Summer
"Uy ano ba! Nababasa ako!" sabi ko sa lalaking winawasikan ako ng tubig dagat habang tumatakbo palayo sa kanya.
"Well it's because you're in the water, silly girl." patuloy parin siya sa pagwiwisik sa akin ng tubig. Ano ba naman itong dayuhan na ito. Ke-gwapo eh napakatigas naman ng ulo.
Ano bang trip neto at kanina pa tinatawag ng kanyang chaperone eh ayaw pang sumama. Di naman sa ayaw ko siyang kasama, eh sanay naman na ako na umuuwi siya ng gantong oras at gantong petsa.
"Uy ano ba Lebleb! Sumama ka na nga doon sa chaperone mo at ng makauwi na din ako. Magkikita pa naman tayo sa susunod na bakasyon!" pilit ko na siyang itinutulak palayo sa dagat habang namimilipit parin ang tyan sa kakatawa.
"Can't we just have fun all day and all night long?" tanong niya habang paharap sakin at medyo sumeryoso na ang mukha. Medyo kinabahan ako sa awra niya pero pinagaan ko na lang ang paligid.
"Ewan ko sayo! Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-Ingles mo at wala nga akong maintindihan." pilit ko parin siyang itinutulak, at ng makarating na kami sa kanyang chaperone ay agad naman siya nitong binalutan ng tuwalya.
"Alright. Goodbye Dapdap! Promise, I'm gonna see you soon. Ok?" sabi niya ng diretso ang tingin sa aking mga mata at ngiting hindi man lang umabot sa kanyang tenga.
Sumakay na sila sa kanilang sasakyan at saktong pagpasok naman niya ay sigaw ko ng, "See you next summer, Lebleb!" at umuwi na sa aming tahanan.
Well, that was summer 8 years ago. Hay nako! Kung alam ko lang na yun na ang huli naming pagkikita ay sana nga sinunod ko na lang ang "all day and all night" na sinabi niya.
Galit ako sa kanya dahil di niya sinabing hindi na pala siya babalik pero di rin naman niya sinabing babalik siya ng susunod na summer na iyon. Pero kumapit ako dun sa "promise, i'll see you soon" niya at nagantay sa kanya ng parang timang tuwing summer. Nagawa ko pa ngang pagigihan ang pagaaral ng English para naman maintindihan ko na siya ng lubos lubos. Kaya eto ngayon, may accent na ako sa page-English.
Pero sa tagal noon ay ginawa ko na lang itong masayang ala-ala at nagpapasalamat sa kanya dahil ginawa niyang maganda ang childhood ko. He made my childhood days so peaceful and free, na para bang wala kang ibang iisipin kundi kayong dalawa lang. Napapailing na lang ako habang onti-onting binabalikan ang mga nakaraan na onti-onti naring nagiging ala-ala na lamang.
"Hoy! Dapdap! Anong iniisip mo jan?! Kanina pa kita tinatawag eh!" napalingon naman ako dito sa babaeng katabi ko na pagkalakas ng boses. Akala mo nakalunok ng microphone, ansakit sa tenga!
"Ano ba Wendy! Sabing wag na akong tawaging ganun eh! Ambaho pakinggan!" iritado kong sabi sa kanya habang tumatayo at pinapagpagan ang mga buhangin sa aking shorts.
"Eh kasi naman Daphnie! Kanina pa kita tinatawag pero lutang na lutang ka jan! Ano bang iniisip mo? Tara na at hinahanap ka na ng Nanay at Tatay mo sakin. Buti na lang at alam ko kung san ka namamalagi, mag gagabi na oh!" sabi ng aking kaibigan na para bang sawang sawa na siya na pinagsasabihan ako.
Eh sa hindi ko rin naman kasi namalayan na mag-gagabi na pala! Masyadong napalalim ang iniisip ko habang pinapanood ang paglubog ng araw dito sa dagat. Napakaganda kasi naman talaga.
Kilala itong lugar na ito dito sa Pinas dahil sa ganda ng tanawin, lalo na itong paglubog ng araw. Kaya bilang isang mamamayan na isinilang at lumaki dito sa probinsyang ito, maipagmamalaki ko talaga ang San Ezequiel kahit saan ako magpunta. Napakasosyal pakinggan na parang mamahalin ang sasalubong sayo dito, ngunit ang araw lang ang magpapakita sayo na walang kahit anong salapi ang makakabili ng pakiramdam kapag ikaw na mismo ang nakatuklas sa paglubog niya.