Hurt
Hanggang ngayon ay di parin nagsisink in sa utak ko ang mga binitawang salita ni Kaleb. Buong araw ng kasal ng kaibigan ko ay lutang ako, patuloy na nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi niya. Naiinis ako dahil di nagtagumpay ang plano kong di magpakita ng kahit anong emosyon sa kanya, halatang halata na apektado ako sa presensya niya! Ginawa ko na talaga lahat ng makakakaya kong iwisan siya pero lintek! Tinotoo niya nga yung sinabi niyang patuloy siyang lalapit sa akin. Mukhang wala akong kawala. Nasan na ba kasi yung babae niya? Break na ba sila kaya buhay ko ang pinepeste niya? Manigas siya dyan dahil kahit anong gawin niya ay di na ko babalik sa kanya!
Pero bakit ganoon? Parang ipinipilit ko lang din sa sarili ko na sabihing ayaw ko. Kasi kahit ano ring gawin ko ay may katiting pang pag-asa na natitira sa akin na hinihiling na bumalik kami sa dati. Dating kami.
"Ugh!" nahampas ko tuloy ang lamesa ko dahil sa sariling frustration. Nagulat ako ng makitang nakatayo ang secretary ko sa harap ng aking lamesa. Kailan pa siya nandyan? Sobra sobra na talaga ang pagkalutang ko na di ko namalayan na pumasok pala siya sa office ko.
"Okay lang po kayo, Ma'am?" nagaalalang tanong niya pero halata s amukha niya ang takot. Nabigla siguro sa ginawa ko. Di ko naman sinasadya. Nilulubos ko na nga ang oras ko sa trabaho. Nilalaan ko lahat ng oras ko sa trabaho para bahay at office lang ang punta ko. Walang posibilidad na magtagpo kami ng lalaking iyon.
"Sorry, do you need something?" sabi ko habang hinihilot ang gilid ng aking ulo dahil sumasakit na ito.
"May checking po kayo ng shops ngayon, Ma'am."
"Anong oras?"
"Mamayang alas dos po."
"Okay. Send me the location."
"Yes, Ma'am."
Chineck ko ang orasan sa aking lamesa at napansing magtatanghalian pa lang, kung babyahe na ako ay maaga akong dadating panigurado. Di pa naman ako nagugutom, dun na lang siguro sa shop ko ako kakain. Mas mabuti naring maaga kaysa late.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas sa aking opisina.
"Tell all the employees to go home after lunch. Aalis na ako."
"Opo, Ma'am. Thank you po!" sabi ng aking secretary na tinanguan ko naman.
Ganto ako kapag lumalabas o maagang umaalis sa opisina, except kapag nagdaday-off ako which is super bihira lang. Maaga kong pinapauwi ang mga workers ko, ayoko kasing nagtatrabaho sila ng wala ako. Ayoko ring may nagoovertime. All of them are hardworking, kilala ko ang bawat isang tao na nagtatrabaho sa akin. Oo, ako nagpapasuweldo sa kanila pero ayokong maging superior sa kanila. Maaaring ako nga ang may-ari ng kumpanya pero di ito gagana kung ako lang mag-isa. Pantay-pantay ang tingin ko sa lahat, I'm an employee of my company too. Kaya pag maaga ako uuwi, sisiguraduhin kong uuwi na din sila.
Nakarating na ako sa parking lot at natatanaw ko na ang kotse ko. Nasa tapat na ako ng pintuan ng di ko pa pala nailalabas ang susi, hinalughog ko ang bag ko dahilan kung bakit ito nalaglag sa sahig. Pagdampot ko ng susi ay dapat tatayo na ako pero...namamalik mata ba ako? Pinikit pikit ko pa ulit ang mga mata ko para makasiguro, pero walang nagbabago. Flat ang gulong ko! Mali! Flat ang mga gulong ko! Lahat ng gulong ay wala ng hangin!
"What the-"
"Tsk. Tsk. Tsk." napakunot noo kong tinignan ang lalaking bigla na lang nagpakita mula sa kung saan man. Umiiling iling pa ito na mukhang problemado, kung alam ko lang ay baka siya pa ang nagbutas ng mga gulong ko!
"Ikaw ang gumawa neto, noh?!" pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko sa galit. Kulang na lang yata ay literal na may lumabas na usok sa ilong ko.
"It's not right to accuse someone." sabi pa niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusurrender sa pulis. Inirapan ko na lang siya at kinuha ang phone sa aking bag.
Nag-iisip ako kung kanino ako pwede magpahatid pero wala akong maisip! Malamang ay nasa school si Wendy. Nasa ibang bansa naman ang mag-asawa at nagbabakasyon. Wala na kong ibang kaibigan dito sa Manila! Kalma, Daphnie! Kalma! Magtataxi na lang ako.
