Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 2 - CHAPTER II

Chapter 2 - CHAPTER II

Welcome

Kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Kasalukuyan na akong nagtitipa ng kung ano anong information dito sa aking laptop.

Sandali akong tumigil at tumingala sa mga glow in the dark kong sticker sa kisame ng aking kwarto. Onti onti akong napapangiti habang tinitignan eto at kumakalma ang sarili. Mahilig talaga ako sa mga bagay na maganda sa paningin, nakakapagrelax ako.

Pero di rin nagtagal ay nabulabog ako ng isang malakas na katok at iniluwa neto ang aking bestfriend na si Wendy na naka pantulog at may dala dalang unan. Tinignan ko siya habang nakataas ang isang kilay. Pero parang wala lang siyang nakita at dumiretso ng hilata sa akin kama.

"Oy Wendy! Napapadalas na ang pag sleepover mo dito sa amin. Di ka ba pinapagalitan sa inyo?" sabi ko sa kanya na nagpabangon sa kanya. Eh pano ba naman, halos dito na tumira iyan! Magdadalawang linggo na siyang ganyan.

"Eh kasi naman Daphnie!! Mamimiss kitaaaa ng sobra sobraaa!!" pagmamaktol niya sabay yakap sa akin. Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagfi-fill up ng information dito sa aking admission.

Matagal na kasi naming pinagplanuhan nila Mama at Papa na sa Manila ako mag-aaral pagdating ng kolehiyo. Kaya ayun, eto ako at nagpapasa at nagpapakaabala sa mga pang-school ko buong bakasyon.

"Anong kurso ba ang kukunin mo Daphnie? Culinary Arts ba? Hay! Kung kaya lang ako pagaralin ng pamilya ko dun sa syudad ay bubuntot talaga ako sayo! Ang mahal naman kasi ng pag-dodoktor!" sabi niya habang kumukuha ng upuan at tumabi na sa akin. Nakikisilip sa mga tina-type ko.

"Business Management ang kukunin ko. Kaya ko namang pagaralan ang pagba-bake ng ako lang. Tutal ay yun naman ang hilig ko." sabi ko kay Wendy habang naguunat dahil tapos ko nang fill-upan lahat.

"Nga pala Daphnie, nagkita na ba kayo ulit ng childhood sweetheart mo? My ghadd Daphnie! Ang ganda na ng technology ngayon! May FB na jusko! Bat di mo kaya isearch ng hindi kita laging naaabutang nakabusangot sa tabing dagat!" sabi niya sabay irap pa sakin na para bang hindi ko naisip yun noon pa! Tinry ko na! Promise!

"Eh paano?! Wala naman akong ibang alam na pangalan niya kundi ang Kaleb! Andaming lumalabas! Di ko naman alam kung san siya dun at malamang nagiba na ang itsura non! Halos di ko na nga maaninag sa memorya ko dahil naka-salamin pa iyon!" tumayo na ako at humiga sa akin kama, sumunod narin naman sa akin si Wendy at tumabi.

"Uy Daphnie, wag mo kong kakalimutan ah!" sabi niya habang naglalambing sakin.

"Ano ka ba! Ang O.A. mo! Babalik naman ako dito tuwing bakasyon eh." pinapasaya ko na lang siya at ayokong malungkot ito dito. Sa totoo lang ay mamimiss ko tong si Wendy, para na kaming magkapatid neto. Simula pagkabata talaga ay magkasama na kami sa kahit anong bagay. Kaya medyo mahirap lumayo sa kanya, parang maiiwan ko ang kalahati ko.

Natapos ang gabing iyon ng puro kwentuhan at paniniguro ko sa kanya na babalik ako tuwing magbabakasyon. Hunyo na ngayon at kasalukuyan na akong nageempake ng aking mga damit at gamit na dadalhin sa dorm ko sa Manila. Nung nakaraang linggo pa ako nag take ng online entrance exam sa Monte Alegre University, at nalaman ko kaagad na pasado ako.

"Ma! Nakita mo ba iyong sling bag ko? Dito ko lang nilagay yun sa may cabinet ko eh!" sigaw ko sa nanay kong nasa baba at abala rin sa pagaayos ng aking ibang gamit. Nilingon naman niya ako.

"Ano ka ba naman Elliss! Bukas na ang alis mo eh di pa rin kumpleto ang gamit mo!" napairap na lang ako at bumalik sa aking kwarto dahil sesermunan lang ako noon.

Habang naghahalungkat ako sa aking mga gamit ay may nakita akong isang perlas na nakalagay sa bote. Dati pa iyon nung nagpapaunahan kami ni Lebleb na makahanap ng magandang bato pero wala akong nakuha ni isa. Siya ang nakahanap ng perlas at ibinigay sa akin, di naman iyon importante kaya di ko na lang dadalhin.

Mahigit sa tatlong oras ang binyahe ko mula Han Ezequiel hanggang dito sa aking dormitoryo sa Manila. Ako na lang ang magisang bumyahe dahil kaya ko naman na at baka magiyakan lang ang pamilya ko dito at di na makaalis ng tuluyan. I'm an independent child and I'm proud of that. Di man kami mayaman ay di rin naman ako lumaki sa hirap kaya sinisigurado kong pinagdaanan ko ang lahat na dapat kong maranasan sa paglaki.

Binuksan ko na ang pinto ng aking dorm at masasabi kong maganda ito. Kung tutuusin ay malaki ito para sa akin dahil magisa lang naman ako. Sobrang lawak tignan dahil wala pang kalaman laman. Sa August pa ang pasukan ko pero dahil kailangan ko pang magayos ay pinili kong mamaaga.

Lumabas muna ako sa maliit na balcony ng aking dorm upang magpahangin. Sumilip ako sa baba na walang katao tao, siguro ay mga nasa kani kanilang bahay dahil masyadong mainit ang panahon kaya di lumalabas. Maganda rin ang view kahit san ka tumingin, maganda ang napili nila Papa na dorm. Kung tutuusin ay magmukha na nga itong condo sa ganda pero kung ikukumpara mo pa ito sa mga katabi o kalapit na dormitory ay mas maganda ang mga iyon.

Sa di kalayuan ay matatanaw ang kalawakan ng M.A. University. Lagpas lang ito ng isang kalye mula dito sa akin dorm. Para kasi itong village na puno lamang ng mga titirhan ng estudyante at ang eskwelahan mismo. Pribado dahil exclusive school ito. Kinaya naman bayaran nila Papa dahil ako lang naman ang pinapaaral niya at medyo nakatipid pa kami ng nagpumilit akong pumasok bilang student assisstant.

Di ito ang unang beses na naka punta ko ng Manila pero eto ang unang beses na magtatagal at titira ako dito. Nakapalumbaba ako dito sa balcony habang pinagmamasdan ang araw.

"Welcome to Manila, Daphnie Elliss!" sigaw ko sa kawalan sabay pasok sa aking dorm dahil sa hiya na baka may makakita sa aking sumisigaw.