Nagising ako sa mabigat na bagay na nakadagan sa tyan ko kaya kahit antok pa ako ay pilit kong dinilat ang mga mata ko kung ano 'yon at nagulat ako nang mapagtantong nasa tabi ko si kuya at tulog na tulog siya.
Napasalubong ang kilay ko habang tinitingnan siyang tulog na tulog at nakayakap sa akin. Makapal ang kilay niya na isa sa asset naming magkakapatid kasi hindi drawing ang kilay namin ni Isang. Mahaba ang pilikmata ni kuya at Isang kumpara sa akin na parang tinabasan. May katangusan ang ilong namin bagay na hindi maitatangging namana namin sa babaero naming ama. Hindi gaanong bilugan ang hugis ng mga mukha namin na katulad ulit kay papa. Si mama kasi medyo bilog ang hugis ng mukha pero maganda si mama. Sa kanya namin namana ang mga mata naming mapupungay. Mas maitim ng kaunti sa akin si kuya pero dala na 'yon ng pag-ttraining niya noon.
Nakasando lang si kuya at bakat ang batak niyang pangangatawan. Hindi niya pinababayaan ang sarili niya kaya maraming nahuhumaling na kababaihan kay kuya ngunit nagtataka na kaming lahat kasi wala pa siyang girlfriend. Kailan kaya balak mag-asawa ng mokong kong kuya? Hahahaha. Close kami ni kuya,sobra kaming close kaya hindi na bago sa akin kung magising akong nasa tabi ko na siya at nakayakap sa'kin.
Tiningnan ko ang wall clock at alas kwatro palang ng madaling araw. Linggo ngayon kaya inaasahan namin ang pag-uwi ni kuya pero hindi ganito kaaga.
"Hmmm... kauuwi ko lang,Aly. Matulog muna tayo,maaga pa. Sinabi ko na kay mama na gisingin na lang tayo." Biglang nagsalita si kuya pero nakapikit pa rin ang mga mata niya. Kakauwi nga lang talaga niya pero di na lang siya nagpalipas ng gabi sa apartment niya bago bumiyahe dito ng maaga. May sapak din sa utak 'tong si kuya e.
"Hindi na ako inaantok." Sabi ko sa kanya kaya napadilat siya at niyakap ako ng mahigpit. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko,pinatong na rin niya ang binti niya sa hita ko. "Kuya~" I hissed kasi nawawala na sa ayos ang sando ko at isa pa,wala akong bra.
For your information may silbi ang bra ko 'no kaya nga inaalis ko tuwing gabi kasi masakit sa dibdob kapag magdamag na hindi nakalanghap ng fresh air,ganern! Saka para iwas breast cancer na rin.
Pasimple kong inayos ang sando ko. "Kuya, ang init-init na nga tapos sumisiksik ka pa sa'kin. Doon ka nga! May kwarto ka naman kasi pero nakikiagaw ka ng pwesto dito." Kunwari ay naiinis ako para lumayo naman siya ng kaunti kasi magssummer na nga,ang init-init ng panahon.
Natawa siya kaunti saka sumunod sinabi ko. Sinipa niya 'yong kumot namin kaya nawalan na rin ako ng kumot. Dumapa siya at kitang kita ko ang matambok niyang pwetan dahil naka boxer lang ang hinayupak.
Aminado naman akong maumbok 'yong kanya kaya nga sa tuwing nakikita ko ay naiinis ako. Mas matambok kasi pwetan niya kaysa sa'kin. Hahahaha pero mabalakang naman ako kaya keri na.
Kinuha ko na lang 'yong kumot na nahulog dahil sa pagkakasipa niya at kinumutan ko na lang sarili ko hanggang bewang.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising sa katok ni mama. "Alyson,gumising ka na dyan! Nandyaan ba ang kuya mo? Nasa labas 'yong motor niya at wala siya sa kwarto niya kaya paniguradong dyan natulog. Gumising na kayo agahan na." Mahabang litanya ni mama habang hindi tumitigil sa pagkatok. Hindi ko alam kung alin ang pakikinggan ko,'yong katok niya o 'yong boses niya ba?
Natatawa rin ako minsan sa ugali ni mama,e. Kapag nandito si kuya,gigisingin niya kami ni Isang tuwing mag-aalmusal na pero kung wala dito si kuya aba gigisingin ako ng maaga,kami pala ni Isang.
"Opo,ma...susunod na po." Malakas kong sagot at niyugyog si kuya sa balikat niya. Mas mahirap naman gisingin ang isang 'to dahil tulog-mantika kapag nandito sa bahay.
"Hoy,kuya gumising ka dyan kakain na raw ng agahan!"
Bumangon na ako at nag-unat ng mga braso pero hindi pa rin bumabangon si kuya sa kama ko kaya kinuha ko ang unan ko at pinaghahampas siya sa likod kasi nakadapa pa rin siya. "Kuya ano ba? Malilintikan ako kay mama dahil sayo e. Alam mo naman siya ayaw niyang pinaghihintay ang pagkain. Kuya gumising ka na kasi!" Sabi ko sa bawat paghampas ko sa kanya.
