Plans
"Are you two, uhm?" tanong ni Mari habang natinging makahulugan sa aming dalawa ni Kaleb. Imibis na sagutin siya ay hinalikan ako ni Kaleb sa aking pisngi.
"Oh my gosh! I'm happy for the both of you! Kinikilig ako! Pwede na tayong mag double date!" kilig na kilig na sabi ni Mari habang tumitili at niyuyugyog ang kanyang boyfriend. Malamang ay hilong hilo na itong si Tristan.
Paano ba naman na di mahahalata ay simula noong araw na nanggaling kami sa tabing dagat ay lalo ng dumikit sa akin tong si Kaleb. Kulang na lang ay pati sa banyo sumama siya sa akin. Tuwang tuwa naman sila Mama at Papa sa kanya dahil sinabi niya iyon agad sa kanila. Magalang siyang nagpaalam sa mga magulang ko noong Pasko na ikinatuwa ko at nila Mama at Papa. Nangaasar pa si Papa na iyon na daw pala ang "soon" na sinasabi ni Kaleb.
Kahapon dumating si Tristan at Mari, hinatid sila ng Daddy ni Mari hanggang sa may arko at sinundo na namin ni Kaleb mula roon. At dahil gusto nilang magkakasama kaming apat, sa kwarto ko kaming lahat natulog. Kami ni Mari ay sa kama, ang dalawang lalaki naman ay sa comforter sa sahig. Tumawag pa nga kahapon si Wendy para sabihing miss niya na ako, pinakilala ko narin si Wendy sa mga kaibigan ko at nagkasundo sundo naman sila. Selosa kasi iyong si Wendy, lalo na pag nalaman niyang may kaibigan akong babae kaya maaga pa lang ay ipinakilala ko na si Mari sa kanya.
Nasa tabing dagat kami ngayon dahil gustong gusto na itong makita ni Mari. Lagi niya raw kasing naririnig na maganda ang paglubog ng araw dito sa Han Ezequiel.
Naka two piece bikini ako ngayon dahil lalangoy kami. Alas tres pa lang ng hapon kaya dito na kami magaabang hanggang sa mag alas singko.
Hinubad ko na ang aking loose shirt para ipakita ang aking red na bikini na bagay sa kulay ng aking balat, kitang kita rin ang kurba ng aking katawan. Naka two piece din si Mari, ang dalawang lalaki naman ay topless at naka trunks.
"Wow! Ang ganda mo talaga, Daphnie! Ang sexy pa!" sigaw ni Mari sakin na nauna nang lumangoy sa tubig.
"Tss. Why did you wear that? Ibalik mo na lang iyong tshirt mo." pagsaway ni Kaleb sakin. Wala namang ibang tao dito bukod sa aming apat at iilang tao na dumadaan lang.
"Tayo lang naman ang nandito. Tsaka baka hindi magpantay ang kulay ko pag nainitan ako at tshirt ang suot ko." inirapan niya lang ako. Tignan mo to! Napakataray talaga! Parang mas babae pa sa akin eh.
"Basta wag kang lalayo sa akin." utos niya.
"Yes, Boss!" pangaasar ko naman sa kanya.
Naglaro lang kami buong maghapon sa tubig. Nagtutulakan, naghahabulan, nagbabasaan, lahat ng laro na pwede naming magawa sa tubig ay nagawa na ata namin. Ginawa namin iyong pampalipas oras at sobrang saya naman namin. Nang mag alas singko na ay umupo na kami sa buhanginan.
Naging doble pa ang sayang naramdaman ko ng makasama ko na ang mga kaibigan ko sa pagsulyap sa paglubog ng araw. Ngiting ngiti ako habang pinagmamasdan ang mga mata nilang kumikinang sa pagkamangha sa ganda ng sunset dito sa Han Ezequiel.
"Daphnie, you're really lucky to grow up in a place like this. It's beautiful." sabi ni Mari na ang tingin parin ay nasa araw.
"Pag kinasal kami ni Mari, gusto ko ay dito mismo sa kinalulugaran natin." sabi naman ni Tristan habang tinitignan si Mari. Nagblush naman itong si babaita at hinampas ang braso ni Tristan.
"Wag ka ngang gaya gaya, Tristan. Kami ang nauna dito!" asar na sabi naman ni Kaleb. Nakangiti ko naman siyang tinignan.
