Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 11 - 10 - Bayanihan

Chapter 11 - 10 - Bayanihan

Chapter 10

January 2021 – Ellie's Wedding Day

"Di naka-dalo si Doktora, ah." Sabi ni Rukawa.

Chineck ni Ellie ang phone nya. "Hahabol daw siya. . . Alas-nine pa lang naman, eh."

"Pfft."

Nagtawanan kami sa pangunguna nong asawa nya. Ito naman kasing si Ellie, 27 na lahat lahat, hindi pa rin alam ang tagalog ng mga oras. Lalo syang tinawanan ng asawa nya nang tinapunan sya ng masamang tingin nito.

"Alas-nwebe kasi 'yon, mahal."

Humalukipkip si Ellie. "Pagtatalunan na naman ba natin 'to?"

Napalunok 'yong asawa nya. "H-hindi na nga, boss. Alas-NINE nga 'yon kako."

Nag-hagikgikan kami. Ang laki talaga ng pagbabago nya nong naging sila ni Ellie.

"Pre, wala bang misa bukas?" pag-iiba ni Rukawa ng usapan. Kausap nya ang isa naming kaibigan. Yong kaibigan naming naging Pari. Sya lang ang hindi umiinom sa amin ngayon. Hindi naman sa hindi pwede, hindi lang talaga sya umiinom noon pa.

"Meron. Aalis na 'ko pagka-alas onse."

Nag-tanguan kami. Hindi naman namin miss ang isa't isa dahil madalas din naman kami magkita-kita maski may kanya kanya nang trabaho at prayoridad sa buhay. 'Yong iba, talagang busy na sa buhay. 'Yong iba, pamilyado na rin. Itong kasal ni Ellie, malaking bagay sa amin dahil dito kami nakumpleto ulit. 'Yong isa na lang ang wala pa.

"Guys!"

"Doktora! Late ka na!"

Speaking of. Nandyan na sya.

"May duty, eh. Be, Ellie! Congratulations!" Lumapit sya kay Ellie at nakipag-yakapan at beso.

"Thank you be! Kumain ka na ba?"

Habang kumakain si Chanel, tuloy pa rin 'yong kwentuhan dito sa table.

Hanggang sa naka-alala na naman silang mang-tukso. Sabi ni Chin, "Cha, 'di mo ba papansinin 'yong isa dyan? Kanina ka pa hinihintay. Gosh, 'di umiimik."

Natahimik ako.

Tumingin sya sa 'kin sabay, "Hi. . ."

Ngumiti sya. At 'yong mga ngiti nya. Putek, para akong bumalik sa high school.

August 2010

Ellie's POV

Doble doble ang tumatakbo sa isip ko ngayong araw. Bukod sa nakita kong love letter sa bag ni Dion kagabi, may natanggap pa akong isang letter sa Yahoo Mail ko kagabi rin. Halos hindi ako maka-tulog.

Posible kayang si Boy XX 'yong anonymous email na 'yon? Hindi pa rin nya ako titigilan? Nagpapa-audition na naman kaya ngayon para sa Nara Klara. Ano pang habol nya sa akin? Naalala ko 'yong sinabi sa email. Isang sentence lang, pero kinabahan na talaga ako.

Nasaan ka na, Erika?

Si Boy XX kaya talaga 'yon? Napa-sapo ako sa noo ko. Napa-tukod ang siko sa desk ng upuan ko. Dumagdag pa kasi 'yon, eh. Imbis na inaasar ko ngayon si Didi dahil sa love letter na nakita ko sa bag nya, namo-mroblema pa tuloy ako.

"Huy."

Hindi naman siguro ako mata-track ni Boy XX no?

"Huy!"

Tama. Ide-deactivate ko na lang Yahoo Mail ko para sure.

"Huy, anong iniisip mo?"

Saka umaaksyon naman na sina Daddy para mahanap sya, eh. Tama. Sabi rin ni kuya, malapit na sya mahanap. Hindi ako dapat mag-panic.

"Ellie Magnayon. Would you mind solving this problem?"

Okay, kumalma ka lang, Ellie. Ang dapat mo lang gawin ay i-keep ang identity mo rito sa Baguio.

"Ellie?"

"Ay, Ellie!" Napa-sigaw ako nang makitang may figure na naka-tayo sa harap ko. Pag-angat ko ng tingin, si Sir Salas pala, 'yong gwapo naming teacher. Omaygahd. Kanina pa ba 'ko naka-tulala? Nagtawanan 'yong mga classmates ko.

"Po, sir?"

May inabot si Sir Salas sa akin, chalk. Tapos tinuro nya 'yong board. Hala, ano 'yon? Di ako nakinig!

