Midnight
"Kaleb! Dalawang Cookies and Cream Frappe! Daphnie! Five slices ng Stawberry Shortcake!" sigaw ni Ynna galing sa cashier counter.
Di nga kami napressure sa paghahanda ay napressure naman kami sa pagbebenta! Kaninang tanghali ay di masyado marami ang customer namin at karamihan lang ng inoorder ay mga inumin. Ngayong uwian na at hapon ay di namin inaasahan na dudumugin ang booth namin ng bongga! Ang haba na ng pila at ang iba ay nagte-takeout na lang dahil puno na ang mga lamesa. Onti na lang at literal na ubos na ang paninda namin! Kahit wala na silang pamilian ay inoorder talaga nila kahit iyong mga natira na lang.
Unang araw palang namin at ang dami na ng tao. Dapat ay umorder pa kami ng madami mamaya dahil siguradong kukulangin na ang mga stock namin. Mukhang magpupuyat ako sa pagbe-bake mamaya.
"Wayne! Blake! Orders are ready!" sigaw ni Samantha na tumutulong na sa amin sa pagprepare ng mga pagkain at inumin. Si Wayne at Blake naman na ang naging waiter.
Alas kwatro na ng matapos kami sa pagbebenta. Sa loob ng dalawang oras ay nasimot ang mga paninda namin. Masasabi ko namang lamang kami kaysa sa ibang booth. Halos lahat kasi sila ay pangsosyalang lunch ang binenta. Ang amin ay patok talaga pangmeryenda at sa uwian lalo na at ang daming estudyante na ang nagsisilabasan at dumadaan dito sa quadrangle. Kung pwede pa kaming magtinda sa umaga ay paniguradong mas marami pa kaming mabebenta. Hindi lang pwede dahil may dalawang subject pa kaming inaattendan at di kami excused doon.
Sabay sabay kaming naupo sa bench sa tapat ng aming booth at nagpaypay sa sobrang pagpapawis at pagod. Hinubad ko ang aking apron at hairnet dahil init na init na talaga ako. Simplent pastel pink polo shirt na naka tuck-in sa black slacks ang suot ng girls, pastel green naman ang sa boys.
"Water?" alok ni Kaleb habang inaabutan ako ng mineral water.
"Thanks." kinuha ko na iyon at ininom agad. Ang sarap! Sobrang lamig! Busy ako sa paginom at ito namang si Kaleb ay todo paypay sakin habang pinupunasan pa ng tissue ang pawis ko. Hinayaan ko na lang siya at nasanay na kong ganyang kami. Naubos ko na agad ang tubig ko at napatingin sa mga kamiyembro naming may malisya ang tingin saming dalawa. Alam ko na ang ibig sabihin ng ganyang tinginan kaya umiling na agad ako sa kanila. Pero syempre alam kong di sila maniniwala kaya bahala sila.
"I think our booth is a success!" sabi ni Blake.
"Yeah. Tugmang tugma ang mga dahilan mo kung bakit ito ang dapat nating ibenta sa nangyari ngayon." dagdag pa ni Wayne.
"It was stressful but I think it's fun." sabi naman ni Samantha.
"Sobra sobra nga ang kinita natin sa cinompute ko. Bawing bawi ang pera, lagpas pa!" sabi ni Ynna.
"Yehey! Group hug!" sigaw ko at nag group hug na kami habang tumatalon at umiikot ikot pa. Syempre di kasali si Kaleb, KJ yun eh!
Sinimulan na namin ang pagliligpit tulad ng iba pang mga booth dahil ayaw na naming maabutan pa ng dilim. Less than an hour ay natapos na kami sa pagaayos at nagayaan ng umuwi.
Last day na ng pagbebenta namin ngayon at walang nagbago, sa totoo lang ay mas dumami pa ang naging customer namin. Naging triple pa nga ang stock namin kumpara sa nauna.
"Congrats satin!" sigaw ni Ynna ng matapos ang pagbebenta at paglilinis. Bukas na namin liligpitin ang booth dahil alas singko na. Malalaman narin namin mamayang 8PM ang results at ipopost ng Prof. namin sa aming group page. Araw-araw itong nagiikot kasama ang dalawa niya pang judges sa paggrade sa aming mga booth. Kani kanina lang ay kinuha na nito ang listahan ng kung magkano ang aming mga kinita. Binigyan din namin sila ng tigiisang slice ng cake para matikman naman nila.
"Celebrate tayo sa dorm ko! Oorder ako ng food tsaka drinks." pagaaya ni Samantha. Pagkasabi niya ng drinks ay nagiba ang tono niya. Isa lang ang ibig sabihin nun, alak.
"May pasok pa tayo bukas." saway naman ni Ynna.
"Okay lang yan, Ynna. Nine pa naman ang pasok natin bukas at wala naman tayong exams." pangaakit ko kay Ynna na sumama at nabigla si Kaleb sa pagsangayon ko. Di ako laging nainom dahil di naman mataas ang alcohol tolerance ko. At sa probinsya ay si Wendy lang ang nakakasama ko. Di naman siguro masama at may naaccomplish naman kaming matagal naming pinagtrabahuhan.
"Fine! Kayo, Wayne?"
"Pass muna kami, Ynna. Di rin daw sasama si Kaleb nung inaya namin kanina."
"Sino may sabing hindi? Sasama ako no!" bulyaw ni Kaleb. Edi sige sumama ka! Bat kailangang sumigaw.
"Ha? Sabi mo kanin-"
"Sasama na ako." mukhang naguguluhan parin si Wayne pero nung tumingin siya sa akin ay mukhang nasagot na ang mga katanungan niya.
