Chereads / Ellie's Endgame / Chapter 15 - 14 - The Gift

Chapter 15 - 14 - The Gift

CHAPTER 14

January 2021 – Ellie's Wedding Night

"Ang sweet naman ng bestie ko," sabi ni Ellie habang naka-tingin sa picture frame na regalo ni Chin sa kaniya. Picture nilang magkakaibigan na pito. "Grabe, ang nene at totoy natin dito."

"Tingin nga," pabor ni Dion.

Inabot naman ni Ellie ang picture frame.

"Parang kailan lang," bulong ni Dion.

Nag-flip hair si Chin. "Ngayong may asawa ka na, girl, reminder 'yan sa yo ng kabataan mo. Wag mo kaming kakalimutan, beshie ha?"

Ellie hissed. "Baliw ka! Bakit ko kayo kakalimutan?"

"Oo nga naman! Ikaw talaga babe!" angil ng nobyo ni Chin.

Natawa ang lahat. Mga tawang totoo.

"Friends forever!" sigaw ni Jester.

--

ELLIE'S POV

September 2010

Magugustuhan kaya ni Yohan 'to? Oo naman.

Eh paano ko ibibigay sa kaniya? Paano kung tanungin niya kung bakit ko siya binibigyan ng bonnet?

Heh, bahala na nga. Kung ma-reject man, ano naman? Hindi naman naka-depende ang buhay ko sa kaniya. Crush ko lang siya at hindi naman ako umaasa na maging boyfriend siya, eh. Tama. Hindi naman talaga ako pwedeng mag-boyfriend kaya ayos lang magkaroon ng one-sided feelings.

Pagka-baba namin ni Dion sa motor, binuksan niya yong compartment nong motor niya. Pero bigla niya yong sinara.

"Bat di ka pa mag-lakad? Mauna ka na."

Bakit niya ako pinapaalis? "Hihintayin na kita."

Pumalatak siya. "Mauna ka nga sabe!"

Nagtaka ako. "Bakit ba? May pupuntahan ka pa ba? Magcu-cutting ka? Di ka papasok? Psh. Seriously, di ka ba naaawa kay Lola Fe? Dapat nag-aaral kang maigi, eh!"

"Tsk," mukhang naiirita na siya. "Hindi ako magcu-cutting. Papasok ako."

Hindi pa rin ako gumalaw kaya mapa-hugot siya ng hininga tapos binuksan yong compartment niya at may kinuhang paper bag doon.

"Ano yan? Pang-gantsilyo mo?"

Natigilan siya.

"Wag ka nang mag-deny. Nakita kitang nag-gagantsilyo sa room ng Class E. Para kay Chanel yan no? Yeeesss." Tinusok ko ang tagiliran niya. "Tama yan. Na-gets mo na yong sinabi kong give her what you can give."

Nanlukot ang mukha niya. "Hindi to para kay Chanel. Tss!" he retorted at bigla na lang nag-lakad ng mabilis. Problema non? In-denial pa.

"Didiiiiii! Wait! Patingin nga ako!" hinabol ko siya at inagaw yong paperbag sa kaniya pero mahigpit ang hawak niya roon tapos hinihila rin niya sa akin.

"Ayaw." Sabi niya tapos hinila yong paper bag.

Hala. Nakakainis naman. Bakit ayaw niyang ipakita sa akin?

Pagka-vacant time, nakita ko siya ulit sa room ng Class E, nag-gagantsilyo. Wala 'yong mga Class E, PE ata nila ngayon kaya. . . pumasok ako nang hindi niya napapansin. Naka-harap kasi siya sa may kabilang bintana. Nong mga nasa isang metro na lang ako at sisilipin ko na sana yong ginagawa niya, bigla niya yong isinuksok sa loob ng uniform niya tapos matalas akong nilingon. Naramdaman niya ko?

"Anong ginagawa mo rito?"

"Titignan ko lang yong ginagantsilyo mo para kay Chanel para makita ko kung papasa sa kaniya," pagdadahilan ko.

Mukhang nainis siya sa sinabi ko. "Tss, wag ka ngang lumapit sa akin!" he hissed at nag-martsa palabas ng room. Naiwan ako rito sa kwarto.

