Problem
Resume na ng classes namin ngayon. Nung nakaraang ang araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang mangapitbahay. Di na namin nagawang lumabas masyado, ang mall na ang pinakamalayo naming narating dahil malapit na ang pasukan at kailangan pa namin maghanda.
Kundi ako tumatambay sa dorm ni Kaleb ay siya naman ang bumibisita sa akin. Minsan din ay bumibisita si Mari sa akin o di kaya ay nagkikita kita kaming magkakaibigan sa dorm niya o kay Tristan.
Tuwang tuwa ako sa mga results ko ngayong first semester, hindi lang ako basta pasado, pasadong pasado! Nasend ko na nga agad kay Wendy para maipakita niya kanila Mama dahil wala naman kaming internet sa bahay.
Mas nagulat ako sa naging results sa card nina Tristan at Kaleb, hindi ko inakala na mas matalino pala iyong dalawa kaysa sa amin ni Mari. Mukha kasing mga bulakbol at tamad, well tamad naman talaga si Kaleb, natural lang talaga ang pagkatalino niya.
Ngayon ay ang last subject na namin, nagdadaldalan lang kami nitong si Mari dahil inalaan ng Prof. namin ang kanyang oras sa pagbibigay ng grades.
"So, Daphnie, saan tayo magcecelebrate?" tanong ni Mari habang winawagayway pa ang kanyang mga kilay. Eto talaga, puro gala ang nasa isip.
"Mag girls' night naman tayo! Lagi na lang nakapaligid sa atin iyong dalawa eh." nakasimangot na sabi ni Mari habang tinitignan ang nasa likod ko. Nilingon ko ito at nakitang nakatingin silang dalawa sa amin habang nakakunot ang noo.
"Wow, Mari ah! Coming from you na laging nakadikit kay Tristan." natatawa kong sabi sa kanya.
"Hmmp. Dali na, please! Dun tayo sa dorm mo mamaya, magsleep over ako."
"Sige na nga. At alam kong hindi mo ako titigilan."
Umayos na ako sa pagkakaupo ng kalabitin ako ni Kaleb. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay.
"Anong pinaguusapan niyong dalawa?"
"Oo nga, bakit tumitingin pa iyon dito?" singit naman ni Tristan.
"Gusto niya kasing magcelebrate. Mataas kasi ang grades naming dalawa."
"Edi labas tayo mamaya." suggestion ni Kaleb at patango tango naman si Tristan. Inilingan ko lang silang dalawa na ikinatigil nila.
"Gusto niya kaming dalawa lang. Girls' night daw. Matagal na kaming di nakakapagsolo eh. Kayo na lang din muna ni Tristan ang magsama."
"Kaya nga, Kaleb! Di mo ba namimiss ang iyong bestfriend? Simula ng naging kayo ni Daphnie di na tayo nakakalabas, nagtatampo na ako." natawa na lang ako sa pagbaby talk ni Tristan na ikinainis lang ni Kaleb. Binatungan niya pa ito ng pabiro.
"Kilabutan ka nga, Tristan!"
"Hay nako, kung magsalita ka. Ikaw nga itong unang nang agaw kay Mari sa akin." tumango naman si Kaleb sa sinabi ko at binelatan si Tristan na parang sinasabing kinakampihan ko siya.
"Saan naman kayo pala pupunta?" tanong ni Tristan.
"Sa dorm ko lang, magsleepover daw siya."
"Bakit kaya hindi ang girlfriend mo ang tanungin mo?"
"Eto naman, masyadong seloso."
"You sure na sa dorm lang kayo?" balik ni Kaleb na di man lang pinansin ang kanyang kaibigan.
"Opo. "
Nasa cafeteria na kami ngayon at kumakain. Tapos na ang klase namin para sa buong araw. Pero di parin namin magawang umuwi dahil ala una pa lang. Mababagot lang kami kung uuwi na kami kaagad.
"Daphnie, nakita mo na ba to? Magkakaroon ng baking contest dun sa mall na lagi nating pinupuntahan. Sumali ka ah! Ang sarap mo magbake eh. Gagawan na kita ng entry ha?" tuwang tuwa na banggit ni Mari ng hindi man lang ako tinignan. Tanong ba talaga iyon? Paalam ba iyon? Eh mukhang ineentry niya na ako habang sinasabi niya iyon eh.
"Saglit lang, kailan ba yan?"
"Next month. Matagal pa naman, may time ka pa magprepare. Di mo na nga ata kailangan magprepare eh, mamili ka na lang sa mga kaya mong ibake tutal masarap naman lahat."
"You gonna join?" tanong ni Kaleb sa akin. Ipinagkibit ko lang iyon ng balikat.
"Siguro, wala naman sigurong masama kung magtry ako." tinanguan niya naman ako at ngumiti.
"Pwede bang may partner jan, Mari?" napataas na ang tingin ni Mari kay Kaleb at tinaasan ng kilay.
"Hindi. This is an individual contest, Kaleb. At kung tatanungin mo kung may lalaki ay malamang meron. At wag mo ng tangkain na-"
"Chill, tinanong ko lang. I trust Elliss. I'll watch and support her at dadaanin sa pamatay na titig ang mga tumitingin sa kan-Aray!" pinalo ko ang dibdib niya.
"Tumigil ka nga, bake ang ipinunta ko. Kung ayaw mo naman ay pwede naman akong hindi sumali."
"No, baby. I won't do that. Syempre ayokong may ibang tumitingin sayo but I don't want to stop you from doing what you love. Kaya nga ako pupunta para ako na mismo ang-Aray!"
"Done." sabi ni Mari ng nakangiti at tumingin sa akin.
