Lover
It's been a week since I've been to Kaleb's office but why does it feel like forever? Dahil ba nasanay ako na araw-araw ko siyang nakikita? Kapag nandyan siya ay parang ang bilis bilis ng oras, kapag di ko naman siya nakikita ay para isang taon na ang nakalipas. Pero bakit ko pa nga ba siya iniisip? Diba ako naman itong gustong lumayo sa kanya?
Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Diba sabi ko tama na? So ibig sabihin nun, tama na. Hanggang dun na lang talaga kami.
Pero minsan, di ko maiwasang hindi sumanggi sa isip ko na paano kaya kung hindi niya ako niloko? Kami pa rin kaya hanggang ngayon? Masaya kaya kami ngayon? Kasal na kaya kami?
"Uy, Daphnie! Kilabutan ka nga! Mukha kang sinasapian dyan! Ano nanaman bang iniisip mo?" inilingan ko na lang si Wendy na seryosong nakatitig sa akin.
"Wala! Wala!"
"Hay nako! Bahala ka nga dyan! Kung ako sayo bilis bilisan mo ng kumain dyan at malelate ka na!" sermon niya sa akin na parang nanay ko at nagmartsa na papunta sa pinto.
"Wag mong kalimutan mamaya ah!" sigaw ko sa kanya.
"Bye, Daphnie!" paalam niya sa akin sabay flying kiss pa. Natawa naman ako sa inakto niya at sinabayan ang trip niya.
Ng makaalis siya ay sinunod ko na ang gusto niya. Nagmadali na ako sa pagkilos ng makaalis na ako. Kailangan kong maaga pumasok para wala akong maiwan na trabaho. Susunduin ko kasi mamaya si Wendy galing sa school niya at napagusapan namin na magdinner doon sa bagong bukas na restaurant malapit sa park.
"I don't have any meetings after this, right?" tanong ko sa aking sekretarya na nagaayos ng mga papeles sa aking lamesa.
"Wala na po, Ma'am Daphnie." tinanguan ko naman siya. Magaalas dos na at patungo na ako sa meeting ko. Pagkatapos nun ay kailangan ko na ding lumarga agad, mas mabuti ng maaga kaysa huli, susunduin ko pa si Wendy.
Magaalas kwatro ng matapos ang meeting, medyo sumakit ang ulo ko dahil sa dami ng numerong nakaflash sa projector. Nakalimutan kong dalhin ang salamin ko kaya sumasakit ang mata ko kapag matagal na nakatapat sa liwanag ng screen.
Pagkapasok ko pa lang sa opisina na ay iniligpit ko na ang mga gamit at kinuha ang pouch ko.
"Umuwi na kayo after nyan, okay?" sabi ko sa secretary ko bago siya lagpasan.
I should be happy, right? Wala ng Kaleb na pumepeste sa akin. But why does it feel like there is something I'm longing for?
Napapailing na lang ako habang nagdadrive dahil sa mga pumapasok sa isip ko. Hindi ako pwedeng maging lutang kahit na saglit lang, dahil sa sandaling yun ay may ibang bagay na pumapasok sa isip ko na hindi ko naman dapat iniisip.
Bago ako bumaba ng kotse ay nagtext na ako kay Wendy na maghihintay ako para sa kanya sa isang cafeteria malapit lang sa kanyang school. Meron pa akong halos thirty minutes, oorder na lang muna ako ng iinumin.
I was on my way to the door of the shop when my phone rang, nagulat ako kaya nahalughog ko ang bag ko para mahanap ang aking phone.
I was rummaging through my bag when suddenly the ring stops, along with bumping into someone.
So alam niyo na, nahulog ang gamit ko sa sahig at agad namang tumulong ang nabangga ko sa pagpupulot.
"I'm so sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." paumanhin ko ng hindi parin tinitignan ang nabangga ko.
"It's okay." sa tinig ng boses niya ay malalaman mo ng babae siya.
"Thank you." sabi ko ng maiayos na lahat ng gamit ko.
Tumayo ako at tinignan ang babaeng nasa harap ko. Ewan ko, pero parang nag slow motion ang pagkakatingin ko sa kanya. I didn't even know how should I react. Parang hindi maprocess ng maayos ng utak ko ang nakikita ko.
Should I just leave her here? No, edi magtataka siya kung bakit. Then should I casually talk, then go? Like I don't know her? Maybe.
"Uhm, thank you. I'm really sorry." I said casually while smiling at her. Umiling iling naman siya habang nakangiti, na parang pinapahiwatig na okay lang.
"It's fine, you should be careful." sabi niya at nilagpasan na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na siya, at tumungo na sa pintuan ng shop. I was about to push the door when she called me again, which I wished she never did.
"Miss, I'm sorry. But have I seen you before?" nilingon ko naman siya at nginitian.
"Velvet Bar? Daphnie? If that rings a bell?" pagaalinlangan ko pang pagsagot na parang naliwanagan naman siya.
"Oh! Yes! I'm sorry, I just thought I've seen you somewhere before."
"No problem." I was about to open the door again when I heard her murmur.
"I'm sure I've really seen her somewhere before."
Naagpatuloy na ako sa pagpasok sa shop. It's okay if I can remember her but I hope that she can't remember me. How could I ever forget that face? That voice? Kung para sa kanya ay wala lang ako, para makalimutan niya ng ganun. Para sa akin, hindi. Malaki ang naging parte niya sa buhay ko ng hindi niya alam.
The heck?! Kahit na hindi niya ko maalala, how can she appear in front of me again just like that? Some of her features matured, but being Kaleb's another lover before? Won't ever change, baka nga sila parin hanggang ngayon.
How dare he ask me to come back to him again?! Nandito lang pala sa paligid ang kabit niya. Oh baka kakabalik lang? Kaya sinadya niyang magalit ako sa kanya para ako na ang kusang lumayo. Dahil nandyan na ang totoo niyang mahal, tapos na ako bilang pampaaliw niya.
Tss. Two-timer shit.