Going Home
Simula nung sinundo si Kaleb ng assisstant ng kanyang Daddy ay di na siya ulit pumasok sa school ng buong linggo. Naguusap parin kami sa chat or di kaya sa text pero kaunti lang iyon, pag tinatanong ko naman siya kung bakit hindi pa siya pumapasok ang isasagot niya lang sakin ay "May problema sa bahay" tas pag tinatanong ko kung ano ang problema ay iniiba na niya ang usapan. Iniisip ko na lang na baka private matters iyon kaya mas pinili ko na lang na di makiusisa at baka gusto nilang sila na lang ang lumutas noon.
Simula noon ay lagi akong lutang, kaya lagi ko na din kasa kasama si Mari. Pero ayoko namang maging istorbo sa kanila ni Tristan kaya tuwing tinatanong niya ako kung okay lang ba ako ay pinipilit kong maging masaya at ayos sa harap niya.
Monday na ngayon at eto ako, lutang parin habang papasok sa school. Nakatingin ako sa kawalan habang maraming iniisip, di kasi nagtext si Kaleb ngayon kahit "Good Morning" man lang. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nakabunggo ako, nakakahiya at nalaglag pa ang mga gamit niya. Agad ko naman iyon pinulot at inabot sa kanya.
"I'm so sorry. Sorry. Sorry-"
"It's okay, just be careful." sabi nung babae at umalis na. Buti na lang at mukhang mabait dahil kung hindi baka inaway pa ako nun.
Late na ako ng limang minuto sa dapat na oras ng klase ko pero may grace period pa naman kami kaya okay lang. Sumilip muna ako sa maliit na glass window sa aming pintuan bago pumasok. Nung nakita ko naman na wala pang Prof. at kahit na anong gamit sa lamesa ay pumasok na ako.
Napatingin ako sa bandang gawi ni Tristan, nanlaki ang mata ko ng makita si Kaleb na nakatingin sa akin. Naluluha ako sa saya, sobra ko siyang namiss! Todo takbo ako papunta sa kanya na halos madapa pa ako. Niyakap ko siya at pinagpapalo ang kanyang dibdib.
"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Naiinis ako sayo!" di ko na napigilan pa at may tumakas ng ilang patak ng luha mula sa aking mga mata. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik ng mahigpit at patuloy na bumulong sa tenga ko ng "Sorry. I'm so sorry."
Di ko alam pero may iba akong pakiramdam. Isang sorry naman galing sa kanya ay okay na ako pero kakaiba ang paumanhin na ibinibigay niya sa akin. Na para bang may nagawa siyang hindi maganda na hindi niya sinasabi sa akin. Bumitawa na ako sa pagkakayakap at hinaplos ang kanyang mukha.
"I miss you."
"Sobrang miss na miss na miss na miss na miss kita, Elliss." bahagya akong natuwa sa kanya at pinunasan na ang aking mga luha.
"Ehem!" napalayo ako bigla at napatingin sa harapan. Nandito na pala ang Prof. namin! Nakakahiya naman!
"Sorry po." sabi ko sabay yuko pa at upo sa aking pwesto.
"Mari, ba't di mo man lang ako kinalabit. Nandyan na pala si Sir."
"Eh nakakahiya namang putulin ang moment niyo. Halata namang miss na miss niyo ang isa't isa."
"Kahit na! Nakakahiya tuloy."
"Okay lang yun, masaya ka naman eh." napatingin naman ako sa kanya at di maitatangging labis labis ang sayang nararamdaman ko ngayon. Halos mangulila ako noong hindi ko nararamdaman ang presensya ni Kaleb pero ngayon ay buhay na buhay na ako! Para kaming isang taon na di nagkita!
Magkasiklop ang kamay namin ni Kaleb habang naglalakad patungo sa school grounds. May mga stall kasi doon ang ibang mga courses, nagbebenta sila parang noong ginawa namin sa booth para sa Entrepreneurship. Nauumay narin kasi kami ni Mari sa mga pagkain sa cafeteria kaya dito na lang namin naisipan na maglunch.
"What do you want?" tanong ni Kaleb sa akin. Nilibot ko muna ang paningin ko sa mga nakahilerang stall bago siya sagutin. Di pa ako masyadong gutom kaya ng may nakita akong burger stall ay yun na lang ang itinuro ko. Sila Mari ay nasa pasta na stall, kanina pa nagmamaktol sa akin yun na gusto niya ng Carbonara.
"Ako na ang oorder sa atin. Umupo kaa na lang." pumayag na ako sa gusto niya at naghanap ng libreng lamesa. Ng makita kong naghahanap ng lamesa sila Mari ay agad kong tinaas ang kamay ko para makita nila.
Nagsimula na silang kumain habang ako ay pinagmamasdan parin si Kaleb na naghihintay para sa aming pagkain. Maya't maya niyang tinitignan ang kanyang phone at nung sa tingin ko ay nainis na siya, sinagot niya ito ng mabilisan at ibinulsa. Napatingin pa nga siya sa akin at agad naman akong umiwas.
"Kaleb, sino yun?"
"Just someone from our house." sagot niya habang inaayos na ang mga pagkain sa aking harapan. Tumango na lang ako dahil ayoko ng magisip pa. Ang mahalaga lang sa akin ay nandito na siya.
