Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 14 - CHAPTER XIV

Chapter 14 - CHAPTER XIV

Home

Nang maramdaman kong may biglaang pumihit sa pintuan ng kwarto ay di na ko nagdalawang isip pa, nagmadali akong nagtalukbong ng kumot at nagkunwaring natutulog. May narinig pa akong yabag papalapit sa akin at naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama.

"Elliss, I know you're awake. Breakfast's ready." wika ni Kaleb habang niyuyogyog ang aking balikat. Nagkunwari naman akong bagong gising at onti onting nagunat at kinusot pa ang mga mata.

"Oh, Kaleb. Good morning!" maligayang bati ko sa kanya at todo ngiti na halata namang ipinipilit lang.

"C'mon, kumain ka na. We're gonna be late for school."

"Oo nga! Anong oras na ba? Uuwi pa ko para magpalit."

"It's 7AM, 9AM pa ang class natin. Ihahatid kita sa inyo after kumain." tumango ako sa sinabi niya at sumunod na sa kanya papunta sa hapag kainan. Pinagsandukan niya ako ng sinangag at nilagyan ng tapa at itlog saa aking plato.

"Thank you." wika ko at ngumiti naman niya sa akin. Ang sarap! Sino kaya ang nagluluto para sa kanya? Mukhang wala naman siyang yaya dito.

"Sino ang nagluluto ng mga kinakain mo?" tanong ko sa kanya habang nginunguya ang aking pagkain.

"Me. Wala namang ibang tao dito. Unless, may nakikita kang hindi ko nakikita?" inirapan ko na lang siya. Sasabihan ko sana siyang masarap siya magluto pero nagbago na ang isip ko.

"Nga pala, Kaleb. Pumasok ka pa ba kagabi para abutan ako ng tubig?" tanong ko sa kanya. Naninigurado lang no, baka guni guni ko lang pala iyo.

"Yeah. Why?" tumango naman ako sa sagot niya. Atleast diba? Sure pa akong pumasok siya.

"Uhm, may sinabi ka pa ba sakin after?" nagaalangan pa ko kung itatanong ko pa ba sa kanya. Nilingon niya naman akong nakakunot ang noo kaya binawi narin agad ang tanong ko. Baka panaginip ko na lang iyon. Baka "No" ang isagot niya at itanong pa kung bakit, ayaw ko naman sabihin na nagiilusyon pa ako sa kanya.

"Elliss." tawag niya.

"Hmm?" di ko siya nilingon dahil busy ako sa pagkain pero sinulyapan ko siya saglit para alam niyang nakikinig ako.

"Alam mo ba ang mga pinag gagawa mo kagabi?" napatingin ako sa kanya ng di oras at nabilaukan sa tanong niya. Agad niya naman akong inabutan ng tubig at agad ko rin iyon ininom. Nagkibit siya ng balikat at ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"I know you can remember all the crazy things you did last night pero sige, ako na lang ang magaadjust at magkukunwaring hindi mo matandaan dahil alam kong idedeny mo rin naman." sabi niya sabay ngisi sa akin. Aba't! Di pa nga ako sumasagot eh!

"Wala nam-"

"Your choking says it all." sabi pa niya na para bang nababasa ang nasa isip ko. Di man lang ako pinatapos! Pero sabagay ay may point naman siya doon. Sino ba naman ang nasa katinuan na aaminin ang lahat ng kahihiyan na ginawa niya diba?

"Well, ano naman ngayon kung natatandaan ko?" mayabang kong sabi sa kanya na para bang wala lang iyon sakin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"You shouldn't forced yourself too much. Pwede ka namang makisabay ng hindi umiinom. For God's sake! You got drunk with just three shots!" nasapo niya na lang ang noo niya na parang di makapaniwala. Nakatatlo lang pala ako? Siguro nga ay sobrang nalasing na ako para isiping nakarami ako.

"What if I wasn't there at si Wayne or di kaya ay si Blake ang maghatid sayo, would you stay at there place too dahil iyon ang mas malapit?" ngayon ay medyo ssumeryoso na ang mukha niya at may bahid na ng pagkairita.

"H-hinde. I'm sorry, okay? Di na mauulit, promise!" sabi ko sa kanya na may pagtaas pa ng kanang kamay.

"And I trust you Kaleb kaya siguro'y instinct ko na iyong pagaya na magpahinga dito sa dorm mo kahit di ko alam kung pano ko pa iyon nasabi." dagdag ko pa na ikinabigla niya pero agad din iyon napalitan ng mapangasar na ngisi.

"I'm a man, Elliss. How can you be so sure that you can trust me? Sa tingin mo ba ay walang ibang pumasok sa isip ko with you, a woman, here at my place?" namangha ako sa tanong niya pero agad ko rin iyon inilingan habang nakangiti.

"I trust you, Kaleb. Wholeheartedly. Kung gusto mong gawin sa akin yang iba mong naisip ay matagal mo ng ginawa. Sa tingin mo ba ay di ako kinabahan sa unang pagpunta mo sa dorm ko? Syempre ay ganun din ang naisip ko. But look at us, we're contented with just each other's company and I'm glad that it's you." dire diretso kong sabi sa kanya ng di man lang nagiisip. Masyadong sincere ang pagkakasabi ko na ako mismo ay nagulat sa mga sinabi ko. Babawiin ko ba? Nasabi ko na eh. Totoo naman iyong mga sinabi ko kaso baka iba ang isipin nitong nasa harap ko. Sabihin ko, as a friend? Friends ba kami? Diba sabi niya hindi? Ay ewan! Bahala na!