Mabuti naman ang bumangon na ang loko. "Mana ka talaga kay mama para kang nagra-rap. Break it down,yow!" Pang aasar niya kaya aambahan ko na sana siya ulit ng hampas pero agad siyang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ko.
"Kuya,ligpitin mo 'tong higaan ko! Arghhhh!"
Bwisit na kuya 'yan! Arrghhhh!
**********
"Alyson,sama ka mamaya punta tayo sa bahay ni ninang Ines,mag iinuman tayo nila Mavs--" hindi pa man natatapos ni kuya ang sinasabi niya nang bigla siyang hampasin ni mama at hindi siya nakailag.
"Punyemas kang bata ka idadamay mo pa 'yang kapatid mo sa pag-iinom mo!"
"Ma! Aray naman,mama! Tama na,nagbibiro lang naman ako,e--aray ko po,ma!" Pag-iiwas ni kuya sa mga hampas ni mama sa kanya. Piningot pa nga ang taenga niya na ikinatawa namin ni Isang.
"Ayan kasi inom pa more,kuya Allan! Hahahahaha." Pang-aasar ni Isang saka kami nag-apir at tawa pa rin ng tawa.
Kahit ganyan si mama,hindi ko maiwasang mapangiti dahil 'yan ang bonding naming lahat. Alam naming mahal na mahal kami ni mama at wala na siyang hihilingin pa kaya binibigay namin ang lahat ng makakaya namin para sa kanya.
"Alis na 'ko,baka mawalan ako ng tenga dahil kay mama e." Paalam ni kuya habang tumatakbo palabas ng bahay namin.
Nagtawanan na lang kami ni Isang at napangiti naman si mama. " Hay,nako 'wag kayong mag-iinom ha? Pangit sa babae ang may bisyo kaya 'wag niyo nang subukan. Sandali,tatapusin ko nga pala 'yong tinatahi ko sa taas." Paalam ni mama bago siya pumanhik sa hagdan.
Oo, may second floor ang bahay namin pero mababa lang. 'Di pa 'yon gaanong tapos kasi kailangan pa ng kisame at pakinisin 'yong pader pero pwede nang punatahan at lagyan ng gamit. Nandoon ang kwarto ni kuya at Isang samantalang nasa baba lang ang kwarto namin ni mama,magkatabi.
"Hoy,Allysa ano 'yang pinagkaka-busyhan mo ha?" Nakita kong pangiti-ngiti pa ang babaita sa kanyang phone.
"Wala 'to,ate nanood lang ako ng K-Drama." Kinikilig niyang sagot. Napairap naman ako sa hangin.
"Hay nako,Isang kapag masyado kang tutok 'dyan sa phone mo lalabo 'yang mata mo plus mapapabayaan mo 'yang pag-aaral mo." Payo ko sa kanya habang nilalantakan ang ice cream na dala ni kuya kaninang madaling araw. May ref naman kami kaya kahit hindi ko 'to maubos ay pwede pa sa susunod.
"Luh, hindi nga ako madalas manood,e. Kapag may pasok isang episode lang araw-araw saka,ate tapos ko na mga assignment's ko 'no!" Pangamgatwiran niya.
"Hay nako..." 'yon na lang ang nasabi ko at napagpasyahang dalhin na sa kwarto ko 'yong ice cream para may kinakain ako habang nagrereview.
**********
"Aly,tawagin mo na ang kuya mo kila tita Ines mo. Kaninang hapon pa 'yon nandoon baka lasing na talaga pag-uwi. Kakain na rin tayo oh." Nagiging mainit na naman ang ulo ni mama paano naman kasi hindi pa rin umuuwi si kuya alas syete na ng gabi.
"Isang,ikaw na nga lang tumawag." Pagpasa ko sa kanya ng utos ni mama. Why? Ganyan ka rin naman 'di ba lalo na kapag ikaw ang mas matanda.
"Ate,naman kasi! Ang daming aso sa bahay ng kaibigan mo,ayaw ko nga nakakatakot baka makagat pa ako."
"Talagang makakagat ka kung lalapitan mo 'yong mga nakatali nilang aso--" hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko nang lapitan kami ni mama.
"Ikaw ang mas matanda,'di ba? Saka sa'yo lang naman nakikinig ang kuya mo kaya pumunta ka na do'n,Alyson." Naiinis na utos ni mama kaya hindi na ako nakipagtalo pa. No choice, binitawan ko ang novel na binabasa ko at agad lumabas ng bahay.
Ano ba namang klaseng kuya 'yan hindi man lang kasi marunong umuwi ng maaga gusto pang sinusundo daig pa ang grade 1. Patapos na ako,e malapit na mareveal 'yong secret ni Kate.