"May idea ka na ba sa ibe-bake mo, Daphnie?" tanong ni Tristan sakin na ikinatingin nilang lahat at nagaabang sa sasabihin ko. Ngumiti ako at sumagot ng di man lang nagdadalawang isip.
"Yung favorite namin ni Kaleb!" ngiting ngiti na sagot ko sa kanila na ikinangisi ni Kaleb. Pinisil niya pa ang ilong ko dahilan kung bakit ito namula.
Nagtagal pa kami doon ng halos thirty minites bago mapagpasyahan na lumabas na. At sa oras na iyon, kanina ko pa napapansin na panay ang tingin ni Kaleb sa kanyang phone. Mukhang may tumatawag dito dahil nararamdaman ko ang vibration sa lamesa kung saan nakapatong ang braso ko pero paulit ulit niya itong kina-cancel. Naisip kong hindi ito importante dahil kung mahalaga iyon ay kanina niya pa sinagot. I trust Kaleb katulad ng pagtiwala niya sa akin kaya hindi ko iisiping may tinatago siya sa akin.
Nang makalabas kami ng gate ay may napansin akong kotse na nagaabang sa labas. Bihira lang ang ganto dahil dito lang rin naman nakatira ang mga estudyante. May lumabas doong lalaki na naka suit and tie pa. Nang matamaan kami ay agad itong tumuwid sa pagkakatayo, parang pamilyar ang mukha niya sa akin hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
Lalagpasan na dapat namin iyon ng mapansing nakatingin parin iyon sa amin.
"Sir Kaleb." tawag niya. Napatingin naman ako kay Kaleb.
"Wait here." di naman malayo ang agwat namin doon sa sasakyan na kinatatayuan nung lalaki kaya kung ano man nag paguusapan nila ay rinig parin namin.
"Assisstant iyan ng daddy ni Kaleb." napalingon ako kay Tristan. Malamang ay kilala niya nga ito sa tagal nilang magkaibigan. Tinanguan ko na lang siya, kaya pala ay ganoon siya makatingin sa amin kanina.
"Pinapauwi po kayo ng inyong daddy at lola."
"Now? Is it something urgent? Di na ba yan makakapaghintay sa weekend?"
"Iyon lang po ang bilin sa akin, ang pauwiin kayo. Kaya nandito po kami para sunduin kayo."
"Wait for me at my dorm. Ihahatid ko lang ang girlfriend ko." tumango naman ang lalaki at agad na pumasok sa sasakyan at umalis na. Nilingon kami ni Kaleb na sobrang seryoso at inis na inis, sa tingin ko ay wala na siya talagang magagawa kapag pinasundo na siya ng kanyang daddy. Unang tingin ko sa daddy niya ay nakakatakot, gumaan lang ang pakiramdam ko noon dahil saa pakikitungo niya. Pero sa nakikita ko ngayon kay Kaleb parang napaka superior na tatay niya.
Humiwalay na si Mari at Tristan sa aming dalawa sa intersection. Sabi ni Mari ay pupunta na lang siya sa dorm mamayang alas kwatro.
"You need to go home? Sorry, di ko sinasadyang makinig." pagtanong ko na may bahid ng kalungkutan.
"It's okay. Sinadya ko iyon para makinig ka talaga." sabi niya at hinaplos ang aking buhok.
"Siya ba yung tumatawag kanina pa?" nanlaki ang kanyang mata na di niya siguro inaasahan na mapapansin ko pa iyon. Tumango naman siya.
"I'm sorry. Di ko tinatago, naiirita lang ako dahil sunod sunod ang tawag." ikinawit ko na ang aking kaliwang braso sa kanyang kanang braso at dumikit pa sa kanya.
"May problema ba? You can tell me, makikinig ako." ngunit umiling lang siya sa akin.
"Actually, I really don't know. Kaya nga hindi ko sinasagot iyong tawag dahil alam ko namang wala. But when I saw my Dad's assisstant outside para sunduin pa talaga ako dito, there must be something wrong."
"Sana ay maayos niyo kung ano man iyon. Paki kamusta na lang ako sa pamilya mo paguwi mo." sabi ko ng makarating na kami sa tapat ng aking dorm. Lumapit siya sakin para mahalikan ako sa aking noo.
"I'll miss you." hinampas ko ang kanyang dibdib at tinawanan. Para namang matagal siyang mawawala.
"Magiingat ka ah? Itext mo ako pag nandoon ka na. I love you."
"I love you too, Elliss."
Alas otso na at nandito na si Mari sa aking puder, naglalaro ng counter strike sa laptop ko. Paborito ko kasi iyong laro na iyon kaya ininstallan ko talaga yung laptop ko para may libangan ako. Tinuruan ko siya noon kanina at simula non ay di niya na ito binitawan. Ipinadala niya pa nga kay Tristan kanina ang laptop niya para mapasahan ko daw siya noon at makapaglaro kami mamayang dalawa.
Pero hindi ko iyon masyado iniisip, sa totoo lang ay di ako mapakali. Simula kasi nung sinabi ni Kaleb na nakarating na siya sa bahay nila ay di na siya muling nagreply pa sa mga texts ko. Iniisip ko na lang na baka sobrang importante ng pinaguusapan ng kanyang pamilya o di kaya ay may malaki silang problema kaya di ko na rin siya kinulit.
Pero syempre ay naghihintay parin ako sa reply niya. Buong oras na naglaro kami ni Mari at magkatuwaan ay nasa cellphone ko ang aking atensyon. Napanatag lang ang loob ko ng magtext siya sa akin ng bandang alas dose pero di maiwasang magalala at malungkot. Di talaga ako mapakali, ano kaya ang problema?
Love:
sorry for the late reply, may inasikaso lang. not sure if i can go to school tomorrow. sleep early, ok? i miss you and i love you.