Seryoso parin siyang nakatingin sakin at biglang ngumiti at namula ang buong mukha niya. Nagiwas siya ng tingin at tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha ngunit halata parin ang pagkapula niya dahil kitang kita ito sa kanyang tenga.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo, Elliss!" napangiti na lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness towards Kaleb. Siguro ay dahil lahat naman ng ipinaparamdam namin sa isa't isa ay totoo at hindi ikinakahiya.

Lumipas ang halos tatlong buwan ng ganoon parin naman ang mga pangyayari. Lumipas na ang intramurals namin na hindi ko naman masyado naenjoy dahil wala akong sinalihan, hindi naman kasi ako sporty. Pero naging masaya naman ako sa pagsuporta sa aking mga kaibigan, nanalo sa basketball ang course namin na sinalihan nina Kaleb at Tristan. At nagfirst place naman ang volleyball team namin na sinalihan ni Mari.

Pagkatapos ng aming intramurals week ay nagkaroon kami ng isang linggong bakasyon. Nakauwi ako sa probinsya dahil miss ko na ang aking magulang at si Wendy pero tatlong araw lang ang itinagal ko doon dahil may mga gawain pa ko na hindi natatapos.

Naging mas masaya at mas matibay ang samahan naming apat nina Kaleb, Mari at Tristan, di ko nga inakalang magiging magkaibigan kami ni Tristan at makakabuo ng sariling grupo. Pag may libreng oras ay gumagala kaming apat pero madalas na naghihiwalay dahil nagiging date ito ni Mari at Tristan. Pag may malapit na exams ay nag group study kami sa library o minsan ay sa dorm ni Mari.

Nandito kami ngayong apat sa cafeteria, tapos na ang hell week namin dahil nagkasabay sabay ang pasahan ng requirements at second semester final exams namin. Sa susunod na linggo ay ang Christmas break/sembreak na namin. Naeexcite na akong umuwi sa Han Ezequiel dahil di ko naman ito nasulit noong nauna kong sembreak.

Inilapag na ni Kaleb at Tristan ang aming mga order sa lamesa at nagsimula ng kumain. Balak naming pagusapan kung saan kami pwedeng magbakasyon dahil halos tatlong linggo kaming walang pasok.

"I think mag-out of the country kami ng family ko sa Christmas pero one week lang yon! Ayokong mabulok sa bahay ng dalawang linggo!" pagmamaktol ni Mari. Actually, siya ang nakaisip na magplano kami dahil ayaw niyang nagiistay sa bahay nila at wala naman daw siyang kasama, laging nasa trabaho ang magulang.

"Sa bahay lang kami magce-celebrate at dadalo ang mga kamag-anak." sabi naman ni Tristan. Binalingan ko naman si Kaleb na tahimik kumakain at tinaasan ng kilay.

"I don't know. Sa dorm, maybe?"

"Ha? Hindi ka uuwi sa inyo?" Unbelievable! Bat siya magcecelebrate ng Christmas magisa? Nasan ba ang mga magulang niya?

"Maybe sa Christmas Eve umuwi ako sa amin but after ay babalik din ako sa dorm."

"Bakit naman? Don't you like at your home, Kaleb?" tanong ni Mari kay Kaleb. Oo nga! Minsan na nga lang magkita at di niya pa sulitin.

"I hate it there. Lahat ng iniimbitahan nila ay puro kabusiness, even our relatives. I'd rather stay at the dorm and be alone than to socialize and hear their nonsense business talks." tss. Rich kid problems. Naiintindihan ko naman siya. Tinignan ko si Kaleb na mukhang sanay na sanay na sa ganitong mga bagay. Pero di ko maiwasang maawa dahil imbis na may inuuwian siyang pamilyang sasalubong sa kanya ay iba ang inaatupag. Di ko rin naman masisi ang kanyang mga magulang dahil iniisip lang din naman nito ang para sa magandang kinabukasan ng kanilang anak. Ang complicated.

"Aha! Alam ko na! Why don't you come with Daphnie sa hometown niya and susunod na lang kami ni Tristan pagkauwi ko!" tuwang tuwa si Mari sa suggestion niya at umagree naman si Tristan dito. Nanlaki ang mata ko at muntik ng mabilaukan, mabuti na lang at nalunok ko pa ng maayos ang kinakain ko. Napatingin ako sa katabi kong napakalawak ng ngiti.

"I love that idea. I've already thought that, hinihintay ko lang na siya mismo ang magaya sakin." ngiting ngiti na banggit ni Kaleb sabay baling sa akin.

"Am I welcome, Elliss?" mapangasar niyang tanong sakin. Hindi ko alam ang isasagot ko! Nagpapanic na ako, okay? Nilingon ko naman ang dalawa na nagaabang din sa isasagot ko. Si Tristan ay todo ang pag ngiti sa akin. Si Mari naman ay todo tango. Makakahindi pa ba ako sa itsura ng mga kaibigan ko? Wala naman sigurong masama kung dadalhin ko siya sa Han Ezequiel diba? Dadalhin ko rin naman si Tristan at Mari, mauuna nga lang si Kaleb. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

"Of course! Hahaha! Oo naman! Tinatanong pa ba yan?" ipinilit kong sabihin iyon na parang wala lang.

"Yes!" sigaw ni Tristan.

"It's settled then! Naeexcite tuloy ako! I can't wait to see the famous Han Ezequiel!" sigaw naman ni Mari. Nginitian ko na lang silang dalawa, masaya ako at natutuwa sila. Ngunit may bumulong sa akin na nakapag tindig ng aking balahibo.

"Never thought of finding another home with you."

Tatlong linggo kong makakasama itong katabi ko. Help! Tama ba itong naging desisyon ko?