Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 21 - CHAPTER XXI

Chapter 21 - CHAPTER XXI

Last

I'm soaking wet ng makarating ako sa bus terminal. Hindi na ako makapagintay na ipagpabukas pa ang pagalis ko. Pagkatapos kong mag empake ay umalis na ako kaagad. Ayoko ng dagdagan pa ang posibilidad na magkita kami.

Magaalas sinko na ng madaling araw ng makarating ako sa Han Ezequiel. Hindi ako dumiretso ng bahay dahil naisipan kong manatili muna saglit sa tabing dagat ng mapadaan ako dito. Sa totoo lang ay sa tagal kong nakatira dito sa Han Ezequiel, ito ang unang beses na masisilayan ko ang pagsikat ng araw. Sobrang ganda ng kulay ng kalangitan, onti onting sinasakop ng liwanag ang kadiliman ng kalangitan pataas. Maganda ito pero hindi ko ito mapahalagahan. Purong puot at sakit ang nararamdaman ko habang sinisilayan iyon dahil kabaliktaran ng nakikita ko ang aking nararamdaman.

Kung maikukumpura ko ang sarili ko sa kalangitan ay mas kahalintulad ko ang paglubog ng araw. Ako iyong araw na onti onting nawawalan ng liwanag dahil nasasakop na ng kadiliman.

Tuluyan na akong naiyak sa kabila ng aking malalim na pagiisip. Natatandaan ko yung mga araw na masaya kaming magkasama ni Kaleb, wala kaming pasan na problema at ang tanging sarili lang naming ang aming iniisip. Itong araw na nasa harap ko ang naging saksi sa lahat ng pagmamahalan at pagsasamahan naming ni Kaleb, pero di ko inaasahang magiging saksi din ito ng pagtatapos noon.

Di mawala sa isipan ko iyong mga pinagusapan nila ng babae. Iyon kaya yung tinutukoy niyang nakakasama niya dito sa Han Ezequiel? Kung ganoon ay napaka walang hiya nila! Siguro ay yung babae pa na iyon ang iniisip niya ng makasama niya ako dito. Sinungaling. Isang malaking kasinungalingan. Ano bang napala nila sa kalokohan nila? Kasiyahan ba sa kanila ang panloloko sa akin? Kung ganoon ay sisiguraduhin kong hindi na sila muling tatawa pa sa buong buhay nila!

Pinahid ko ang aking mga luha, ramdam na ramdam ko ang hapdi sa pagpunas ko sa aking mga mata. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan pero pilit ko paring tumayo at umuwi na papunta sa bahay. Bukas na ang mga ilaw ng makarating ako doon kaya malamang ay gising na sila Mama.

Gulat na gulat sila ng pumasok ako sa aming pintuan. Mukhang di talaga nila alam na uuwi ako ng biglaan, mukhang hindi nila nabasa ang text na ipinadala ko. Madali silang tumakbo papalapit sa akin.

"Anak?! Anong meron at napauwi ka ng gantong oras? Bakasyon niyo na ba?" sunod sunod na tanong ni Mama pero wala akong maisagot sa kanya. Nanlambot ang kanilang ekspresyon na parang awang awa sa itsura ko. Iginayak ako ni Papa sa sala at ipinaupo, inabutan naman ako ni Mama ng tubig.

"Anong problema anak? Sabihin mo sa amin ng Mama mo, makikinig kami." sabi ni Papa habang hinahagod ang aking likuran. Sa mga ekspresyon nila ay di ko na napigilan pa, humagulgol na ako at sumandal sa balikat ni Papa. Pinapatahan naman ako ni Mama at hinihimas ang aking balikat. Ng gumaan gaan na ang aking pakiramdam ay nagsalita na ako.

"Ma. Pa. Sorry po. Ayoko na po sa Manila. Dito na lang po ako sa atin."

"Anong ibig mong sabihin? Paano ang pagaaral mo?"

"Iilang buwan na lang din naman po ang natitira. Pwede naman po ako magpasa ng requirements online. Aayusin ko na din po ang mga dokumento ko at dito ko na lang itutuloy sa unibersidad ng Han Ezequiel ang kurso."

"Sigurado ka ba anak? Iyan ba talaga ang gusto mo?" tinanguan ko sila at naintindihan naman nila ako.

"Pag handa ka ng magsabi sa amin ng Papa mo ay andito lang kami."

"Miss ko lang po talaga kayo Ma. Hindi ko po pala kayang mamuhay ng magisa at malayo sa inyo. Mas makakampante at mas gagaan po ang pakiramdam ko kung dito na lang ako magaaral." tinanguan ako nila Mama at Papa at malungkot na nginitian, na halatang di kumbinsido sa aking sinagot. Maski naman ako ay di maniniwala sa ganoong dahilan, iilang oras lang ang byahe simula Manila papunta dito.

