Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 14 - 13 - Why Is My Friend Ignoring Me?

Chapter 14 - 13 - Why Is My Friend Ignoring Me?

CHAPTER 13

Nag-google ako nong isang araw ng "Why my friend is ignoring me?" para hanapan ng sagot ang hindi pag-pansin sa akin ni Chin. Pero mukhang hindi ko kay Chin magagamit yong na-research ko. Inilista ko sa papel ang na-search kong mga possible reasons kung bakit hindi ako pinapansin ni Dion ngayon. . .

1.) Pwedeng may nasabi o nagawa akong ikina-disappoint niya

- Na tingin ko hindi. wala naman akong matandaan na nasabi at nagawa ko sa kanya. Hindi ako gumagawa o nagsasabi ng ikakagalit niya. Takot ko lang na isiwalat niya ang identity ko.

2.) May nahanap na siyang bagong kaibigan kaya hindi ka na niya kailangan

- Negative. May mga kaibigan naman na talaga siya. And you see, hindi friendly si Dion.

3.) Busy lang

- At saan naman siya magpapaka-busy?! Okay, tumutulong siya kay Lola Fe, pero anong connect? Nandito kami sa school at wala naman siyang pinagkaka-abalahan dito sa school kundi matulog.

4.) Sinusubukan lang niya ang friendship niyo

- Eh tinuturing na ba niya 'kong "kaibigan" talaga para gawin 'to?

5.) May naninira sa inyo

- Sa drama lang nangyayari 'to. At balita ko, hindi ma-drama ang mga boys.

6.) Mayroon na siyang dini-date kaya nawalan na siya ng time para pansinin ka

- Date?! Ano kami, adults? At saka paanong magde-date sila ni Chanel eh hindi pa nga sila nagkaka-sama.

7.) If none of the above, maybe he/she has already fall in love with you

- No.

Nakaka-baliw. Na-figure out ko na kung ano yong sa amin ni Chin—number one. Pero isa na namang kaibigan ang dumagdag sa problema ko. Mas mataas ang level of difficulty para malaman kung anong dahilan niya. Ang nakakainis, wala sa listahan ng mga rason ang pwede niyang maging dahilan.

Naka-simangot akong napa-tingin kay Dion na ngayon ay naka-salpak ang earphones at nakikinig sa mp3 player niya. Nangangati akong mag-kwento sa kanya ng mga moments namin ni Yohan kagabi pero paano ko 'yon magagawa, ibubuka ko pa lang ang bunganga ko para kausapin siya, bigla na lang siyang yuyuko, o kaya iuusog ang upuan niya palayo sa akin, o kaya naman tatayo tapos magc-CR bigla.

"Didi, alam mo ba—"

"Anong page, Sir?" bigla siyang nag-taas ng kamay para mag-tanong kay Sir Salas (pero alam kong para 'yon iwasan ako.)

Parang hindi makapaniwala si Sir Salas at ang mga classmates namin. Hindi dahil for the first time in forever nagkaroon ng pake si Dion sa page ng book namin. Kasi ang totoo niyan. . .

Wala kaming book.

Pinakuha kasi ni Sir Salas yon kahapon para i-check yong seatwork namin.

"Pwede kang matulog kung inaantok ka Mr. Valdez," Sir Salas retorted na ikinatawa ng lahat. Including me.

Pagtapos ng Math subject namin na 'yon, nahiya na ata siya. Pagkalabas kasi ni Sir Salas sa room, ang bigat ng mga hakbang niyang lumabas din dito sa classroom at bitbit pa ang bag niya. Hala hala hala! Ngayon ko lang naisip, baka mag-cutting na naman pala 'yon. Argh. Hindi na naman matutuwa si Lola Fe nito.

Dali dali akong pumunta sa classroom ng Class E para tanungin kina Rukawa at Jester kung nasaan si Dion pero mukhang hindi ko na kailangang mag-tanong dahil nakita ko na sya agad. Nakiki-sit in sya rito sa Class E. Pero hindi rin naman sya nakikinig. Nahuli ko sya sa may corner ng room na parang may tinatahi. Tinanggal ko ang Hello Kitty glasses ko para matanaw ko sya ng malinaw.

Whaaaat?! Nagga-gantsilyo siya? At hindi lang sya. Tinutulungan din sya nina Rukawa at Jester.

