Encounter
Habang naglalakad na ako patungo sa gate ng M.A. University ay andami kong nakakasabay. Malamang ay dahil sa first day of school ngayon. Di naman ako nagmamadali kasi alam ko na ang section at room na pupuntahan ko. Hello? digital-era na ngayon, kaya sinend na nila sa email ko lahat ng kailangan kong malaman.
Nakarating na ko sa building ng Business Management. Di naman na ko nagulat ng wala na masyadong tao dito dahil 7:50 AM na at 8 AM ang pasok ko. Pumasok na ko sa elevator at pinindot ang 3rd floor dahil nandoon ang classroom ko. Kada palapag kasi ay iba't ibang kurso na kunektado sa business. Nung magsasara na ang elevator ay bungad naman ng isang babaeng hingal na hingal.
"WAIT!" sigaw niya. Buti na lang at mabilis ang reflexes ko kaya napindot ko kaagad ang open.
"Thanks." sabi niya habang nagpupunas pa ng kanyang pawis. Ang ganda niya! Mala-anghel ang pagmumukha at halata mo talagang mayaman. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya napalingon siya sa akin.
"Um, hi?" sabi niya na medyo nahihiya pa.
"Ay hello!" maligayang bati ko naman. Mukha naman siyang mabait at low key lang.
"Thanks by the way. I'm Mariette, Mari na lang for short. And you are?" inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman agad.
"Daphnie Elliss. Daphnie na lang." sabi ko ng nakangiti. Tumango naman siya sabay baling sa pindutan sa elevator.
"3rd floor ka din? What's your room number?"
"BM307" sagot ko naman agad na ikinalaki ng mata niya.
"Wow! We're classmates for the whole year then!" sabi niyang tuwang tuwa habang pumapalakpak pa.
"Well it's nice to have a friend. Guess my first day's not gonna be that bad akala ko kasi ay mahihirapan akong magadjust dito sa Philippines." dagdag pa niya. Tumunog na ang elevator na ang ibig sabihin ay nasa 3rd floor na kami. Pero patuloy parin kami sa paguusap habang naglalakad patungo sa room namin.
"Sabi ko na nga ba't hindi ka taga dito. Halata sa mukha mo. Taga saan ka? Buti may alam ka pa sa Tagalog."
"I've been living in Australia since elementary but I was born here in the Philippines and I'm a pure Filipino. We came back here dahil gustong magsettle ng family ko dito." sabi niya sabay kibit ng balikat.
"How about you?" tanong niya pa.
"Huh?"
"Where are you from?"
"Ah, I'm from Han Ezequiel. A province here in the Philippines." sagot ko naman sa kanya na ikinalaki ng mata niya.
"Really?! I taught you're from another country too! Sa ganda mong yan ay di aakalahing probinsyana ka!" sabi niya na ikinahiya ko. Thank you na lang ang naisagot ko at tuluyan ng pumasok sa classroom.
Hinila niya pa ang kamay ko at sinabing magtabi daw kami dahil wala naman siyang ibang kilala bukod sa akin kaya sumunod na lang ako. Nasa pangalawang row kami at ako ang nasa center aisle. Umupo na kami at nilapag ang bag.
Napalingon naman ako sa katapat kong center aisle sa kaliwa. Ay jusme! Muntik na akong matumba sa upuan sa gwapong nilalang naman na ito sa tapat ko! Paano ako makakapagaral niyan kung ngayon nakatagilid palang siya ay distracted na ako! Sinusuklay niya ang buhok niya habang dinidilaan ang pang ibabang labi. Ang ganda tignan ng features ng mukha niya, para bang sinalo niya lahat ng kapogian nung nagpaulan si Lord. Mula sa kilay niyang maganda ang kurba, sa mata niyang mapungay na para bang inaakit ka pag tinitignan, sa ilong niyang matangos, sa labi niyang kissable, sa panga niyang napaka-sexy, sa pangangatawan niyang katamtaman ngunit toned ang muscles, pati na rin sa-
Napatigil ako sa pagiisip ng nilingon niya ako ng nakataas ang isang kilay, sabay ngisi. Napaayos naman ako ng upo dun. Naku naman! Nahuli niya pa ata akong naglalaway sa kanya!
