Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 11 - CHAPTER XI

Chapter 11 - CHAPTER XI

Progress

Nakalipas ang isa pang linggo na itinuon namin ni Kaleb sa pagpapractice. Inaamin kong hindi perfect ang practice namin dahil bukod sa pagbe-bake at pagtitimpla ay nagagawa pa naming maglaro at inaamin ko ring sobrang saya ko sa mga panahong iyon.

Ready na ang booth namin para sa darating na linggo. Nakapagpaskil na kami ng posters sa school at handa na lahat ng kakailanganin namin. Hinihintay na lang namin mag Monday para masetup ang booth sa quadrangle. Simula Wednesday hanggang sa susunod na Tuesday ang binigay na time frame samin sa pagbebenta. Tama nga si Ynna at mabuting maaga namin ito sinimulan kaya chill chill na lang kami sa ngayon.

Sabado ngayon at kasama ko si Mari dito sa mall dahil nagaya siyang gumala, pinagbigyan ko dahil matagal na rin kaming hindi nakakalabas. Nasa DQ kami at sinisimulang kainin ang mga inorder naming ice cream. Napagod ako sa pag wiwindow shopping netong kasama ko! Ansakit na ng paa ko sa kakabalik balik namin sa mga store eh halos tatlong bagay lang ang nabili ni Mari. Naawa siya sakin kaya nagpahinga muna kami at nilibre niya ako ng ice cream.

"Mari, hindi pa ba napupudpod iyang daliri mo sa kakatipa jan sa phone mo." paano eh magmula ng dumating kami dito, maya't maya ang tingin at pagta-type sa cellphone.

"Hindi." yan lang isinagot sa akin at ngiting ngiti pa ang bruha.

"Di na rin pa nangangawit yang panga mo sa kakangiti? Kulang na lang ay tumalon at gumulong ka sa sahig eh halatang halata namang kinikilig ka." nanlaki ang mata niya.

"Is it that obvious?"

"Is it that obvious?" ginaya ko ang pagkakasabi niya at umirap. Bumusangot naman siya sa akin at tinuloy ay pagta-type.

"Sino ba yang kausap mo?" gulat ko sa likuran niya. Sa sobrang kilig niya ay di niya namalayang nakapunta na ako sa kanya. Binalik balik niya pa ang tingin niya sa akin at sa upuang pinanggalingan ko.

"Baby?" sabi kong gulat na gulat.

"Sino yan, Mari?! Ha? Sino yan?" sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya. Kaya pala kilig na kilig ay may jowa na! Tumikhim pa siya bago ako sinagot.

"S-si Tr-Tristan." banggit niya habang namumula pa. Medyo di naman na ako nagulat dahil nahahalata kong may something sa kanila tuwing nasa room. Bigla biglang nagtitinginan tas ngingiti, pag tinignan ko naman sila pareho ay agad na umiiwas.

"Sabi na nga ba eh!" with matching hampas pa sa lamesa na parang nanalo ako sa tinaya ko.

"You knew?" tanong niya na parang nagulat. Ginaya ko ulit yung sinabi niya at inirapan siya.

"Baka hindi lang ako Mari, hindi naman kasi masyadong halate eh noh?" sinimangutan niya nanaman ako.

"Then I should've told you sooner para may nahahampas sana ako." sabi niya habang kinikilig.

"Eh bakit nga ba hindi mo sinabi agad sakin?" sabi ko sabay subo sa aking ice cream.

"I taught you'll get angry."

"Ha? Bakit naman?" tanong ko sa kanya habang patuloy parin sa pagkain ng ice cream.

"Di ka ba nabibilisan? I mean we just met like 2 months ago?"

"Ano ka ba naman, Mari. Kaibigan mo ko, natural na mag open up ka sa akin. Wala naman iyan sa bilis o tagal niyong magkakilala. Kung sa maikling panahon o matagal na panahon na iyon ay nagmahalan kayo, desisyon niyo iyon. At bilang kaibigan susuportahan kita kung san ka masaya. Kahit na di kita kaibigan ay rerespetuhin kita. Kaya sa susunod ay wag ka ng magaalinlangang magsabi sa aki-Uy! Mari!" sa haba ng sinabi ko ay nakatingin lang ako sa aking ice cream at hinahalo halo ito. Napatingin lang ako sa kanya nung may narinig akong hikbi. Akad ko siyang nilapitan at niyakap. Hinaplos haplis ko pa ang buhok niya.

"Thank you, Daphnie. You're really a great friend. Sinasabi mo ang lahat ng gusto kong marinig." yumakap narin siya pabalik sakin. Kumuha ako ng tissue sa dispenser na nasa harap namin at pinunasan ang luha niya.

"Tumigil ka na nga! Para kang bata napaka iyakin mo." sabi ko habang natatawa kaya tumawa narin siya.

"Oh! Blow your nose." pabiro kong sabi at tinapat sa ilong niya ang tissue. Pinalo niya ang balikat ko at kinuha na sa akin ang tissue.

"You're gross." sabi niya habang tumatawa parin.

Naging masaya ang araw na yun para sa aming dalawa ni Mari. Bandang alas singko nung nagpasya na kaming umuwi. Habang hinihintay ang driver niya sa labas ng mall ay di ko maiwasang mapatingin sa kalangitan. Namimiss ko na ang Han Ezequiel. Purong ulap lang ang natatanaw dito at halata mo lang ang pagdilim, di tulad pag nasa tabing dagat ka ay matatanaw mo mismo kung pano magpalit ang liwanag at ang dilim.

