa loob.
"Wow,may pa-gift ka pa talaga,ate. " pang-aasar niya sa'kin. "Makikikain lang naman tayo do'n at dalawa pa,ha. Lagot ka kay kuya kapag nalaman niyang--"
"Alam mo,masyado kang ma-issue. Regalo 'to ni kuya sa kaibigan niya." Totoo naman 'di ba?
"Pati 'yong isa?" Pilyang tanong niya kaya hinampas ko ang braso niya sabay hagalpak niya ng tawa.
"Kay kuya nga lahat 'to! Hayst. Ewan ko sayo,Allysa mauuna na ako do'n." Pagsusungit ko sa kanya at nauna na akong lumabas ng bahay para hindi na niya ako asarin. Ganito pa talaga ang mapapala ko e gusto ko lang naman magregalo.
Pagkarating doon ay medyo maraming bisita mostly mga workmates niya at classmates niya dati,mga kamag-anak at mga pinsan siguro. Hindi naman gano'n kalaking celebration pero mukhang pinagsabay nila 'yong welcome party at birthday celebration niya.
"Ma!" Tawag ko sa kanya nang makitang nag-aayos siya ng mesa para sa mga susunod na kakain.
"Oh nandyan ka na pala,Aly. Nasaan ang kapatid mo?" Tanong sa akin ni mama nang makita ako. "Sandali ikukuha ko kayo ng plato." Sabi niya at iniwan ako kaya naupo na lang ako sakto namang dumating si Isang at tinanong kung nasaan si mama kaya sinabi kong kumuha lang ng plato.
Marami akong kinain lalo na at may ice cream pala kaya tiba-tiba ako doon. Magkakaiba pa ang flavor ng ice cream kaya mas nag-enjoy ako sa celebration.
Hindi na kami umalis ni Isang sa pwesto namin. Unti-unti na rin namang nag-uuwian ang mga tao hanggang sa magpaalam na sa'kin si Isang na mauuna na raw umuwi.
"Diba takot ka sa mga aso ng kaibigan ko noong inutusan kitang sunduin si kuya dito? Eh bakit ang lakas na ng loob mo ngayon?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Nakatali 'di ba? Hahahaha. Sige na,ate ikaw na lang maghintay kay mama kasi kailangan kong mag-charge deadbatt na phone ko. Byyee~" sabi niya bago tumakbo palabas ng gate.
Alas nueve y media na at konti na lang ang tao,halos mga nag-iinuman na lang na kabarkada ng asawa ni tita Ines. Sila mama? Ayon nasa likod-bahay at abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan at pinaglutuan samantalang ako,heto nakaupo at inuubos ang huling batch ng ice cream na kinuha ko at iniisip ko rin kung paano ko maibibigay ang mga regalo na 'to lalo na 'yong regalo ko.
"Masamang kumakain mag-isa baka saluhan ka ng mga hindi natin nakikita."
Halos atakihin ako sa puso nang may biglang nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay nakatingin sa'kin ng diretso ang celebrant. Naglakad siya papalapit sa'kin at naupo sa kabilang upuan. Pinagmasdan ko siya habang nakatingin siya sa gate kaya naka side view siya sakin. Makikitang malalim ang mga mata niya na mas nakapagpatangos sa kanyang ilong. Makipot ang labi niya at mas lalong nakaka-curious kung anong hitsura niya kapag ngumiti.
Napailing na lang ako sa iniisip ko. Nahihibang na siguro ako dahil nasobrahan na ako sa ice cream.
"H-Happy birthday nga pala..." nag-aalangan kong bati sa kanya at nag-iwas ng tingin. Nakakakunsensya naman kasi kung kakain ako ng handa niyang ice cream sa harap niya tapos hindi ko man lang binati. Baka sabihin niya e ang timawa ko sa pagkain.
Napansin ko sa peripheral view ko na napatingin siya sa'kin. Bago ko pa makalimutan ay kinuha ko sa ilalim ng mesa ang regalo ni kuya para sa kanya. "Nga pala, regalo sayo 'yan ni kuya. Sana all may gift,no?" Pagpapagaan ko sa atmosphere kasi parang hindi naman siya natutuwa o talagang mabigat lang ang awra niya?
Nagtagpo ang mga mata namin at kahit noon ko pa nakikita na ganyan siya tumingin ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo na't parang nakikipag-usap ang mga mata niya.
Kinuha niya 'yong regalo at sandaling sinilip. "Salamat sa kuya mo." Tipid niyang sagot. "Salamat din sa pagbati mo." Dagdag niya at tumingin ulit sa'kin ng diretso. Mauuna pa yata akong malusaw dito kaysa sa ice cream na kinakain ko.
Tumayo na siya at wala pang tatlong hakbang ay tinawag ko siya sa pangalan niya na noon ko lang nabigkas sa harap niya sa buong buhay ko. Agad kong kinuha ang regalo ko sa ilalim ng mesa at inabot sa kanya.
"Uhm... wala naman kasi akong gaanong alam sa'yo kaya hindi ko alam kung magugustuhan--"
"I appreciate you,Alyson." Pagputol niya sa sinasabi ko na nakapagpaawang sa labi ko. Hindi ko naranasan sa buong buhay ko ang maramdamang tila may mga paru-parong nagliliparan sa tyan ko pero ngayon mukhang alam ko na ang pakiramdam ng tumigil sandali ang tibok ng puso at biglang bibilis at lalakas na para bang ano mang oras ay maririnig ng kaharap ko.
Bakit ganito ang epekto mo sakin,Maveric? Hindi na ako teenager pero bakit ang sarap ng ganitong pakiramdam?