What's happening in this country? Isip isip ko. Gusto ko silang tawanan. Ang mga pa-gangster na lalaking mga 'yon, nag-gagantsilyo? Pero wait. . . Wala namang pinapa-project sa amin na pagtatahi, ah?

Hindi kaya nag-gagantsilyo sya para kay Chanel? Kaya siya nagtatago rito sa Class E para hindi makita ni Chanel? Oo, possible. Kulay green saka pink kasi yong thread na nasusulyapan ko. Tapos base sa slambook ko, green ang favorite color ni Chanel. Grabe si Dion. Imbis na mambulakbol at mantrip, nandito sya ngayon ng mga tropa nya, behave na nag-gagantsilyo para sa isang babae?!

Tama nga ang hinala ko. Si Chanel ang kailangan ni Dion. Hindi ako.

Hindi.

Ako.

Nong lunch namin, hindi ko alam kung bakit down ako. Siguro dahil di ko kasama si Chin. Namimiss ko na yong kakulitan nya at pang-yuyugyog nya sa akin. Sana naman within this week, magkaayos na kami. Tapos dumagdag pa 'tong si Dion na wala akong kaide-ideya sa pagiging mailap niya.

Habang bumibili ng Lemon Square Cheesecake sa isang stall dito sa canteen, nagulat ako nang may dumikit sa akin maski ang luwag luwag naman. Tinignan ko kung sino at halos mapa-tili ako nang si Yohan pala. Ngumiti siya sa akin tapos may nginuso sya sa gilid ko. Edi tinignan ko. May hawak syang Shawarma. Saan sya naka-bili non? Lumabas ba sya?

"Saan ka bumili nyan?" bulong ko. "—one cup of rice nga po." Sabi ko naman sa tindera para hindi kami mahalata. Baka may makakita at makarinig kasi sa aming Yohanatics at ma-issue pa kami.

"Doesn't matter. Para sa 'yo to," sabi naman niya, hindi bulong. Parang hindi sya takot na may makarinig sa kanya.

"Talaga?" halos bulong kong tanong habang inaabot ang kanin na binibigay ng tindera.

"Yup. I heard it's your favorite." Ngumiti siya sabay kinuha ang kamay ko at nilagay doon ang Shawarma.

Omaygahd. Para akong hihimatayin sa mga oras na ito. Si Yohan?! Binigyan ako ng favorite kong pagkain?! Omygahd talaga.

Pero kung gusto kong mahimatay ngayon, mas gusto akong "patayin" sa tingin ng mga babae rito sa canteen. At may isa ring lalaki. Si Dion na marahas na ngumunguya ng pagkain niya. Para niya akong kakainin ng buhay sa mga tingin nya ngayon.  Bakit? Bakit ganon sya maka-tingin? Nililito na naman nya 'ko.

Bago pa ako sabunutan ng mga Yohanatics, at bago pa ako mabaliw kaiisip kay Dion, nag-thank you na 'ko kay Yohan, umalis sa canteen, at umakyat na sa room. Pagkarating ko sa pintuan, nagulat ako dahil nakaupo si Chin sa upuan ko. Nakahalukipkip siya at parang may inaabangan.

Nilibot ko ang tingin sa room at nakatingin sina Valerie sa akin habang iniirapan ako at nagbubulungan. Don't tell me. . . nakarating na agad dito ang balita?

Bumalik ang tingin ko kay Chin. Aawayin nya ba ko? Nabalitaan nya ba yong pagbigay ni Yohan sa akin ng shawarma?

Nanlalata akong naglakad palapit sa kaniya. "Ch-chin, gusto mo ba?"

Tama. Ibibigay ko na lang sa kanya yong shawarma para hindi na sya magalit pa sa akin lalo. Makakaya ko pa na ang pinag-aawayan namin eh ang slambook at si Chanel. Pero di ko na kakayanin kung lalaki na ang pag-aawayan namin. Hindi ko hahayaan na humatong sa ganon kaya inabot ko sa kanya yong shawarma at sinabing, "Ayaw ko kasi neto, eh. Sayo na lang, Chin."

Pagkasabi ko non, nagkasabay sabay na ang mga pangyayari.

Si Chin na tumayo at hinarap ako. At si Dion na dumating at parang hingal na hingal na tumakbo mula sa canteen paakyat rito.

"Akin na nga 'yan!" sabay nilang sigaw.

Whaaaat?

