Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 8 - 7 - Inspiration?

Chapter 8 - 7 - Inspiration?

Chapter 7 

Chin's POV

6PM

"Nasan na ba 'yong babaitang 'yon, 'di nagre-reply," bulong ko.

Naka-dekwatro akong tipa nang tipa ng text para kay Ellie girl. Isang oras na nong iniwanan ko siya sa school, until now wala pa rin dito. Malapit na kaya mag-start 'yong laro. Gosh. Gano ba katagal kumain ng barbecue? Sinusulit pa ata ang time niya with Yohan ko este namin.

Napa-nganga ako nang biglang may humablot ng phone ko. Si Rukawa the babaero.

"Sinong ka-text mo? Si Ellie? Psh. Pwede namang hingin mo ang number ko para may pogi kang textmate."

Hinila ko ang buhok niya dahilan para mapa-mura siya. "Aw! Shet!"

"Buti nga," kako. Masyado kasing gwapong gwapo, nakaka-imbyerna. Bakit di nila i-take si Yohan as an example? Tahimik lang, pero matalino, sobrang talented, at charming. Di katulad ng lalaking 'to at ng mga tropa niya. Oo, ang gagwapo nila. Pero kabaliktaran sila ni Yohan.

Hinablot ko pabalik ang cellphone ko. Gosh. Ang dali pa namang makalas-kalas nito. Limang taon ko na ata cellphone to eh. Yeah, 2005 to binigay ni Nanang. In-examine ko ang buong cellphone at napa-hiyaw ako nang bongga nang mapansing wala 'yong chain na BIGBANG.

"Ahhhhhhhhhhh! Hanapin mo 'yong chain! Pag di mo nahanap, sasabunutan kita!" Galit na galit na bulyaw ko kay Rukawa habang pinanlalakihan ng mata.

Nakita ko ang pag-galaw ng adam's apple niya dahil sa pagkaka-lunok niya. "E-easy lang, Chin. Bat ako? Wala naman nang chain 'yan nong kinuha ko."

"Weh?"

"Oo nga!" napapa-ngusong apela niya.

Ibig sabihin kanina ko pa nahulog. Gusto kong sabunutan sarili ko. Gosh! Limited edition pa naman yong keychain na yon.

Napansin kong nakayuko si Rukawa. Parang may hinahanap sa ilalim ng bleachers na inuupuan namin.

"Okay lang. Wag mo nang hanapin," kako.

"Hanap? Anong hanap? Nag-sisintas ako. Mag-uumpisa na game eh."

Ay bwisit. Pahiya ako ron ah.

"Sino palang panonoorin mo rito? Ako?" Hirit na naman ni Rukawa Lim with matching kindat pa. Napangiwi ako at sinabunutan ulit siya.

"Aw! Sadista ka! Inggit ka sa shiny hair ko?!"

Gusto ko na lang umalis dahil sa kahanginan ng lalaking 'to. "Ang assuming mo talaga Ruki! Hindi ako nandito para panoorin ka, okay? Sasamahan ko lang sana si Ellie girl manood sa inyo. Pero ang tagal tagal niya. Hindi na ata darating. So, might as well, makauwi na. Bye!" Tumayo na ako at akmang aalis pero hinila ako paupo ni Rukawa ulit. Gosh. Ang sakit sa pwet.

"Ruki? Ulitin mo nga 'yon. . ." naka-ngising aso niyang sabi.

Anong meron sa Ruki? Gusto ko lang siyang tawagin nang mas maiksi sa pangalan niyang pang-Hapon.

"Nasan si Ellie?" Buti dumating bigla si Dion, naka-jersey na rin.

Nakita kong mahinang sinipa siya sa sapatos ni Ruki. "Istorbo naman 'to."

Tinignan lang siya ni Dion na parang mangangain ng buhay kaya sabi niya, "Joke lang, boss."

Bumaling ulit si Dion sa akin kaya sinagot ko ang tanong nya, sinabi kong susunod si Ellie dahil na sa barbecue-han pa kasama ang teammates. At sabi ko, mukhang imposible na atang makarating. Biglang tumamlay si Dion. Mukhang nawalan ng mood. Napa-upo at tahimik na sumandal sa bleachers. Natulala.