Nauna nang bumalik si Sir sa may harap samantalang ako, dahan dahan na tumayo. Kinakalabit ko si Chin na nasa harap ko. Pero para syang estatwa na hindi man lang ako pinansin. Tumingin din ako kay Einstein, katabi ko sa kanan na ngayon ay kumakain na naman ng ni-rolyong papel, para mang-hingi ng tulong. Tumigil sya sa pag-ngatngat don sa papel. Akala ko sasabihin na nya yong sagot pero pumunit lang sya ng papel tapos nirolyo din at inabot sa akin. Jusko, anong aasahan ko sa weird Einstein na 'to. Hays.

Nong wala na akong malanghap na sagot, lumunok muna ako bago humakbang. Pero sa una kong hakbang, may narinig akong bulong mula sa likod ko. . .

"I less than three u d. Yon yong sagot."

Si Dion 'yon. Wow, may kakaunting empathy din pala sya. Yey. Confident na akong nag-lakad sa board at sinulat don ang. . .

I<3UD

Pinagpag ko ang kamay ko confidently at binalik kay Sir Salas 'yong chalk. Pero ang pinagtataka ko, bakit nag-bubungisngisan 'yong mga classmates ko?

"So sino ang ina-I heart you mo, Ms. Magnayon? Sino si D?"

What? Anong sinasabi ni sir?

"Yieeeeeeeeeeeeeee!"

"Ayieeeeeeeeeeeeee!"

Hala hala hala. Bakit kinikilig sila? Anong meron?

Habang pabalik sa upuan ko, si Chin bigla akong kiniliti. Sabay ayiee ng ayiee.

"D? As in Dion? Omygosh! Ackkkk! Ikaw ahhhhh! Kala ko ba si Yohan lang? D palaaaa."

Hala, ang weird talaga nila. Nakaka-kilig ba 'yong answer ko? At Dion? Anong D as in Dion? Tinignan ko ulit 'yong board.

I<3UD

I. . . <3 as in heart. . . U. . . D.

I LOVE YOU D?!

Nag-uusok ang ilong at nag-iinit ang pisnging sinipat ko si Dion. Na saktong yumuko sa desk nya pagka-harap ko. Argh.

Naupo ako sa upuan ko, hiyang hiya. Baka kasi iba pa isipin ng mga classmates ko. Jusko naman. Ano bang trip nito ni Dion? Ang lakas talaga ng tama nya, grabe. Nililito nya 'ko.

Kumalma na ang lahat pero bumanat na naman si Sir Salas, "Kaya pala kanina ka pa tulala, Ms. Magnayon. Inlove pala kay Valdez."

What the heck?!

"Sir, hindi po! Hindi po ganon sir!" Apela ko.

"Eh ano 'to? Saan mo nakuha 'yong sagot mo? I'm sure 'yan ang na sa isip mo kanina pa kaya ayan ang naisulat mo."

"Ayieeeeeeeeeee!"

Ayaw ko na. Gusto ko na lang magpa-lamon sa lupa. Kaso walang lupa rito. Ang saklap.

Gusto ko mang sabihin na si Dion ang nagsabi nong sagot sa akin, edi sasabihin naman nila cheater ako. O kaya, mas lalo silang manukso. Sabihin naman, si Dion ang may gusto sa akin. Na napaka-imposible naman dahil nga alam ko na kung sino ang gusto nya. Argh. Kainis.

Buti naman uso ang "time heals" dahil after ilang days, medyo humuhupa na rin ang panunukso nila sa amin ni Dion. Tinanong ko na rin si Dion about doon sa love letter.

Nagka-sabay kasi kaming nag-lakad pauwi kanina dahil wala syang motor, pinapaayos daw nya. Tapos ako naman, hirap na hirap na rin mag-bike dahil sa taas baba nga ng kalsada rito sa Baguio kaya napag-desisyunan kong mag-lakad na lang pag papasok at uuwi. Habang naglalakad, may kinuha sya sa bag nya na tubig tapos nahagip ng mata ko na nandon pa rin 'yong love letter, "Love letter mo 'yan kay Chanel no? Bakit hindi mo pa binibigay? Ahh, oo nga pala. Sinabi ko pala sayo na may something sila ni Yohan."

Pinanood ko 'yong reaksyon niya. Nakakatawa dahil natigilan sya sa paglalakad tapos nanlaki 'yong mata. Nagulat ata dahil hindi nya alam na nabasa ko 'yon nong nasa rooftop kami ng clubhouse.

"L-love letter? Anong love letter?"

Lumapit ako at hinablot 'yong pink na stationery sa bag nya saka pinakita sa kanya. Pero agad nya ring inagaw 'yon sa 'kin.

"Nabasa mo 'to?!"

Tumango ako.

"Kailan?!"

"Wag ka ngang sumigaw."

Binuklat nya 'yong stationery, pinasadahan, tapos tinupi ulit.

Natawa ako. "Sa 'yo 'yan diba? To Chanel nakalagay eh. Kaya pala trip na trip mo si Chanel, ah. Nagpapa-pansin ka lang pala. Pero ang harsh mo namang magpa-pansin sa crush mo. Batuhan talaga ng kamatis? At kailangan lagyan ng DEMONYITA AKO note sa likod? Matu-turn off sya sayo, hindi siya maiinlove."

