Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 12 - 11 - Slambook

Chapter 12 - 11 - Slambook

Chapter 11

Pagka-uwi galing sa school, may nakita akong note sa study table ko.

Bunso,

Makinig sa payo ni dad. Wag matigas ang ulo. Wag magbo-boyfriend at mag-iingat palagi. Love ka ni kuya maski nagasgasan mo ang skate board kong limited edition. >:) Uuwi na 'ko. Don't hesitate to beep me once you're in trouble.

At gano'n gano'n lang, umalis na si Kuya. Wala man lang naiambag sa istoryang ito kundi asarin ako at para magkaroon ng skate board dito na naging dahilan ng pagka-dausdos ko sa kalsada. Pero na-touch ako. Hindi kasi kami sweet ni kuya katulad ng nakikita ng iba sa mga magazines na magkasama kami. Pero kung mayroong taong pinaka-pinagkakatiwalaan ko, 'yon ay si kuya.

Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos ng araw na 'yon. Hindi pa rin kami nakakapag-come up ni Dion ng plan sa "Bayanihan" namin dahil ilang araw din syang hindi pumasok. Tinanong ko si Lola Fe, sabi nagka-sakit daw. Naambunan nong isang araw.

Nag-punta ako ngayon dito sa may tiyangge-an. Wala kasi kaming pasok dahil National Heroes Day. Wala naman akong particular na gagawin dito. Gusto ko lang mag-libot by myself at mamili ng mga magugustuhan ko.

Pumasok ako sa isang merch shop na sampu-sampu lang daw at nagtingin-tingin doon ng mga makaka-kuha ng interes ko. At meron nga. Posters ng mga sikat na banda pati mga Kpop.

Napunta ako sa part ng mga Hello Kitty merch. Nong may nakita akong Slambook, hindi ako nag-dalawang isip kunin 'yon.

"Magkano po?" Tanong ko sa cashier at nilabas ang Hello Kitty purse ko.

Medyo matagal nag-isip 'yung cashier hanggang sabi nya "200 'yan."

Nagulat ako pero hindi ko naman pinahalata. Akala ko ba sampu-sampu lang?

Eh, sabagay, mukhang maganda kasi 'yung papel nong slambook kaya kumuha na lang ako ng 500 sa wallet ko at inabot don sa babaeng kahera.

"Ay, 250 pala ito ading. Imported kasi."

Mas lalo akong nagulantang. Pero 'di nagtagal, naisip kong baka good quality nga talaga kasi imported kaya tumango na lang ako.

Nong binabalot na nong cashier sa plastic yong binili ko, napakurap-kurap ako dahil may umagaw sa kahera nong slambook. Napa-dilat ako nang makita kung sino. Binuksan niya 'yung plastic na balot tapos nilabas 'yung slambook. May tinignan siyang kung ano roon na hindi ko alam sabay pinakita sa kahera.

"Made in China at may price tag na otsenta lang. Galingan mo na lang manloko sa susunod." Sabi ni Dion sa kahera.

"Alam mo, aanga-anga ka talaga," sabi nya pagka-labas namin. "May pricetag na nga, nagpaloko ka pa."

"Sorry naman po, hindi kasi ako sanay mamili sa mga ganito. Saka ang liit naman kasi nong price tag. Parang ayaw talagang ipakita!"

Mahina syang natawa saka umiling.

"Anyways, sagot ka rito!" Inangat ko 'yong slambook.

Tinignan ko sya. Doon ko lang napansin na parang lumaki ang eyebags niya. Siguro dahil sa pagkaka-sakit nya?

"Ako na lang 'yung last."

"Na?""

"Na magsa-sagot d'yan."

Ahhhh, sa slambook.

"Bakit naman?"

"Syempre, save the best for last."

Daming alam. Pero medyo natutuwa na ako kay Dion. Hindi ko na nababalitaang may pinagti-trip-an sya o kaya nakikipag-basag-ulo sa kanto. Good. Baka nga tama si Lola Fe, isang kaibigan lang na katulad ko ang kailangan nya. Pero. . . wala pa naman akong matandaan na nagawa ko. Hindi ko rin naman sya napipigilan. Hindi na rin malala mga inuutos nya sa akin. Well, maliban na lang pala roon sa "Bayanihan" for the crush namin na labag sa loob ko.

Naglakad lang kami hanggang sa makarating sa may mga benches. Sabi nya kasi, pag-usapan na namin ang plano naming. Syempre hindi ako pwedeng tumanggi.

