Lacking
Ngayon na ang nakatakdang petsa ng kasal nina Mari at Tristan. Inaayusan ako ni Wendy ngayon sa aking kwarto, kinukulot niya ang dulo ng aking buhok na medium-length. Nilagyan niya din ako ng light make-up na sakto lang sa theme ng kasalan na lavender and silver.
May thirty minutes pa kami bago magsimula ang ceremony pero kailangan maaga kami doon dahil 'maid of honor' kami.
"Okay na! Tara na baka malate pa tayo! Istart ko na yung kotse, sumunod ka na ah?" sabi ni Wendy bago lumabas sa aking kwarto. Tinignan kong muli ang sarili ko bago tuluyang lumabas.
Kilalang kilala talaga kami ni Mari at alam niyang magugustuhan namin itong damit na pinagawa niya. Kami lang ni Wendy ang bukod tanging ganto ang klase ng damit. Kung ang iba ay naka long gown pa, kami ay umaabot lang sa tuhod ang haba. Kulay lavender ito na nakinang ang tela kaya ang heels naman namin ay silver para tugmang tugma sa theme.
Natutuwa akong tignan ang sarili ko sa salamin, sa loob ng maraming taon ay masasabi kong walang nagbago sa akin. Nagmumukha lanh akong mature dahil sa pananamit ko at ayos ko. Kinuha ko na ang purse ko at lumabas.
Ng makasakay ako sa kotse ay di ko maiwasang hindi maalala ang nangyari nung araw na nagkita kami ni Kaleb. Kung ako ay walang nagbago, siya naman ay todo ang ikinagwapo at lalo pang nagmature ang pangangatawan.
Di na kami muling nagkita pa pagkatapos ng gabing iyon pero siguradong sigurado ako ngayon na kahit anong gawin kong pagiiwas ay magkikita kami sa kasal noong dalawa.
Ng makarating kami sa simbahan ay bumaba na ako dahil ipaparada pa ni Wendy ang sasakyan. Pagbaba ko palang ay ramdam ko na ang tinginan ng mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung nagagandahan lang ba sila sa akin o dahil kilala nila ako bilang 'CEO'.
Pagkapasok ko ay nagaayos na ang organizer kaya lumapit na ako doon. Sinabi niya lang kung anong dapat gawin tsaka kung ano ano pa na di ko maintindihan sa bilis niyang magsalita, tumango na lang ako para makaalis na siya at mukhang andami niya pang iintindihin.
Tinaas ko ang kamay ko para makita ako ni Wendy na kakapasok pa lang. Onting minuto na lang ay lalabas kami ulit para alalayan si Mari sa pagpasok sa simbahan.
"Nakita ko si...ano..Kaleb sa labas?" may pagdududa sa pagsabi niya. Nagdadalawang isip kung dapat niya bang sabihin sa akin o hindi.
"I know."
"Nagkita na kayo? Anong nangyari? Nagusap ba kayo? Kamusta?" napairap na lang ako sunod sunod niyang tanong.
"Last month pa ata. Nung nagbar tayo."
"Oh My Gosh! Weh?! Bakit hindi mo sinabi? Akala ko ngayon yung sinasabi mong nagkita kayo! Matagal na pala? Tsaka paano sa bar? Kailan? Bakit di ko siya nakita? Magkwento ka naman!"
"Paano pa ako makasingit sa dami ng tinatanong mo? Wag na natin pag-usapan, di naman yun mahalaga."
"Oh? Okay? Ang bitter ah! May feelings ka pa noh? Akala ko pa naman naka move-on ka na eh bat mukhang apektado ka parin?" pang-aasar niya habang tinutusok tusok pa ang tagiliran ko. Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga to?
Tinaasan ko siya ng kilay at tinarayan dahilan kung bakit tumigil siya at nagpeace sign pa.
Tinawag na kami ng organizer para sabihing nasa labas na si Mari at malapit ng magsimula.
Sabay kaming lumabas ni Wendy sa malaking pintuan ng simbahan. Sinubukan kong idiretso ang tingin ko patungo sa sasakyan kung nasaan si Mari pero di maiwasan ng mata kong makita ang lalaking matalim na nakatingin sa aking gilid. Nung tumingin naman ako sa kanya ay agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, para bang gusto niya akong lapitan pero pinipigilan niya. Sa huli ay ako rin ako humiwalay sa titigan at pinuntahan si Mari.
