Stop
"Thank you." banggit ko sa aking secretary ng mailapag niya sa aking lamesa ang compilation ng mga requests.
Ang daming nagrerequest sa company ng mga collaborations, mapa-small business man o malaki. Binabasa ko iyong maigi dahil hindi naman ako basta bastang pumapayag, syempre alam kong ginagamit nila ang kumpanya para makilala kaya dapat lang na magandang image din ang maibibigay sa amin.
"Pakidala na lang ang lunch ko sa office. Oh! And some iced coffee. Thank you." sabi ko sa telepono na konektado sa cafeteria ng aming building. Wala na akong oras sa pagbaba dahil sobrang dami neto, sa isang oras ay halos mahimatay na ako sa pagbasa ng halos limang requests.
Sumasakit na ang batok ko at umiinit na ang mga mata ko. Mukhang kailangan ko ng magsalamin dahil nahihilo na ako sa kakabasa ng maliliit na letra.
Nakakailang basa na ako ng mga requests ngunit wala naman akong makitang bago. Karamihan ay social advertising, lunod na ang kumpanya sa ganyan kaya hindi ko na kailangang dagdagan pa.
Masyado akong naging seryoso sa pagbabasa na di ko namalayang mag-aalas singko na pala. Nagpasya na akong ituloy na lang bukas ang pagbabasa at umuwi na. Inaayos ko na ito at itatabi na sana sa gilid ng aking lamesa ng may mahagip ang mga mata ko.
"D'A?" bulong ko sa aking sarili ng mabasa ang nasa papel. Parang narinig ko na itong brand na to, hindi ko lang alam kung saan. Muli akong umupo at sinimulan ang pagbabasa.
"Ah! Yung clothing line!" sabi ko sa aking sarili ng mapagtanto kung ano iyon. Bagong clothing line iyon na nakuhanan ko ng interes. Dun ako laging namimili ng mga damit, yung nga lang ay online dahil wala na akong oras na magmall pa. At nung huling pagmamall ko ay di ako nakapag shopping ng payapa dahil andaming sumusunod at nagpapapicture.
"Ma'am?" napalingon naman ako sa secretary kong nakadungaw sa aking pintuan.
"It's okay. You can go home. Sandali na lang rin ako dito."
"Sige po, Ma'am. Ingat po kayo pauwi!" nginitian ko naman ang aking secretary at ibinaling muli ang atensyon sa binabasa.
Ayun doon ay gusto nilang makipagcollab sa aming company. Natural diba? Pero imbis na sila ang makinabang ay parang mas tiba tiba ako dito. Balak daw nilang gawan ng sariling edition ang 'Velvet Bar' sa kanilang clothing line. May mga samples na nakasama doon at magaganda ang designs! Pero parang nakapagtataka na sobrang sikat ng brand na iyon at hindi mumurahin pero napili nilang makipagsosyo sa isang bake shop? Ang weird pero magandang proposal ito para sa kumpanya. Di ko na binasa ng buo dahil legit naman ito, at sa dami ng mga nabasa kong papeles ay puro agreement na lang ang nasa likod. Tinatakan ko na ito at naghandang lumabas. Iniwan ko ito sa lamesa ng aking secretary na may note na ayusan ako ng schedule sa D'A.
Naging maganda ang mood ko dahil dito pero pagbaba ko ay agad din itong napawi.
"Ano na namang ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko sayo na hindi ka na pwede dito?" salubong ko kay Kaleb na nakapamulsa sa tapat ng aking sasakyan.
"I need a ride." cool niya pang sabi.
"Eh pano ka nakapunta dito? Kung may pupuntahan ka pala eh bakit dito ka pa dumiretso?" sabi ko habang umiirap sa kanya at pinatunog na ang sasakyan. Nagkibit balikat lang siya at pumasok sa kabilang gilid.
"What are you doing?"
"Sasakay?"
"Aba't!" namimilosopo pa! Umiinit talaga ang ulo ko sa lalaking ito! Bakit ba kasi kinasal pa si Mari at Tristan eh?! Yan tuloy! Nagtagpo pa tuloy ulit kami ng lalaking ayaw ko ng makatagpo kahit kailan!
"Wala ka bang ibang ginagawa? Don't you have a life to live?"
"Meron. Ikaw."
"Ewan ko sayo! Bahala ka nga dyan!" stinart ko na ang kotse dahil apam kong wala namang patutunguhan ang pagkainit ng ulo ko. Walang epekto ang init ng ulo ko sa tigas ng ulo niya, kahit anong gawin ko ay di rin naman siya bababa.
