"Ate,gumising ka na dyan! Nagagalit na si mama sayo kasi kanina ka pa daw ginigising. Ate!" ginigising ako ng kapatid kong parang nakalunok ng megaphone. Kanina pa ako gising 'no pero ayaw ko lang bumangon dahil paniguradong uutusan na naman ako ni mama na pumunta sa kumare niya at manghingi ng malunggay.
"5 minutes." Sabi ko at nagkukunwaring natutulog. Nakatalikod naman ako sa kanya kaya hindi niya mahahalatang natatawa na ako sa ginagawa ko pero ginigising niya pa rin ako.
"Ate,gumising ka na dyan kasi papaluin ako ni mama kapag hindi ka pa--"
"Gising na ba 'yang ate mo,Allysa?" Sabay kaming nataranta ni Isang kaya agad akong bumangon at nagkunwaring nagtutupi na ng higaan ko. Napatayo naman ang kapatid ko at tinutulungan na ako bago pa man makapasok si mama dito sa kwarto ko.
"O-Opo,mama. Nagtutupi na po ng higaan at tinutulungan ko lang po si ate.Hehe." sabi niya kay mama nang makapasok dito sa silid ko. Tumaas ang isang kilay ni mama nang makita kami.
"Hmmm,osige dalian niyo dyan. Ikaw,Aly pumunta ka kay tita Ines mo at manghingi ng malunggay. Magluluto ako ng munggo para sa tanghalian natin. Tanghali na kanina pa kita ginigising bata ka! Kung hindi ka pa gisingin ng kapatid mo. Hala siya,bilisan niyo na dyan at marami pang gawaing bahay ang nag-hihintay sa inyo." Sabi ni mama bago kami iwanan dito.
"Ikaw kasi!" Inis na sabi sa akin ni Isang bago siya lumabas ng kwarto ko.
Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko pa? Alas siyete palang naman ng umaga ha! Hay nako naman si mama,early bird siya tapos idadamay pa ako sa maaga niyang gising.
Napasapo na lang ako sa noo ko bago mapagpasyahang maghimalos na sa baba at pumunta na kay tita Ines na limang bahay lang ang pagitan dito sa bahay namin.
"Bilisan mo kumilos nang hindi ka abutan ng hapunan sa daan." Sita sa akin ni mama nang mapansin niyang ang smooth ko lang dampihan ng bimpo ang mukha ko.
Shempre 'no para naman may silbi ang skin care routine ko. Saka OA naman 'tong si mama, ang aga-aga aabutan ako ng hapunan sa daan? Malunggay lang naman kukunin,e.
Lumabas na ako ng bahay at binuksan ang gate para makalabas ako. Yes, may gate kami pero medyo kinakalawang na. Sakto lang ang laki ng bahay namin,pwede mo nang sabihin na pundar iyon ng isang pulis at si kuya Allan 'yon kaso wala siya dito ngayon sa bahay,sa makalawa pa ang uwi 'non dahil doon naman siya sa kabilang bayan naka assign.
Ako nga pala si Alyson Grace Lucena,20 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa state university ng probinsya namin. Central Luzon area kami nakatira hindi niyo na pwedeng alamin dahil baka manloob pa kayo sa bahay namin tiyak na malilintikan lang kayo ni mama. Just kidding, I'm studying at Bulacan State University at graduating na this month. Yes, konting araw na lang at matatapos ko na rin ang Bachelor's Degree ko which is BSED major in English. Oh ha, Englisherist ang ate niyo!
Hindi naman tulad ng Manila ka-crowded ang bayan namin. Marami pa rin kayang puno rito 'no at fresh pa rin ang hangin kaya nga si mama todo alaga sa apat na puno ng mangga sa likod-bahay namin. Napadaan ako sa bahay ng kaibigan kong si Alexa at nakita ko ang mama niyang nagwawalis sa gilid ng daan kaya nagmano ako.
"Ang aga mo ha,saan ang punta,ija?" Tanong niya pagkakuwan.
"Dyan lang po kay tita Ines." Sagot ko bago magpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating na ako sa bahay nila tita Ines,naabutan kong bukas ang gate nila pero walang tao sa labas. "Tao po! Tita Ines!" Sigaw ko pero wala pang sumasagot o lumalabas sa terrace e bukas naman 'yong pintuan.
Medyo malaki rin ang bahay nila tita Ines,siya ang ninang sa binyag ni kuya Allan. May ka-batch si kuya na anak ni tita, Mark Eric yata pangalan 'non? Ah ewan wala naman akong pake sa anak niyang mukhang laging mainitin ang ulo at takot sa tao.
Ang aga-aga nambubulabog ako baka mamaya magising ang buong barangay sa pagsisigaw ko dito sa labas ng gate para lang sa malunggay na pinapakuha ni mama. Hay naku.