Naiinis na talaga ako. Bakit ba ayaw niyang i-share sa akin yong ginagawa niya para kay Chanel? Di ba tulungan kami? Di kaya, may nangyari na sa kanila na hindi ko alam? O baka naman sila na tapos hindi lang niya sinasabi sa akin?

Hmm, kahit ano man don, masama pa rin ang loob ko. Kainis. Parang sinasabi na niyang "hindi na kita kailangan, masaya na ako kay chanel. chupi!"

Pwes, hindi ko na rin ishe-share sa 'yo mga ginagawa ko para kay Yohan. Ganon pala ang gusto mo ha, Dion Aleksandr Valdez? Ganyan ka pala, ah? Okay.

Hindi na ko nag-tangka na silipin yong ginagawa ni Dion. Balak ko siyang gantihan kaya kinabukasan, nilapag ko ang paper bag na naglalaman ng knitting materials sa gilid ng desk ko. Gagawa na 'ko ng bonnet na ireregalo ko kay Yohan mamayang vacant time. Nagpa-turo ako kay Lola at magpapatulong din ako kay Chin mamaya. Buti na lang hindi kami magka-klase ni Yohan at makaka-gawa ako nang hindi niya nakikita. At saka ano namang paki ni Yohan sa mga ginagawa ko?

"Ano 'yan? Ba't may dala kang ganyan?" Napa-lingon ako sa naka-tayo sa harap ko. Si Dion na kararating lang din.

Tinakpan ko yong paper bag. "None of your business."

"Ge," he retorted at naupo na sa chair niya. Sinadya kong ilayo sa kaniya yong paper bag at nilagay sa kanan ko para maramdaman niya yong nararamdaman kong pagtatago niya sa akin. Tinignan ko siya pero mukhang hindi naman siya nainis. Nakangiti pa siya!

Eh basta.

Lintik lang ang walang ganti.

Nong mag-vacant, sinimulan ko na mag-tahi pero nasa loob lang ng bag ko para hindi niya makita. Kulay grey ang sinulid na binili ko dahil grey ang favorite color ni Yohan base sa slambook niya.

"Oy Ellie. May tip ako kung paano ka aamin sa crush mo," nilapit niya ang upuan niya sa akin para ibulong yon pero sinara ko yong bag ko agad. Kala niya hindi ko napapansin, pasimple kaya siyang tumitingin sa ginagawa ko! Kanina pa siya. Kunware dadaan siya sa harap ko pero ang totoo, sinisilip niya 'yong tinatahi ko.

"Ano?" Tinigil ko na ang pagni-knit. At nilagay sa likod ko yong bag ko.

"Oo na. Hindi ko na rin titignan."

"Good. So ano 'yong tip mo?"

Natatawa siyang napa-tingala sa kisame. "Sa December—" hindi pa niya natapos ang sinasabi niya, natawa na naman siya at napa-hampas pa sa desk niya. "Sa December thirty-one mo—pfft!" tapos tawa na naman.

"What the heck? Ayusin mo nga. Anong December thirty one?"

Kinalma niya ang sarili niya. "Sa December thirty one, twelve AM ka umamin para pag na-busted ka, kasi alam kong mabu-busted ka talaga—" humalakhak muna ulit. "sabihin mo kay Arcega, 'okay lang, last year pa naman 'yon.'" Tawa siya nang tawa pagkasabi niya non.

Nakakatawa yon?

Nong mapansin niyang di ako natawa, huminto siya sa pagtawa. "Hindi mo na-gets no? Slow."

Tinulalaan ko lang siya. Bigla siyang tumayo at umalis. Baliw talaga siya. Totoo.

Hindi ko namalayang tatlong araw na ang lumipas dahil sobrang busy ako sa pag-tatahi ng bonnet ni Yohan.

"Yes. Tapos na! Tapos na Chin!" kinalabit ko si Chin.

"Talaga? Gosh, sakto. Ibigay mo na 'yan bukas, girl."

"Ehem."

Tumikhim si Dion kaya napatingin kami ni Chin.

Tinaas ni Dion ang dalawang kilay niya sa amin at tinakpan ang tainga niya. "Naririnig ko kayo oh?" sabi niya tapos biglang lumipat ng upuan sa may harap.

Talagang ayaw niya nang pakinggan ang binabalak ko para kay Yohan ah? Wala na talagang pakialamanan ha? Okay.