Lumabas na ako ng building at napansing hindi naman sumunod si Kaleb, mabuti naman! Parang naiiihi ako sa kaba habang nagaantay ng masasakyan. Pinaka ayoko sa lahat ang naghahabol ako ng oras, di ako mapakali! Twelve thirty na at wala akong mapara na taxi, lahat ng dumadaan ay may laman.
Halos fifteen minutes na ang lumipas at wala parin akong nasasakyan. Napapakagat ako sa labi dahil sa di malamang pakiramdam. Napaangat lang ako ng tingin ng may bumusina.
"You need a ride? Ihahatid na kita." ang lakas pa talaga ng loob niyang mag-alok ah? Konsensya niya lang yan dahil malamang ay siya ang nagbutas ng mga gulong ko.
"Wag na!" sigaw ko at naglakad palayo doon pero sinusundan parin niya ako. Dahil sa inis ko ay hinarap ko na siya. Nakabukas ang bintana sa passenger's seat kaya kitang kita ko ang pagmumukha niya mula dito sa labas.
"Ano bang problema mo?! Lubayan mo nga ako, Kaleb!"
"Hindi ka pa ba malelate? Come on, ihahatid lang kita."
"Ayoko nga sabi! Bakit ba ang kulit kulit mo?!" tumalikod ako muli para simulang maglakad. Bahala siya dyan! Di ko siya lilingunin kahit anong tawag niya!
"Wahhhh! Ibaba mo ako! Ano ba?! Ibaba mo ko sabi!" bigla niya na lang akong binuhat papunta sa sasakyan niya. Sa lakas ba naman niya edi syempre kahit anong pagpupumiglas ko ay di ako makawala!
"Oy, ano ba?! Bababa ako! Buksan mo!" sabi ko habang pinipilit buksan ang pintuan ng kotse. At leche! naka child lock yung side ko!
"Ugh! I hate you!"
"And I..." napatingin naman ako sa kanya.
"...I'll give you a ride." dagdag niya habang nakangisi pa. Nangaasar ba siya? Ano? Sa tingin niya ba ineexpect ko na 'I love you' ang sasabihin niya? Pwes, hindi noh!
Tahimik lang kami buong byahe, napaayos na lang ako ng upo ng mapansin na malapit na kami sa paroroonan ko. Pero nanlaki ang mata ko ng matandaang hindi ko naman sinabi sa kanya kung saan ang punta ko!
"Are you stalking me?" seryoso kong tanong sa kanya na siya naman ay nakangiti lang at diretso ang tingin sa daan.
"As long as it's you, I'm a stalker then."
Nagkunwarian na lang ako na di siya narinig at bumaba na sa sasakyan. As expected, marami talagang tao ng gantong oras. Ayoko makakuha ng atensyon kaya sa likod ako dumaan.
"Ma'am Daphnie?! Bakit po dito kayo dumaan?" gulat na tanong ng manager ng branch na ito. Lahat ng crew ay busy, ayoko namang makihati pa sa atensyon nila at baka maabala pa ang trabaho kaya ang manager na lang ang kinausap ko tutal siya lang din ang kailangan ko.
"Napaaga po kayo, Ma'am? Diba po ay alas dos pa ang usapan?" hay nako! Kung alam mo lang.
"It's okay, Quinn. Di rin naman ako magtatagal."
"Sige po."
Di pa tumagal ng isang oras ang pagchecheck at paguusap namin. Nagpaalam na ako sa lahat ng crew at akmang aalis na ng maalala kong di pa pala ako kumakain. Sumilip muna ako sa labas, at ng makita kong onti na lang ang tao ay nagpasya akong kumain muna.
Lumabas na ako at pupunta na sana sa counter pero laking gulat ko ng makita si Kaleb na nakaupo sa isa sa mga lamesa. I don't want to be rude, he offered me a ride at waited for me I think? Kahit na hindi ko naman hiningi. Offering him food is just my way of saying thanks, tutal ay iniwan ko rin siya kaagad kanina sa kotse. Nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay nilapitan ko na rin siya. Parang nagulat pa siya ng lapitan ko siya pero agad ding napalitan ng saya.
"Did you eat? What food do you want? It's on me."
"Our favorite." simple niyang sagot. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin pero mas pinili kong magkunwari na di ko alam. May mga bagay talagang di na dapat pinipilit na alalahanin pa lalo na kung ayaw mo ng balikan pa.
"Sorry, and what is that? Red Velvet is my favorite, yun din ba ang iyo?"
"Uhm, yeah. Yun na lang."
"Okay." sabi ko at tinalikuran na siya. Dumiretso na ako sa counter para kunin ang mga pagkain.
Halatang halata sa mukha niya ang pagkabigo at biglang paglungkot dahil sa sinabi ko. But what can I do? It's not like I wanted to. I don't want to push him away. I don't want to hurt him or seeing him in pain. May pinagsamahan din kami kahit na balik baliktarin mo pa ang mundo...
But surely none of these would happen if only he didn't hurt me first.