Soon
"Woohoo!!" sigaw ko habang nakadungaw sa labas ng bintana ng kotse. Napakapresko sa pakiramdam ng hangin dito sa probinsya, inilabas ko pa ang aking kanang braso para salubungin ang malamig na hangin mula sa labas.
"You really missed it here, huh?" tanong ni Kaleb habang nagmamaneho. Tinignan ko siya at nginitian, ganun din ang isinukli niya sakin. Hindi ko na talaga maitago pa ang kaligayahan at excitement na nararamdaman ko. Balak ko kasing isurprise sila Mama at Papa sa paguwi ko. Si Wendy lang ang nakakaalam kaya panigurado ay nagaabang na iyon sa bahay.
Oo nga pala at ikalawang linggo na ngayon ng December. Kasama ko si Kaleb na dinala ang kanyang sasakyan para sa paguwi ay makakasama na namin si Mari at Tristan. Puno ng kaligayan ang mukha ni Kaleb simula noong pumayag akong isama siya dito sa probinsya at dito magdiriwang ng pasko. Nagsabi naman daw siya sa kanyang pamilya at syempre nagalit ito dahil di uuwi ang anak nila pero sinuyo niya ito at sinabing sa New Year ay dun siya uuwi.
Magtatanghali na ngayon, di naman na magtatagal ay maaabot na namin ang Han Ezequiel. Nag take out kami sa isang fast food restaurant para sa bahay na kumain dahil malamang ay di naman kami naisama sa niluto. Natatanaw ko na ang arko na may nakalagay na "Welcome to Han Ezequiel" kaya lalo lang akong naeexcite.
"Nothing has changed. This place is still beautiful and peaceful." wala naman talagang nagbago dito except siguro sa ibang mga gusali at kabahayan na umunlad. Ngunit ang kapaligiran ay parehong pareho parin. Ngayon ko lang narealize ang sinabi niya, nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.
"Have you been here?" gulat kong tanong sa kanya na ikinatawa niya.
"Yeah, I've been here a couple of times."
"Weh?! Napanood mo na ba ang sunset dito?"
"Of course! Always, kapag napunta ako dito." lalo pa akong nagulat sa sinabi niya.
"Lagi akong nanonood! Ba't di man lang kita nakita ni isang beses?" ikinibit niya lang iyon ng balikat.
"I've always been with someone." wika niya habang nakangiti na parang enjoy na enjoy niya iyon dahil sa kanyang kasama. Siguro nga ay sa dami din ng nanonood sa tabing dagat ay di ko siya napapansin, lalo na at may lagi siyang kasama. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana, medyo kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Special siguro sa kanya ang taong iyon at nagawa nilang pumunta dito ng maraming beses at manood ng sunset. Sana ako na lang iyon...
Hindi na ako nagsalita pang muli pagtapos noon kaya naging tahimik na ang buong byahe. Sinasagot ko lang siya kapag tinatanong niya kung saan na ang daan papunta sa bahay. Nararamdaman kong maya't maya ang pagsulyap niya sakin dahil siguro sa pagtataka sa katahimikan ko. Ilang minuto pa ay naaaninag ko na ang aming bahay.
Sa totoo lang ay malaki ito para sa aming tatlo. Binubuo ito ng hanggang tatlong palapag, ang pinakatuktok ay ginawang hardin ni Mama dahil hilig niya ang pagtatanim. Sa pangalawang palapag ay may apat na kwarto, ang isa ay ang master's bedroom, ang isa ay akin, ang isa ay guest room at ang isa ay storage room pero sa lahat ng kwartong iyon, akin lang ang may terrace dahil mahilig akong tumambay sa labas noon para magpahangin at tanawin ang kabuuan ng Han Ezequiel. Tanaw din doon ang tabing dagat pero di masisilayan ng buo ang paglubog ng araw.
Ipinarada na ito ni Kaleb sa gilid ng aming gate dahil wala naman kaming kotse kaya wala ring espasyo sa loob para sa kotse. Bumaba na ako kaagad at kumatok sa aming gate at nagtawag. Agad namang may nagbukas sa aming gate.
"Elliss?! Anong-Ngayon pala-Anak!" di na alam ni Papa kung ano pa ang dapat niyang itanong. Agad niya na lang akong niyakap at halata sa kanya ang pagkasurpresa sa pagdating ko.
"Pa! Sino iyan?!" rinig kong sigaw ni Mama mula sa loob. Dinungaw ko siya sa gate at kinawayan. Nanlaki ang mata niya at agad ding lumabas.