Natanaw ko sila na nag-iinuman sa terrace at lima silang lahat,siguro ay mga batchmate nila 'yon. Ang lakas ng tawa ni kuya daig pa'ng babae.
Tinahulan ako ng aso nila tita Ines na nakatali malapit sa gate. "Ano ba,Botchokoy tumigil ka nga dyan!" Utos ko sa aso kahit na mukha akong tangang pinapatahimilk siya pero magic kasi tumigil nga siya.
"Kuya Allan!" Buong lakas kong sigaw wala na akobg pakialam kung mabulabog ko ang kapitbahay nila basta ang gusto ko ay umuwi na agad si kuya.
Napatingin silang lahat sa'kin na nandito sa labas ng gate. "Okay, Allan ba lahat pangalan nila at tumingin sila sa'kin?" Tanong ko kay Botchokoy pero busy na siya sa pagkain niya.
Sinenyasan ako ni kuya na lumapit sa kanila at dahil hindi naman namin bahay 'to, nag-cross arms na lang ako at tumitig ng masama sa kanya kahit na hindi naman niya ako nakikita dahil medyo malayo sa'kin ang street light. Napakamot siya sa ulo niya nang hindi ako sumunod sa sinabi niya kaya nagpaalam muna siya sa mga kainuman niya bago lumapit sa'kin.
"Kuya,amoy alak ka!" Sabay takip sa ilong ko. Amoy tsiko ang hininga niya kaya mas lalo akong nainis nang tawanan niya 'ko.
"Malamang,umiinom kami." Pilosopo niyang tanong. Medyo may tama na si kuya dahil mukhang hindi na niya maigalaw ng maayos ang talukap ng mga mata niya.
"Ang mabuti pa,umuwi na tayo kasi nagagalit na si mama!" Instead na sumunod sa akin ay hinila lang ako palapit sa mga kainuman niya. Wala na akong nagawa kasi mas malakas pa rin siya kaysa sa'kin.
"Si Alyson nga pala,mga pare. Kapatid ko,graduating na 'to bilang maestra kaya proud ako sa kanya." Pagpapakilala niya sa'kin. Hay nako naman,kuya nagawa mo pa akong ipakilala sa mga kainuman mo.
Pinakilala niya sa'kin isa-isa ang mga kainuman niya. Napag-alaman kong magtotropa sila noong highschool at hanggang ngayon ay barkada pa rin sila. Mayroon na rin daw maayos na trabaho ang lahat sa kanila. Napatingin ako sa anak ni tita Ines,si Maveric.
Tipid ba sa laway ang isang 'to? Ni hindi man lang nagsasalita o nakikisabay sa tawanan nila. Makikisabay nga pero pilit naman, magsasalita nga pero kapag tatanungin lang. Buti at hindi nai-stress ang mga kabarkada niya at belong pa rin sa friendship.
"Ganyan talaga 'yang si Mavs,tahimik pero malaki utang na loob namin dyan kasi kung 'di dahil sa tulong niya sa thesis namin no'ng highschool malamang e repeater kami. Hahahahaha." Pagkkwento ni kuya na sinabayan naman ng lahat. Napangisi lang sandali si Maveric tapos bumalik ang focus sa phone niya.
Ahhh,kaya pala belong pa rin siya sa friendship dahil do'n.
Aabutin na sana ni kuya 'yong alak niya nang pigilan ko siya at humarap sa mga kainuman niya. "Uhm... mga kuya,sorry pero pass na si kuya Allan kasi kapag hindi ko pa 'to inuwi malilintikan ako kay mama. Ubusin niyo na lang ha. Shot well,mga kuya see you. Bye~" paalam ko sa kanila at agad na hinila si kuya palayo. Napansin kong lumabas ng pintuan si tita Ines kaya nagpaalam na rin ako sa kanya.
"Ano ka ba naman,kuya! Iinom-inom ka kasi tapos hindi mo naman pala kayang maglakad ng maayos. Ang bigat mo,alam mo ba 'yon?" Panenermon ko sa kanya habang inaakay siya papasok ng gate namin.
"Ang ganda mo kapag naiinis." Sabi ni kuya kaya bibatukan ko siya.
"Alam mo,lasing ka na nga't lahat-lahat nagawa mo pang mambola. Lagot ka talaga kay mama kita mo! Baka paggising mo wala na 'yang isa mong tenga." Pananakot ko sa kanya pero ngumisi lang ang loko.
Pagkarating sa loob ng bahay ay bumungad na nga sa amin ang sermon ni mama at dahil pagod na akpng iakyat si kuya sa kwarto niya sa taas,do'n na lang sa kwarto ko siya magpapalipas ulit ng gabi. Mabuti na lang dahil wala pa siyang pasok bukas at mabuti rin dahil wala akong monday class.
Hayyy... kung maghanap na kasi ng girlfriend si kuya para hindi na ako nahihirapang akayin 'to kapag nalalasing. Lagot ka sakin bukas,kuya ihanda mo na ang tenga mo at kahit kailan hindi na kita aakayin pauwi!