Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 16 - CHAPTER XVI

Chapter 16 - CHAPTER XVI

Scenery

Pangatlong araw na ng pagstay ni Kaleb dito sa Han Ezequiel. Kung di ako dito sa bahay tumatambay ay na kanila Wendy ako dahil miss na miss na namin ang isa't isa, hindi kasi sila dito magpapasko. Sa Cebu ang napagplanuhan ng kanyang pamilya dahil doon naninirahan ang kanilang kamag-anak.

Naging busy din kami sa pamamasyal at paghahanda para sa darating na pasko. Wala nga akong nabiling regalo para sa mga kaibigan ko kahit isa, malayo pa kasi ang mga mall dito at di ganong kalakihan kaya wala rin masyadong pagpipilian. Dapat pala ay namili na ako nung nasa Manila, di bali pagbalik ay tsaka ko na lang sila reregaluhan.

Alas singko na ngayon ng hapon nang napagisipan kong manood sa paglubog ng araw dahil simula nung umuwi ako dito ay di ko pa ito nasisilayang muli. Tapos na kami sa pag setup ng Christmas tree ng magpaalam na ako kanila Mama na lalabas ako.

"Anak, isama mo si Kaleb para masilayan niya rin ang paglubog ng araw. Yayain mo naman ang bisita natin, anak." saway ni Mama sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at umakyat para yayain siya. Nakakainis kasi! Naaalala ko na may iba na siyang nakasama manood nun! Kumatok muna ko sa guest room bago tuluyang pumasok at nakita ko siya doon na nakahilata at nagcecellphone.

"Kaleb, sama ka?" nilingon niya naman ako at tinaasan ng kilay.

"Where?"

"Sa tabing dagat lang, manono-" di ko na natapos ang sinasabi ko dahil madalian siyang tumayo at nagsuot ng tsinelas. Nakinang ang mata niya sa excitement. Anong nakain nito?

"I've been waiting for this! Tara na!" nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinatak hanggang sa makalabas kami. Hawak niya parin ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa tabing dagat. Halata ngang lagi siya napunta dito at alam niya ang daanan.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at di maiwasang mapangiti. Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak dito ng nakita niyang nakatingin ako doon. Sinuklian ko iyon ng ngiti at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kami doon ay iilan lang ang mga tao siguro ay lumuwas papunta sa kani kanilang lugar para magcelebrate ng pasko. Pumwesto kami ni Kaleb malapit sa dagat, iyong naaabot ng tubig ang aming mga paa kapag umaalon ito. Sandali kaming natahimik habang pinagmamasdan lamang ang araw.

Hinding hindi ko ipagpapalit ang mga oras na nakakasama ko si Kaleb sa gantong pagkakataon sa kahit anong bagay. Walang makakapagsabi ng eksaktong nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pero sigurado ako na sa pagsilay ko sa kalangitan kasama si Kaleb ay wala na akong ibang iniisip pa. Para bang saaming dalawa lang naikot ang mundo, napakapayapa, napakalaya at napakaganda.

Déjà vu. Gantong ganto ang naramdaman ko sa unang pagkakataon na may nakasama ako sa pagsilay sa paglubog ng araw. Iba parin talaga pag may kasama ka. Sa tuwing pumupunta ako dito at nanonood ay nangungulila ako at natatandaan si Lebleb pero ngayong anditon na si Kaleb sa tabi ko, parang gusto ko na lang siyang isama sa kahit anong bagay na ginagawa ko.

Napatungo ako at natawa sa sarili kong pagiisip. Nasapo ko ang aking noo at napapangiti. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Onti onti kong nilingon si Kaleb na tahimik na nanonood sa araw, kasabay noon ang onti onting pagbagal ng tibok ng aking puso na para bang kumakalma at lumalambot. Ayoko nito, parang mas mahirap huminga, para bang ang lalim ng pinaghuhugutan nito.

Kasabay ng malakas na pagalon ng tubig dagat ang malakas na paghampas nito sa buhanginan na inabot na ang aming mga hita. Naging sunod sunod ito na para bang may ipinapahiwatig ito. Parang tinutulak ako papalapit sa kanya at sabihin ang nararamdaman ko ngayong kasama ko siya.

