Needed
"Really?! Kaleb did that to you?! Now wonder that he's guilty." sabi ni Mari habang napapailing ng masabi ko na sa kaniya ang lahat. Kasama ko na si Mari at Tristan ngayon dito sa resort na pinagstayan nila.
"I still can't believe it though. I know that Kaleb truly loves you. Look, the Kaleb that you can see is already a new one. I've never seen him like that before. Did you guys talk about this? Before he leave?" banggit naman ni Tristan at nagulat ako sa sinabi niya.
"Umalis siya?" tumango naman silang dalawa.
"After you left, minsan na lang pumasok si Kaleb at kadalasan ay sa office pa siya pumupunta. Hanggang sa hindi na talaga siya pumasok."
"Even I can't go near him. It's like he built a barrier between us. And weeks later, sabi sabi na nasa States daw siya. I don't know, Daphnie. It feels like something's off but seeing him runaway like that? Baka nga totoo lahat ng sinabi mo."
"But, is this really okay? I mean, wala kayong closure." nagaalalang tanong ni Mari sa akin. Hindi ako makasagot dahil ako mismo ay hindi alam ang isasagot sa tanong niya. Dapat ba meron? Kailangan pa ba? Malinaw naman na ang lahat eh. Paniguradong hindi niya naman na kailangan ng closure. Simula ng niloko niya ako ay tapos na kami.
"Just let us know if you need us, we're your friends. Hindi maganda ang ginawa ni Kaleb but Daphnie I hope you understand, kaibigan ko rin si Kaleb. Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa but in the future, I hope that you can settle the things between the both of you." nauna at matagal ng kaibigan ni Tristan si Kaleb kaya maiintindihan ko kung sakaling may koneksyon parin silang dalawa.
"Yeah. Kayo magkaibigan pero kami hindi, kay Daphnie lang ako kakampi! I don't care kung saang lupalop pa siya magpunta! But Daphnie! Please don't leave me again like that! I'm your friend, I felt sad and betrayed ng umalis ka ng di man lang nagsasabi."
"I'm sorry. Masyado lang akong nabigla at andaming pumapasok sa isip ko. Promise, hindi na mauulit. Naging parte na kayong dalawa ng buhay ko, di ko hahayaang mawala din kayo sa akin. Kaya salamat, kasi andito kayo ngayon." naluha si Mari sa sinabi ko, napakaemosyonal talaga nitong babaeng to!
"Group hug!" sigaw ni Tristan na nakapagpatawa sa aming dalawa. Nagyakapan kaming tatlo at itong si Mari ay inaasar si Tristan. Itinutulak niya dahil hindi daw dapat siya kasama sa group hug, dahil kaibigan niya daw si Kaleb.
Tinawanan ko na lang silang dalawa dahil sa kakulitan nila. Minalas man ako sa pag-ibig ko kay Kaleb, masasabi kong taga taga naman ang swerte ko sa aking mga kaibigan at kontento na ako doon. Maaaring hindi nila matutumbasan ang kasiyahan na naramdaman ko kay Kaleb ay sigurado ako na balang araw ay mahihigitan pa nila iyon.
"Ma'am, eto na po yung list ng stocks na hinihingi niyo."
"Thank you." sabi ko habang nakangiti sa aking secretary. Yes, you heard me right. I'm now the CEO of Velvet Bar. The most outstanding and best-selling bakery and café shop of all time.
Dalawang taon na ang nakalipas nung sinimulan ko itong negosyo. I graduated four years ago, hindi ito naging madali sa akin. Medyo hirap ako sa paghahanap ng papasukang trabaho dahil hindi naman ako grumaduate with latin honors at hindi rin ganoon kakilala ang eskwelan ko sa kursong Business Management sa Manila. But there's this one campany na nakitaan ako ng passion. They hired me and helped me to invest in my small business. Malaki ang pasasalamat ko sa mga taong tumulong sa akin pero mas maipagmamalaki ko ang sarili ko dahil ako ang nagsimula at nagpalago nitong negosyo ko.
This is my dream. Hindi ba nga ay gusto kong magculinary arts but instead I took Business Management dahil gusto kong magkaroon ako ng negosyo sa pagbabake. And here it is, napagkakakitaan ko ang hilig ko sa pagbabake. Hindi ko inakalang mararating ko ito sa madaling panahon. I feel so happy and contented.
Oo, successful ako but I'm still the same Daphnie at di ko maiwasang maramdaman na pangungulila. I've got all I wanted at such an early age, almost 27. Hindi ko maimagine kung ano pa ang pwede kong gawin sa mga susunod na taon. I've already reached my dream. I made my family proud and happy. I still have Wendy, Mari, and Tristan. Pero bakit parang may isang bagay ako na nakaligtaan na hindi ko madala? I'm sure that I've got everything I wanted. But I doubt that I've got everything I needed.