Magsasalita pa sana ako nang may lalaking lumabas sa pintuan. Sino pa ba edi 'yong anak ni tita Ines na laging salubong ang kilay. Moreno ang kulay pero malaki ang pangangatawan. Makapal ang mga kilay--ah basta gwapo pero mukhang aburido sa buhay. Stress siguro sa work 'to kaya ganyan--
"Anong kailangan mo?"
Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya at kausap ako. Potek,Alyson mukha kang tanga sa harap ng lalaking 'to. Pero wow lang ha! Kung makatanong ng kailangan ko parang may antraso ako sa pamilya niya.
"A-Ah... si tita Ines po ba?" Tanong ko sa kanya at pasimpleng tumitingin sa terrace para iwasan ko ang titig niya na nakakatensyon. Hindi ko madalas makita ang anak niya dahil aside sa laging busy sa work,hindi rin palahalubilong tao pero ang pagkakaalam ko close sila ni kuya Allan nybg high school at alam ko ring kilala niya ako.Pero nung nagka-work na sila busy na sila sa kanya-kanya nilamg career sa buhay.
"Ah, 'yong malunggay ba sadya mo dito?" Walang gana niyang tanong pero para sa'kin parang ang bigat ng pagbitaw niya ng mga salita.
"O-Opo..." tipid kong sagot. Agad siyang bumalik sa loob ng bahay nila at pagbalik ay may dala na siyang malunggay na nakatali. Kung bibilhin 'yon sa palengke siguro trenta pesos na ang halaga. "Salamat po,kuya!" Sabi ko bago kunin ang malunggay sa kanya at tumalikod na agad ako dahil paniguradong nagbabaga na ang ulo ni mama.
**********
"Anong sabi ng tita mo kaninang umaga?" Tanong sa akin ni mama habang kumakain kami ng tanghalian at munggo na may malunggay nga ang ulam namin ngayon tapos may toppings pang chicharon baboy na tig bente pesos sa may tindahan.
Napakunoot ang noo ko. "Wala naman si tita do'n,ma. Si kuya Mark Eric nag-abot sa'kin ng malunggay." Mabilis kong sagot dahil enjoy na enjoy ako sa kinakain ko. Masarap kasi magluto si mama bagay na gustung-gusto naming buong pamilya.
"Hahahahaha. Ate,sino yong Mark Eric? Parang bagong pangalan 'yan ha. Hahahaha." Pinagtatawanan ako ni Isang kaya sinuway naman siya ni mama dahil nasa harap kami ng hapag-kainan.
Isa pang mapang-asar sa buhay ko 'tong bunso naming kapatid,si Allysa pero Isang ang alayaw niya. Sixteen years old na 'yan pero isip-bata madalas.
"Alam mo ikaw tatadyakan kita--"
"Tama na 'yan,Aly papatulan pa ang kapatid." Saway ni mama kaya nagpatuloy na lang kami sa pagkain. "Maveric ang pangalan niya hindi Mark Eric." Dagdag pa ni mama kaya napahagikhik si Isang.
Whatever is his name,wala naman akong pakialam sa kanya in the first place.
"Nandyaan na pala si Maveric sa kanila. Ang bilis naman ng kontrata niya sa ibang bansa. Wala pang anim na buwan 'yon ha." Pagkukwento ni mama pero napakibit-balikat na lang ako kasi wala namang nagtatanong sa kanya.
'Yan si mama minsan may pagkamadaldal din e. Alam mo 'yon, mabunganga sa umaga tapos chikadora maghapon pero kahit na ganoon ay mahal na mahal ko siya.
Matapos kumain ay nagligpit na ako at si Isang ang nakatoka ngayon para maghugas ng urungan at dahil likas akong pilya, lahat ng pwedeng hugasan ay nilagay ko sa lababo. Bwahahaha.
**********
May saturday class ako kaya naisipan kong mag-review na dahil may quiz kami bukas sa isa kong subject which is English Literature at aaminin kong sobrang hirap lalo na hindi naman ako matalino pero nakakasunod naman sa mga discussion kahit papaano.
Ang mas nakakadagdag pa sa stress ko ay ang nalalapit naming final defense sa research dahil tatlo lang kami sa grupo. Pero dahil kagrupo namin si Bianca,pakiramdam namin ni Ellaine ay nasa amin ang alas pero sa tuwing marerealize namin na mas malaki ang part ng individual performance saka naman kami sasampalin ng katotohanan. Hay,buhay estudyante nga naman. Hahahaha.