Kumulubot ang noo nya. Ano, magpapanggap pa ba sya sa kin? Magpapalusot? Eh, hindi ako maniniwala sa kanya. Obvious na kaya.

Bago pa sya mag-palusot, inunahan ko na sya. "Okay lang 'yan. Parehas tayong heartbroken. 'Yong mga crush natin, crush nila ang isa't isa. Yehey. Ang saya." Sabi ko in a bored tone tapos tinapik tapik 'yong likod nya. Kinailangan ko pang tumingkayad para gawin 'yon dahil ang tangkad nya.

Nagpatuloy na ko sa paglalakad pero nagtaka ako dahil hindi pa rin sya sumusunod. Paglingon ko, naka-tulala sya sa 'kin. "Halika na!" tawag ko sa kanya.

Para akong kinilabutan nang mula sa kanyang infamous poker face at mapungay look, bigla siyang ngumisi. Jusko. Bakit feeling ko may naisip siyang evil plan?

Binalik nya 'yong love letter sa bag nya, sinukbit sa isang shoulder nya 'yong bag, tapos nag-lakad na papunta sa akin.

"Oo nga no. Hindi ko naisip 'yon," bungad nya sa akin.

"Ang alin?" Sabi ko, nagtataka na.

"Yong crush ko, at saka 'yong crush mo. . . Crush ang isa't isa."

Tumango tango ako.

Tapos humirit na naman sya. "Alam mo, kung hindi sila sa atin. . . Baka. . . tayo talaga." Pagsabi nya nong two last words, ang dramatic dahil tumingin siya sa akin sa mata.

What the heck?! Ano raw? Anong sinasabi nya?

"Ha?"

Gulong gulo na ang isip ko. Sobra na. Naghalo halo na ang lahat. Anong "baka tayo talaga"?Nababaliw na ba siya? Naka-langhap ba siya ng katol?

"Baka tayo talaga. . ."

Napalunok ako. Tapos ang lapit lapit pa niya sa akin. Hindi na ako maka-hinga. Grabe. Ang naamoy ko lang eh 'yong pabango nyang Aficionado.

"T-tayo? Anong t-tayo?" I stuttered. Pinilit kong ngumiti, pero mukhang ngiwi ang kinalabasan dahil sa kaba at awkwardness na nararamdaman ko.

"Baka tayo talaga. . . Ang gagawa ng paraan para mapa-satin sila."

Another what the heck?! ang pumasok sa isip ko. Parang may feeling din ng disappointment. Hiyang hiya ako sa sarili ko. 

Sana talaga lamunin na lang ako ng lupa pero again, wala na namang lupa sa tinatayuan namin. Baka pwedeng magpa-tangay na lang sa malakas na hangin? Please. 

Gusto kong sabunutan sarili ko. Ano ka ba, Ellie? Ano 'yong mga pinag-iisip mo kanina? Nabubuang ka na talaga. Totoo.

Nag-inhale exhale ako at pinilit kalmahin ang sarili. "Ahhhhh, okay. Tama! Tama ka!"

Wait, ano nga ulit 'yong sinabi niya? Kami raw ang gagawa ng paraan para? Para mapa-samin 'yong mga crush namin?!

Anong ibig niyang sabi—

"Payag ka? Sige. Pag-uwi, mag-isip na tayo ng paraan." 

"Waiiiiit! What do you mean?"

Ngumisi siya. "Sabihin na nating, BAYANIHAN 'to."

Ibig nyang sabihin, gagawi kami ng ways para mapag-hiwalay sina Yohan at Chanel? Di ba mali 'yon?

Parang nabasa nya ang iniisip ko dahil sabi nya, "Tingin ko hindi pa naman sila, eh. Kaya 'wag mong isiping may aagawan tayo."

Eh, kahit na. May gusto sila sa isa't isa eh. Tapos sisirain namin. Mali talaga.

"Sorry, pero hindi ako ganon ka-desperate para lang sa crush ko, okay? Ikaw na lang, 'wag mo 'kong i-damay sa trip mo." Tapos naglakad na.

Pero natigilan na naman ako nang banggitin ni Dion ang isang word.

"Pictures. . ."

Argh. Wala na. Wala na talaga. Kapag ginawa nyang panakot sa akin 'yong mga pictures ko, wala akong magagawa. Ang identity ko ang nasa top priority ko kaya kaya kong lunukin ang lahat para lang walang makaalam na ako si Erika. Lalo na ngayong nagbabadya na naman si Boy XX.  Naalala ko na naman 'yong email kagabi. Kailangan mag-doble ingat talaga ako. Kaya kahit labag sa loob ko, ang nasabi ko na lang ay. . . 

"Fine!"

It's gonna be a long hell of a school year. Parte ba 'to ng tinatawag nilang high school life? Kung ganito pala ang high school life, sana hindi ko na lang pinangarap makapag-aral sa normal na school. Haaaays.