Lumingon ako kay Dion na naghahabol pa ng hininga at naka-hawak sa tagiliran. Tinignan ko naman si Chin na naka-pameywang at naka-taas ang isang kilay.

Hala. Kanino ko ibibigay 'to? Pag binigay ko kay Chin, baka magalit si Dion at ma-trigger bigla na ipaglalagay yong mga pictures ko sa bulletin board. Pag kay Dion ko naman binigay, si Chin naman ang magagalit lalo. Baka maging friendship over na talaga kami dahil may pinili akong iba over her. Argh. Ang hirap naman!

Hmm, alam ko na. Difficult problems require easy solutions. Hatiin ang shawarma.

Mabilis kong hinati sa dalawa ang shawarma at binigay sa kanila.

"Oh, ayan na. Pansinin niyo na 'ko ha?" Sabi ko sa kanila.

Natahimik ang lahat. Yong dalawa, tinitigan muna yong shawarma na binigay ko sa kanila.

Mukhang tama naman ang desisyon ko dahil si Dion, biglang napailing habang natatawa tapos sinubo na niya ng buo 'yong shawarma. Habang ngumunguya siya, ginulo niya ang buhok ko. Ibig sabihin okay na kami?

Si Chin naman, nagulat ako nang bigla niya akong yakapin habang tatalon talon siya. Ganon ba siya ka-happy sa shawarma?

"Hindi ka na galit?" usisa ko.

Kumawala sa pagkaka-yakap si Chin tapos humawak sa magkabilang balikat ko. Kinabahan ako sa mga tingin niya. Ang serious ng mata niya. Pero yong kabang 'yon ay biglang nag-laho nang yugyugin ni Chin ang balikat ko. Hala hala hala. Na-miss ko 'to. Na-miss ko ang pag'yugyog ni Chin sa balikat ko.

"Naaapakan ko na 'yong hair mo, girl! Ackkkk!" nagtaka ako nang umarte siyang parang may natatapakan.

"Maiksi pa naman buhok ko, ah?"

Hinampas niya ako sa balikat tapos hinila palabas ng room. Nakarating kami sa dulo ng corridor.

"Ikaw girl ahhhhhh. Grabe, binigay 'to ni Yohan natin sa 'yo? Goooosh!" Kumagat siya sa shawarma.

Mas lalo akong nag-taka. "Hindi ka ba magagalit sa akin? Hindi mo ba ako sasabunutan para maka-kuha ng buhok ko tapos ipapa-kulam ako mamaya?"

Napa-awang ang labi ni Chin at napa-irap na parang nandiri sa sinabi ko tapos humagikgik siya. "Girl, over acting ah?! Kailan ba tayo nag-away pagdating kay Yohan NATIN? Ikaw ah. . . hindi lang tayo nagpapansinan ng ilang araw, naka-score ko na kay Yohan natin? Taraaay!"

Natawa ako. Ito lang pala ang magpapa-ayos sa amin ni Chin?

"Ahh, mali iniisip mo Chin. Hindi ganon! Pero ewan ko rin, eh. Nagulat din ako sa bilis ng mga pangyayari. Nagsabay lang kaming umuwi kagabi. Tapos kanina, nilapitan niya ako at inabot 'yang shawarma. Ay ewan!"

Tinaas ni Chin ang palad niya. "Sandaleee! Sandaleee! Nagkasabay kayong umuwi? KAGABI? Ackkkkkk! Pano? Bakit? Tell it!"

In-explain ko kay Chin ang nangyari kagabi. Kung paanong nagkasabay kami ni Yohan sa pag-uwi at nang marinig niya ang sinabi kong "Si Chanel nagsabi na malapit Barangay namin ni Yohan", biglang nag-iba ang timpla niya.

Kaya bago pa humantong sa pagtatampo niya, inunahan ko na siya. . . "Hindi ko siya maiwasan Chin dahil magka-team kami. At saka paano ko siya iiwasan when in the first place, hindi ko alam kung bakit?"

Napa-sandal siya sa balustrade at humugot ng hininga. "Okay. Sasabihin ko na sayo. Pero, wag mong ipagsasabi sa iba. Okay?"

I nodded.

"Kasi. . . Magkaibigan kami rati. Bestfriends. At kilala ko siya. So maniwala ka sa akin 'pag sinabi kong 'wag mo siyang lalapitan."