Pumasok narin ang aming homeroom teacher, buti naman at nakakahiya naman dito sa katapat ko. Di tulad kapag highschool ka, magintroduction pa kayo sa harapan ng classroom. Ngayon, kundi lang pinilit ng mga kaklase ko ang pagpapakilala ay dederetso na kami sa pag orientation. Tatayo na lang kami sa sari-sariling upuan at magsasabi ng pangalan at kung san nagmula. Para daw mabilis at makapagsimula na dahil nasa trenta kami dito.
Syempre dahil nasa second row lang ako ay mabilis na nakapagpakilala ang iba. Si Mariette na ang nagpapakilala at susunod na ako.
"Good morning to everyone! I'm Mariette Acosta but you can call me Mari. I just came home here in Manila from Australia. Hope that we can be friends!" pagpapakilala niya sabay upo na sa kanyang upuan. Nginitian niya lang ako at binulungan pa ng kinabahan daw siya. Napailing na lang ako at tumayo na para magpakilala.
"Um, good morning! I'm Daphnie Elliss Corteza, you can call me anything you'd like and I'm from Han Ezequiel." sabi ko ng dirediretso habang nakangiti. Di naman ako kinakabahan dahil sanay na ako sa pagsasalita sa harap ng maraming tao.
Di lang ako mapakali dahil itong katapat ko, parang habang buhay na naka tungo. Pero nung binanggit ko ang pangalan ko ay napatingin siya sa akin na para bang nagulat pero agad ding nagiwas ng tingin. Pero di ko na lang pinansin.
"Then can I call you mine?" sabi ng medyo chinito na lalaki sa bandang likod. Chineer pa siya ng mga barkada niya doon sa likod, ngumiti lang ako sa kanya at tuluyan ng umupo.
"Kaleb Rhayson De Adriel. From here." (keyleb reyson) di ko namalayan na nakapagpakilala na pala itong katapat ko. Ano ba yan! Napakatipid! Ginto ba iyang pagpapakilala mo at napakaonti ng sinabi mo! Tsaka ano yung from here?! Nakakain ba yun? Saang lupalop ko naman hahanapin yung from here na yun!
Umupo na rin siya sabay tingin sakin tas tungo nanaman. Di ba siya nangangalay sa pwesto niya?
"Hi! I'm Tristan Viel Sandoval. Just call me. From Quezon City." Mabuti pa itong kaibigan niya ay palangiti. At mukhang kalog pa kasama, sobrang kabaliktaran ng katabi niya.
Maagang natapos ang klase dahil student's orientation palang naman namin. Nung nagaayos ako ng bag ko ay tinanong ako ni Mari.
"Want to have lunch at the cafeteria?"
"Thank you pero mauna ka na. May aattendan pa kasi akong meeting sa Student Assistants' Department bago kumain."
"Okay then, see you around Daphnie!" sabi niya at niyakap pa ko. Napakaligalig ng babaeng iyon, naalala ko tuloy si Wendy. Kamusta na kaya iyon? Tatawagan ko na lang siguro siya mamaya.
Luminga muna ko at napagtanto na ako na lang pala ang tao, eh pano parang nag stampede ang mga kaklase ko ng nagdismiss ang professor. Napapailing na lang ako habang naglalakad. Nung nakalabas na ako ng room ay laking gulat ko ng may nakasandal sa pader sa gilid na lalaki habang nakapamulsa.
"Ay! Ano ba yan! Ginulat mo naman ako!" sabi ko habang hawak ang puso kong ang lakas ng tibok. Napatingin naman sa akin si Kaleb na napakaseryoso ng tingin sakin. Luminga pa ko sa paligid kung may iniintay pa ba siya pero wala namang ibang tao kaya tinanong ko na siya.
"Ano pang ginagawa mo dito Kaleb?"
"Tss." sabi niya sabay lakad palayo.
Napakunot na lang ang noo ko sa inasta niya. Anlakas ng trip niya ah! Ako na nga ginulat pero nagtanong parin ng maayos sa kanya tas "tss" lang matatanggap ko! Napa komplikado talaga ng lalaking iyon. Di mo alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.