"I-I l..." di ko alam kung ako pa ba ito. Masyadong kalmado ang paligid na pinapahina ang aking sistema kaya kusang lumalabas ang mga malumanay na salita mula sa aking bibig. Itutuloy ko na dapat ng bigla siyang magsalita, napaiwas tuloy ako ng tingin.

"I can't remember the last time I felt calm  like this, but this is actually the best one. This-this place is just so beautiful...and now that I'm with you..." tumingin siya sa akin, kita ko iyon sa gilid ng aking mga mata.

"I can't find the right words to describe this feeling, perfect isn't just enough.." sa pagbitaw niya ng mga salitang iyon ay napalingon na ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin gamit ang isang napakalambot na ekspresyon, mapungay ang kanyang mga mata. Full of sincerity and it's like pleading.

"Kaleb.."

"I love you, Elliss..." nagulat ako sa sinabi niya. Totoo ba to? Baka nananaginip lang ako! Kinurot ko ang hita ko at masakit iyon. Totoo nga! Mahina siyang natawa sa ginawa ko at pinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"I don't know when, I don't know where, I-I just fell...fell in love with you." agad niyang tinakpan ang kanyang mukha na sobrang pula. Sinabunutan niya pa ang sarili niya na para bang hiyang hiya sa bigla niyang pag amin. Ito ba ang nagagawa ng panonood sa paglubog ng araw dito sa Han Ezequiel? Kung alam ko lang ay matagal ko na siyang dinala dito!

"Kaleb..I-"

"Look, Elliss. I'm not rushing you, okay? I just wanted to tell you how I truly feel, hindi ko sinasabing suklian mo agad iyon."

"Kaleb.."

"Was I too fast? I'm really sorry. I just don't know how to start. I've never confessed to a girl before and-" nakakainis na to ah! Hindi man lang niya ako patapusin! Ayaw niya bang marinig ang nararamdaman ko? Na ang tinitibok ng puso ko ay siya rin?!

"KALEB! MAHAL DIN KITA!" ayan! Sigaw ko harap harapan sa mukha niya. Di ko alam kung tama pa ba ang pagkakasabi ko o kung may natitira pang sincerity doon. Nagmukha ata akong galit dahil sa iritasyon.

"I know, and I'm really sor-Wait! What?" umaliwalas ang mukha niya na parang di makapaniwala sa sinabi ko. Inirapan ko na lang siya dahil medyo naiinis parin ako.

"Can you say it again? Di ko kasi masyadong narinig, Elliss! Please!" di narinig eh sinigaw ko na nga sa harap niya!

"Ayoko nga! Kasalanan mo na yun!" nahihiya na ako ngayong makikinig siya ng maigi. Sa susunod na lang ulit, mahal ang bawat salita ko no!

"Please, just one more time!" napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong di ako titigilan nitong isang to. Fine!

"I love y-" di ko na natuloy dahil bigla niya akong hinalikan, smack lang naman pero kahit na no! Di man lang nagpasabi, first kiss ko kaya yun!

"Hoy! Kale-" alam niyo na kung bakit hindi ko nanaman natuloy. Masama ko na siyang tinignan kaya tumayo na siya at nagtatakbo. Bat parang baliktad? Diba dapat akong babae ang hinahabol niya?! Ang bilis niyang tumakbo! Hinihingal na ako!

Di ko na kaya! Tumigil na ako sa paghabol at tinungkot ang mga kamay ko sa aking tuhod. Agad niya naman akong nilapitan at binuhat, dinala niya ako sa may tubig! Nakatayo kami doon at hanggang bewang ang tubig. Wala naman akong balak lumangoy!

"I hate you!" sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

"I love you, Elliss." sabi niya habang pinanggigigilan ang pisngi ko. Hinawi ko naman iyon at marahan siyang itinulak.

"I love you too, Kaleb." agad niyang akong hinila papalapit sa kanya habang hawak ang magkabilang gilid ng aking bewang. Our kiss was very soft and passionate. Hindi kami nagmamadali na parang ninanamnam namin ang bawat oras na magkasama kami at nagmamahalan.

"I love you, Elliss. So much! You're the most beautiful scenery my eyes have ever seen." napakasarap pakinggan lalo na kung nanggaling iyon sa taong gustong gusto mong magsabi sayo. This day is just...so perfect.