Kasalukuyan ako ngayong nakatutok dito sa laptop ko dahil nagreresearch ako ng assignment sa isa ko pang subject. Oh 'di ba,multi-tasking na ako ganito talaga kapag college, mahirap kapag hindi ka marunong sa time management kaya ikaw,huwag kang chill chill dyan kapag nagcollege ka na. Dibale ng hindi mo matutunan agad yung lesson basta matutunan mo lang ang time management,at kung college ka na tiyak na relate ka sa'kin ngayon. Apir tayo! Sumakit ang ulo ko, sumakit ang bewang ko sexbomb,sexbomb,sexbomb.
Hahahaha. Talagang kinanta mo pa,okay lang 'yan parehas na tayong stress sa buhay.
"Ate?"
"AYPUSANGGALA!Ano ka ba naman,Isang hindi ka ba marunong kumatok? Kabute ka ba,ha?" Inis kong sabi sa kanya pero tinawanan lang ako ng babaita. "Ano bang kailangan mo at bigla-bigla ka na lang pumapasok sa kwarto ko?"
"Si papa kasi hinahanap ka!" Sagot niya sabay shake sa phone niya at nakita kong on-call si papa.
Kinuha ko 'yong phone at nag-hello sa kanya. Anong meron at hinahanap niya ako?
"(Kumusta ka na,anak? Gagraduate ka na ngayong buwan ha,proud na proud ako sayo,sa inyong tatlo. Susunod ka na sa kuya mo na magkakaroon na rin ng maayos na trabaho.)" Seryoso niyang sabi at ramdam kong naiiyak na siya pero huminga lang ako ng malalim.
"O-Oo naman... k-kahit pinili mong takasan 'yong responsibilidad mo sa amin at pinili ang babae mo. Masaya kami,pa. Masayang masaya na kami kahit wala ka. Gagraduate ako ng wala sa tabi mo,gagraduate kaming lahat ng wala ka at sana maging masaya kayo sa naging desisyon mo,pa." Hindi ko alam pero ang bigat-bigat na naman sa loob ko sa tuwing maaalala ko kung paano pinili ni papa 'yong kabit niya sa harap pa namin mismo,sa harap ni mama.
Pinahid ko ang mga luha ko at inayos ang sarili bago ibigay ang phone kay Isang. Nakita niya akong umiiyak pero wala siyang magagawa kasi kahit kailan naman hindi ako naging close sa ama ko.
"Ate,ayos ka lang ba? Pasensya ka na,kinukulit kasi ako ni papa na kausapin ka. Sorry,ate." Paghingi ng tawad ni Isang pero nginitian ko lang siya.
"It's fine,wala kang kasalanan. Sige na,marami pa akong re-reviewhin para bukas. Matulog ka na ha." 'Yon lang ang sinabi ko bago siya talikuran at hinayaang makalabas ng kwarto ko.
Muli na namang bumuhos ang luha ko dahil sa sama ng loob. Bata palang ako five years old iniwan niya kami nila mama at kuya. Buntis na ng dalawang buwan noon si mama kay Isang pero hindi na lang namin sinabi kay papa kasi para saan pa kung pinili niya 'yong kabit niya.
Noong apat na taon na si Isang bumalik siya sa buhay namin at dahil mahal namin siya ay pinatawad namin pero ako hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na mapalapit sa kanya dahil natrauma ako sa ginawa niyang pang-iwan sa amin dati. Lumaki akong malayo ang loob sa kanya,sa loob ng siyam na taon, 13 years old na ang bunso namin at mas lalo silang naging close na mag-ama. 18 years old na ako that time at 23 years old na noon si kuya Allan,kapapasa niya sa board exam bilang isang lisensyadong pulis. Actually that was two years ago. Naging masaya si mama ngunit inulit na naman ni papa 'yong kasalanan niya.
Iniwan niya kami at pinili 'yong mayamang babae kaysa sa amin. Galit na galit noon si kuya Allan dahil talagang pinamukha pa niya sa amin na mas mayaman 'yong babae. Si Isang umiiyak na lang at dahil mahal na mahal niya si papa,napatawad na niya ito agad at madalas silang magkausap. Napilit lang siguro ngayon si Isang kaya pinakausap ako kay papa. Nadaan niya siguro sa drama na kahit kailan ay wala ng epekto sa amin lalong lalo na sa'kin.
Ngayon,magtatapos na ako kahit papaano utang ko pa rin ang buhay ko sa kanya kaya may natitirang respeto pa ako para sa kanya pero 'tong pagtatapos kong 'to wala siyang parte dahil matagal ko na siyang inalis sa definition ko ng family namin.
We are still family without him and I'm proud to say in his face that we're happy without him. Masakit,oo pero wala nang mas sasakit pa kapag makita mo ang mama mong unti-unting dinudurog ng sakit dahil sa kasalanang paulit-ulit na ginagawa ng naturingan mong ama.