Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 18 - CHAPTER XVIII

Chapter 18 - CHAPTER XVIII

My Love

Tinignan ko ang sarili kong muli sa salamin bago pagbuksan ng pintuan si Kaleb. I look stunning. Wavy ang dulo ng aking shoulder length hair at may light din akong make-up and onting accessories. Nakasuot ako ng isang makinang na dark blue spaghetti-strapped dress na umaabot hanggang sa taas ng aking tuhod, tinernuhan ko rin ito ng silver heels.

Oo, alam ko. Masyadong O.A. itong suot ko para sa isang celebration ng New Year. Eh kasi naman, formal ang mga ganitong ganapan sa bahay nila Kaleb. Hindi lang kasi ang pamilya niya ang nandoon, pati narin ang mga kasosyo nila sa negosyo. Nakakahiya naman kung magpantalon ako.

8PM ang usapan namin ni Kaleb na pagsundo niya sa akin. Sa totoo lang ay halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Di ko alam kung maeexcite at matutuwa ba ko dahil sa wakas ay makikilala ko na ang pamilya ni Kaleb o kakabahan at matatakot dahil di ko alam kung anong magiging reakson nila sa akin, magugustuhan kaya nila ako? Sana..

Pinagbuksan ko na ng pinto si Kaleb at sinalubong niya naman ako ng halik sa pisngi. Napangiti na lang ako sa kanya at sinara na ang pintuan bago hawakan ang kanyang kami at yakagin na pababa.

"You look beautiful, as always." puri niya sa akin habang nasa elevator kami. At inakbayan niya ko at hinalikan sa gilid ng aking ulo.

"Ang pogi mo rin. I love you." puri ko rin pabalik sa kanya na ikinapula niya. Agad siyang nagiwas ng tingin sa akin. Tignan mo to, onting bati ko sa kanya ay kinikilig. Di ko alam kung sino ba talaga ang babae at lalaki sa amin.

Ngayon ko lang tinitigan ang kabuuuan ng aking boyfriend. Naka tuxedo ito pero walang necktie o ribbon, nakabukas lang ang ibabaw na butones na ikinalakas lang lalo ng appeal niya. Naka suklay din ang buhok niya ngayon, madalas kasi ay sadya niya lang itong iniiwan na magulo.

"Sobrang tahimik mo ata ngayon." sabi ni Kaleb habang natatawa. Inaasar ata ako nito eh!

"Magdrive ka na nga lang dyan!" irita kong sabi at inirapan siya. Tinawanan niya lang ulit ako.

Pagkalipas ng halos isang oras na byahe ay nasa tapat na kami ng isang napakalaking bahay, mansyon pala. Onti na lang ang lamang ng kalakihan ng M.A. University sa mansyon nila! Bago pumasok ang kotse ay makikita ka pang nakaukit na "De Adriel" sa gilid ng kanilang gate.

Binuksan naman ito agad ng guard na sa tingin ko ay nakilala ang kotse ng kanilang amo, iniliko niya ito sa kaliwa kung saan may mga iba pang sasakyan na nakaparada.

Kitang kita ko sa kanang parte ng kanilang mansyon ang napakagarbong set up para sa celebration ng New Year. Kitang kita rin ang pagsasariling mundo ng mga businessman at ng mga bisitang pumunta para talaga magcelebrate.

Natigil lang ako sa pagiisip ng hawakan ni Kaleb ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa aking mga hita.

"Don't worry, hindi nangangain ang pamilya ko." pinalo ko siya sa braso at sinamaan ng tingin. Hindi siya nakakatulong! Sa kaba ko, hindi ko alam kung nakakahinga pa ba ako ng maayos.

"Seriously, Elliss. Hindi man ako nabibigyan ng sapat na atensyon ng magulang ko dahil sa negosyo, ay sa onting oras na nagkakasama kami, alam kong sinusubukan nila ang makakaya nila para mapalapit sa akin. I just don't give them a chance to reach out." humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa aking kamay.

"And now that you're here, this is their only chance." nginitian niya na parang sinisigurado ako na wala akong dapat na ika bahala. Kaya mahal ko to eh! Sinasabi niya sa akin ang lahat ng gusto kong marinig. Gumaan naman kahit papano ang nararamdaman ko, nginitian ko siya at tinanguan para iparating na okay na ako.

Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok sa main door ng mansyon. Nakarating kami sa living room kung saan naroon ang mga magulang ni Kaleb. I can tell just by looking at their physical features, pinaghalong features nila ang napunta kay Kaleb. May iba pang taong naroon pero mukhang business related lang ang mga ito.

Hindi binitawan ni Kaleb ang kamay ko hanggang sa makarating kami doon. Agad namang napalingon ang mga tao samin sa aming presensya. Ano bang dapat kong gawin? Titingin at ngingiti? O yuyuko na lang? Ay di ko alam, bahala na si batman!

Agad siyang bumeso sa kanyang mga magulang at di na nagpaligoy ligoy pa.

"Mom. Dad. This is Elliss, my girlfriend." nanlaki ang mga mata nila na parang di inaasahan ang sinabi ni Kaleb. Pero agad din iyon napalitan ng ngiti. Lumapit sa akin ang Mommy niya at binesuhan ako, tumango lang naman sakin ang kanyang ama.