"So ano na, may naisip ka na ba?" pangunguna ko.

"Na?"

"Plan."

"Anong plan?"

Jusko naman. Paligoy-ligoy pa, eh.

Nong hindi ko na sya sinagot, sabi na nya. . . "Ah! Oo. Alam ko na."

Umayos ako ng upo. "What?"

Ngumuso sya. Sa hawak kong slambook?

"Slambook? Anong connect?"

Sumandal sya sa bench at prenteng dumekwatro. "Yan ang susi natin sa kanila."

"Ha?" Di ko ma-gets, eh.

"Slow naman neto."

"Ano nga?"

"Mag-fill up ka dyan tas ipakita mo sa 'kin para malaman ko 'yong mga gusto mo!"

Mas lalo akong naguluhan. B-bakit gugustuhin nyang malaman ang mga gusto ko? Bago pa man ako mag-tanong, dumugtong na sya, "I-ibig kong sabihin, ipa-fill mo 'yan kina Chanel at Arcega. Para malaman natin mga gusto nila."

"Ahhhhh, ocakes." Naka-awang ang labi na tatango-tango ako. "Ang brilliant mo, Didi my friend!"

Nakipag-apir ako sa kanya pero tinulalaan nya lang 'yong kamay ko. Ibababa ko na sana pero umapir sya bigla. Pero hindi don nagtapos. Pagka-apir nya, hindi nya tinanggal yong kamay nya. Naka-lapat pa rin yong mga palad namin. Sobrang laki ng palad nya kumpara sa akin.

Narinig ko siyang bumulong, "Bagay. . ."

Nahuli ko syang naka-ngiti sa kamay naming magka-apir. Ano bang iniisip nya?

Yong moment ng katahimikan na mga five seconds, biglang nabasag nong tumunog ang phone nya. May tumatawag.

"Hello, la? Bakit po? Ahh. Sige po. Dadaan ako. Ngayon na po, La? Sige po."

Binilinan daw sya ni Lola Fe na bumili ng gasul dahil naubusan daw sa bahay namin at hindi maka-luto. Edi naglakad na kami pabalik. Malapit lang kasi sa merch shop na pinag-bilhan ko 'yong bilihan ng gas.

Habang naglalakad, nag-iisip na kami ng plans para sa 'OPERATION: BAYANIHAN PARA KAY CRUSH'.

"Ano, may naisip ka nang iba?" tanong niya.

"Hmm, isa lang naman ang naiisip ko, eh."

Napa-hinto siya. "Ano?"

"Give Chanel what you can give, treat her right."

"Ha? Bat ko naman gagawin 'yon don?!"

Napa-nganga ako. "Seryoso ka ba?"

"Uhh," napaiwas sya ng tingin. "Ibig kong sabihin. . . bakit kailangan ko gawin yon? Ang gastos at ang baduy naman ata non."

Napa-buntong hininga ako. "Hindi 'yon baduy ano ka ba! At di yon magastos. Maski maliliit na bagay, basta sincere, 'yon ang magugustuhan ng girls. Hwag ka ngang brusko. Tingin mo mafo-fall sya sayo pag pinagti-trip-an nyo siya? Sinasaktan mo lang ang feelings nya, eh. Makinig ka sa akin. Babae rin ako kaya mapapayuhan kita plus friend ko pa si Chanel. Swerte ka dahil meron kang AKO!" Tinuro ko ang sarili ko.

Nahuli ko syang napa-ngiti.

"Ganon ba? Kung ikaw si Chanel, ma-gugustuhan mo ba 'ko kapag ginawa ko 'yon?"

Medyo na-ilang ako sa tanong nya pero pinilit kong sumagot ng normal, "Hmm. . . Siguro. Depende pa rin."

Napa-ngisi siya sa kawalan tapos sinabing, "Sige. 'Yon gagawin ko."

"Good."

Nong mag-Monday, training na naman namin. Ginawa ko na 'yong unang plano namin ni Dion. Inuna kong sabihan si Chanel na mag-fill doon sa slambook ko. Akala ko mahihirapan akong i-approach si Yohan pero dahil sa mga teammates ko na nagsi-sagot din sa slambook pagkatapos ni Chanel, sila na rin namilit kay Yohan na mag-fill doon sa slambook. Yes!

Naeenjoy ko na ata 'tong bayanihan namin ni Dion. Napapalapit kasi ako kay Yohan.

