Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 10 - CHAPTER X

Chapter 10 - CHAPTER X

Favorite

Nagpumilit pa si Kaleb na hintayin akong matapos sa S.A. Department o di kaya ay tulungan niya daw ako para mas mabilis na matapos. Gusto niya kasi na magsabay na daw kaming kumain pero ayaw ko naman siyang abusuhin. Napagdesisyonan kong kumain na lang muna kami para di na siya maghintay sa akin sa department. Pero as expected, nagpumilit parin siyang hintayin o tulungan ako para sabay na daw kaming pumunta sa dorm ko.

"Kaleb, mabilis nga lang ito. May kokopyahin lang ako sa document at tapos narin ako. Diba ay ipapahatid mo pa ang mga kakailanganin para sa pagluluto? Ayusin mo na iyon at itetext kita pag nasa dorm na ako para makapunta ka." panunuyo ko sa kanya. Nakailang alitan pa kami bago siya sumuko at pumayag sa gusto kong mangyari.

Magiisang oras na ako dito sa dorm at wala parin si Kaleb. Kanina ko pa siya tinext na nandito na ako, ang sabi niya lang ay on the way na daw siya. Di ko alam kung bakit natagalan siya eh tabi tabi lang naman ang dorm dito. Hinayaan ko na lang at baka may iba pa siyang ginawa. Nakaramdam ako ng pagkamiss sa aking bestfriend kaya sinabihan ko siyang magvideo call kami sa Skype. Hapon na kaya malamang ay tapos na ang klase nun at tumatambay na lang sa kung saan. Nagreply naman siya at sinabing pupunta sa bahay namin para makita ko rin sila Mama at Papa.

"Ayos ka lang ba jan anak? Nahihirapan ka ba? May nangaaway ba sayo? May kailangan ka ba?"

"Ma! Alam kong miss mo na ko pero wag ka ngang O.A.! Madali lang akong nakapagadjust at may kaibigan narin ako dito."

"Daphnie! Sinasabi ko na nga ba at nakalimutan mo na ako eh! May naipalit ka na ba sa akin? Huhuhu..." pageemote ni Wendy na nagkukunwaring umiiyak.

"Isa ka pa, Wendy. Walang makakapantay sa boses mong pangmalakasan. Ikaw lang ang bukod tanging bestfriend ko at alarm clock." sabi ko sa kanya habang natatawa pa.

"Elliss, baka naman hindi ka na nageenjoy jan anak. Wag mo masyadong abusuhin ang utak mo sa pagaaral. Magpahinga karin minsan at maghanap ka ng boyfriend para may libangan ka."

"Pa! Hindi iyon ang ipinunta ko dito." sabi ko sabay irap pa sa kanya.

"Osiya, magsabi ka lang kapag may kailangan ka ah. Pupunta na ako sa baryo at may aasikasuhin pa ako. I love you, anak." sabi ni Papa habang kumakaway at umalis na. Saktong pagalis ni Papa ay ang pagdoorbell sa aking pintuan. Bigla kong naalala na pupunta nga pala si Kaleb.

"Ano yun, Daphnie? May bisita ka?" tanong ni Wendy na nakataas pa ang isang kilay.

"Ay, oo! Muntik ko na ngang malimutan. Magpapractice kaming magluto ng classmate ko para maibenta sa booth namin."

"Sige pala at may gagawin pa kong mga assignments. Sabihan mo na lang uli ako kapag may free time ka at makapag video call uli tayo. Bye, Daphnie! I miss you! Mwah!"

"Sige na, anak. Magiingat ka jan Eliss ah? Miss ka na namin. Pag-igihan ang pagaaral at kumain ka ng maayos ah!"

"Opo, bye Ma! Bye, Wendy!" kumaway ako sa kanila at nag flying kiss pa. Pinatay ko narin ang laptop ko at nagmadaling tumakbo sa pintuan para pagbuksan ang OhMyG-Model ba itong nasa harap ko?! Simpleng itim na v-neck shirt at sweatpants lang ang suot niya pero ang lakas makaakit ha! Nahiya naman ang suot kong malaking tshirt at pajama.

"Sorry, natagalan. Nagpabili pa kasi ako ng mga kailangan eh. Di ko naman alam kung ano kaya pinabili ko lang lahat. Kuya pakipasok na lang po." nagkakamot pa siya sa kanyang batong habang sinasabi sakin. Nagulat ako ng mag halos apat na lalaki ang pumasok sa dorm ko at may dalang kung ano anong appliances. Andami! Halos pare pareho lang gamit nito! Magkakaiba lang ang itsura! Natigil lang ako sa pagkagulat ng kinausap ako sa isa sa mga nagbibitbit.