Kinabukasan, sabay ulit kaming pumasok ni Dion. Sobrang kinakabahan ako ngayong araw dahil birthday na ni Yohan at ibibigay ko na sa kaniya ang nagawa at pinag-hirap-an kong grey bonnet na may design na smily face.

Pagdating namin sa school, mauna na sana akong umakyat pero pinigilan ako ni Dion. "M-may ibibigay kasi ako sa 'yo." Pinaharap niya 'yong bag niya tapos binuksan 'yong zipper. Pinanood ko lang kung anong kukuhanin niya ron at nagtaka ako nong may nilabas siyang bonnet. Kulay pink tapos may design na isang flower tapos mayron pang strap na color mint green. Yung eksaktong green na nakita ko nong nag-gagantsilyo siya.

"Oh," sabi niya habang inaabot niya sa 'kin 'yong bonnet.

Natulala ako roon.

"Para sa 'kin?"

Tumango siya. Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. Hindi ko mapigilang mapa-ngiti ng sobra sobra. Gusto kong mag-wala sa loob loob. All this time, akala ko tinatago niya sa akin dahil para kay Chanel pero para hindi ko pala makita dahil para sa akin?

Nong naka-ngiti pa rin akong naka-tunganga roon sa bonnet na hawak niya, naramdaman ko na lang na siya na ang nag-suot sa akin non. Tapos tinali niya rin. Akala ko isasakal niya sa akin 'yon pero maayos naman niyang nilagay.

"Ber months na, doble na yong lamig. Kailangan mo 'yan."

Napa-hawak ako sa dibdib ko. Nagtataka na ako dahil sobrang lakas ng kabog niya. Ang ingay nong tibok. Nabibingi na 'ko. Ano 'to? Bakit niya ko binigyan ng bonnet? Anong ibig sabihin nito? May gusto ba siya sa akin? Heh. Ano yong naisip ko? Imposible yon dahil si Chanel ang gusto niya. Ano ka ba, Ellie?

At bakit ganyan ang epekto niya sayo? Eh si Yohan ang crush mo. Si Yohan ang na sa isip mo. Si Yohan.

"Ayaw mo ba? K-kay Chanel dapat 'yan eh pero nahaluan ko ng pink, tapos parang ang pangit, kaya sa 'yo na lang. K-kung ayaw mo, okay lang," Pagka-sabi niya non, straight-face niya 'kong nilagpasan.

Para akong dinurog, inapak-apakan, at ginulungan ng bulldozer sa sinabi niya.

Ano pa nga ba, Ellie? Asa ka pang sasadyain ka niyang gawan? Hays. Masyado kang nago-overthink.

Pero ang weird niya ha. Sabi niya ang pangit. Ang ganda kaya ng pagkaka-tahi niya tapos parang hindi naman niya nahaluan ng pink. Puro pink naman to, eh. Parang 'yong green lang ang nahalo. Nililito talaga nya ako. Nakaka-confuse siya.

Pag-dating sa classroom, iniwan ko na sa labas ang mga naramdaman ko kanina. Tama. Wala naman 'tong meaning.

"Thank you dito Didi, ha? Na-appreciate ko." Bungad ko sa kaniya.

"Ah sige," he retorted tapos parang may hinahanap siya sa upuan ko. "W-wala ka bang ibibigay?"

"Ha? Ibibigay?"

Tumingin siya sa bag ko. Nagtataka na ko. Anong ibibigay ko?

"Ahh! Oo nga. Ngayon ko na pala 'yon ibibigay."

Yong gift ko kay Yohan. Ngayon ko na nga ibibigay. Nag-ipon ako ng maraming lakas ng loob para maibigay to mamaya.

Umayos ng upo si Dion at tumikhim. "Nasaan na?" Binalandra niya sa akin ang palad niya.

"Hindi ko ipapakita sa 'yo. Ayaw mo ngang ipakita sa akin yong bonnet na ginagawa mo nong nakaraan, eh."

"Ha? Ayan na nga nasa ulo mo na oh!"

Napahawak ako sa ulo ko. "Ay oo nga pala. Okay. Ipapakita ko na."

Kinuha ko sa bag ko ang ginawa kong bonnet. "Tada!"

"Wow! Ang ganda giiiiirl! Ibibigay mo na sa kanya?"