"Good evening po, Tita. Sorry po sa walang pasabi na pagpunta ko dito sa tahanan niyo." namumula ako sa hiya. Feeling ko masa hot seat ako. Titig na titig ang Mommy niya sakin na parang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Oh, no! Welcome na welcome ka dito, hija! I didn't know na may balak palang mag girlfriend itong si Kaleb dahil never pa itong nagdala ng babae dito." napapailing na lang ang Mommy niya.

"I'm glad na ipinakilala ka ni Kaleb sa amin. Go on and enjoy the night, Elliss right?" dagdag pa ng Mommy niya.

"Daphnie Elliss Corteza po." sabi ko habang nakangiti. Ang babait naman pala nila! Parang nasayang lang ang kaba ko kanina! Nanlaki ang mata ng Mommy ni Kaleb pag banggit ko sa aking pangalan na ikinakaba ko. Pero agad din naman itong nagiwas ng tingin at iginayak na kami sa kainan sa labas kaya hindi ko na lang ito pinansin. Nginitian pa nga niya ako.

Nang makarating kami doon ay nakasalubong pa namin ang kanyang Daddy.

"Wag kang mahiya, hija. Kumain ka ng marami. Son.." nakangiting sabi sakin ng Daddy niya ng mahalata siguro na di ako umiimik at lumalayo sa anak niya. Tinanguan niya si Kaleb at tinapik ang balikat bago tuluyang iwan kami dito.

"I told you." nakangising sabi ni Kaleb sa akin habang nandito kami sa buffet at kumukuha ng makakain.

"I didn't know your parents are so hospitable. Total opposite mo!" natatawang sabi ko sa kany dahil totoo naman! Ngayon ay siya naman ang seryosong nakatingin sa akin. Pikon!

"My dear grandson!" narinig kong sigaw sa di kalayuan habang kumakain kami sa isa sa mga table. Nakita ko ang isang eleganteng babae na papalapit sa akin, I guess she's already on her late 50's. Agad na tumayo si Kaleb para magmano kaya tumayo na rin ako at lumapit.

"I missed you so much! Nagtatampo na ako sayo, minsan ka na lang bumisita dito sa mansyon! Hindi mo man lang mapagbigyan ang iyong nangungulilang lola." malungkot na banggit ng lola ni Kaleb. She doesn't look her age, ganto siguro talaga pag mayaman at naaalagaan ng maigi ng derma.

Nagkamustahan at yakapan na sila ng kanyang lola at mukhang masaya talaga sila kaya di ko naisipang sumingit. Natigil lang iyon ng ang lola niya na mismo ang nakapansin sa akin sa gilid.

"And who is this? She looks so pretty." lumapit sa akin ang kanyang lola at inaya ako ng yakap at bineso ako sa magkabilang pisngi.

"Daphnie Elliss Corteza po, he's-"

"My girlfriend." dugtong ni Kaleb. Eto talaga! Di man lang ako patapusin. Nanlaki ang mata ng kanyang lola na agad ding napalitan ng pagkakunot ng noo. Bakit parehong pareho sila ng reaksyon ng Mommy ni Kaleb? May problema ba sa pangalan ko?

"Does your parents know about this, Kaleb?" mariing tanong ng kanyang lola sa hindi ko malamang dahilan.

"Yes, I introduced her to them just know." sabi ni Kaleb na kalmado lang at ipinagkibit pa ng balikat.

Ngayon ko lang naalala! Nung naibanggit din ang apelyidong "De Adriel" sa puder ko ay ganyan din ang reaksyon nila. Magkabatchmates daw sila hindi ba? Siguro ay yoon nga lang. Ayoko namang magisip pa ng malalim na dahilan pero di ko maiwasang mapansin na parang may ibang kahulugan ang mga reaksyon nila.

Di mapakaling umalis ang lola ni Kaleb at sinanggian pa ako ng isang masamang tingin. May masama ba akong ginawa? Ang bilis magpalit ng mood ng lola niya ah! Panigurado naman na menopause na iyon! Daig pa ang may regla sa bilis magswitch ng mood.

"May mali ba akong nagawa?" alala kong tanong kay Kaleb na inilingan lang niya.

"Don't mind her, strikta talaga iyon. Baka may kailangan lang gawin." naniwala na lang ako sa sinabi niya at di na iyon pinansin.

Tumambay lang kami ni Kaleb sa gilid ng kanilang mansyon kung saan walang tao. May mga bench dito at sapat na ilaw mula sa kalangitan. Dun kami nagantay hanggang sa mag alas dose ng madaling araw.

Nagulat pa ako ng biglaang may fireworks na lumitaw sa kalangitan. Sobrang ganda! Lalo na kung kasama ko itong si Kaleb sa pagsilay noon! Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap sa kanya.

"Happy New Year, Elliss. I'm so happy to start a new year with you."

"Happy New Year, too. Sana ay magkasama pa tayong sumalubong sa marami pang New Year! Yung di na natin mabilang!" maligayang sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

"I love you, Elliss."

"I love you too, Kaleb."

Kasabay ng pagsiil niya sa akin ng halik ang pagsabog ng panibagong fireworks sa kalangitan at ang pagtibok ng aking puso na napakalakas. Nanatiling magkadikit ang aming mga noo at nakapikit habang ninanamnam pa ang oras na magkasama kami.

This is a great way to begin and create new memories with you...Kaleb Rhayson, my love.