Nong mag-uwian, si Yohan ang nag-balik sa akin nong slambook dahil siya ang huling sumagot. Sobrang kilig ko!

Kinabukasan, pinakita ko 'yong mga sagot ni Chanel kay Dion.

Nilapit ko 'yong chair ko sa kanya. "Oh, ang favorite daw nyang kulay… green. Ang favorite nyang food, pinakbet." Mahina lang ang pag-sabi ko dahil baka may makarinig s amin. Baka marinig din kami ni Chanel.

"La kong pake."

Nagulat ako sa sinabi ni Dion. "Anong wala kang pake?"

"Ha? Uhh. . . Sabi ko akin na 'yan. Ako na lang magbabasa." Sabi nya tapos inagaw sa akin 'yong slambook. "Ayusin mo na 'yong upuan mo! Nandyan na si Miss Kriza."

Wala akong nagawa kundi hayaan na lang sya. Pero kinikilig talaga ako dahil naalala ko na naman 'yong mga sagot ni Yohan sa slambook.

Name: Yohan Ejercito Arcega

Birthday: Sep. 15, 1994

Address: Brgy. ***, Baguio City

Phone #: --

Malapit na pala ang birthday niya.

At ang mga favorites naman niya…

Singer/Band: Hillsong Worship

Food: Sisig

Book: The Da Vinci Code

Subject: All

Movies: Disney/Disney Pixar movies

Ang hindi ko lang maintindihan, paano kaya makaka-tulong 'tong slambook na 'to para mapag-layo sina Chanel at Yohan? Alangan namang ilibre ko sya ng sundot-kulangot araw araw tapos magugustuhan na nya 'ko tapos hindi na nya gusto si Chanel? Ano kaya kung magparinig ako ng isang linya sa The Da Vinci Code para kunware may parehas kaming favorites? Paano ba?

"Ano 'yan? Slambook?" tanong ni Chin nang makita nya ang hawak ni Dion.

Si Dion, hindi sya pinapansin. Parang naglilist down pa sya ng mga hilig ni Chanel. In fairness, nagiging ma-effort na sya. At least ngayon, mayron na syang bagong paglilibangan imbis na pangti-trip at pagbu-bulakbol. Si Chanel lang ata ang sagot sa problem ani Lola Fe, eh.

Mayamaya, tumayo si Chanel at kinuha 'yong slambook kay Didi. Hindi naman nag-reklamo si Didi dahil mukhang tapos na rin sya sa pagte-take note.

Naka-taas ang isang kilay na pinaglilipat ni Chin ang mga page sa slambook. Mayamaya nanlaki 'yong mata nya.

Sabi ko, "Mag-fill up ka na pala dyan, Chin. Nakalimutan ko!"

Mukhang bagot na binaba nya yong slambook tapo naka-busangot sya sa 'kin. Nagtaka ako kaya tinanong ko bakit. Ang sabi nya, "Ako nakalimutan, bakit lahat sila meron? At bakit mayron si Chanel dyan? 'Di ba sabi ko 'wag mo syang kaiibiganin!" gigil na sigaw nya tapos inirapan ako at padabog na lumabas sa classroom.

Hindi ako nakapag-salita sa reaksyon nya. Napatingin din sa akin lahat ng classmates ko. Including Chanel.

Galit sa akin si Chin? Bakit?

Okay, tanggap ko 'yong dahilan nya na nakalimutan ko sya tapos mga teammates ko at mga hindi ko gaanong ka-close nauna pa. Pero ang hindi ko ma-gets, bakit sya nagagalit na pina-fill up ko si Chin? At di ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw nyang kaibiganin ko si Chanel. Ano bang problema?

Tumingin ako kay Dion. Pinilig nya yong ulo nya, sumesenyas na sundan ko si Chin. Dahil desperate na rin akong malaman kung bakit ayaw na ayaw nyang lapitan o kaibiganin ko si Chanel, sinundan ko na sya. Naabutan ko sya CR ng floor namin. Naghihilamos.

"Chin. . ."

Lumapit ako sa kanya nong nagpupunas na sya ng mukha pero nag-step back rin sya ng isang beses.

"Sorry kasi nakalimutan kong unahin ka."

"Ok."

Napa-yuko ako. Mukhang galit talaga sya. Yong pagsabi nya ng ok, ang sarcastic.

"Chin, bakit ba ayaw mo kay Chanel? Mabait naman sya, eh. Nakakasama ko na sya parati."