"Let's join. This is a celebration for our booth. It doesn't look good if we're incomplete." pamimilit naman ni Blake kay Wayne kaya sa huli ay lahat din kami sumama.
Paglabas namin ay biglaang umambon kaya kumaripas na kami ng takbo papunta sa dorm ni Samantha na mabuti ay di naman kalayuan. Wala namang masyadong ganap, umorder lang si Samantha ng food at di na kami nakapaginom dahil medyo lumakas ang ulan at wala ng nakalabas para bumili.
"Wait lang, guys! One more minute!" sabi ni Ynna. Nagaabang kami ng pagpost ng aming Prof. sa aming page kung sino ang booth na makakaperfect.
"Tss. Grade conscious." tinignan ko ng masama si Kaleb at pinagkibit niya lang ako ng balikat. May tumunog na notification na ibig sabihin ay may naipost na. Sabay sabay naman kaming napatingin doon at nilapit ang mga mukha namin sa screen ng laptop. Nanlaki ang mga mata namin ni Samantha at Ynna at sabay sabay na nagkatinginan.
"Woohooo! Perfect! Perfect! Perfect!" tuwang tuwa kaming tatlo habang nagtatatalon at umiikot. Kami ang grupong nakaperfect ibig sabihin ay kami ang may pinaka maraming kinita at perfect lahat ng score namin! Mabuti naman at nakabawas ito sa initindihin sa darating na exams.
Umorder pa ulit si Samantha ng pizza at nagpaorder ng "drinks" dahil medyo humupa na ang ulan kaya kumain muna kaming muli habang nagiinuman at nagkekwentuhan. Maghahating gabi na ng maisipan naming umuwi na dahil nga may pasok pa kami bukas. Ako naman itong si hindi naman kayang uminom ng marami ay pinilit parin makisama kaya antok na antok na ako at di makalad ng tuwid.
"B-bye, Sam-mantha! Sh-shalamat s-s-sa pag-pagi-imbi-ta!" paalam ko kay Samantha ng nasa pintuan na kami. Tumawa na lang ito at kumaway din.
"Magingat kayo ah!" sabi niya bago isinara ang pinto. Naglalakad na kami papunta sa elevator ng muntik na akong maout of balance, buti na lang ay nasalo ni Kaleb ang braso ko at naalalayan.
"T-Thank th-ank y-y-you!" sabi ko sa kanya at nginitian siya.
"Tss. Iinom inom hindi naman pala kaya." sabi niya at iginayak na ko sa elevator. Nang makalabas na kami sa building ay naghiwa hiwalay na kami dahil iba na ang dadaanan nila. Ihahatid daw muna nila Wayne at Blake si Ynna bago tuluyang umuwi at malapit lang naman daw iyon sa kanila.
Kanina pa ko ng hikab ng hikab at tulo na ng tulo ang luha ko sa gilid ng aking mga mata sa sobrang antok. Di ko alam kung kakayanin ko pang makaabot sa dorm ko.
"Kaleb. Di ko na kaya. Inaantok na ko." medyo nahimasmasan na ako pero di ko na talaga kayang ibuka pa ang mga mata ko.
"Do you want me to carry you?"
"No. Dun na lang ako matulog sa dorm mo." yun lang ang naisip ko dahil iyon ang mas malapit dito. Natigilan siya sa sinabi ko. Napasabunot siya sa buhok niya at di alam kung susundin ba ang sinabi ko oh ihahatid pa ako sa dorm ko.
Syempre ang kinalabasan ay sa dorm niya na kami dumiretso. Hindi pwede magsleepover ang babae sa dorm ng lalaki at ganun din sa kanila. Kaya pag bumibisita ay kailangan pang maglista sa front desk. Kinausap pa ito ni Kaleb pero di ko na naintindihan at kung pano niya ito napakiusapan. Ang tanging nasa isip ko lang ay matulog.
Di ko alam kung pano na kami nakarating sa dorm niya at papikit pikit ako habang naglalakad, si Kaleb lang ang tanging nagaalalay at gumagabay sa bawat hakbang ko. Binuksan na niya ang pinto at iginayak ako sa kanyang kwarto. Humiga ako agad dun at napapikit sa oras na naihiga ko ang aking katawan sa malambot na kama. Half open pa ang mga mata ko ng nakita siyang lumabas ng kanyang kwarto, saglit lang ay narinig kong muli ang yapak niya papalapit sakin ngunit di ko na talaga mabuksan ang mata ko kahit anong pilit ko.
"Elliss, are you asleep? Uminom ka muna ng tubig." sabi niya habang niyuyugyog ako kaso wala na talaga ako sa ulirat at di na ko makasagot at di ko narin siya matignan. Bumuntong hininga siya at narinig kong inilapag niya ang baso sa bedside table. Naramdaman ko ring tinanggal niya pa ang aking sapatos at inayos ang pagkakahiga bago kumutan. Inipit niya pa ang iilang hibla ng aking buhok na nakatakip sa akin mukha bago ko naramdaman ang malalambot niyang labi sa aking noo.
"Good Night, Elliss. Sweet dreams. I love you."
Masyadong vague ang gabing iyon para sa akin. Hindi ko alam kung totoo pa ba iyong narinig ko o panaginip na. Basta't alam ko lang na nakatulog akong nakangiti at mahimbing. At nagising ding nakangiti at masaya pero napawi rin ang ngiti sa aking labi ng matandaan lahat ng nangyari kagabi. Mabilis akong napaupo sa kama at napagtantong hindi ko iyon kwarto. Ako ba talaga nagpumilit na dito ako matutulog? Babae ka, Daphnie Elliss! Babae ka! Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration at kahihiyan.