Akala niya ba kinikilig ako sa mga banat niya? Kung dati, baka pwede pa. Pero ngayon, hindi! Kumukulo lang ang dugo ko dahil sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang mga kalokohan niya.
Di ako mapakali sa pwesto ko, diretso ang tingin ko sa daanan pero nakikita ko sa peripheral vision ko ang lalim ng titig niya sa akin.
"What?" irita kong sabi at sinulyapan lang siya saglit para mairapan.
"You're still that the same Elliss I know. Only that now, you look so professional and successful."
"Thanks?" di ko alam kung tama ba yung naisagot ko. Pero compliment yun diba? Edi thank you.
"It's like you already have everything. Did you have a boyfriend? Or should I say, do you?"
"You know what, Kaleb? I don't play. So if you include yourself with that question, then I didn't have any."
Nakarating kami sa condo ng tahimik. Ni di ko na pinagaksayahan ng oras na tignan pa ang reaksyon niya. Bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Pinaglaruan niya o nila ako. Pagbaba ko ng kotse ay bumaba na din siya. Ni lock ko na iyon at dumiretso sa elevator ni hindi ko man lang siya nilingon pabalik. Sasara na ang elevator ng makita ko lang siyang nakatayo doon kung san ko siya iniwan at malalim na nakatingin sa akin.
Nagmamaneho na ako ngayon patungo sa 'D'A'. Naeexcite ako na kinakabahan, mamimeet ko yung may-ari ng kumpanya ng damit na pinagbibilhan ko. Balita ko kasi ay hindi exposed sa kahit anong social media iyong CEO. Ayaw daw niya ng popularity para sa sarili, gusto niya daw ay para sa kumpanya. Ni hindi ko nga alam kung babae ba iyon o lalaki! Bahala na!
"Ms. Corteza?" salubong sa akin ng babae pagkapasok ko sa building. Busy pa ako sa pagkamangha sa interior ng building na di ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.
"This way, Ma'am" masyado akong nabigla na di ko pala siya nasagot. Di ko naman sinasadya, ayokong magkaroon ng masamang impresyon sa mga tauhan dito. Pero mukhang alam niya naman ang nasa isip ko. Nginitian niya ko at itinuro na sa akin ang daan.
Pagpasok pa lang namin sa elevator ay ramdam ko ang matinding pagkalabog ng dibdib ko. Kinakabahan talaga ako! Ngayon palang ata ako makikipagdeal sa isang malaking kumpanya. Sa dami ng taong naging CEO ako ay ako lang rin ang nagbubuhat ng sarili kong bangko kaya bago sa akin ang ganitong deal.
Mukhang may sinabi iyong babae dun sa sekretarya bago kami makapasok. Sinabihan ata sa intercom na nandito na ako. Marahan kaming pumasok sa opisina, iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng opisina. Nasa pinakataas ito ng gusali at mula dito ay kitang kita ang magagandang tanawin sa baba. Di ko namalayan na masyado akong nahumaling sa magagandang view at lumabas na pala yung babae, di ko man lang siya napasalamatan.
Nakatalikod ang upuan noong CEO kaya di ko siya makita. Sinisilip silip ko pa sa gilid baka sakaling makita ko siya kahiy side view lang ng mapagtanto kong mukha akong timang at parang hindi CEO sa inaasal. Umayos na ako sa pagkakatayo at siniguradong malinis ang suot.
"Good Morning, Mr.-" shit! Di ko nga pala binasa yung papel. Ano bang pangalan niya ulit? Ulit? Eh hindi ko nga talaga alam! Nabuhayan ako ng makita ang glass na nakapatong sa harapan ng kanyang lamesa kung saan nakaukit ang kanyang pangalan. Tumikhim pa kong muli at sinimulan ang pagbati.
"Good Morning, Mr. Kaleb?!" nanlaki ang mga mata ko at tumaas ang boses. Onti onti na niyang iniharap ang kanyang upuan at pumalumbaba sa lamesa habang nakangiti.
"Ano?! Ba't-Ikaw? Anong? Ikaw! Ikaw ang-" di ko na alam kung saan pa ako babaling at ano pa ang sasabihin ko! Naaalala kong clothing line din ang business nila noon pero kailan pa nagbago ang pangalan?
"Hmm...Ms. Corteza, please have a seat." sabi niya habang itinuturo ang sofa sa may bandang gilid ng kanyang opisina. Tumayo siya at inayos ang kwelyo ng kanyang longsleeves na polo habang papalapit sa akin.
"Actually, I was so surprised to hear that you've agreed to my requests...and amused by seeing you react that way. Obviously, you didn't read it all, did you?"