"Ma'am? Saan po ba namin ito pwedeng ilagay?"

"Ha? Doon. Ah, dito na lang po sa counter sa may kusina." tinuro ko at inilapag na nila doon lahat. Di pa nga nagkasya sa dami at nasakop pa ang hapag kainan ko. Nagpasalamat na si Kaleb at ginayak ang mga nagbuhat palabas. Itinabi ko naman muna ang ibang gamit na sa tingin ko ay sa booth na lang namin gagamitin para makaluwag kami sa pag eensayo dito.

"Kaleb, halika nga dito." mukha naman siyang tuta na sunod na sunod sa amo. Lumapit siya sa akin at tinignan din ang mga tinitignan ko.

"Andami mong binili na mga gamit eh wala ka namang binili na ingredients na pangtimpla!" masama ko siyang tinignan at tinaas ang kamay niya na parang sumusuko.

"I didn't know. Di ko alam na kailangan pa ng ganoon." nasapo ko na lang ang noo ko. Medyo expected ko naman na ito pero iba parin pala talaga pag nangyayari na.

"Sige, sige na! Ako na lang ang mamimili at sa isang araw na lang natin simulan yung sa mga beverages. Mabuti na lang din at hindi ka bumili at baka bilhin mo lang din lahat. Tulungan mo na lang ako sa pagbe-bake!" mukhang kumislap naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Sure! I'd love to! I really love pastries, I just don't know how to bake one." halata nga at nauna pa siya sa counter kesa sa akin. Tinabi ko na muna lahat ng pinamili niya tutal ay di pa naman namin masisimulan.

"Ano bang paborito mo? Lutuin natin at baka pwede nating mabenta para sa booth." natagalan pa siya sa pagsagot at mukhang marami siyang paborito kaya nagisip pa siya ng maigi.

"Blueberry shortcake." tumango tango naman ako at tinignan ang mga rekados na meron ako para malaman kung pwede akong makagawa ng gusto niya. Kumpleto ako lahat except sa blueberry.

"Kaleb, strawberry lang ang meron ako eh."

"Okay lang, stawberry shortcake will do." sabi niya na mukhang excited parin. Pinrepare ko na lahat ng kailangan at inilatag sa lamesa. Habang sinusukat ko ang bawat sangkap ay si Kaleb naman ang naglalagay sa malaking bowl.

"Oh, kumpleto na. Istart mo na yang hand mixer para mahalo na. Sandali at isasaksak ko lang." tulad nga ng sinabi ko ay sinaksak ko na ito sa extension na nasa ilalim ng lamesa. Pagangat ko ay sakto namang pagandar ng mixer at pagtalsik sa mukha ko nung batter.

"Kaleb! Masyadong malakas dapat ay sa mahina ka nagumpisa-Hmmp..pfft...Hahahhaha!" kung kanina ay halos magalit ako, ngayon ay di na ko makapagpigil ng tawa. Nakakatuwa ang itsura niya! Mukha siyang batang paiyak na punong puno ng talsik mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang katawan.

"Do you find this funny? Huh?" napatigil ako sa pagtawa ng onti onti siyang lumapit sakin. Sa pagatras ko ay ang pagtakbo niya papunta sa akin, dumutdot pa siya doon sa batter at pinunasan ang mukha ko. Edi syempre bumawi ako! Naghabulan kami at nagpunasan hanggang sa mapagod kami.

"I-I feel sticky. Can I use your bathroom?" sabi niya habang hingal na hingal.

"Yeah. Isasalang ko na ito sa oven." habang nagsasalin ako ay natatawa parin ako. Ang saya pala niya kasama! Ang hirap mawala sa isipan mo once na makita mo ang mukha niyang sobrang saya. Parang mahahawa ka na lang at mapapawi lahat ng kalungkutan mo.

Napapailing na lang ako habang nagsasalin ng batter na halos dalawang cup na lang ang dami. Naubos na sa kakalaro namin. Saglit na lang ito lutuin dahil onti na lang ang natira. Habang maghintay sa pagluto nito ay maliligo muna ko dahil nanlalagkit narin ako.

