Errands
"Ay kuya pakilagay na lang po jan. Ako na ang magaayos. Salamat po!"
"Walang anuman ma'm!" sabi ni kuyang tagabuhat. Iginayak ko na siya papalabas ng aking dorm at nagbayad para sa kanyang serbisyo.
Last day ko na ngayon ng pagaayos dahil next week ay may pasok na ako. Sa isang buwan na paghihirap ko sa pagaayos ng aking dorm ay worth it naman dahil sa ganda ng kinalabasan nito.
Pagpasok mo palang sa aking dorm ay makikita sa bandang kaliwa ang ginawa kong living room na may katamtamang laking tv, coffee table at sofa. Sa kanan naman ay may dalawang pintuan, ang una ay ang aking kwarto at ang pangalawa naman ay aking cr. Sa dulong kaliwa naman ay ginawa kong study space ko na may mga bookshelves at nakaset-up na laptop at ang lahat ng kakailanganin para sa school. Pag dumiretso ka pa ay ang mini balcony. Sa kanan naman, katapat ng aking study space, ay ang U shaped kitchen na may kainan sa gitna nito.
Maganda na mismo ang interior ng dorm kaya di na ko nahirapan na ayusin ito. Maghalong white at black ang kulay nito na gustong gusto ko.
Tinutulak ko na papunta sa balkonahe ang bagong bili kong lamesa na wooden black at tinernuhan ito ng upuan na wooden white para di ito lumihis sa theme ng aking dorm. May bubong na sisilungan dito sa balkonahe, kaya't magandang tumambay dito kung gusto ko magpapresko. Nang nakuha ko na ang gusto kong paglagyan ay saktong pagring ng aking cellphone. Hinanap ko pa dahil di ko alam kung san ko nailagay. Nung nakita kong nakalapag ito sa lamesa sa aking study space ay agad ko ring sinagot.
"Hello?" banggit ko ng di tinignan kung sino ang tumatawag.
"Good Afternoon Ms. Corteza, this is from the office of M.A. University. We would like to inform you that your uniforms are all ready. You can claim it here during weekdays from 8 AM to 5 PM." tinig ng isang babae mula sa aking cellphone. Buti na lang din at tumawag siya, muntik ko ng makalimutan ang aking uniform eh next week na ang pasok ko.
"Baka po bukas ko na lang kunin. Maraming salamat po!" binaba niya na rin ang tawag. Dadaanan ko na lang ito bukas at wala naman na akong ibang choice dahil friday na bukas. Kundi ko pa kukunin ay wala akong susuotin next week.
Kakatapos ko lang maligo at nagbibihis na ko para pumunta ng school. Sa tagal kong nandito, di ko alam kung bakit nakalimutan ko ang aking uniform. Pasalamat na lang talaga at pinaalala nila sa akin kahapon.
Simpleng V-neck black shirt na naka tuck in sa blue maong pants lang ang suot ko at may dalang sling bag. Sa gantong pananamit ako kumportable at mas nadedefine ang katawan ko. Di ako mataba pero di rin ako payat, sakto lang na pumapantay sa height kong 5'4.
Mahaba ang legs ko at kurbado ang katawan kaya gustong gusto ko ang nagta-tuck in sa pants. May kaputian din ako kaya madalas na sinusuot ko ay dark colors.
Sumilip pa kong muli sa aking salamin at inayos ang buhok kong itim na hanggang balikat at tuluyan ng umalis sa aking dorm.
Naglalakad na ko papunta sa school habang nagmamashid sa paligid. Bago ako makarating sa eskwelahan ay nadaanan ko pa ang yayamaning dormitoryo para sa mga estudyanteng yayamanin din. Mahahalata mo talagang magarbo ito dahil sa laki neto at may sarili pa tong parking lot na puno ng mamahaling sasakyan.
Kumatok muna ako bago pumasok sa opisina. Maraming tao ang abala, siguro ay dahil sa susunod na linggo na ang pasukan. Luminga linga muna ako na parang may hinahanap para mapansin naman nila ako. Di naman ako nabigo dahil may babaeng di katandaan ang lumapit sakin at nagtanong.
"Are you Ms. Corteza?" tanong niya sakin at tumango na lamang ako. Sabay alis at sumunod na lang ako sa kanya kasi sabi niya ay "follow me" daw.
May pinasukan pa muli kaming kwarto na akala mo ay walk-in closet sa ganda ng pagkakalagay ng mga damit. Habang manghang mangha pa ko sa paligid ay inabot niya na sa akin ang mga uniporme ko. May inabot pa siya sa aking I.D. na agad ko ring tinignan.
"You should wear your I.D. all the time Ms. Corteza especially when entering the Student Assistants' Department." bilin niya sakin na marami pa tungkol sa department. Sinabi niya rin na sa susunod na linggo ko na sisimulan ang pagsisilbi doon.
Pagkatapos namin magusap ay nagpaalam narin ako dahil wala naman akong ibang sadya bukod doon. Pagkabalik ko sa bahay ay agad ko nang inayos ang aking mga uniporme dahil lalabhan at paplantsahin ko pa ito.
Habang tinitignan ko ang kabuuan nito at iniimagine ko na ang magiging itsura sa akin. Palda ang uniform ko dahil ang mga slacks ay para sa mga estudyante ng engineering. Longsleeves na puti ang pantaas sa tiniternuhan ng necktie na kakulay ng hanggang tuhod kong palda, checkered ito na umiikot lamang sa kulay ng blue at violet.
Tinabi ko na ito sa aking cabinet at nagpahinga. Susulitin ko na dahil alam kong magbabago na ang ihip ng hangin pagkasala ko sa eskwelahan.