"Daphnie! Let's go!" sigaw ni Mari na nakasakay na pala sa sasakyan. Tumango na lang ako at sumakay narin.

"Ibaba mo na onti, Wayne!" sigaw ni Ynna kay Wayne na nagaayos ng banner sa taas ng booth.

"Nakatabingi! Move it a little to the right, Blake! Hindi, itaas mo pa ng kaonti!" sigaw naman ni Samantha kay Blake. Mukhang frustrated na si Blake dahil di niya masyado maintindihan si Samantha, sinusunod lang nito ang kamay ni Samantha bilang senyas.

Monday na ng hapon ngayon. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay dumiretso kami dito para masimulan ang pagtatayo sa booth. Naging madali lang ito dahil maayos ang pagkakaplano nila Ynna. Wala kaming masyadong matulong ni Kaleb dahil puro pagluluto ang inabala namin. Bukas pa namin dadalhin ang mga gamit at mga ingredients.

Sinilip ko si Kaleb na mahimbing ang tulog sa lamesa na nasa tabi lamang ng booth. Nilapitan ko siya at tumabi sa kanyang inuupuang bench. Pinagmasdan ko ang napakapayapa niyang mukha habang natutulog. Nakita kong may tumatagaktak na pawis sa gilid ng kanyang noo kaya agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan iyon. Mukhang nagising ko ata siya at dahan dahang dumilat ang mga mata niya.

"Sorry, pinagpapawisan ka kasi." sabi ko at akmang tatanggalin na ang kamay nang hawakan niya iyon. Pinagsiklop niya iyon at pinatong sa kanyang hita at pumikit ulit.

"Kaleb. Uy." sabi ko habang sinusundot pa ang pisngi niya pero di na siya nagmulat ng mata kaya hinayaan ko na lang.

Maya maya pa ay nagising ako sa onting bulungan sa aking gilid. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagkusot ako ng mata at nakitang nakasandal pala ako sa balikat ni Kaleb at ang kanang braso niya ay nakapaikot at nakapatong sa aking kanang balikat. Umayos na ako sa pagkakaupo at nginitian si Kaleb.

"Ang ingay mo kasi eh." sabi ni Kaleb kay Wayne. Nginitian ko naman si Wayne at sinabihang okay lang.

Tumayo na ako at pinagmasdan ang buong booth. Tapos na ito, at masasabi kong maganda ito. Ginawa nilang open ang kitchen para makita ng mga customer ang paggawa sa kanilang mga pagkain. Simple lang ang design pero maganda sa paningin. Pastel colors ang ginamit nila, tutal ay sweets ang ibebenta namin. Meron naring mga lamesa at upuan na nakatupi sa gilid pero baka bukas pa nila iyon ayusin.

"Okay lang ba, Daphnie?" sabay pang tanong ni Ynna at Samantha pero mukhang di nila iyon pinansin dahil nagaabang sila sa isasagot ko.

"It's beautiful. If ever na makapagpatayo ako ng sarili kong shop ay susundin ko ang theme nito. Ang soft sa paningin kaya nakakarelax tignan. Magiginhawaan ang mga kumakain habang tumitingin sa paligid." honest kong sagot dahil yun naman talaga ang nakikita ko. Nagappear pa silang dalawa habang pumapalakpak at tumatalon ng paikot ikot.

"We're done for today right? Can I go home?" tanong ni Blake na nakapagpatigil sa dalawa. Kawawa naman ito, lagkit na lagkit na siguro siya kaya gusto na niyang umuwi. Punong puno na ng pawis ang damit niya. Inirapan lang siya ni Samantha na ikinagulat niya, ano ba naman itong dalawnag toh! Di na ko magtataka kung magkatuluyan to.

"Sure, Thanks for today, Blake." sabi ni Ynna kaya kinuha na ni Blake ang kanyang backpack at lumarga na.

"Ako rin ah! Bye!" sabi ni Wayne at sumunod na kay Blake na naunang maglakad.

"Kayo? Di pa ba kayo uuwi? Magpapasama pa kasi ako kay Ynna sa locker eh. Okay na ba kayo dito?" tanong ni Samantha samin ni Kaleb.

"Ah, oo. Uuwi narin kami. Ingat kayo!" sabi ko sa kanilang dalawa at umalis narin sila.

"Are you hungry?" tanong ni Kaleb sakin na magulo ang buhok. Nadidisturb ako sa itsura niya kaya tumingkayad ako at inayos ang buhok niya. Oo, ganto na kami kaclose, pero syempre minsan ay nagsusungit parin ito sa akin.

"What are you doing?" tulad ngayon. Napasinghap siya sa ginawa ko at hinawakan ang dalawa kong kamay at ibinaba iyon.

"Inayos ko lang, ang gulo eh. Tara meryenda tayo." sabi ko sabay higit sa kanya patungo sa cafeteria pero binitawan niya ang kamay ko at ako naman ang hinigit niya.

"Uy! Kaleb, doon ang cafeteria!" sabi ko sabay turo sa kaliwa. Palabas na ito ng school eh!

"Umuwi na tayo, ihahatid kita sa dorm mo."

"Ay! Okay, akala ko nagugu-TAYO?!" napahinto naman siya sa sigaw ko at nilingon akong nakangisi.

"Yes, tayo. Cook for me. Dalian mo at nagugutom na ako." medyo nalilito parin ako pero wala na kong nagawa kundi ang magpahatak na lang sa kanya.