Pagkatapos namin kumain ay agad din kaming umuwi dahil marami kaming assignment. Kakaonti na lang din ang schedule ko sa S.A. Department dahil wala naman ng masyadong pinagkakaabalahan ang eskwelahan dahil nalalapit narin ang pagtatapos ng school year.
Bandang alas tres ng mapagisipan ko na sorpresahin si Kaleb sa kanyang dorm. Magluluto ako ng hapunan at dadalhin na lang doon, para sabay kaming kumain. Nagbake na rin ako ng paborito naming strawberry shortcake dahil matagal na namin itong di natitikman.
Magseseven na ng gabi ng matapos ko itong lahat lutuin. Sana ay di pa kumakain si Kaleb, tinanong ko kasi siya kanina kung ano ginagawa niya ang sabi niya naman ay gumagawa lang siya ng mga assignments kaya ang tantsa ko ay di pa iyon kumakain.
Medyo umaambon pa nga pero tumuloy na lang ako at nagsuot na lang ng jacket. Dala dala ko sa dalawang paper bag ang mga pagkain, kumpleto na to may kanin pa! Ng papasok ako sa building kung san siya tumitira ay may napansin akong nakaparada na pamilyar na sasakyan. Mahina talaga ang memorya ko sa mga ganyang bagay at di ko matandaan kung san ko ito nakita. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpasok at naglista sa front desk ng aking pangalan at time in.
Ng makapasok na ako sa elevator ay ang bilis ng pintig na puso ko. Ano kayang reaksyon niya pag sinorpresa ko siya? Malamang ay matutuwa yun sa tagal ba naman naming hindi nagkita. Binigyan ako ni Kaleb ng spare key para pwede akong pumunta sa kanya kahit kailan ko gusto. Naglalakad na ako papalapit sa kanyang pinto at inilabas ko narin ang susi dahil nahihirapan akong kunin dahil may bitbit ang isa kong kamay.
Ipapasok ko na sana ang susi ng bumukas ito. Hindi nakalock ang pinto? Pambihirang lalaki iyon! Nakalimutan na naman niyang isarado ang pinto niya. Mukhang hindi ko na nga kailangan itong spare key dahil madalas ay bukas ito, lagi ko pa siyang tinetext pag gabi para lang ipaalala sa kanya na isara ang pintuan niya. Mailing iling na lang ako habang pumapasok sa kanyang dorm.
"Kaleb? Kal-" naglalakad na ako patungo sa kanyang kusina ng may narinig akong naguusap.
"Baby, I'm so sorry." sumilip ako at nakita kong nakasandal si Kaleb sa balikat ng isang babae. Nakatungo lang siya sa balikat ng babae pero hinahagod ng babae ang kanyang likuran na parang pinapatahan. Mukha itong foreigner dahil sa kanyang makinis at maputing balat, blonde pa ang buhok nito.
"I'm so sorry that you have to go through all of this, baby. Do you want me to do it for you? Do you want me to tell her?" Baby? Tell her? Sinong her? Ako ba iyon? Ibang babae ba ito ni Kaleb? Anong meron? Di ko maintindihan? Onti onti na akong nanghihina sa mga naririnig ko.
"No! I have nothing against him! Kahit anong gawin ko, alam ko ay nababantayan niya ko! I don't want to tell her. Maybe it's okay this way."
"You need to tell her the truth about this!"
"I know, but maybe not telling her the truth will be better. I don't want to hurt her."
"But you are already hurting her, you know that right? Pag sa iba niya pa to nalaman ay mas masasaktan lang siya."
"Then, maybe that's better. She'd hate me and forget about me at her own will. Because I can't do anything about this. I want her to be-"
Hindi ko maintindihan! Niloloko ako ni Kaleb?! Sino itong babaeng to?! Ano yung pinaguusapan nila?! Na ayaw nilang malaman ko na niloloko niya ako? Kaya ba ayaw niyang sabihin sa akin dahil mas madali para sa kanya kung sa iba ko malalaman para ako na mismo ang makipaghiwalay sa kanya? Eto ba ang dahilan kung bakit ayaw niya sabihin sa akin ang problema niya? Eto ba?!
I've heard enough! Ayoko na! Masyado ng masakit! Parang unti unting dinudurog ang puso ko. Ano bang dapat kong gawin? Humarap sa kanila ng mukhang wasak na wasak? Ayoko! Ayoko ipakita sa kanilang ganto ako! Hinding hindi ko ipapakita sa kanilang nasaktan ako, ayokong magmukhang tanga at ipakita sa kanila na mangyayari ang gusto nila.
Sa panlalambot ko ay nabitawan ko ang mga paper bag na dala ko, dahilan kung bakit napasulyap sa aking ang babae at halata ang panlalaki ng mga mata nito. Hindi na ako nakita pa ni Kaleb dahil agad na akong tumakbo. Tumakbo palayo sa taong akala ko ay siyang lalapitan ko pag nangangailangan ako.
"Don't!" narinig ko pang sigaw nung babae na ang sa tingin ko ay pinipigilan niya si Kaleb na sumunod sa akin. Yan! Tama yan! Magsama kayo!
Tumakbo ako kahit na napakalakas ng ulan. Wala na akong pakialam! Gusto ko lang makalayo doon. Pagdating ko sa dorm ay agad na akong nagempake ng aking mga gamit. Lahat ng pwede kong madala ay isiniksik ko na lahat sa aking maleta.
To: Mama & Papa
From: Elliss
Ma. Pa. Uuwi po akong Han Ezequiel.