Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 8 - CHAPTER VIII

Chapter 8 - CHAPTER VIII

Preoccupied

Gawain ko na talaga ito noon pa, ang silayan ang ganda ng Han Ezequiel sa tabing dagat habang nanonood sa paglubog ng araw nito. Pagsapit ng dapit-hapon ay agad akong lalabas ng bahay at lalakarin patungo doon dahil di naman ito kalayuan sa aming bahay. Di na nagtataka ang mga magulang ko kung mawala ako sa ganoong oras, minsan ay di ko namamalayan na gabi na pala at mapagtatanto ko lang iyon kapag tinawag na ako ni Papa para kumain at sabay na kaming uuwi sa bahay.

Di ko akalaing dadating ang panahon na may makakasama na akong silayan ang ganda ng Han Ezequiel. Di na kasi pwedeng lumabas ng ganoong oras si Wendy dahil nasa kabilang kanto pa ang bahay nila.

Summer iyon noong 2006, tumakbo ako papuntang tabing dagat dahil mag aalasais na. Baka di ko na masilayan ang paglubog ng araw. Pawisan na ako! Pero may nakapagpatigil sa akin. Isang batang lalaki na nakasalamin at medyo madumi na ang kanyang suot na tshirt at shorts. Lalagpasan ko na sana siya dahil nasa playground siya, malay ko ba kung gusto niya lang maglaro. Nakakaisang hakbang palang ako ay narinig ko na siyang humikbi. Di na ko nagdalawang isip na lapitan siya, baka mamaya ay may masamang nangyari sa kanya.

"Oy bata! Ayos ka lang?" lapit ko sa kanya at tinapik pa ang kanyang balikat. Tiningala niya naman ako habang nakaupo siya sa dulo ng slide ng playground. Pero di niya ako sinagot! Singhot lang siya ng singhot!

"Ano bang nangyari sayo?" lumuhod na ko para mapantayan siya. Ano ba naman ito! Kalalaking tao eh napaka iyakin.

"I'm lost." Ha? Ano daw? Taga saan ba ito? Malamang ay di ito taga rito at iba ang lengguwahe.

"Nawawala ka ba?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Sabi na eh! Buti naman at nakakaintindi siya ng tagalog, siya na lang ang umintindi dahil di ko siya maintindihan.

"Huwag ka ng umiyak, mahahanap mo rin ang mga kasama mo." sabi ko habang tinatapik pa ang kanyang likod. Napatingin ako sa likod ko at nakitang malapit na mawala sa paningin ang araw! Hindi ko napanood! Tumingin akong muli dito sa bataa sa harap ko at may naisip na ideya.

"Tara sumama ka sakin!" higit ko sa kanya at dinala siya sa tabing dagat. Sumalampak agad ako sa buhangin at sinilayan ang araw. Tumingin ulit ako sito sa bata at tinapik ang katabi kong espasyo para paupuin siya.

"Wag ka ng umiyak bata! Sigurado akong makikita ka ng magulang mo pag napadaan sila dito. Panoorin mo na lang ang paglubog ng araw at sigurado akong mapapakalma ang kalooban mo." sinunod niya naman ang sinabi ko at pinanood ang araw. Halos sampung minuto kaming ganoon at nilingon ko siyang hindi na naiyak. Nangingiti na siya ng hindi niya namamalayan.

"Ayos ka na ba?" tumango naman siya. Mabuti naman. Sigurado akong makikita siya ng hinahanap niya dahil halos lahat ng napapadaan dito ay humihinto ng di sinasadya.

"Sa-sala-m-mat." nahihiya niya pang sabi at halatang di sanay mag tagalog.

"Oo naman! Bat ka ba nawala? Tumakas ka ba tas di nakabalik?" marami kasing malapit na beach resort dito, siguro ay doon siya nanggaling.

"I followed the butterfly and it dragged me there at the playground." tumango na lang ako kahit butterfly at playground lang ang naintindihan ko.

Di nagtagal ay dumating na si Papa para sunduin ako, nagulat pa siya ng may kasama ako at tinanong kung sino iyon. Sinabi ko sa kanya ang nangyari at nagprisentang dalhin siya sa resort kung san ito nanggaling. Sumama narin ako syempre. Dumating kami doon at tumakbo agad ang yaya niya papunta sa kanya.