Tumango ako kay Chin. Kinuha ni Chin sa akin tapos inamoy amoy niya.

"O-oy! Bakit kailangan mong amuyin?" angal ni Dion sa di ko alam na dahilan.

"Bakit?" BUmaling sa akin si Chin tapos pinatayo ako. "Tara na. Sasamahan kita!"

Napatayo rin si Dion. "San kayo pupunta? Akala ko ba ibibigay mo na Ellie?"

Tumango ako. "Oo nga. Pupunta na nga kami. Sama ka?"

Di naka-imik si Dion. Nanlaki yong mata tapos napa-takip sa bibig. Nakita ko ang paglunok niya. Umiwas siya ng tingin sa akin tapos naupo sa chair niya at dumukmo. Anong problema na naman nito?

"Inhale, exhale." Chin instructed na sinunod ko naman. "Okay. Let's go girl!"

Kinakabahan ako habang naglalakad kami ni Chin. "Okay lang bang maraming makakakita sa akin na ibibigay 'tong gift ko?"

Bigla namang may nilabas na maliit na kahon si Chin sa bulsa ng palda niya. "You're not alone," ngumiti si Chin tapos may tinuro din siya.

Hala hala hala. "Bakit ang haba ng pila sa room nila? May event ba?" usisa ko dahil nakakagulat ang haba ng queue dito sa room ng Class B. Abot hanggang sa hagdan pababa.

"Katulad mo, magbibigay din sila ng gifts for OUR Yohan."

Whaaaaat?!

Hindi ko maatim na kailangan kong pumila para lang maibigay ang regalo ko kay Yohan. Siguro ibibigay ko na lang pagka-training namin. Para mag-stand out din sa lahat kasi tingin ko, pag ngayon ko to binigay, mawawala lahat ng effort ko at baka hindi pa mapansin ni Yohan 'to. Sinabi ko yon kay Chin at parang na-convince din siya at sinabing ganon na lang din ang gagawin niya.

Pagbalik sa room, nasa kanya kanya ng group sa subject ni Ms. Kriza. Pag-uusapan ulit ang play na magaganap.

Pumunta kami ni Chin sa group namin. Bakit parang lugmok sila?

"May problema ba, girl?" usisa ni Chin sa isa naming ka-group.

"Si Dion kasiii, nag-quit bilang Peter Pan. Problemado si Melanie dahil nakagawa na ng script lahat lahat para sa Peter Pan. Eh siya lang naman nag-iisa nating lalaki."

Napatingin ako kay Dion. Anong nangyari? Bakit siya nag-quit?

Tinabihan ko siya. Tahimik lang siya at deretso ang tingin.

"Ano ka ba Didi? Anong problema? Bakit bigla kang nag-quit?" sermon ko.

"Wala akong gana."

"Bakit? May problema ba sa bahay? Umaasa kaming lahat sayo oh. Ikaw lang yong option namin."

Sarcastic siyang natawa. "Option? Yon lang naman pala ko, eh. Option."

Nagtaka ako. "Anong sinasabi mo? Syempre ikaw lang yong boys namin."

Hindi siya sumagot. Mukhang desidido na talaga siya.

"Uhh, Melanie. Paano na 'yan?" tanong ko sa leader namin na problemadong problemado. Naka-hawak siya sa noo niya at nakahalumbaba sa desk.

Humugot ng hininga si Melanie at umayos ng upo. "Dion, kailangan ka talaga namin. Hindi na pwedeng ibahin yong script dahil naka-rent na ng mga costumes at naka-gawa na ng ilang props. Ano bang pwede naming gawin para pumayag ka? Sabihin mo lang."

Blangko siyang tinignan ni Didi. Sinimangutan ko si Didi para maawa sa amin kahit papaano.

Tumingin sa akin si Dion.

"Sige. Papayag ako. Sa isang kondisyon."

Hala, may pa-kondisyon pa. Ang arte.

Nabuhayan ang iba at kinabahan naman ang iba naming groupmates.

Si Melanie ang nag-salita. "O-okay! Ano? Gagawin naming kapag kaya namin."

"Madali lang." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Intertwined! Nanlaki ang mata ng mga groupmates namin. Si Chin, tumaas ang isang kilay.

"Ano?"

"Gusto ko si Ellie ang Wendy ko."