Natulog ako kaagad at naisipang magayos na lang ng gamit pagkagising. Nung magalas sinko na ay lumabas na ako at nanood sa paglubog ng araw. Ibang iba ito sa nararamdaman ko kumpara dati, ni hindi na ako nito mapakalma. Andaming alaala ang pumapasok sa isip ko na parang sasabog ang utak ko. Ang sakit at ang bigat sa pakiramdam, naninikip ang dibdib ko na parang pinipigilan akong huminga.

Kakaiba na ang ibinibigay na pakiramdam sa akin ng araw, kung ipagpapatuloy ko pa ito ay baka tuluyan na akong malunod sa sarili kong emosyon. Gusto kong humingi ng paumanhin sa araw dahil nadamay pa siya dito sa nararamdaman ko. Paalam, baka ito na ang huling pagkakataon na sisilayan kita.

"Daphnie, ayokong nakikitang ganyan ka! Naiiyak din tuloy ako!" nandito ako ngayon kanila Wendy. Agad ko siyang pinuntahan kinabukasan ng pagdating ko. Kailangan ko kasi ng mapaglalabasan ng damdamin dahil ayoko naming magalala sila Mama pag sa kanila ko pa sinabi.

"Ang akala ko talaga ay tapat si Kaleb sa nararamdaman niya para sayo. Unang kita ko palang sa kanya ay masasabi kong puno ng pagmamahal ang mga mata niya tuwing tumitingin sa iyo! Hindi naman pala iyon totoo! Gusto ko siyang sugurin at...Basta! Nanggigigil ako sa kanya! Pero mabuti nadin at bumalik ka dito sa atin. Mas mababantayan at mas maaalagaan kita dahil magkakasama na tayo palagi! Hinding hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon!" sabi ni Wendy hapang nakahiga ako sa kanyang mga hita. Kitang kita ko kung paano mamula ang kanyang mukha at kung paano lumaki ang butas sa kanyang ilong dahil sa galit.

Sa dami ng sinabi ni Wendy ay alam kong mula talaga iyon sa puso. Pero di ko parin maiwasan na matawa dahil sa itsura niya at sa paraan ng kanyang pagkwento. Kailan man ay di niya ako binigo, alam na alam niya kung paano ako patawanin sa mga oras na malungkot ako.

Bigla ko tuloy naalala sila Mari at Tristan, naging mabuti silang kaibigan sa akin. Mahirap man sa aking kalooban ay kailangan ko talaga silang iwan dahil sa tingin ko ay yun na lang ang sasalba sa akin. Pag nakaayos ayos na ako ay sisiguraduhin kong makipagkita sa kanila.

Halos isang buwan na ang nakalipas. Isang buwan na lang ay magtatapos na ang school year. Naayos at naipasa ko narin ang lahat ng kailangan ko sa eskwelahan. Mahirap kasi ang magtransfer sa kalagitnaan ng taon kaya maaga ko ng sinimulan para wala na akong problemahin sa susunod na pasukan.

Nung mga nakaraang linggo ay patuloy sa pag memessage sa akin si Tristan at lalo na si Mari. Tinuturing ko naring bestfriend si Mari kaya sisiguraduhin kong sasabihin ko sa kanya ang lahat. Kahit anong mensahe nila ay di ko nagawang replyan. Di ko alam kung sadyang busy lang ako o ayaw ko pa muna talagang magkaroon ng koneksyon sa kahit na kanino sa kanila. Pero di matahimik ang konsensya ko lalo na noong pinaalalahanan ako ni Mari tungkol doon sa baking contest. Alalang alala ko kung gaano siya ka excited ng isali niya ako dun, pero di ko nagawang dumalo.

Pagkalipas pa ng dalawang linggo ay napagpasyahan kong makipagkita na kay Mari. Tutal ay malapit na ang katapusan ng school year, ang mga may kulang na lang sa requirements ang mga kailangang pumasok. Nang tawagan ko si Mari ay halatang nagulat siya pero di niya matatago sa kanyang tono ang pagtatampo. Sa huli, pinatawad niya ako sa hindi ko pagpapaalam, at sinabihan magbabakasyon sila ni Tristan dito sa susunod na araw sa loob ng tatlong araw.

Nung makausap ko si Mari ay kusang gumaan ang loob ko. Parang nabawasan ang pagaalala ko. Bago mag alas sinko ay lumabas ako kasama ang aming bagong aso, binilhan ako ni Papa para daw may makapagpaaliw sa akin. At totoo naman, para akong nagkaroon ng bagong kaibigan na mapagsasabihan ng problema. Lagi siyang nakikinig sakin at hindi ako hinuhusgahan, laking pasasalamat ko na lang at di siya nakakapagsalita.

Habang naglalakad lakad kami ay napadaan kami sa tabing dagat. Di pa man nagsisimulang lumubog ang araw ay maganda parin itong tanawin. Nakakalungkot nga lang na kahit anong ikaganda nito ay mukhang di na babalik pa sa dati ang pagtingin ko dito. Pakiramdam ko ay isa nalang akong normal na turista na dadaan daanan na lamang ang sikat na paglubog ng araw sa Han Ezequiel.