Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 9 - CHAPTER IX

Chapter 9 - CHAPTER IX

Hold

"Time is up! Pass your paper to the center aisle then pass it forward." sigaw ng Prof. namin sa Human Resource Management. Di niya naman kailangang sumigaw talaga dahil kulob naman ang room. Ewan ko dito sa matandang to, nabibingi na ata at sarili niyang boses di na niya marinig.

Pinasa na sa akin ang mga papel at pinasa ko na ito sa aking harapan. Last subject na namin ito ngayong araw at pagod na pagod na ako! Late ako sa first subject ko kaya di ko na ito pinasukan dahil halos fifteen minutes na lang ang natitira. Finance ang subject namin bago itong Human Resource Management at nagkaroon kami ng surprise recitation. Isang tanong lang ang ibabato sa iyo, either bagsak ang grade mo pag di mo nasagutan o perfect naman kapag nasagot mo. Buti na lang at lagi akong nagaadvamce study bago matulog at confident kong nasagot ang tanong kanina.

Napahiga ako sa sandalan ng aking upuan, sumakit ang batok ko dahil masyadong nadrain ang utak ko sa pagsagot sa quiz namin. Nasagutan ko naman lahat pero masyado kong inintindi bago masagutan dahil karamihan doon ay hindi iyong mismong nakasulat sa libro. Mabuti at nakikinig ako pag naglelesson ang matanda.

"I think I might fail this subject. Essay lang ata ang nasagutan ko." sabi ng malungkot na Mari at tumungo.

"Ok lang yan Mari, makinig ka kasi sa susunod ha? Puro ka daldal jan kay Riza, kaya ayan tuloy." sarcastic kong sabi na may matching iling iling at hagod sa kanyang likod. Di ko kasi siya pinapansin pag naglelecture kaya ang isa niyang katabi ang dinadaldal niya.

"You're so mean, Daphnie!" sabi niya sabay pout pa sa akin.

Pagkalipas pa ng ilang minuto ay nagdismiss na si tanda. Ako naman ay nanatiling nakaupo dahil nagsusulat pa ako ng promissory note para sa nauna kong subject na di ko naattendan.

"Kain tayo Daphnie, masarap yung pasta na binibenta nila sa cafeteria." yaya sa akin ni Mari.

"Sorry, Mari. Ipapasa ko pa kasi to. Tas may aasikasuhin pa ko sa department."

"Hay, di pa tayo nagkakasama ulit. Magiging busy pa naman na tayo next week." pagtatampo niya. At dun ko nga lang din narealize na hindi nga kami pala nakagala nung nakaraan! At di pa ko nakakapag sorry, hihingiin ko na din ang number niya.

"Mari, sorry nga pala nung nakaraan at di tayo nakapagtagpo sa mall. Kunin ko na din ang number mo para di na ko mahirapang icontact ka. Babawi ako promise!" binigay ko sa kanya ang phone ko ng nakataas pa aking isang kamay na nangangako.

"It's fine! I actually had fun watching movie at Tristan's dorm. Ginabi na nga ak-" dire diretso niyang sabi, walang preno. Pero biglang nanlaki ang mata niya sa aking likuran na parang nakakita ng multo.

"Sorry! Di ko sinasadya! I-I mean, heto ang number ko, itext mo na lang ako ah? Bye!" ambilis niyang pumindot, di ko alam kung tama pa ba itong nailagay niya. Pagtapos ay kumaripas siya ng takbo.

Ano daw? Tristan's dorm? Akala ko sa sinehan sila nanood! Lagot talaga siya sakin pag nagkita ulit kami! Di man lang ako sinabihan. That day was a real torture at di ko alam kung pano papakisamahan si Kaleb.

"We'll start later, right?" napatalon ako sa gulat ng biglang magsalita si Kaleb sa gilid ko. Oo nga pala at sinabi niya iyon!

"Aah! O-Oo!"