"Edi mag double wedding tayo!" tuwang tuwang suggestion naman ni Mari.
"Bahala kayo. Dun kayo sa tubig kami dito ni Elliss sa buhangin." inis na sabi ni Kaleb. Ano ba naman ito! Napaka pikon.
"Ang sama mo!" sabi ko sabay hampas sa braso ni Kaleb.
"Oo nga! Inaaway kami! Iwan mo na nga yan, Daphnie!" kunware ay nasasaktan pa itong si Tristan. May pahawak pa sa kanyang puso at mukhang nagmamakaawa sa akin. At syempre si Kaleb, kilala bilang pikunin, tumayo agad para habulin si Tristan at pabirong susuntukin. Natawa na lang kami ni Mari sa kanilang dalawa. Nakakagaan sa pakiramdam ang panoorin sila.
Sana ay di matapos itong masayang samahan naming magkakaibigan. Ang sarap palang pagplanuhan ang future pag kasama mo yung mga taong gusto mo pang makasama.
"Bye po, Tito! Tita! Thank you for letting us stay to your humble home!" paalam ni Mari sa aking mga magulang.
"Salamat po sa pagpapatuloy sa amin. Gusto pa po sana naming magtagal eh. Ang ganda po ng lugar na to!" sabi naman ni Tristan.
"Naku! Welcome na welcome ang mga kaibigan ni Elliss dito. Bumalik ulit kayo kapag bakasyon." sabi naman ni Mama.
"Bye, Wendy! It's nice to meet you!" paalam naman ni Mari kay Wendy bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Nakauwi na si Wendy noong nakaraang araw at dito narin siya nanuluyan. Nagkasundo naman silang dalawa na ikinatuwa ko.
"Thank you po, Tito at Tita. Di pa po ako magpapaalam dahil alam kong babalik pa po ako ulit dito." sabi ni Kaleb kay Mama at Papa.
"Oo naman! Pumunta ka lang dito kung kailan mo gusto, hijo. Pakibantayan ng maigi ang anak ko ah." bilin naman ni Papa kay Kaleb.
"Ma! Pa! Wendy! Mamimiss ko kayo!" sabi ko at isa isa silang niyakap. Maayos na kaming nakapagpaalam sa isa't isa bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Bumusina pa si Kaleb bago tuluyang umalis bilang pagpaalam. Binuksan niya pa ang mga bintana para makakaway sa kanila.
"Mag iingat kayo!" sigaw nila habang kumakaway din sa amin.
Natulog lang ako buong byahe dahil sa puyat. Halos dalawang oras lang ata ang tulog ko dahil gustong magdaldalan ni Mari at Wendy buong gabi dahil baka matagalan na daw ang susunod pa naming pagkikita.
Nagising na lang ako sa yugyog sa akin balikat. Kinusot ko ang aking mga mata at tumingin sa labas. Nasa tapat na kami ng aking dorm. Tumingin ako sa back seat at wala na doon sina Mari at Tristan.
"Nauna ko nang ihatid. Mahimbing ang tulog mo kaya di ka na pinagising." sayang naman at di ako nakapagpaalam ng maayos. Pero okay lang, magkikita pa naman kami ulit at nandito na kami sa mga dorm.
"Saan mo balak mag celebrate ng New Year?" biglaang tanong ni Kaleb sa akin.
"Niyaya ako ni Mari sa park, nakalimutan ko na ang pangalan. Open space daw iyon at kilala sa ganapan ng mga magagandang fireworks."
"Oh, okay." tumango na lang ako sa kanya at bumaba na sa sasakyan.
"Thank you sa paghatid." nakangiti kong sabi sa kanya. Isasara ko na sana ang pintuan ng magsalita pa siya.
"Can you come with me? At my house? And celebrate New Year with me." nakaiwas siya ng tingin sa akin na parang di sigurado kung aayain niya ba ako.
"Of course!" maligaya kong sagot sa kanya at pumasok muli sa sasakyan para lang mahalikan siya. Nagtagal iyon at ng humiwalay ako ay nakaawang pa ang kanyang mga labi.
"I love you." sabi ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi. Hinawakan niya naman iyon at pumikit habang dinadamdam ang aking haplos.
"Elliss, you really need to restrain yourself." sabi niya habang mahinang tumatawa.
"I love you too."