"Ikaw talagang bata ka! Bat di ka man lang nagsabi!" sabi ni Mama habang yakap ako at pinapalo ang aking puwitan.
"Surprise nga po diba?" di ko mapigilang mapairap habang tumatawa. Narinig ko ang pagsara ng pintuan mula sa driver's seat. Kamuntikan ko ng malimutan ang kasama ko. Agad naman itong dinungaw ni Papa ng nakataas ang kilay.
"Magandang umaga po! Mr. and Mrs. Corteza." bati ni Kaleb sa aking mga magulang at nagmano sa kanila. Napangiti naman ako sa simpleng gestures niya patungo sa aking mga magulang.
"Elliss, sino itong kasama mo? Boyfriend mo na ba ito? Eh, napakagwapo! Di ka man lang kasi nagpasabi at di tuloy nakapaghanda!" sabi ni Mama na nakangiti ng abot sa tenga.
"Eto ba ang boyfriend mo, Elliss? Anong pangalang mo, hijo?" tanong naman ni Papa kay Kaleb.
"Kaleb Rhayson De Adriel po. Paumanhim po sa biglaan naming pagpunta, gusto po kasi kayo sorpresahin ng anak niyo." sagot naman ni Kaleb na ikinakunot ng noo ni Mama at Papa.
"De Adriel ba kamo?" tanong ulit ni Papa.
"Kilala niyo po ba ang pamilya ko?"
"Ah, eh oo! May ka-batchmate kami noong kolehiyo, De Adriel din ang apelyido. Tara, pasok na kayo! Kumain na ba kayo?" tinanguan naman ni Kaleb ang sinabi ni Mama. Well? That's new! May kakilala pala silang De Adriel? Di ko na ito bubusisiin, di naman yun importante. Ang mahalaga ay makakain na ko, kanina pa nakalam ang sikmura ko!
"May dala po kaming take out, sama sama na po tayo maglunch." aya ni Kaleb.
"Sige, Kaleb. Akin na at kami na ni Elliss ang magaayos sa hapag kainan. Pa, tulungan mo si Kaleb na iakyat muna iyong mga gamit sa kwarto ni Elliss at wawalisin ko muna ang guest room pagtapos kumain." utos naman ni Mama. Sinunod naman namin iyong lahat at ngayon ay nandito na kami sa dining are at kumakain ng tanghalian.
"Pasensya ka na at di ganoong kalaki ang aming tahanan. Hindi naman kasi nakapagsabi itong si Elliss na may bisita, sana ay ipinabook ka namin ng kwarto sa malapit na hotel resort." sabi ni Papa kay Kaleb.
"Naku, Pa! Okay lang, may susunod pa akong dalawang kaibigan dito sa susunod na linggo at dito rin sila tutuloy. Gusto daw nila kayong makilala at gusto nilang magkakasama kami sa buong bakasyon." paninigurado ko sa aking ama.
"Magkaklase ba kayo nitong si Elliss, hijo?" tanong ni Mama sa lalaking katabi ko.
"Opo." magalang niyang sagot habang nakangiti. Di ko alam na ganto pala siyang makitungo sa nakakatanda, ganto rin kaya siya sa mga magulang niya?
"Naku! Mabuti naman ay mabait na kaklase itong si Elliss! Pakibantayan at pagtiisan mo na lang ang anak ko ah? May pagkasaway kasi iyan eh!"
"Oo nga po eh. Napakatigas ng ulo." proud niyang sagot kay Mama kaya masama ko siyang tinitigan.
"Kailan ba naging kayo nitong anak ko, Kaleb?" nagtatakang tanong ni Papa. Oo nga pala at di ko nasabi sa kanila kanina!
"Pa! Hindi ko po siya boyfriend!" pagmamaktol ko sa ama ko.
"Aba't kung ito naman ang magiging son-in-law ko ay payag ako! Napakagwapo at napakabait, bagay na bagay sa anak kong napakaganda at napakasuplada!" tuwang tuwang sabi ni Papa at nagagree naman si Mama sa kanya at ang laki ng ngisi nitong katabi ko!
"Soon po, Tito! Soon po." ngiting ngiti si Kaleb na halos di na makita ang mata niya sa sobrang tuwa. Napairap na lang ako sa mga tao dito at pinagkakaisahan nila ko. Pero di ko naman itinanggi! Di ko maiwasang hindi lumigaya sa sinabi niya. Ang panghihina ko kanina ay napalitan ng pagkagana. Ngumiti akong palihim habang tinititigan si Kaleb at ipinagpatuloy na ang pagkain.