Napa-awang ang labi ni Chin na tumingin sa akin. Parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ewan ko ba sa 'yo, hindi ka nakikinig," sabi nya tapos nilagpasan ako.

Hindi ako nagpatalo at hinabol sya. Kinawit ko ang kamay ko sa braso nya pero agad nya yong hinawi.

"I-explain mo kasi sa akin. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit, eh!" medyo tumaas na ang boses ko.

Feeling ko kasi, nagiging childish si Chin pagdating sa bagay na 'to. Kung may dahilan sa, bakit hindi nya sabihin sa akin?

"Pag sinabi ko kasing wag kang lalapit sa kanya, 'wag kang lalapit! Ano bang mahirap don, ha?" tumaas na rin ang boses nya, pero naka-talikod sya sa akin. Nakita kong naka-kuyom ang kamao nya.

Hindi ako pinansin ni si Chin sa buong araw na 'yon. Wala akong ganang umuwi agad dahil feeling ko responsibilidad kong suyuin si Chin at pakiramdam ko magmu-mukmok lang ako sa bahay kung uuwi na 'ko. Hindi ko naman alam ang gagawin. First time kong magkaroon ng kaibigan. Kaibigang nagtatampo pa. Tapos ang hirap pa nyang basahin. Argh.

Buti na lang, nag-aya sina Jester na mag-foodtrip sa may kabilang kanto dahil may masarap na fishball-an daw doon. Walang anu-ano akong sumama kaya takang taka sila. Sinabi ko na lang, wala kasi akong training.

Binalaan ko sila, "Wag kayong makikipag-away dito, ah."

Wala lang. Baka sakaling makinig sila.

Tumambay kami sa may fishball-an. Nong matapos akong kumain, kinuha ko 'yong slambook ko sa bag. Nagtaka ako sa first page, kung saan nag-fill up ako na owner, mayron kasing mga sulat sulat ng blue ballpen sa gilid gilid. Lahat naman ng nag-sulat dito, black ballpen.

"Ano 'yan, slambook?" tumabi sa akin si Jester.

Tinanguan ko sya. "Gusto mo rin mag-sign?"

"Pang-Elem naman 'yan, eh. Pero sige." Tapos kinuha nya yong slambook, naupo sa gutter at pinatong sa backpack nyang nasa tuhod para makapag-sulat.

"Ter! Tamo may chix oh!"

Ayan na naman si Rukawa. Sobrang hilig sa babae.

"Paki ko naman?" sabi ni Jester.

"Psh. Para ka namang bur*t. Tignan mo na kasi."

Nagtaka ako dahil may narinig akong bagong word.

"Ano 'yon?" tanong ko kay Jester na katabi ko.

"Di mo alam 'yon?" tatawa-tawang tanong ni Jes. Tumingin sya kay Rukawa tapos nag-hagikgikan sila.

Mas lalo akong na-curious. "Ano ba 'yon?"

"Gusto mong malaman?" ngingisi-ngising tanong ni Jester.

"Gusto mong mamatay?"

Napatingin kaming dalawa kay Dion. Nakatingin sya na parang mang-aaway kay Jester.

"B-boss?"

"Pag may nag-sabi sa inyo kung ano 'yon, patay kayo sa 'kin."

Whaaaat? Anong problema nya this time? Dumagdag pa 'yong word na 'yon sa poproblemahin ko ngayong araw. Mai-google na nga lang mamaya.

--

January 2021 - Ellie's Wedding Night

"Taena pre. Para ka namang bur*t, eh!" sigaw ni Rukawa nang pahiran sya ng kulangot ni Jester.

"Ano ba kasi 'yong bur*t?" frustrated na tanong ni Ellie nang mapag-tantong sampung taon na mula nang marinig ang salitang yon kay Rukawa pero hanggang ngayon, nakakalimutan pa rin nyang i-google dahil may pumipigil sa kanya parati.

Napapa-lunok namang napa-tingin ang dalawang nagpapaluan sa boss nila. Alam kasi nilang lagot sila rito. Iparinig na sa lahat ang mga bastos na salita, wag lang sa harap ni Ellie. Alam na nila ang patakarang 'yon.

Para namang leon na sinipat ni Dion ang mga mata nya sa dalawang kaibigan. Sa isang tingin pa lang, parang nakamamatay na. Napalunok tuloy sina Jester at Rukawa.

"Pasensya na, pareng Ellie. Forbidden info. Itanong mo na lang sa asawa mo para walang problema. . ."

Tumingin sila sa asawa ni Ellie at nag-peace sign.