Muntik akong matawa. Hitsura niya kasi parang naluge. Malakas talaga ang pakiramdam ko na may gusto siya kay Ellie girl. Malakas ang instincts ko pagdating sa mga ganitong bagay. Kasi isa pa, never may kinausap, pinakialaman, kinaibigan o kahit ano pa na babae itong si Dion since Freshmen year namin. Si Ellie girl lang. Na isa pang transferee. Pero syempre hindi ko sasabihin yon kay Ellie girl dahil alam ko naman yon, may pagka-assuming talaga at napaka-inosente. Mamaya di pala totoo instinct ko tapos umasa siya. Kaya hindi ko sasabihin. Bahala siyang maramdaman malaki na siya. Wahaha!

"Itetext ko ulit," paga-announce ko sa kanila at halos matawa na naman ako sa hitsura ni Dion. Mukhang na-recharge kasi. Naganahan bigla.

"Sige!" sabi niya tapos umayos sa pagkaka-upo.

Nagkatinginan kami ni Ruki, na mukhang aware din sa pagtingin ng kaibigan nya sa kaibigan ko.

To: Ellie Gurl

Gurl asan ka na ba? Magsisimula na yong game!

Naka-harap sa akin si Dion at Rukawa na animong inaabangan ang reply ni Ellie. Ilang minute kaming nag-hintay pero walang reply. Kaya tinawagan ko na lang, ni-loudspeaker ko para marinig naming lahat. Sumagot naman agad sa kabilang linya.

"Hello? Girl!"

Hindi siya sumasagot. Pero naririnig namin parang may kumakanta. Fire ng 2NE1. At boses ni Ellie yong kumakanta. Gosh para siyang nagwawala sa kwarto. Ang sakit sa tenga!

[Eh, eh, eh, eh, eh, eh, eh-eh, 2NE1!!!!

Eh, eh, eh, eh, eh, eh, eh-eh, you better ring the alarm!!!

Eh, eh, eh, eh, eh, eh, eh-eh, we're 2NE1!!!!!

Eh, eh, eh, eh, eh, eh, hey, hey, hey, hey heeeeey!!!!]

Nagkatinginan kaming tatlo at mayamaya, halos mamilipit na kami sa kakatawa dahil sa boses ni Ellie. Mukhang sumasayaw pa sa kama ang gaga dahil may naririnig kaming pag-hampas ng unan at pag-yugyog ng kama. Mayamaya, namatay na yong tawag. Malamang naapak-apakan nya lang yong phone kaya nya nasagot. Sa sobrang hagalpak, pinaghahampas ko si Ruki. Pero ang nagpa-tigil sa akin sa pag-hagalpak at pag-hampas eh si Dion.

Oh my gosh. Para na siyang hihikain kakatawa. Halos wala na rin siyang mata. Labas pa gilagid! Sobrang saya niya. Gosh. Ganon siya katuwang tuwa kay Ellie girl? Wala na. Confirmed na talaga.

Nakaramdam atang pinagtitinginan na siya ng mga nasa paligid niya. Pati mga ka-team niya parang nagulat sa pagtawa niya ng puro. Na mukhang once in a blue moon na pangyayari.

Nang kumalma na ang lahat, sabi ko, "Mukhang nakauwi na si Ellie girl. Uuwi na rin siguro ako."

Pero sabi ni Dion, "Sandale. Pwedeng pa-text? Wala kasi akong load."

Sus, hindi ba niya kayang maglaro na wala si Ellie girl?

Inabot ko na lang sa kaniya ang cellphone ko.

Mga limang minuto rin siyang tipa ng tipa. Ang nakapagtataka, ngingit ngiti siya habang tumitipa. Inlove na inlove boy? 

Hanggang sa binalik niya sa akin yong phone, tatawa tawa siyang bumaba sa bleachers.

Si Ruki naman, wala paring humpay. . . "Aalis ka na talaga, Chin? Sure ka ayaw mo kong panoorin mag-laro? Sabagay, baka ma-inlove ka kasi kaya okay na rin siguro h'wag ka na lang manood."