"Eh bakit nga? Kung bestfriend mo siya, di ba dapat kasama natin siya ngayon?"

Napa-hawak sa magkabilang panga si Chin na parang na-stress lalo. Nagpakawala din siya ng hininga at dahil nalalapit na ang ber months, may makapal na hamog siyang naibuga.

"Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa 'yo, girl. Wag ka nang makulit please. Ang sakit mo sa bangs gosh!"

Ano kaya 'yon? Mas lalo akong nacurious. Ang hirap namang bigla na lang ako magiging mailap kay Chanel nang hindi ko alam ang dahilan. Kung ayaw talagang sabihin ni Chin sa akin, siguro aalamin ko na lang by myself. Hindi na lang ako magpapahuli kay Chin.

"Okay, okay! Ita-try ko. Pero hindi ko naman pwedeng hindi siya maka-usap or maka-interact dahil magka-team kami. Natural na dapat mayron kaming unity and cooperation."

Mukhang na-kuntento naman na si Chin sa sinabi ko dahil swinitch na niya yong topic to Yohan. Good.

"May possibility na may gusto siya sayo girl. Malakas ang instinct ko pagdating sa mga ganito. Kaya dapat, i-secure mo na 'yong spot mo." Naka-kawit sa akin si Chin habang naglalakad kami sa corridor.

Mataimtim naman akong nakikinig sa kaniya. "But how?"

"Good question. Di ba malapit na ang birthday ni Yohan natin?"

Hala oo nga! Muntik ko nang makalimutan 'yon, ah. In less than a week, birthday na niya.

"Reregaluhan ko siya?"

Bumitaw si Chin sa akin. "Tumpak!" sumigaw siya. "Pero dapat galing sa puso. At yong pinag-hirapan mo talaga."

Ahhh, pinag-hirapan. Tama. Effort. Dapat pinag-effort-an ko. Ano kaya?

Saktong napadaan kami sa room ng Class E at natanaw ko ulit si Dion na nag-gagantsilyo roon sa sulok. Parang may bumbilyang lumitaw sa taas ng ulo ko.

"Yon!"

Napaigtad si Chin. "Kagulat ka naman, girl. Ano? Alin? Saan?"

I grinned. "Ber months na. Kailangan ni Yohan ng pampainit!"

"Haaa?!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Chin. Napa-takip naman siya ng bunganga dahil napatingin sa amin 'yong mga taga-Class E. Hinila niya ako pababa ng hagdan.

"Pampainit? Ano ka ba girl?! Malandutay ka! Sixteen pa lang tayo ayon na nasa kokote mo? Gosh! Ano ka ba?"

Anong pinagsasabi ni Chin? Malandutay ako? Sixteen pa lang kami? Hindi ba pwede mag-regalo ang sixteen years old sa crush niya ng isang. . .

To be continued. :)

--

A/N

Ano kayang pampainit ang ireregalo ni Ellie sa crush niya?

--

January 2021 - Ellie's Wedding Night

Someone's POV

Napagdesisyunan ni Ellie na buksan na yong mga regalo namin sa kanya para daw makapag-react siya sa harap namin at kung may damit daw, at hindi magkasya sa kaniya o maluwag, mababalik niya sa amin.

"Ano kayang regalo sa akin ng bestfriend kong si Chin?"

Pinapanood namin siya sa pag-bukas ng isang maliit na paper bag na may label na Fr. Your Pretty Bestie.

"Matutuwa ka dyan, girl. Pampainit."

"What?!" React ni Ellie.

Nag-tawanan kami.

"Bakit? Pampainit 'yan. Kailangan niyo 'yan bilang mag-asawa."

"Chin!"

Natawa na naman kami sa reaksyon ni Ellie. Bumagsak ang balikat niya at parang nag-dadalawang isip na buksan yong regalo ni Chin. Namumula rin siya.

"Open it girl! Ano bang iniisip mo?" Natatawang tanong ni Chin.

"Iniisip ko? Bakit mo kami bibigyan ng pampainit e nasa Maynila tayo. Ang init init na rito!"

"Eh basta, buksan mo na kasi!"

Binigyan muna siya ni Ellie ng humanda ka sa 'kin pag ano 'to look bago buksan yong paper bag. Pagbukas niya, napangiti si Ellie.

"Oh kitams? Nagustuhan mo ba? Pampainit. Pampainit ng puso. Yiee."

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag