Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 6 - CHAPTER VI

Chapter 6 - CHAPTER VI

Priceless

Nakapark na ang kotse dito sa tapat ng mall. Di ko alam na may malapit palang mall dito! Saang lupalop pa ako nagshopping ng mga kailangan ko nung mga nakaraang buwan! Andami naman kasing pasukan bago marating ito kaya hindi ko alam. Nakapasok na kami sa mall ng binalingan ako ni Kaleb.

"Hindi ka ba nilalamig jan sa suot mo?" sabi niya habang hine-head to toe pa ang damit ko. Napatingin din naman ako sa suot ko, ayos lang naman. At pinansin ko yung kanyang damit na balot na balot. Naka sweater siya at ripped jeans na tinernuhan ng itim na sneakers.

"Bakit? Ayos naman ah?" sabi ko sa kanya na ikinasabunot ng buhok niya. Anong problema ng lalaking to? Frustrated sa suot ko eh di naman pangit tignan. Dumikit siya sakin at inakbayan ako sabay lakad sa kung saan man. Nabother ako kaya pilit kong tinatanggal ang braso niyang mabigat.

"Ano ba! Pinagtitinginan tayo oh!" eh pano ba naman, lahat ng nalalagpasan namin ay napapalingon. Mapa-babae man o lalaki.

"Wag ka na ngang makulit. You're showing too much of your skin." sabi niya pero straight face lang sa aming dina daanan.

"Oo na! Bibili na lang ako ng pamatong, tanggalin mo lang ang braso mo!"

"Tss." yan lang isinagot niya. Tinanggal niya nga ang braso niya pero hinigit niya naman ang kamay ko papunta sa clothing store na pangalan ay "De'adri". Parang familiar?

Lumapit naman agad samin yung nagtitinda. At nagulat pa nung nakita kami? Bakit?

"Get her anything she wants. Yung balot na balot ang katawan." sabi niya sa babae sabay upo sa sofa at kinuha ang kanyang phone. Ako naman ay parang timang na nakatayo lang doon at nakatunganga, nagtataka kung ano bang dapat kong gawin.

"Anong ginagawa mo jan? Give them your size ng makapagpalit ka na." di ko talaga alam kung anong gagawin ko. Wala naman akong balak mamili ng maraming damit! Tsaka mukhang mamahalin pa ito! Wala akong pambayad!

"Ha? Eh? Sa iba na-"

"Erika, get her size and give her damn clothes. Shoes and bags too, if she likes." di narin mapakali ang inuutusan niyang sales lady. Nung kumalma na ito ay ginayak niya na ako sa fitting room.

"This way, Ma'am." sabi niya at sumunod na lang ako. Nung nakuha na niya ang size ko at naikuha na niya ako ng damit ay di ko na napigilan magtanong.

"Miss, suki niyo po ba yang si Kaleb dito sa store niyo?" natanong ko lang, alam narin kasi ang pangalan niya at mukhang boss bossan dito. Nanlaki pa ang mata niya sa tanong ko bago ako sinagot.

"Family po ni Sir Kaleb ang may-ari neto. Pwede siyang kumuha ng mga susuotin niya kahit ilan at kahit kailan niya gusto." nagulat din ako pero di ko na pinahalata. Tumango na lang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Well, that makes sense. Kaya pala ganoon ang pangalan ng store "De'adri" it's from his surname! Bat ba di ko napansin.

Nagsuot na ako ng stripes na three fourth sleeves shirt at ripped jeans bago lumabas. Ang ganda at ang lambot ng tela! Napaka-kumportable sa pakiramdam at di mainit. May nakapatong na isang paper bag sa counter, akmang babayaran ko na sana pero inunahan na ako ni Kaleb.

"That's on me." sabi niya sa cashier at tumango na lang ang babae sa kanya.

"Naku, Kaleb nakakahiya naman. Ako na lang-" di ko na natapos dahil nagulat ako ng may inilagay pa sa lamesa ang babae na mahigit sa sampung paper bag. Napanganga na lang ako, malamang ay mauubos ang pera ko pag ipinilit kong ako pa ang magbabayad lahat nyan.

"Di ba kayo malugi niyan Kaleb? Mukhang lahat ng kaibigan mo ay nililibre mo dito." yun na lang ang nasabi ko sa kanya bago kami umalis at buhat buhat niya lahat ng paper bag na pinamili.

"You're not a friend and besides, you're the first one that I treated. Di naman ako laging pumupunta dito." Ouch ha! Ansakit! Di daw kami friends! Ano? Classmates lang?

"Ilalagay ko lang to saa kotse. Just wait here." sabi niya bago umalis. Ok na lang ang naisagot ko at tumabi sa daanan para di makaabala sa mga pumapasok sa mall.

Tinignan ko ang aking orasan at napagtantong isang oras na ang nakalipas ay di parin namin kasama ang dalawa. Nasan ba nagpunta iyong dalawang yun. Itetext ko na sana si Mari ng maalalang di ko pa nga pala nahihingi ang number niya! Hihintayin ko na lang si Kaleb at baka sakaling may update siya kay Tristan.

"Kaleb, alam mo ba kung nasaan na si Tristan at si Mari?" tanong ko agad pagkabalik niya.

"Nanonood ng movie."

"Ano?! Bat di mo sinabi! Sana ay nakasama tayo!"

"Nagstart na kanina habang nagsusukat ka."

"You didn't tell me! Sana inuna natin iyon!"

"Di ko alam na gusto mo." sabi niyang poker face at nauna na maglakad. Sumunod na lang ako sa kanya dahil wala naman na akong magagawa. Pano ko naman maenjoy to eh halos di naman makisama itong kasama ko. Nagmartsa na ako at nauna nang madaanan ko ang arcades. Bumalik ako at tinignan siyang nakangiti. Di ko alam kung kailan pa ko huling nakapaglaro dito. Di na ko nagdalawang isip at hinila na siya papasok. Mukhang nagulat pa siya pero excited na talaga ako maglaro!

"Lahat po iyan." sabi ko sa kahera nang magabot ako ng 200 pesos para iconvert sa token.

"Di ba masyado yang marami?" tanong ni Kaleb.

"Hindi, baka nga kulang pa to!" sabi ko na tuwang tuwa. Akala mo ay batang unang nakakita ng stuffed toy. Hinila ko na ulit siya patungo dun sa may basketball. Gustong gusto ko talaga to laruin sa mga arcades. Maglalagay na sana ako ng token ng mamalayan kong higit ko parin ang kamay niya. Nakaiwas siya ng tingin kaya binitawan ko na lang.

"Tara laro na tayo!" sabi ko at inabutan narin siya ng token.

"Isn't this boring?" tanong niya yan bago kami maglaro. Pero kung titignan mo siya ngayon sa pang lima na naming laro ay kitang kita na ang ngipin niya sa sobrang tuwa. Nakakatuwa siyang pagmasdan.

"Boring pala ah." sabi ko sa kanya at nilingon niya naman ako. Tumikhim pa siya bago magsalita.

"Yeah." sabi niya habang natatawa at umiiling iling pa na parang pinagsisihan niyang sinabi niyang boring ito.

Nagkaraoke pa kami at iba pang games. Nag photo booth pa nga kami at dalawang copy ang ginawa ko para tig isa kami ng remembrance. Pero sa anim na kuha na iyon, lima ay nakatingin lang siya sa camera. Kundi ko pa siya pipiliting ngumiti sa panghuli ay wala na talaga! Ako naman todo pose sa lahat samantalang siya ay bored na bored ang itsura. Pero infairness, gwapo parin. Itatabi ko talaga ito. Inabot ko na sa kanya ang isa. Napangiti naman siya at itinabi na sa kanyang wallet.

"6 na pala, ang tagal nating naglaro!" sabi ko habang nakatingin sa orasan. Nang may maalala ako! Si Tristan at Mari!

"Nasan sila Tristan?" tanong ko sa kanya.

"Umuwi na." sabi niya na parang wala lang sa kanya.

"Ano? Bat di mo nanaman sinabi!"

"Eh naglalaro tayo eh, istorbo." napailing na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Magso-sorry na lang ako kay Mari sa Lunes at hihingiin ang number niya.

"Are you hungry?" tanong niya na sakto sa pagkalam ng sikmura ko. Kaya malamang ay alam na niya ang sagot. Dumiretso na kami sa fast food restaurant para mabilisan ang pag serve. Malamang ay gutom na rin siya. Nang makaupo ako ay di man lang niya ko tinanong sa gusto kong orderin. Dumiretso na siya sa counter! Di ko naman maiwan ang lamesa dahil marami na ang pumapasok. Baka mawalan pa kami ng upuan.

"Sa iyo lahat yan?!" andami niyang order! Pang masa ba ang pakakainin niya?

"Kumain ka na lang. This is on me."

"Nakakahiya naman Kaleb! Andami mo nang libre sa akin. Magbabayad ako kahit kalahati lang ng binayad mo!" pamimilit ko sa kanya pero iling lang siya ng iling.

"You paid for the arcade." inosente pa niyang sabi.

"Eh magkano lang iyon Kaleb. Wala pa yun sa lahat ng ibinayad mo!"

"No. Today was really fun, Elliss. Thank you. I can't really rember when was the last time I've had fun like this. And no money can ever buy that. Maybe because you're fun to be with? I don't know." sabi niya habang natutuwa pa at umiiling na parang di niya inaasahan na masasabi niya iyon.

"Still Kal-" di ko na natuloy ang sasabihin ko, at di ko na rin matuloy pa.

"It's priceless, Elliss. You're priceless."

Buong gabi ay halos di ako makatulog sa kakaisip sa mga binitawan niyang salita. Naihatid na niya ako't lahat lahat, ang tanging lumalabas lang sa bibig ko ay thank you. Napakalutang ko! Na parang buong araw at gabi ay nananaginip ako, pero kung ganoong klaseng panaginip ay parang ayaw ko nalang magising.

"Ahhhhh! Ano ba tong ginagawa mo sa akin Kaleb!" sigaw ko habang nakatitig sa kisame. Nababaliw na ata ako!