"Edi sabay na tayo. Tristan, mauna ka na. Pupunta ako sa dorm ni Daphnie, may gagawin pa kami." sabi niya kay Tristan at nabigla pa sa sinabi ni Kaleb. Mali naman kasi ang pagkakasabi! Baka kung ano ang isipin. May gagawin pa kami? Sa dorm ko? Ano?!

"Ah, kasi ano, uh-magpractice kami magluto para sa booth. Oo, ayun! Yun magpractice kami! Hehe.." sabi ko kay Tristan ng nauutal pa. Napakamot na lang siya sa kanyang batok at tinapik na ang balikat ni Kaleb at nagpaalam.

"Ipapasa ko pa kasi tong promissory note, tsaka may aasikasuhin pa ko sa S.A. Department. Kumain ka muna tas magbihis tas dumiretso ka na lang sa dorm ko. Di naman ako magtatagal." imbis na sagutin niya ako ay inabot niya ang phone niya. Nakakunot noo ko siyang tinignan. With the look anong-gagawin-ko-jan?

"Number." sabi niya.

"Aw, okay." tinipa ko na ang cellphone number ko at iniabot sa kanya. Kukunin ko na sana ang gamit ko ng biglang may magflash sa mukha ko. Napapikit ang mata ko dahil masyado akong nasilaw.

"Uy! Ano yun? Pinicturan mo ba ko, Kaleb?" sabi ko habang inaabot pa ang phone niya. Hinarap niya sa akin at yun ang ginawa niyang photo ko sa contacts. Heart din ang name ko! At ang pangit ko sa picture! Nakakunot ang noo ko at pilit na ipinikit ang mga mata.

"Kaleb! Idelete mo yan!" at ang bwiset! Itinaas pa ang kamaay niya edi hindi ko na lalo naabot. Hanggang balikat niya lang ako. Di ako maliit ok?! Sadyang matangkad lang siya. Kaya tumungtong ako sa upuan na nasa harap ko at inagaw agad sa kanya ang phone.

Masyado siyang nagulat sa bilis ng pangyayari kaya di niya namalayang nahablot ko na ang phone sa kanya. Nung dapat ay pipindutin ko na ang photo ay namali ang apak ko! Wala palang tungtungan ang kaliwa kong paa. Kaya ang ending, muntik na akong mabagok. Pumikit na nga ko para handa ng bumagsak. Pero pagdilat ko ay isang matipunong dibdib ang sumalubong sakin. Napaangat ako ng tingin at nakita ang napakagwapong mukha ni Kaleb na punong puno ng pagaalala.

"Are you hurt?"

"Ha? No, n-no! Okay lang ako!" sabi ko at umayos na ng pagkakatayo at medyo lumayo sa kanya. Inayos ko rin ang palda kong medyo umangot, buti na lang at lagi akong nakashorts.

"Salamat. Eto oh, sorry." sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin at iniabot na ang phone niya. Di ko na dinelete, sinalo niya naman ako. Wala namang masama na magkaroon siya ng isang picture ko kaya hayaan ko na lang.

"Tss. Ang kulit mo kasi, di ka marunong magingat." sabi niya at isinukbit na ang kanyang backpack. Kinuha niya na rin ang aking shoulder bag. Kukunin ko na ito sana sa kanya pero nagsalita siya ulit.

"You sure you're fine?" tumango na lang ako ulit. Totoo naman, wala namang masakit sa akin. Kung di niya ako sinalo ay baka iyon! Buong katawan ko ang masakit.

"Tara, ihahatid na kita." sabi niya at inalalayan ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay.

Di ko rin alam pero hinayaan ko na lang siyang gawin iyon. Mukha na nga kaming magjowa sa ginagawa niya. Pinagtitinginan na rin kami ng lahat ng nadadaanan naming estudyante patungo sa faculty pero di ko na iyon pinansin. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay niyang malalambot. Di ko alam pero ang sarap sa pakiramdam, napapakalma niya ako.