"So? What's your point?"
"Nothing. I'm just happy seeing you here. I'm sorry for being rude but welcome to D'A, Ms. Corteza."
I want to go home! Pero parang pinipigilan ako ng utak ko na isantabi muna ang puso ko sa gantong sitwasyon. Be professional, Daphnie!
"Do you want something to drink?" tanong niya habang umuupo sa katapat kong sofa.
"No, thanks." tumango naman siya inilapag sa lamesa ang mga papeles.
"When did you become a CEO? And when did your company change its name?" pagtatakang tanong ko dahil hindi ko na mapigilan. Tinaasan niya naman ako ng kilay at tinawanan ng marahan.
"Last year? I worked hard for this company so I suppose that I have the right to change...the name?" di ko maiwasang hindi siya irapan. Wala na akong paki kung magmukha akong unprofessional. Nawawala talaga ako sa tamang pag-iisip kapag na kay Kaleb na ang usapan. Di ko alam kung matatagalan ko pa ba ito, gusto ko na talagang umalis. Baka lalong lumaki ang problema at mas di gumanda ang resulta pag nagsama kami ng mas matagal pa.
"I'm sorry but I have to go." sabi ko habang kinukuha na ang aking bag at tumayo na sa sofa. Naglakad na ako patungo sa pintuan ng hawakan niya ang kamay ko at iharap sa kanya.
"We didn't even start yet. We have to go through the papers to close the deal."
"I apologize for my mistake. Mali ang naipaschedule sa secretary ko-"
"Nakahanap ka ba ng mas magandang offer?Is this your way of escaping? Oh! I know! Is it because of me? You don't have to put your personal issues here, Elliss. How unprofessional of you. You don't look like a business woman to-" di ko na napigilan, kasabay ng pagbagsak ng luha ko ay ang pagdaplis ng palad ko sa kanyang pisngi. Anong karapatan niyang sabihan ako ng ganyan? Sa lahat ng tao? Ang pinaka di ko matatanggap ay ang sa kanya pa mismo manggaling ang mga salitang yan.
Halatang halata sa mukha niya ang pagkabigla samantalang ako ay patuloy na tumutulo ang luha. Hindi na ako nagulat pa dahil alam kong darating din ang araw na mailalabas ko sa kanya ang lahat ng galit na kinimkim ko ng maraming taon.
"Elliss, I'm sorry. I didn't mean to-" lumapit siya sa akin at patuloy na inaabot ang aking mga braso, samantalang ako ay patuloy na lumalayo. Kung siya ay puno na pagsusumamo, ako naman ay puno ng manhid. Sumobra na ang pagpapakita ko ng mga emosyon na tuluyan ng nawala.
"Hindi, Kaleb! Tama ka naman eh! Oo, tumatakas ako! Lumalayo ako sayo! Ginagawa ko lahat wag lang malapit muli sayo! Kasi-...k-kasi heto na ako oh! Onti onti ng umaabante pero ayan ka na naman! Magpapakita kahit kailan mo gusto! Pero alam mo ba yung nararamdaman ko?! Ha?! Alam mo ba?!" patuloy ako sa paghikbi at pagsigaw sa kanya. Pero heto siya, nananatiling nakatayo at nakatingin sa akin na parang handa siyang saluhin lahat ng hinanakit ko.
"I-I don't know. I'm sor-"
"Hinihila mo ako pabalik, Kaleb. Bumabalik lahat. You cheated on me and ran away with another woman! Tas babalik ka tas sasabihin na you want me back?! Tanga na lang ako kung maniniwala pa ko ulit sayo! Bakit? Naghiwalay na ba kayo? At ako ngayon ang inuuto mo? This is pure bullshit! Don't expect me to welcome you with open arms after everything you've done behind me! Kung kinukulit ka lang ng konsensya mo, then I forgive you right here, right now."
"What? I never chea-" di ko na pinakinggan pa ang gusto niyang sabihin. Malakas kong idinabog pasara ang pintuan at tumakbo palabas. Maraming nakakakita sa akin na siguro ay nagtataka kung bakit umiiyak ako. Malamang ay magtataka sila! Ano ba to? Tears of joy dahil sa deal?
I hate this feeling! I don't want this. I never wanted this. Ayoko na. Tama na. Gusto ko ng palayain ang sarili ko. I want to settle everything and move forward because I have a life too, waiting for me. Hindi lang kay Kaleb umiikot ang buhay ko, at hinding hindi siya magiging dahilan para tumigil ito.
Niloloko ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman para kay Kaleb, but I want to stop this now dahil ang pagsasama namin ay ikakasakal lang naming dalawa.