"Breezy boy," bulong ko bago ko siya tinalikuran. Kumindat pa sa akin ang baliw bago ako makaalis sa court ng tuluyan.

Habang nag-aabang ng tricycle pauwi, muntik malaglag ang panga ko sa daming tinext ni Dion kay Ellie. At yong mga text niya, gosh!

To: Ellie Gurl

Girl! Nasan ka ka na?! Si Dion, may nangyareng masama!!!!

Nabalian ng buto!!!

Nakipag-suntukan!!!

Nalamog ang mukha!!!

Nadislocate ang tuhod!!!!

Nablackeyean!!!!

Nawalan ng malay!!!!

Pumunta ka na rito dali!!!!

Pag di ka raw pumunta lalala sitwasyon nya!!!!

--

Ellie's POV

Sinikap kong maka-takas alas-eleven na ng gabi para lang mapuntahan si Dion. Grabe, mukhang ang lala ng nangyare sa kaniya base sa mga text ni Chin! Kinakabahan ako sobra! Yong pagkabog ng dibdib ko parang 10x sa normal. Hindi ko na sinabi muna kay Lola Fe dahil ayaw kong mag-alala siya. Tinawagan ko si Chin pero hindi sumasagot. Wala naman akong number nina Rukawa at Jester. Ang number ni Dion ang tinawagan ko at sumagot naman agad. Nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin okay na siya dahil naka-sagot sya ng tawag.

"Hello, Didi! Okay ka na ba? Ngayon ko lang nabasa mga texts ni Chin sorryyyy! Nasan ka ngayon? Pupunta ako! Tumakas ako sa bahay!" Walang hinga hinga kong sabi habang nag-aabang ng tricycle dito sa waiting shed. Buti at marami pang dumadaaang mga tao at may ilaw naman na kukurap kurap dito sa waiting shed.

"Tumakas?!" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya. Jusko bakit mukhang ang dami naman niyang energy?

"Oo! Ano bang nangyare ha? Bakit nabugbog ka, nadislocate ang tuhod, nalamog mukha, at na-blackeye-an? At nasan ka ngang ospital ngayon para makapunta ako? Nag-aabang na ako ng tricycle!"

Nakarinig ako nang hagikgik niya sa kabilang linya. "Ospital? Pfft. Dyan ka lang. May susundo sayo." Tapos namatay na yong tawag.

Ipapasundo nya ba 'ko kina Jester? Siguro.

Pero nagulat ako sa dumating. Hindi si Jester, o si Rukawa, o kung sino mang tropa niya. Kundi siya! Naka-jacket na itim at pajamang stripes. Mukhang patulog na. Di ba nasa ospital siya nagpapagaling? Bakit mukhang wala naman siyang galos ni isa? Wala namang blackeye? Anong nangyari?

Bumaba siya sa motor at humakbang papunta sa akin. Hakbang na hindi kababakasan ng pagka-dislocate ng tuhod tulad ng inaasahan ko. "Hello."

"Anong hello? Akala ko ba may masamang nangyare sa 'yo?"

Ang ilaw sa waiting shed lang ang nagsisilbing liwanag, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kinuha ko ang kamay niya at tinaas ang sleeves ng jacket. Wala. Wala kahit isang pasa o gasgas man lang. Ibig sabihin, pinag-trip-an niya lang ako. At kinuntsaba pa si Chin. Kainis.

Binigyan ko siya ng "now you're dead" look pero ang isinukli niya lang sa akin. . .

"Ahh! Dion Aleksandr!" Kinurot niya ang pisngi ko. Na kulang na lang mabalatan ang mukha ko. Kainis talaga 'to kahit kailan.

Sa sobrang pagka-dismaya ko sa panloloko niya, malakas kong hinawi ang kamay niya, pinulot ang suot kong tsinelas (na yung pambahay ko pa palang slippers dahil sa pagmamadali), at pinaghahampas sa kaniya. Hinarang na naman niya yong mga malaki niyang mga kamay at mahahaba niyang braso. Tapos tawa siya nang tawa. Pagkatapos ng mga tatlong palo, tinigilan ko na siya dahil feeling ko nag-eenjoy na ang loko. Akala niya ata nang-haharot lang ako. Sinuot ko ulit yong tsinelas ko at tahimik na naglakad palayo sa kaniya.