"Kasal ko ba talaga to? Eh mas maganda pa kayong dalawa sakin!" nakabusangot na sabi ni Mari sa amin.
"Nasa ganda ba yun?" patol pa nitong si Wendy na inilingan ko na lang.
"Dalian mo na at naghihintay na ang groom mo. Wag mo kaming kakalimutan pagtapos nito ah?"
"Ano ba kayo! Wag niyo kong paiyakin muna! Masisira ang make-up ko!" nagtawanan na lang kami sa sinabi niya.
Maya maya pa ay tuluyan na kaming pumasok habang inaalalayan ang napaka habang gown ni Mari. Sa totoo lang ay sobrang ganda niya ngayon, iba ang pagkakabloom ng ganda niya. Ito siguro ang nagagawa ng sobrang kasiyahan kapag alam mong sayo na pang habang buhay ang pinakamamahal mo.
Nung maihatid na namin siya sa altar ay nginitian kami ni Mari at Tristan. Di ko nga alam kung matatawa ako sa mukha ni Tristan, halatang naiiyak. Pag binati ko to ay malamang tutulo na ang luha at kapag nangyari yun ay malamang iiyak na rin si Mari, at kapag umiyak si Mari ay iiyak na din kami ni Wendy kaya hindi ko na lang pinansin.
"Tristan, share share tayo kay Mari ah!" sabi ko habang tumatawa kaya natawa narin sila sa akin.
Umalis na kami doon para umupo sa aming mga pwesto. Pero nagkahiwalay kami ni Wendy! Nasa kabilang parte siya at ako ay napunta sa kanan. Sinabihan na ako ng organizer kanina kaso di ko namalayan at dito ako naglakad. Nakakahiya naman kung lilipat ako, baka kunin ko pa ang atensyon ng mga tao. Kaya nanatili na lang akong nakaupo doon. Pinagmasdan ko ang nakasama ko sa parteng iyon, karamihan ay kaibigan ni Tristan, doon sa kabila ang kay Mari! Bahala na nga, ieenjoy ko na lang manood sa harap.
Pero mukhang hindi, dahil kung minamalas ka nga naman talaga. Si Kaleb pa ang makakatabi ko! Dirediretso ang upo niya sa aking tabi na para lang akong hangin.
Bakit parang ang tagal ng mass na to? Nakatoon naman ang buong atensyon ko sa harap pero nalipad ang isip ko sa katabi ko. Di ako mapakali, gusto kong mag-cr tas lalabas na lang ako kapag picturan na.
"Uhm, miss? You're the Daphnie right?" napatingin ako sa likod ko ng may lalaking nagtanong.
"Uh, yes."
"Who are you friends with? Mari? Or Tristan?"
"Actually, both."
"It's so good to see you here. I've seen you on papers pero mas maganda ka pala sa personal."
"Thank you."
"Do you want me to give you a ride later? Sabay na tayo papuntang hotel."
"May kasaba-"
"Can you please lower your voice? Show some respect sa ikakasal. Tss." napatingin tuloy ako sa katabi ko na inirapan lang ako. Hindi parin talaga nagbabago, mas mukha pang babae kung makaasta kaysa sakin. Lower your voice daw? Eh hindi nga kami maingay. Tumuwid ako sa pagkakaupo at binigay muli ang buong atensyon sa mass.
Natapos ang mass at napunta na sa picturan. Halos mangalay ako panga ko sa kakangiti dahil maski ang mga imbitado ay nagpapapicture sa akin sa di malamang dahilan. At syempre, may picture kaming lima na magkakaibigan.
Nagcr muna ako bago pumunta sa sasakyan dahil ang next destination namin ay ang hotel kung saan gaganapin ang reception. Pagkalabas ko ay iginala ko ang aking mga mata pero di ko matanaw ang sasakyan ni Wendy! Kinuha ko ang phone ko at dinial ang kanyang number.
"Hello?"
"Wendy? Asan ka na?"
"Huh? Papunta ng hotel."
"Ano? Bakit mo ko iniwan dito? Alam mo namang di ko dala yung kotse ko!"
