Chereads / Where The Sun Sets (TagLish) / Chapter 5 - CHAPTER V

Chapter 5 - CHAPTER V

Close

Lumipas na ang isang linggo ko dito sa school ng walang masyadong ganap. Paulit ulit lang ang routine ko. Klase tas student assistants' office tas aral tas tulong sa department tas minsan gagala kasama si Mari tas uwi tas aral tas tulog tas ganun ulit. Nakapalumbaba ako habang nakikinig sa aming Professor na nagtuturo tungkol sa Entrepreneurship. Nakikinig naman ako pero nabobored ako kaya parang lumalabas din sa kabilang tenga ko ang mga naririnig ko. Nabuhayan lang ako nung sinabi ng Professor namin na may project kaming gagawin.

"Class, I've already divided your section into 6 groups. This activity will serve as your project as well as your examination for this subject. Ang written assessment lang natin ay inyong mga quiz, seatworks and homeworks. Others will focus more on performace tasks. I'll give you time to prepare para sa inyong project for the next 2 weeks. You'll be selling goods at magtatayo ng inyong sariling booth and the group who has the biggest income will receive a perfect score. And the rest will be graded according to the criteria. That's all, I'll just send the groupings through our group page. Dissmissed." yan ang sinabi ng aming Professor bago siya lumabas. At bago ako kulitin ng katabi ko.

"Gala naman tayo Daphnie!" sabi ni Mari ng nagpuppy eyes pa.

"Huh? Kakagala lang natin nung isang araw eh!"

"Eh nagikot lang tayo dito sa buong school nun habang kumakain eh. I want to go to the mall! Gusto kong magshopping, ang stressful ng week na ito!" may point naman siya, masyado kasing naging tambak ang pagbibigay ng mga activities ng aming mga Prof. Tutal ay wala naman akong schedule bilang Student Assisstant ngayon kasi Friday naman, di naman siguro masama kung mamili din ako. Pinipilit din ako nila Mama at Papa na mag looses up daw, maglabas labas kung gusto ko.

"Sige, magbibihis lang ako sa dorm." ayoko namang lumabas ng naka-uniform no!

"Okay then! I'll just pick you up." tumango na lang ako, pero bago pa siya lumabas ay lumingon pa siya sa likod.

"Boys, wanna come?" napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Tristan at Kaleb na nakatingin kay Mari tas sakin tas kay Mari tas sakin ulit.

"Sure!" sagot ni Tristan sabay akbay kay Kaleb na naglagay lang ng kanyang airpods. Dumiretso na sila sa labas tas may sinabi pa kay Mari na hindi ko naman narinig.

Naka-sleeveless top ako na kulay blue-gray na tinuck-in ko sa kulay puti kong shorts. Tinernuhan ko narin ng puting sneakers at sling bag na itim. Naglalagay na lang ako ng liptint nang tumunog ang doorbell ko.

"Sandali lang Mari!" sigaw ko sa kanya at nilagay na sa bag ang aking liptint. Lumapit na ko sa pintuan para pagbuksan siya at sabihing maupo muna kasi naiihi pa ako.

"Pumasok ka muna at magc-Kaleb?!" hindi si Mari ang bumungad sakin! Obvious naman diba? Sumilip pa ko sa labas ng pinto at baka nagtatago lang si Mari pero wala akong ibang nakita. Parang di na ko nac-cr.

"Nasan si Tristan at si Mari?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

"Nauna na." napakatipid talaga magsalita nito!

"Ha? Bakit daw?"

"Pinauna ko." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bakit?"

"What's the big deal? Ambagal mo kaya pinauna ko na." Aba't! Anong mabagal?! Eh wala pa ngang 30 minutes ang pag-aayos ko! Inirapan ko na lang siya at lumabas na, nilock ko na ang pintuan at dumiretso sa elevator. Sumunod naman siya sakin. Nung nakalabas na kami ng building ay naglakad parin ako ng dire-diretso.

"Where are you going? Sumakay ka na sa kotse." at pumasok na siya sa nakaparadang ford na puti sa harapan ng building. Di ko to napansin kanina sa pagmamaktol ko! Nung bubuksan ko naman ang passenger sear ay nakalock! Nakatatlong higit pa ako sa hawakan bago ito mabuksan! Aba't sinusubukan talaga nitong lalaking to ang pasensya ko ah. Tinignan ko muna siya ng masama bago sumakay, at eto siya pinagtatawanan ako!

"Nakakainis ka na ah!" sabi ko sa kanya at nagcross arms pa.

"Sorry, it's just fun teasing you."

"Di tayo close ah!" sabi ko sabay irap sa kanya. Nabigla ako nung onti onti siyang lalapit, di ko alam anong gagawin ko Lord! Sasapakin ko ba siya? O bababa na lang ako? Jusko! Tulungan niyo po ako, ayokong magkasala! Sobrang lapit na niya pero di ako makagalaw. Tinungkod na niya yung isang braso niya sa gilid ng kanang hita ko.

"Here. Are we close enough?" ang seductive pa ng pagkakasabi niya. Naibuka ko yung bibig ko pero wala akong nasabi ni isa. Napalunok na lang ako at pumikit. Pero agad akong namula nung pagdilat ko ay nakangisi siya sabay suot sa akin seatbelt.

"You have a really dirty mind, Elliss." sabi niya bago inistart ang kotse at umalis na. Ano ba tong puso ko! Ambilis ng tibok! Napahawak na lang ako sa dibdib ko at pinakiramdaman eto. Bat ganun, ang ganda ng pagkakasabi niya ng pangalang ko. Na parang isang maganda himig mula sa isang versatile na instrumento.

Nilingon ko siya habang iniisip parin ang nangyari. Ang weird, ngayon lang kami nagkasama ng ganito pero feeling ko matagal na kaming magkakilala.