"Hoy sandale!" Narinig ko ang pag-andar ng motor niya, hindi ko siya nilingon pero alam kong sumusunod siya. "Paluin mo pa 'ko, sige na."

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Baliw siya. Totoo.

"Sige na. . ."

Yang tataa?

"Hala! May naririnig ako pero wala naman akong kasama! May multo ata dito! Scary!" Niyakap ko ang sarili ko kunware.

Narinig kong tumawa siya. Mas binilisan ko ang paglalakad. Mas binilisan naman din niya ang pag-andar. Sinasabayan niya ang bilis ko.

"Bakit hindi ka pumunta kanina?"

Hindi ko siya pinapansin. Sige lang ako sa paglalakad. Buti na lang malapit na 'ko sa bahay.

"Huy. . ."

Lakad pa rin.

"Natalo tuloy kami."

At kasalanan ko? Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil mas lalo akong nainis sa kanya.

Pero sa sumunod niyang sinabi, parang may sariling utak ang paa ko na huminto. Pati na rin ang pag-hinga ko.

"Wala kase 'yong inspiration ko. . ."

I-inspiration? Ano bang sinasabi niya? At bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

Dahil biglaan akong huminto, nakalagpas siya sa akin. Nilingon niya ako, hindi umiimik. Tinignan ko rin siya sa mata, hindi ko alam kung anong hitsura ko ngayon dahil hindi ko rin maintidihan ang nararamdaman ko pero hindi ko rin siya inimik. Walang nag-matapang na basagin ang katahimikan. Ten seconds na tungangaan hanggang sa nakarinig kami ng ingay. Boses ng mga tao.

Boses nina Lolo at Lola 'yon, ah!

"Nasan ba nag-punta ang batang 'yon?!" Boses ni Lola.

Bago pa ako maka-react, nakita na kami nina Lolo at Lola. At pati na rin si Lola Fe! Na mukhang nakabuo na ng mga assumptions sa mga utak nila dahil sa eksena namin ni Dion as of the moment.

Nag-explain kaming dalawa ni Dion sa bahay at sinabing hindi kami "palihim na nagtagpo" katulad ng iniisip ng dalawang Lola. Si Lolo naman, ang weird na naman dahil mukhang hindi naman siya galit. Nakita ko pa siyang kumindat kay Didi.

Gustuhin ko mang kalimutan ang sinabi ni Dion kagabi, hindi ko yon magawa dahil mas pinalalim pa ni Chin ang naiisip ko. Tinanong ko sa kaniya kinabukasan kung anong meaning kapag sinabing "inspiration" ka ng isang tao. At ang sabi ni Chin, "Girl, ano pa nga ba? Slow much? Ibig sabihin. . . Gusto ka niya. Ikaw ang bumubuo sa araw niya. Ikaw ang dahilan kung bakit niya nagagawa 'yong mga hindi niya nagagawa. Ganon."

Whaaaaht? Gusto ako ni Dion?

Syempre hindi. In-erase ko agad 'yon sa kokote ko dahil alam kong imposible talaga 'yon. Promise.

Mabuti na lang dumating na naman ang training after class dahil pansamantalang nawala sa isip ko 'yong mga weird thoughts na 'yon.

"Yo, natanggap ba 'yong ni-refer mong taga-Class A?"

Saktong nakalabas ako ng rest room dahil nag-bihis ako ng swimwear nang makita ko si Yohan at iba naming teammates na na sa labas din ng boy's rest room. Mukhang katatapos lang din mag-palit.

Naka-topless silang lahat pero si Yohan talaga ang nagi-stand out.

"Ah, oo. Ayan pala, si Ellie." Tinignan niya 'ko

Omygahd. Napansin na nya po 'ko!

Nginitian ko sila. "Hello po. . ."

"Ohh, so ikaw pala 'yong babaeng lagi niyang nababanggit."

Gusto ko nang mahimatay. Gusto kong maghihihiyaw sa kilig. Si Yohan, binabanggit ako palagi sa mga kaibigan niya? Totoo? Omygaaaahd.

--

Surprise update itetch, himala. :D