"Jusko kang bata ka! Kung san san ka nagpupunta mabuti na lang at nakabalik ka kaagad. Muntik na namin nasumbong kay Mommy at Daddy mo na nawawala ka!" yakap na yakap naman ang yaya niya sa kanya. Napatingin naman sa amin ni Papa ang yaya niya.

"Naku, sir! Pasensya na sa abala, maraming salamat at nahanap niyo siya!" banggit ng yaya kay Papa.

"Walang anuman, itong anak ko ang nakahanap sa kanya at sinamahan siya habang naghihintay na mahanap siya ng mga kasama niya." sabi ni Papa habang ginugulo pa ang buhok ko na parang proud na proud siya sa akin.

"Naku! Maraming salamat hija! Bilang pasasalamat eh gusto niyo bang sa loob na maghapunan?"

"Salamat po sa alok ngunit ayaw na namin kayong maabala pa. Naibalik naman na namin siya sa inyo at masaya akong maayos ang kalagayan niya."

"Naku! Kami nga itong naka abala pa pero kung gayon ay sige ho! Maraming salamat ulit!"

Umalis na kami ni Papa doon at nung malapit na kaming makalabas sa gate ng resort ay may nakalimutan akong itanong sa bata! Lumingo uli ako sa aking likuran at nakitang nakatayo parin siya kung saan namin siya iniwan.

"Bata! Anong pangalan mo?!" sigaw ko na siguradong maririnig niya. Mukhang natauhan siya sa pagsigaw ko at di mapakali.

"Uh-uhm, Kaleb!" sigaw niya pero di ito sapat para maintindihan ko ng husto. Sa huling pantig lang lumakas ang boses niya kaya leb lang ang narinig ko. Tatanungin ko pa sana siya pero ginayak na siya ng kanyang yaya sa loob at kumaway pa sa amin.

"Ha? Leb na lang! Lebleb! Babye!" sigaw ko pa ulit.

Masasabi kong naging masaya ang buong summer ko noong taon na yun. Araw araw siyang tumatakas sa beach resort at pupuntahan ako sa tabing dagat tuwing dapit hapon at susunduin ng kanyang yaya. Noong una ay lagi siyang hinahanap ng yaya niya pero nasanay na ito sa kanya at sinusundo na lang rin siya kapag maghahapunan na.

Buong summer ay naging ganoon kami. Wala kaming ibang ginawa kundi ang manood sa paglubog ng araw o di kaya ay magtampisaw sa tubig o maglaro ng kung ano ano sa buhanginan. Minsan nga ay tinuturuan niya pa ko mag Ingles at tinuturuan ko siyang mag Tagalog.

Nalaman ko lang na tuwing summer lang siya pupunta nung sinabi niya sa akin. Sa loob ng anim na taon ay naging ganoon kami ni Lebleb. Masaya akong naghihintay sa pagsapit ng summer dahil alam ko na dadating siya. Naging makahulugan ang kabataan ko noon dahil kasama ko siya.

Inaasar nga ako lagi ni Wendy na chilhood sweetheart ko daw iyon sa sobrang kaligayahan ko kapag nandyan si Lebleb at sobrang kalungkutan ko naman tuwing wala siya at lalo na nung hindi na siya bumalik.

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Di ko na matandaan kung kailan pa yung huling panaginip ko tungkol kay Lebleb.

"Bakit ba kasi hindi ko tinanong yung pangalan niya noon eh!" sabi ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang sarili kong buhok. Di ko naman kasi aakalain na di na siya babalik! Masyado akong preoccupied kapag magkasama kami na ni minsan ay di sumanggi sa isip ko ang tanungin ang pangalan niya. Nakakainis!

Kung alam ko lang ay tinanong ko para alam ko kung saan siya hahagilapin. Pero sandali lang! Alam niya ang pangalan ko! Alam kong sinabi ko sa kanya ang full name ko! Siguro ay nakalimutan na ako noon dahil di man lang ako nakamusta kahit isang beses sa loob ng walong taon.

Napatingin ako sa alarm clock kong nahulog. Masyado atang brutal ang pagkakapindot ko kaya nahulog. Pinatong ko na ito sa aking bedside table at nagkusot kusot pa ng mata at humikab. Tatayo na sana ko para kumain ng napalingat ulit ako sa orasan. Eight na! At eight din ang pasok ko! Napabalikwas ako ng tayo at dumiretso sa cr.

"Shit!" masyadong napasarap ang tulog ko at kahit alarm kong napakalakas ay di ako napabangon.