"Elliss, I used your towel. Kinusot ko rin ang shirt ko dahil andaming mantsa." sabi niya habang nagpupunas ng kanyang buhok. Paglabas niya ng pintuan ay ang paglingon ko sa kanya. Di ko alak kung paano ko idedescribe ang itsura ko. Nakadungaw ako habang nakanganga at tinitignan siyang naka-topless. Napatakip ako sa mata ko pero syempre may awang parin sa gitna.

"Kaleb! Magbihis ka nga!" my virgin eyes!

"Wala akong extra shirt, can you lend me one?" natatawa na nangaasar pa siya habang sinasabi yan.

"H-Ha? O-oo, wait lang. Kukuha ako sa k-kwarto. E-excuse." nagmadali ako sa pagpasok sa aking kwarto at naghanap ng damit na pwede niyang masuot kahit na di ko alam kung meron ba. Mabuti na lang at mahilig ako sa malalaking shirt na pambahay at may nakuha ako isang malaking white shirt na may maliit na logo lang ng brand nito sa gilid. Kumuha narin ako ng panibagong towel dahil nagamit na niya iyong nasa cr.

"Oh, eto. Magbihis ka na, maliligo lang ako." inabot ko sa kanya ang tshirt ng di man lang siya sinusulyapan. Pumasok na ko agad at naligo. Saktong paglabas ko naman ay ang pagtunog ng oven, ibig sabihin ay luto na.

Inilabas ko na ito at ipinatong sa cooling rack. Inilabas ko na rin ang mga fresh strawberries at icing na nabili ko. Umupo naman si Kaleb sa harapan ng lamesa at pinanood ako sa ginagawa ko. Nadidistract ako pero di ko na lang masyadong pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Can I taste it?" tanong agad ni Kaleb pag tapos kong designan at lagyan ng strawberries.

"Oo naman. Saglit lang at kukuha ako ng plato." kumuha na ako at sinandukan siya ng isang parte ng strawberry shortcake. Umupo ako sa tapat niya at hinihintay ang rate niya sa luto ko habang tinitikman niya.

"Ano? Ayos ba?" tanong ko ng nakitang nalunok na niya ang unang tikim. Tumingin siya sakin ng seryoso. Kinakabahan ako! Bat ganyan yung tingin niya? Hindi ba masarap?

"Hindi..ba mm-masarap?" tanong ko na naiilang pa.

"I guess I have a new favorite." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin sabay kain ulit na para bang mauubusan siya. Lintek to! Kinabahan ako dun ah.

Parang wala lang sa kanya yung sinabi niya samantalang ako ay di mapakali. Parang iba yung dating sakin nung sinabi niya.

"You should try it." napansin niya sigurong di ako kumuha kaya itinapat niya sa akin ang tinidor na may piece ng stawberry shortcake. Umiling ako pero inilapit niya pa lalo ito sa akin kaya tinikman ko na rin. At masarap nga! Napangiti na lang ako at kumuha narin. Eto na ata ang pinaka masarap sa lahat ng nabake ko. Di ko alam na ganto ang kalalabasan ng lasa gayong pinaglaruan pa namin.

"See? Lahat ata ng bake mo ay ganto kasarap." sabi niya habang nanguya at ninanamnam ang cake. Umiling ako sa sinabi niya at nagtaka naman siya.

"Actually, eto ang pinakamasarap sa lahat ng nabake ko. I don't know why. Mas masarap siguro talaga ang luto kapag masaya kang nabe-bake." nagkibit lang ako ng balikat at tinignan siyang nagtataka sa sinabi ko.

"Why? Di ka ba masaya?"

"Madalas kasing magisa lang akong nabe-bake sa probinsya kaya literal na pagluluto lang ang iniisip at ginagawa ko." tumango tango naman siya at parang nagpipigil ng kilig.

"Mas masarap ang luto mo ngayon so I guess you're happy then?" tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Kaleb." tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sakin pagtapos niyang isubo ang cake.

"I guess this is also my new favorite." dagdag ko pa na ikinagulat niya at ikinabuga ng cake galing sa kanyang bibig. Naubo ubo pa siya kaya imabutan ko na siya ng tubig na ininom niya kaagad. Napailing at patawa tawa na lang ako sa reaksyon niya.

I guess this is really my new favorite. Anything. Anything I do. As long as it's with you. Actually, sa tingin ko ay si Kaleb na mismo ang aking paborito.

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na tahimik na kumakain. Ang sarap niyang titigan. Nung tumingin siya sa akin ay agad ko siyang nginitian at ipinagpatuloy na ang pagkain.