"Akala ko kasi sumabay ka na kay Mari, di kasi kita mahanap kanina."
"Sige na. Magtataxi na lang ako."
"Sorry! I love you! Mwah!"
Pambihirang babae yun! I can't believe that she left me! Maiintindihan ko pa kung marami kaming kasabay tas nakaligtaan niya ako pero hindi! Dalawa lang naman kami doon!
"Don't you have a ride? Tara, sabay ka na samin." napatingin ako sa kotseng nasa harap ko. Ito yung lalaking nagtatanong sa akin, nginitian ko siya at akmang lalapit sa pintuan dahil no choice naman na ako. Kaso may biglang humawak sa wrist ko.
"She's with me." sabi niya at hinila ako papunta sa kanyang kotse. Masyado pa akong nagulat kaya nung isasakay na niya ko ay dun palang ako nakapagreact.
"Ano ba?! Hindi ako sasabay sayo!" sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
"Don't be so stubborn, Elliss. Wala ka ng ibang sasakyan dito."
"Magtataxi ako."
"You have to walk a kilometer bago ka pa makakuha ng taxi."
"Edi maglalakad ako!" sigaw ko sa kanya at naglakad na palayo doon. Pinipilit kong itago ang mga emosyon ko na nararamdaman ko dati at patuloy ko paring nararamdaman para sa kanya. Pero paano? Tuwing lumalapit siya ay parang bumabalik ako sa dati, panahong ipinapakita namin ang tunay naming nararamdaman para sa isa't isa.
Nakakailang kalye pa lang ako na nilakad ay sobrang sakit na ng paa ko. Nadugo na ang likuran ng paa ko dahil sa suot kong heels. Bawat hakbang ko ay para akong naglalakad sa matutulis na bato. Hindi naman kasi talaga ko naghiheels, maski sa trabaho ay square toe heels ang gamit ko para hindi mataas at hindi masakit sa paa pero presentable paring tignan.
Naluluha na ako sa kada lakad ko. Sobrang sakit na talaga ng paa ko parang onting hakbang na lang ay matutumba na ako. Isa ko pang hakbang ay tuluyan na akong nawalan ng balanse pero laking gulat ko ng hindi lupa ang binagsakan ko. May brasong nakapulupot sa bewang ko na inaaalalayan akong hindi matumba. Nung tignan ko siya ay nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya, siguro ay kinakaawaan niya ako. Ayokong makita niya ako sa gantong estado, naiiyak at nanghihina.
Tuluyan niya na akong binuhat na parang pangkasal at iniupo sa passenger's seat ng kanyang sasakyan. Pero di niya pa ito tuluyang isinara, tinanggal niya ang heels ko at ginamot iyon. Ng matapos siya ay nilagyan niya pa yun ng band-aid. Hinilot niya pa iyong talampakan ko dahilan kung bakit ako napapangiwi, sobrang sakit parang unang beses akong nakaapak sa lupa.
"Sobrang pasaway mo, sabi ko kasi sayo na sumakay ka na. Kung wala ako ay baka nakahilata ka na jan sa kalsada." seryoso ang mukha niya habang hinihilot ang paa ko. Gusto kong ngumiti at hilingin na sana ganto kami laging kalapit sa isa't isa pero ayoko, natatakot ako na baka onting suyo niya sa akin ay bumigay ako at maniwala muli.
"Elliss..." ngayon ay tumingala na siya sa akin at ibinalik ang ekspresyon niyang malungkot at may pagsusumamo.
"I won't be honest if I say that I don't love you anymore. Pero kung ang kapalit ng pag-iwas mo sa akin ay ang pananakit mo sa sarili mo, then I'll try my best to stay away. But damn it! It feels like hell! I've been through this...all these years felt like hell without you...and I'm done with that..."
"Kaleb..." ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya, ayoko na! Pero may parte sa akin na gusto ko pa, na nananalangin na sa lahat ng sasabihin niya ay may totoong matitira.
"Shhh. I'm sorry but I can't stay away from you anymore and watch you from afar. I'll always be close to you and if you're hurting? Then I'll also be there to save you. I've already had enough of shit, Elliss. Now you're the only one I'm lacking...
I want you back and no one can stop me now...even you."